Na-release na itong bagong vivo V60. Kapag nagre-release ang vivo ng ganitong lineup nila, sobrang excited ako. Kasi hindi ganon kamahal ang mga V series. Maganda yung camera, magandang battery performance, at maganda yung display. Ganun yung na-maintain nilang reputation. Titingnan natin kung mame-maintain iyan ng vivo sa bagong V60. Tingnan na rin natin mamaya kung malaki ba talaga yung improvement compared sa nagdaang V50.
Price

Nasa baba ang link para ma-check mo ang updated pricing.
Unboxing








Disclaimer lang, nagamit ko na ‘yung phone na ‘to. Binalik ko lang sa box para maipakita ulit ‘yung unboxing experience. Kasi nung dumating sa akin ‘to ay sobrang na-excite ako. Gustong-gusto ko na agad itong i-test at gamitin. Ganun pa rin naman, wala naman masyadong difference pagdating sa itsura ng box. May V60 co-engineered with ZEISS pa rin. Pag-open, yung phone agad yung makikita. Yung color na nandito ay yung Berry Purple. Sobrang ganda, grabe! Napakaelegante ng itsura. Nakakatuwa yung Vivo. Hindi sila takot na gawing colorway ito sa kanilang V series. Kapag ganitong mga shade ng color ay parang default na pambabae yan pero hindi eh. Pwede siyang panglalaki rin.
Sobrang ganda ng kulay. Matte rin yung likod at may vivo branding sa baba. May ZEISS logo sa may camera module. Sa loob ng box ay may case. ‘Yung case ay kakulay ng phone. Ang galing. ‘Yan ‘yung isa sa mga nakakasira sa itsura ng likod ng phone. Kapag hindi nagra-rhyme ‘yung itsura ng case sa likod ng phone. Itong case ay kakulay tapos matte din. Very good at thumbs up sa vivo. Meron din itong mga documentation, 90W charger na USB-A pa rin yung port, USB-A to USB-C cable, at SIM ejector pin.
Design


If ever na hindi niyo gusto yung ganitong kulay ng vivo V60. Meron pa itong dalawang kulay. Summer Blue at Mist Gray. Pero kung ako lang, Summer Blue yung paborito ko sa kulay ngayon ng bagong V series. According to vivo, meron itong IP68, IP69 na ingress protection. Pwede ito sa matinding pressure ng tubig. O kaya ay mailubog for up to 1.5m for 120 minutes ay pwede. Kung gusto niyo itong isama sa swimming pool ay okay lang. Hindi ko nire-recommend na isama ito sa dagat. Kahit may IP rating ang inyong mga phone, huwag itong isama sa pagsu-swimming. Yng mga ganiyang IP rating ay for emergency cases lang. Kung malubog sa tubig ay hindi tayo mag-aalala na mapapasukan agad itong V60.
Ang medyo nakakalungkot, wala itong eSIM support. Sa V40 o V50, ma-accept pa natin na walang eSIM yung mga yon. Sana vivo ay last na ‘to. Yung V70 ay sana may eSIM support na. Dalawang nano SIM ang pwedeng ilagay. Hindi ito expandable. Mas maganda kung yung 512GB ‘yung piliing variant kung kaya natin. Para mas matagal nating magamit yung phone. At hindi agad-agad mapuno yung storage. Nakakatuwa na itong vivo V60 ay dual speakers na. Meron sa baba na main. Katabi niyan ‘yung main microphone at SIM tray. ‘Yung secondary speaker ay nasa may earpiece. Mas immersive yung pakikinig ng audio. Malakas at okay yung quality. Hindi naman ako nabitin sa maximum volume. Yung tunog ay hindi naman tunog lata. Maganda yung speakers ng phone na ‘to. Pagdating sa haptics, by default ay hindi ito naka-activate. Nung ini-on ko ay sakto lang. Hindi nakakabilib, pwedeng-pwede na.


Camera
Specification:

Baka may magsabi sa inyo na parang may downgrade na nangyari. Yung ultrawide ng vivo V50 ay 50MP. Sa V60 ay 8MP na lang. Pero bago natin sabihin na downgrade yan. Walang periscope telephoto camera ang vivo V50. First time ito sa midrange ng vivo na merong periscope telephoto camera na inilagay. Up to 100x AI HyperZoom pa yung capability.
Ito ang mga sample video screenshots:


Sa kuha ng selfie camera ay naka-4K 30fps na resolution. Kapag ito yung ginamit ay wala itong Steadiface. Kung gusto nating gamitin yung Steadiface or yung EIS, magda-down scale ito to 1080p. Kapag naglalakad ay maalog talaga yung 4K 30fps. Although malinaw naman talaga. Pwedeng gamitan yan ng gimbal. ‘Yun nga lang ay may additional na ikakabit sa phone. Kung ayaw nating gumamit ng gimbal, i-switch lang to 1080p at i-on ‘yung Steadiface at. Medyo nag-zoom in ng kaunti pero malinaw pa rin naman kahit 1080p. Ang importante ay napaka-stable ng kuha natin.
Ito ang mga sample photos screenshot:


More Samples
Maganda ‘yung timpla sa kulay ng ultrawide, main camera, at nung pangatlong camera. Halos pantay-pantay. Hindi mapapansin halos na ibang camera na pala yung ginamit sa pag-take ng photo. Good job yun kasi kadalasan nating na-experience yan sa mga flagship phones lang. Sa vivo V60 ay mae-experience rin natin yung ganyan. Sa image quality nung 10x at 100x ay usable talaga. May kasama ng AI ‘yan kasi ‘yung periscope telephoto ay hanggang 3X lang. Kapag nag-100x, sa preview ay hindi talaga malinaw. Parang unusable. Pero pag nag-start na kayong mag-take ng photo, doon gagana yung image processing nitong V60. Mae-enhance yung quality nung 100x photo na kinunan natin. Kahit sa mga night photos at sa mga low light situations, maganda pa rin yung kuha sa V60.
Sample zoom screenshots:




Ito ang mga sample photos:




Ito ang mga sample video screenshot:


AI Features
Yung una ay AI Four Season Portrait. Pumunta lang sa portrait mode. Habang nakatutok yung subject ay pindutin lang sa taas yung AI button. Makakapamili na tayo nung season na gusto natin. For example, pwedeng piliin yung spring, summer, autumn, o winter.




Sunod naman ay yung AI Magic Move. Kung gusto nating i-move ng kaunti yung location ng subject sa photo. Punta lang sa Gallery > select yung photo > i-long press yung subject. Auto detect na yan ng AI. May lalabas na menu. Select lang natin yung AI Magic Move. Pwede nang i-move ng kaunti yung subject. Click lang ang generate at hintayin matapos. Yung result ay napakalinis at hindi halata.


Yung pangatlo naman ay yung AI Image Expander. Kung medyo kinapos ng background ay pwedeng gamitin ito. Piliin ulit ‘yung image sa Gallery > edit > framing > tapos AI Image Expander. M-move lang ‘yung bar kung gaano kalaking pag-expand yung gusto nating gawin. Malinis ulit. Reminder lang na lahat ng AI features na ‘to ay napaka-useful. Pero kailangan ng data connection or internet.


Battery
Specification:

Sa battery performance nag-excel itong V60. Sobrang ganda ng SOT ng phone na to. For reference, ‘yung vivo V50 ay umabot ng 19 hours and 12 minutes na SOT sa PCMark. Bilib na bilib na ako noon kasi napakagandang SOT na iyun. Pero guess what? Mas mataas pa yung nakuhang SOT sa V60, 22 hours and 3 minutes. Ang laking improvement from V50. Talagang mage-enjoy tayo sa endurance ng phone na ‘to. Kung gamitin natin ‘to the whole day, kahit pa naka-data, hindi tayo mag-aalala na baka ma-lowbat. At the end of the day, baka meron ka pang 40% na natitira sa phone. Ganun kaganda yung optimization na ginawa ng vivo. Sa charging, 18% to 100%, 47 minutes ko lang na-charge yung phone. Kung hindi ako nagkakamali, sa vivo V50 ay wala itong bypass charging. Pero sa V60 ay meron na.


Display
Specification:

Paalala ko lang na yung display nitong V60 ay curved. Personal preference ko lang naman ay sana flat na yung makita natin sa V70 series. Pero alam ko naman marami pa rin sa inyo ang may gusto ng curved display. Pero hindi ko talaga gusto ang curved display na phone. But then again, personal preference ko lang naman yan. Para sa mga nagpaplanong manood ng mga TV series at movies sa V60. Level 1 ‘yung Widevine Security at ‘yung max playback resolution ay FHD. Talagang mama-maximize ‘yung napakagandang display ng phone na ‘to.


Sa display settings, meron itong Screen Colors. Meron itong tatlong preset; Standard, Professional at Bright. Pwede pang ma-adjust yung color temperature or white balance kung gusto natin. Meron ding tatlong options para sa screen refresh rate; Smart, Standard at, High. Pero sa buong paggamit ko sa V60, naka-Smart Switch lang ito. Kapag naka-Smart Switch na option sa refresh rate, bumababa naman ito to 60Hz. Kung hindi na ginagalaw yung display. 60Hz yung pinakamababa na pwede nitong maging refresh rate pero ang tipid pa rin sa battery. Sobrang laki nung SOT na nakuha natin. Pero what if LTPO display na yung gamitin ng vivo sa susunod na V series? Sobrang ganda lalo ng SOT na makukuha natin. Sana ma-consider ng vivo yan next time.


Performance
Specification:

Ganun katindi yung pag-aalaga na gagawin ng vivo sa V60. Napakalaking improvement niyan kung ikukumpara sa V50 na 3 major Android upgrades lang. ‘Yun nga lang, nakalulungkot kasi LPDDR4X pa rin at UFS 2.2 pa rin ‘yung nilagay nila. Yung UFS 2.2 ay parang V30 pa ay yan na yung storage type ng V series. Sana mag-UFS 3.1 naman sa susunod na V series. Medyo outdated na talaga ang UFS 2.2. Although hindi naman mabagal yan. Mabilis pa rin yung read and wright speed pero medyo napag-iiwanan na. Kung gusto niyo naman dagdagan yung 12GB physical RAM, pwedeng i-enable yung extended RAM at madagdagan ng additional 12GB. In total ay 24GB yung pwedeng maging RAM nito.




Ang AnTuTu score nung naka-off yung extended RAM, 1019440. Ang score naman kapag naka-on ay 1023883. Okay pa rin yung performance ng UFS 2.2. Magandang effect pa rin ang ibibigay sa atin kung gagamitin natin. Sa Wild Life Stress Test, 2% lang yung nabawas sa battery. Maganda talaga yung consumption kahit pa mabigat na application ang gamitin natin. Pero nadagdagan ito ng 15°C at umabot ng 44°C. Although hindi naman sobrang alarming yung temperature na yan. Pero possible na talagang uminit ng matindi itong phone na to kung aabusuhin natin. Sa Asphalt, napaka-optimized na ng phone na’ kasi pwede ito sa 90fps gameplay. Lahat ng graphics ay na-generate at napaka-smooth ng gameplay. Okay na okay sa ganitong klase ng mga games itong V60. Sa Racing Master, highest settings ang pwede at na-generate din lahat ng graphics. Sa mismong gameplay, walang na-feel na kahit anong struggle.


Conclusion

Kung kayo ang tatanungin, sa tingin niyo ba ay sulit bilhin itong vivo V60? Kung ako ang tatanungin, sulit ito para sa presyo. Ang ganda nung display. Para sa presyo ay ang gandang improvement at ang ganda nung mga sensors ng camera. Para sa akin, talagang goods na goods yung camera performance ng phone na ‘to. Yung battery endurance ng phone na to ay undeniably one of the best. Yung software support ay up to 6 years so thumbs up talaga sa vivo. Matagal natin magagamit yung phone na ‘to.
Meron lang mga bagay na pwede pang i-improve sa phone na ‘to or sa susunod na V series. Kagaya na lang ng UFS 2.2 Medyo outdated na talaga yun. Sa display, sana ma-consider na nila next time yung LTPO AMOLED para bumaba ng 1Hz yung refresh rate. Imagine kung ilang SOT yung makukuha natin sa susunod na V series. Kung yan ang gagamitin nilang display panel. Pero sa ngayon, itong V60 ay goods na goods. Sulit na sulit para sa presyo. Matagal na matagal natin magagamit yung phone na ‘to kapag binili natin. Dahil sa support na ibibigay ng vivo dito. Magi-improve pa yung mga nabanggit kong aspect ng phone na to.
Kung gusto nyo bumili nito, click niyo lang ang link na ito:
Lazada – https://invl.me/clmxrbw
Para naman sa video ng review ko, pede niyo panoorin dito: