vivo V50 Lite
Dimensity 6300
LPDDR4X + UFS 2.2
6500mAh 90W
400% Audio Boost
MIL-STD 810H

| DESIGN | IP65 – Dust & Water Resistant MIL-STD 810H 5G Nano SIM + 5G Nano SIM 197g + 7.79mm Plastic Back 400% Audio Boost In-display optical fingerprint sensor |
| DISPLAY | 6.77″ AMOLED 120Hz FHD+ 1800 nits max brightness |
| PERFORMANCE | Android 15 Funtouch OS 15 3 Major Android Upgrades 3 Years Security Patches Dimensity 6300 LPDDR4X RAM UFS 2.2 Storage 8+256GB / 12+512GB |
| CAMERA | 50MP f/1.79 Main Sony IMX882 8MP f/2.2 Ultrawide Max video: 1080p 30FPS 32MP f/2.45 Selfie Max video: 1080p 30FPS |
| BATTERY | 6500mAh 90W |

While writing this article, hindi ko pa alam yung official SRP ng vivo V50 Lite. Pero nagbigay ng hint ang vivo sa kanilang Facebook page na starts at Php13,999. Hindi ko alam kung anong configuration yun. Pero good price yun, ‘di ba?
Unboxing






Sa box ng vivo V50 Lite 5G ay may text na Comes with AI. Wala namang makitang kakaiba sa box ng phone. Pag-open, unang makikita ay yung mismong phone na nakabalot. Sa ilalim ay merong jelly case na makapal-kapal. Merong documentations, 90W na charging brick na USB-A yung port, USB-C to USB-C cable, at SIM ejector pin. Nanditong color way ay Titanium Gold. Sobrang ganda rin at napakalinis tingnan.
Design






Maliban sa Titanium Gold, meron pa itong Fantasy Purple, Silk Green, at Phantom Black. According to vivo, meron itong IP65 na rating. Dust and water resistant itong phone. At meron pa itong MIL-STD 810H na military grade protection. Ngayon, kung pag-uusapan yung overall na design nitong phone na to. Napakasimple lang talaga. Wala nang special na makikita maliban sa matte finish na likod. Hindi kapitan ng fingerprints o ng alikabok. Glossy ‘yung frame nito.
Makikita sa may right side yung volume up and down buttons, at power lock button. Sa taas ay yung secondary speaker pati yung secondary microphone. Sa kabilang side naman ay malinis na malinis. At Sa may ilalim yung USB-C port, main mic, SIM tray, at yung main speaker. Sa may harap naman ay may pre-installed screen protector. At yung bezels ay almost 100% proportioned naman. Mas makapal lang yung chin nito compared sa forehead. Konting-konti lang. Halos hindi na mapapansin. Tamang-tama lang din naman yung laki nung punch hole selfie camera. Sobrang ganda ng speaker ng phone na ‘to. Kapag itinodo yung volume nito ay aabot ito ng 400% na audio boost. Sobrang lakas at sobrang linaw.

Battery

Pag-usapan natin yung isa sa main highlight nitong vivo V50 Lite. At yan yung battery performance nito. 6500mAh lang naman yung capacity ng phone at 90W yung charging speed. So far ha, spoiler lang, ito yung may pinakamataas na screen on time ngayong 2025. Yet. Sa lahat ng mga phones na-test ko so far, ito yung may pinakamataas na SOT. Tingnan nyo naman yung SOT ng phone na ito, 22 hours and 19 minutes. Ang tindi! Almost 24 hours na bukas ay pwede ‘tong phone na ‘to. Ang tindi, ‘di ba? Hindi tayo mapupwersa na i-charge agad-agad itong vivo V50 Lite. Hindi ito ganon kabilis ma-lowbat kaya hindi madaling made-degrade yung battery. Kaya matagal nating magagamit itong phone na ‘to.


Sa charging, 18% to 100% ay 56 minutes ko lang na-charge ‘yung phone na ‘to. Considering na 6500mAh iyung capacity nito. Yung charging speed na iyan ay mabilis talaga. Ang maganda sa battery setting, binigyan tayo ng vivo ng option kung gusto nating gamitin palagi yung fast charging. Kung hindi naman natin kailangan ng palaging mabilis na pag-charge. Halimbawa, icha-charge itong phone habang natutulog tayo, huwag na nating i-enable. Maaalagaan pa natin iyung battery health ng vivo V50 Lite. Makikita rin natin iyung maximum capacity. Mamo-monitor natin kung kailangan na ba nating palitan yung battery nito. At if ever na kailangan natin itong ipamana sa iba. Pwede nating ipakita sa kanila na okay na okay pa yung battery health.
Camera
Specifications:

Ito ang mga sample photos screenshots:




Ito ang mga sample video screenshots:




Display
Specification:

Sa settings nung refresh rate nito, meron namang tatlong option. Kung gusto natin na ‘yung Funtouch OS na ‘yung mag-decide kung ilang refresh rate yung kailangan natin. Piliin ang Smart Switch. Kung gusto naman nating i-lock to 60Hz lang or 120Hz, Standard at High namang yung pwede nating piliin. Pagdating sa behavior ng refresh rate, kapag ginagalaw yung display ay 120Hz. Pero ilang segundo lang ay bababa na ito to 60Hz. Makakatipid tayo sa battery. Pwede rin tayong magtimpla ng kulay, merong Standard preset, Professional, at Bright. At pwedeng matimpla yung color temperature kung gusto natin. Nakakatuwa din na mai-utilize natin ang magandang display nito. Yung Widevine Security ay Level 1 at Full HD naman ang max playback resolution.



Performance
Specification:

At kagaya ng kuya nito na vivo V50 5G, itong vivo V50 Lite ay aabot din ng Android 18. Sabi ng vivo, up to 3 Major Android Upgrades yung matatanggap nito. Pwede pa ring gamitin yung extended RAM nito pero naka-fix ito to 8GB. On top of 8GB na physical RAM, pwede pa itong madagdagan ng additional 8GB na virtual RAM. Ang nakuhang AnTuTu score kapag hindi ginamit ‘yung virtual RAM or extended RAM ay 438849. At kapansin-pansin naman na tumaas ng kaunti nung ginamit yung virtual RAM, 442214. Kung kailangan ninyo ng additional RAM, hindi kayo mag-aalala na babagal yung performance kapag ginamit yung extended RAM. Sa result ng Wild Life Stress Test, yung battery nito ay nabawasan lang ng 1% at nadagdagan lang ng 5°C.




Sa Asphalt Unite, okay naman. Hindi nito na-generate lahat ng graphics pero decent naman. Decent naman yung itsura. Yung mga basic games, casual games, kaya namang patakbuhin. Huwag lang tayong umasa na magiging maganda yung graphics kasi hindi naman ganon ka-powerful yung Dimensity 6300.

Verdict

Ayan na lahat yung mga gusto kong i-share tungkol sa vivo V50 Lite 5G. Sa tingin niyo ba ay magugustuhan niyo ‘tong phone na ‘to? Kung humahanap kayo ng phone na sobrang ganda ng battery performance, maganda yung design, maganda yung display, at matagal niyong magagamit. Kasi 3 Major Android Upgrades yung mare-receive nito. Baka vivo V50 Lite na yung kailangan ninyong i-consider.
Yes, may kamahalan ito ng konti compared sa ibang mga phones na ganito rin yung specs. Pero i-consider niyo, maganda rin ba yung battery performance nung phone na yon o mas maganda pa rin yung V50 Lite? Kumusta yung IP rating nung phone na kino-compare mo? Lahat yan ay naka-combo na sa V50 Lite. Magandang ingress protection, matagal na software update, magandang battery performance, at decent camera performance. At syempre, yung display nito ay naka-AMOLED na. Para sa akin ay hindi ko que-questionin na Php13,999 yung presyo ng phone na to.