vivo V50 – ALMOST PERFECT NA TALAGA!

vivo V50 Beauty Shot

Kung humahanap ka ng magandang midrange phone na; maganda yung camera, maganda yung battery performance, maganda yung display, at maganda yung design, baka itong vivo V50 na yung hinahanap mo.

Price

Meron itong tatlong configuration. Yung una ay yung 8/256GB na Php27,999 yung presyo. Yung 12/256GB naman ay Php28,999. At yung 12/512GB naman ay Php31,999 ‘yung presyo. Kung ako lang naman yung tatanungan, go for 12/512GB na configuration kasi sobrang tagal niyo pong magagamit ‘tong phone. At spoiler, pagdating sa software support, ilang taon po ang ibibigay sa atin ng vivo. Plus, ang ganda ng battery performance nito. Pero sa ngayon ay tingnan muna natin ung laman ng box. Nasa baba ang link para ma-check mo ang updated pricing.

Unboxing

Napakaganda nitong Purple Mist na colorway. Maliban sa phone ay tingnan pa natin yung ibang laman ng box. Wala naman tayong kakaibang makikita sa mismong box. Maliban na lang dito sa comes with AI and the rest ay almost same pa rin sa mga dating V series. Meron itong documentations, jelly case, charging brick 90W na USB-A ‘yung port, USB-A to USB-C cable, at SIM ejector pin.

Design

Maliban sa Purple Mist na colorway, meron pa itong Satin Black at Ancora Red. Kung ako lang naman ang tatanungin ninyo, hinding hindi kayo magkakamali sa pagpili sa Mist Purple. Pero kung ako yung bibili ay Ancora Red yung pipiliin ko. Alam niyo ba na ang ganda ng ingress protection na inilagay ng vivo? Kasi maliban sa IP68; 1.5 meters for 30 minutes ay pwedeng i-submerge ito sa ilalim ng tubig. Meron pa itong IP69 na ingress protection. Ibig sabihin, kahit saang part pa ito matalsikan ng tubig at kahit napakalakas pa ng pressure ay hinding-hindi ito papasukin ng tubig. Kahit pa sa speaker grill at sa USB-C port ay hindi po papasukin ng tubig. Iyan ang promise sa atin ng vivo.

Pero syempre kagaya ng dati, hindi ko po ire-recommend na ilubog natin at isama sa pagsu-swimming itong phone. Good to know na may protection ito para talagang magagamit natin ng matagal. Para sa mga curious kung kumusta yung haptics ng phone, matutuwa po kayo kasi maganda talaga. Reliable din ang optical fingerprint scanner. Medyo may delay lang yung animation kaya hindi mo agad maa-unlock. Pero once available na ay napaka-reliable naman.

Camera

Pag-usapan naman natin ngayon ang isa sa main aspect nitong Vivo V50, yung camera performance. Alam niyo ba na tatlong 50MP na merong ZEISS optics yung camera ng phone na ito?

Specification:

Ito ang mga sample photos screenshot:

Sa pag-test ko sa camera, tamang-tama yung balance ng kulay ng ultrawide camera at main camera. Talagang gumagana yung inilagay na Color Spectrum Sensor ng vivo. Aakalain mo na isang camera lang ‘yung ginamit sa mga photos. Syempre yung 2x zoom ay digital zoom lang ng main camera. Pero may mga na-try na kasi akong mga phone na digital zoom na nga lang ay hindi pa same ‘yung kulay sa 1x. Pero sa V50 ay same na same pa rin. Napaka-sharp ng mga photos at maganda yung dynamic range na kagaya pa rin dati.

Ito ang mga sample selfie photos screenshot:

Mapansin niyo naman sa selfie photos ko na ang balance talaga nung exposure ng mukha ko. At the same time ay malinaw at hindi blowout yung mga nasa labas sa may bintana. Mag-struggle na kasi yung ibang mga phone sa ganito. Kadalasan masa-sacrifice yung background mo, medyo madilim para lang lumiwanag yung mukha mo or maging okay yung exposure mo. Pero sa vivo V50, sobrang ganda pa rin ng dynamic range kaya hindi sabog iyung background natin kahit pa against the light tayo.

Ito ang mga sample night photos screenshot:

Napakalinis pa rin ng night photos natin sa V50 dahil sa ZEISS optics. Kahit pa may nakikita kayong ilaw or streetlight, walang reflections at walang artifacts. Maganda pa rin yung exposure, hindi grainy, at hindi rin noisy yung quality. Kaya kapag in-upload natin ito sa social media ay maganda pa rin tingnan.

Video

Ito ang video screenshot:

Sa 4K video recording. Obviously stable naman for the most part at hindi naman shaky kahit naglalakad tayo. May mapapansin lang tayong konting wobbly effect and I think dahil yan sa autofocus. Medyo nalilito siguro ito dahil sa dami ng subject habang naglalakad ako. Siguro hindi na malaman ng camera kung saan ito magfo-focus. Pero sana ma-improve ito ng vivo sa mga future updates. Overall, ang ganda ng quality ng 4K video recording at stable for the most part.

Ito ang selfie video screenshot:

4K video din yung selfie video sa V50 pero hindi stable kasi walang OIS yung front facing camera. Kung gusto natin lagyan ng stabilization, kailangan nating i-enable yung Steady Face pero magda-downscale iyan to 1080p. Yung 1080p 30fps na naka-on yung Steady Face mode ay mas stable pero nag-crop in. EIS yung ginamit sa front facing camera. Hindi ganon ka-sharp syempre compared sa 4K pero stable naman. So gamitin niyo kung kailangan niyo lang.

Battery

Yung pangalawang aspect ng vivo V50 kung saan ito talagang nag-excel ay ‘yung battery performance nito.

Specification:

Tingnan niyo naman kung ilang SoT ang nakuha natin sa PCMark, 19 hours and 12 minutes. Ewan ko na lang kung mabitin ka pa sa battery performance ng phone. Sobrang ganda niyan at sigurado magagamit natin ang phone the whole day. Kahit isang charge lang everyday ay pwedeng-pwede na. At speaking of charging, 17 to 100%, 45 minutes ko lang na-charge ‘yung phone. Knowing na 6,000mAh ‘yung capacity, mabilis na talaga ‘yan.

Display

Specification:

Sobrang ganda ng display nitong Vivo V50. Talagang aakalain mong flagship phone yung ginagamit mo. Talagang wala akong reklamo na nakita or masasabi sa display nito. Medyo curve lang ito, hindi super flat na flat. Kung bibili tayo ng tempered glass, asahan niyo medyo curve talaga yung mabibili natin. Hindi ini-declare ng vivo na curve display ‘to. Yung start ng display after nung bezel ay hindi na curve, flat na. Pero yung gilid mula sa bezel, talagang mafi-feel mo na curved na. Mas maganda yung paggamit natin ng gesture. For example, nag-swipe tayo mula sa corner ay sobrang smooth talaga. Napaka-satisfying ng feeling.

Pero yung pre-installed na screen protector, tinanggal ko kasi medyo nakakasira nung experience. May mafi-feel ka na parang matalim kapag nag-swipe sa gilid. Mabuti na lang, dahil sa Diamond Shield protection ay may peace of mind ka naman. Pero highly recommend na hanap kayo ng temper glass para sa V50. Mama-maximize naman natin yung napakagandang display dahil yung Widevine Security nito ay Level 1. Full HD naman yung max playback resolution. At kagaya ng sinabi ko kanina may support ito sa HDR10. Pagdating naman sa behavior ng refresh rate, kapag hindi na natin ginagalaw yung display ay bababa ito to 60Hz. Pero sa oras na galawin natin, babalik ito sa 120Hz. Hindi lang ganon kabilis bumaba to 60Hz pero bababa naman.

Performance

Specification:

Medyo nakakalungkot lang na UFS 2.2 pa rin yung ginamit ng vivo. Kasi isipin mo gagastos ka ng Php32,000 pero UFS 2.2 pa rin. In-expect ko lang na UFS 3.1 na yung storage type pero overall mabilis pa rin naman yung performance. Yun nga lang, kung gagamitin natin iyung storage as virtual RAM, medyo bababa na ng kaunti iyung performance. Kung bibili kayo nitong Vivo V50, make sure niyo talaga na highest configuration ang bibilhin ninyo. Kasi yung 12GB ay sapat na sapat na po para sa mga everyday na mga applications natin. Kahit pa mag-multitask tayo, okay na okay lang. Para hindi tayo mapilitang gamitin yung virtual RAM.

At pinapangako ng vivo na itong V50 ay aabot ng Android 18. Kasi sabi nila, tatlong major Android upgrades ‘yung mare-receive nito. At if ever lang na gusto niyo pa ring gamitin ‘yung virtual RAM at madagdagan ng additional 12GB ‘yung physical RAM. Pwede niyo naman i-enable yung extended RAM. Sana lang sa mga susunod na software updates ay magkaroon ng option kung ilan lang yung gusto nating kuhanin sa storage para gawing virtual RAM. Kasi sa ngayon ay naka-fix ito to 12GB. Ito yung nakuha nating score kapag hindi natin ginamit yung virtual RAM, 826105. Kapag ginamit naman natin ay bumaba, naging 822358 na lang.

Pagdating naman sa Wild Life Stress Test. Makikita niyo na nabawasan lang naman ng 3% sa battery pero malaki-laki ‘yung nadagdag sa temperature. Kasi from 32°C ay umabot tayo ng 45°C. Sa Asphalt Unite, makikita niyo na napaka-smooth ng performance at compatible ito sa ultra settings na naka-90fps. Talagang napaka-optimized na nung chipset nito sa game. Okay naman ito, napaka-smooth, at okay yung graphic. Kung sakaling gusto nating gamitin to for casual gaming ay wala namang problema. Mag-e-enjoy tayo.

Conclusion

Ayun na lahat ang mga gusto kong i-share sa inyo tungkol sa vivo V50 5G. Kung kayo ang tatanungin, sulit ba ‘tong phone para sa inyo? Kung ako ang tatanungin, oo. Gustong-gusto ko talaga yung V series ng vivo at kapag may bagong V series sila ay talagang nae-excite ako. Kasi may panibago na naman silang mao-offer pagdating sa camera at lalong-lalo na yung favorite aspect ko, battery. Hindi tayo binibigo ng Vivo pagdating sa battery performance at kahit pa sa camera. Hindi ako mahihirapang i-recommend ‘tong phone.

Yes, lagpas 30K ito pero sulit at ang tagal niyong magagamit. IP68, IP69 yung ingress protection, tatlong major Android upgrades, ang ganda nung camera, at pina-promise din ng vivo na yung lifespan ay at least 5 years. Dahil sa laki ng capacity at sa ganda ng SoT, hindi natin palaging icha-charge ‘tong phone na ‘to. Hindi tayo mapepwersa na ibabad sa charger itong phone. Talagang matagal nating magagamit.

Tapos ‘yung display ang ganda. Wala akong masyadong masabing negative sa phone. Maliban na lang sa wobble effect na nakita natin sa stabilization kapag kumukuha tayo ng 4K video recording. Pero malamang sa malamang ay maayos ng Vivo yan sa mga susunod na software updates. Pero the rest, goods na goods itong Vivo V50.

Kung gusto nyo bumili nito, click niyo lang ang link na ito:
Lazada – https://invl.me/clmnjoj
Para naman sa video ng review ko, pede niyo panoorin dito:

About Author