Skip to content

Sulit Tech Reviews

Samu't-saring Unboxing and Reviews

Lazada Philippines

Follow Me

  • Youtube
  • Facebook
  • Instagram
  • Twitter
Primary Menu
  • Home
  • Press Release
  • Tech Blog
    • Phones
    • Tablets
    • Laptops
    • Other Tech
  • Contact
  • Youtube
  • Facebook
  • Instagram
  • Twitter
  • Home
  • Tech Blog
  • TECNO Slim – MANIPIS NGA, MATIBAY BA?! | Sulit Tech Reviews
  • Phones
  • Tech Blog
  • Tecno

TECNO Slim – MANIPIS NGA, MATIBAY BA?! | Sulit Tech Reviews

Kapag manipis ang isang phone ay karaniwan nang nako-compromise yung battery performance. Ganun din ba itong TECNO Slim? Ang sagot ay...
sulittechreviews October 9, 2025

Pag-uusapan natin ang “World’s Slimmest 3D Curved AI Smartphone” at yan ang TECNO Slim. Sobrang nipis, 5.93mm to be exact. Talagang confident ang TECNO kasi pinalagay pa nila sa manipis na envelope itong Slim. Linawin ko lang na hindi ito yung pinakamanipis na phone. Kung ikukumpara sa bagong release na iPhone Air na 5.6 mm. Malaki-laki ang agwat. Pero pagdating sa 3D curved screen category, ito talaga yung pinakamanipis na phone sa ngayon.

Price

Pwede nang mag-order nito online and offline simula October 8. Sa designated TECNO offline stores sa presyong ay may freebie pa na TM SIM card. Kapag gumawa pa kayo ng TECNO account, automatic na magkakaroon kayo ng 50GB na cloud storage. Nasa baba ang link para ma-check mo ang mga promos.

Unboxing

Pagtanggal sa envelope nitong TECNO Slim. Sobrang nipis nito. Ini-compare ko ito sa remote ng electric fan. Mas makapal pa rin yung remote. Grabe ‘di ba? Ini-compare ko din ito sa dalawang Php20 na coins. Parang same lang yung nipis. Ganon katindi yung nipis nitong TECNO Slim compared sa mga everyday object na mga gamit natin. Ngayon maraming nag-iisip na kapag sinabing slim phone ay equivalent na yan sa fragile phone. Hindi natin masisi kasi maraming lumabas na mga slim phone na talagang hindi ganon katibay. Pero iibahin daw natin itong TECNO Slim pagdating sa tibay.

Durability

Specification:

Meron itong US Military Grade Certification. Although, hindi naman ito rugged phone pero at least pumasa ito sa mga test na yon. Mukhang hindi nga compromise yung durability ng phone na to kahit pa sobrang nipis. At para mapatunayan yan ay gumawa ako ng ilang mga test. Una ay nag-crush ako ng peanuts gamit itong TECNO slim. Nag-simple drop test din ako sa table. At inisprayan ko din ng tubig. Hindi to IP68 kaya huwag ilulubog sa tubig. Pero yung mga spray or maulanan ng tubig ay wala pong problema. Matibay na matibay itong TECNO Slim.

Meron pang ilang additional features na inilagay yung TECNO. For example, sa likod ng phone ay kakaiba yung shape ng camera module. Sa home screen, swipe lang at may widget. Tap lang yung heart at gagana na ito. Ang tawag nila dito ay Mood Light. Makikita sa Mood Light yung status ng phone or yung “mood”. Pwedeng-pwede ma-customize yan sa settings.

Battery

Kapag manipis ang isang phone ay karaniwan nang nako-compromise yung battery performance. Kagaya na lang ng iPhone Air. Sobrang liit ng battery capacity non compared sa ibang mga iPhone. Ganun din ba itong TECNO Slim? Ang sagot ay hindi.

Specification:

Nagawa nilang ilagay yung ganun kalaking battery capacity sa manipis na phone. Ang unang SOT ay 11 hours and 1 minute. Yan ay kapag ginamit yung virtual RAM or MemFusion. Hindi ito impressive pero hindi rin naman na masama. Pwedeng-pwede na. Nung in-off ko naman yung MemFusion ay tumaas yung SOT. Almost 13 hours na. I suggest, kung hindi niyo naman talaga kailangan ng virtual RAM ay huwag niyo nang i-on. Mas gaganda pa yung battery performance ng phone. Ayon sa TECNO, for 22 minutes of charging ay madadagdagan na ito ng 50% battery. Hindi compromise yung battery capacity. Although hindi impressive yung nakuhang SOT. At least ‘di ba, pwedeng-pwede na ‘yan tumagal ng isang buong araw.

Performance

Specification:

Again, meron itong MemFusion na up to 8GB. Pwedeng umabot ng 16GB yung RAM. Pero kung sa battery ay malaki-laki ‘yung impact ng MemFusion. Medyo nabawasan ‘yung SOT. Pagdating kaya sa performance ay may maitutulong talaga ‘yung MemFusion. Ang AnTuTu kapag naka-off ‘yung MemFusion ay 579179. Kapag naka-on ay tumaas ito, 581798. Kung gagamit tayo ng virtual RAM ay medyo bababa yung battery performance. Pero pagdating sa overall performance ng phone ay mas magiging okay naman.

Sa gaming, Helio G200 ito at hindi ganon ka-powerful yung chipset. Pero for casual gaming ay pwedeng-pwede na. Sa Racing Master, hindi maisagad ‘yung graphic settings. Pero overall, playable pa rin naman. Hindi sobrang ganda ng graphics pero pwedeng-pwede na.

Display

Specification:

Sa color reproduction pa lang ay mage-enjoy na talaga tayo pagdating sa media streaming. Talagang napakaganda ng color reproduction. Hindi man sinabi ng TECNO kung ilan yung color coverage ng display nitong Slim. Pero sa mata ko ay napaka-accurate ng kulay. Ang maganda pa ay yung Widevine Security ay Level 1. Makakapag-play ito ng FHD sa Netflix. Yung 144Hz na maximum refresh rate sa TECNO Slim ay hindi pa natin masyadong mau-utilize sa ngayon. Pang future proofing pa lang yan.

Sa display settings at screen refresh rate. Kapag naka-Auto Switch, maglalaro lang ito to 90Hz at bababa to 60Hz kung hindi na ginagalaw ‘yung display. Kapag Standard ay fix 60Hz. Sa High ay pwedeng ma-utilize yung 144Hz na refresh rate. Pwedeng i-customize yung application na pwedeng gumamit ng 144Hz. Sa test ko, tatlo lang ang may support sa 144Hz. The rest, ang pinakamataas ay 120Hz. Sa Test UFO, pumalo ito ng 120Hz. Hindi pa natin magagamit ng husto yung 144Hz at for future proofing pa lang.

Camera

Specification:

Ito ang mga sample photos:

Ito ang mga sample video screenshots:

Conclusion

Yan na lahat yung mga gusto kong i-share tungkol sa TECNO Slim. Sa tingin niyo ba ay sulit ito para sa presyo? Kahit sobrang nipis ng phone ay hindi na-compromise, una sa lahat yung durability. Hinambalos natin pero buong-buo pa rin. Malaki pa rin ‘yung battery capacity. Sana ma-improve pa yan ng TECNO sa mga susunod na software updates. Hindi ganon kataas iyung screen on time na nakuha natin. Hindi impressive pero good enough para mag-last ito for a day in one charge. Sana nakatulong ito para makapag-decide kayo kung bibilhin niyo ba itong TECNO Slim.

Kung gusto nyo bumili nito, click niyo lang ang link na ito:
Shopee: https://bit.ly/NEWSHPSPARKSLIM
Lazada: https://bit.ly/NEWLZDSPARKSLIM
Tiktok: https://bit.ly/SPARKSLIM
Para naman sa video ng review ko, pede niyo panoorin dito:

About Author

sulittechreviews

See author's posts

Post navigation

Previous: vivo V60 – PARANG HINDI NA MIDRANGE CAMERA NITO!
Next: REDMAGIC Astra – SANA DUMAMI PA MGA GANITONG TABLET!

Related Stories

vivo V60 Lite Beauty Shot
  • Phones
  • Tech Blog
  • vivo

vivo V60 Lite – MATIBAY NA, MATAGAL PA MA-LOWBATT!

sulittechreviews November 11, 2025
Infinix GT 30 Conclusion
  • Infinix
  • Phones
  • Tech Blog

Infinix GT 30 – PREMIUM GAMING EXPERIENCE?!

sulittechreviews October 31, 2025
BenQ MA320U
  • BenQ
  • Other Tech
  • Tech Blog

BenQ MA320U 4K Monitor – SAKTO PARA SA MACBOOK MO!

sulittechreviews October 30, 2025
vivo V60 Lite Beauty Shot
Phones Tech Blog vivo

vivo V60 Lite – MATIBAY NA, MATAGAL PA MA-LOWBATT!

sulittechreviews
November 11, 2025 0
Infinix GT 30 Conclusion
Infinix Phones Tech Blog

Infinix GT 30 – PREMIUM GAMING EXPERIENCE?!

sulittechreviews
October 31, 2025 0
BenQ MA320U
BenQ Other Tech Tech Blog

BenQ MA320U 4K Monitor – SAKTO PARA SA MACBOOK MO!

sulittechreviews
October 30, 2025 0
OnePlus Pad 3 Beauty Shot
OnePlus Tablets Tech Blog

OnePlus Pad 3 – ANG PINAKASULIT NA ANDROID TABLET NGAYON??

sulittechreviews
October 30, 2025 0

Recent Posts

  • vivo V60 Lite – MATIBAY NA, MATAGAL PA MA-LOWBATT!
  • Infinix GT 30 – PREMIUM GAMING EXPERIENCE?!
  • BenQ MA320U 4K Monitor – SAKTO PARA SA MACBOOK MO!
  • OnePlus Nord 5 – AFFORDABLE FLAGSHIP KILLER! GOOD DEAL NA ‘TO!
  • Nothing Phone (3) – PASADO BA TALAGA AS “FLAGSHIP”? MAGANDA BA ANG BAGONG “GLYPH INTERFACE”?
Copyright © All rights reserved. | MoreNews by AF themes.