Sulit Ba TALAGA Itong Xiaomi 15? Well…

One month ko nang gamit itong Xiaomi 15. Isha-share ko sa inyo yung real life usage ko, battery performance, at camera performance ng phone. Pwede mo rin basahin muna ang unboxing tsaka first impressions sa phone. Nasa baba naman ang link para malaman mo kung magkano na ang phone na ito.

Battery

Specification:

Nakakabilib lang. Sa liit ng form factor ng phone ay napagkasya ‘yung ganun kalaking battery capacity. Malaki ‘yung matututunan diyan ng ibang brands. Lalong-lalo na ng Apple. Ang laki ng iPhone 16 Pro Max pero mas malaki pa rin ‘yung battery capacity ng phone. May binili akong case para sa Xiaomi 15 kasi talagang ginamit ko ito for a month. Nabili ko ‘to sa XUNDD Philippines. Nagustuhan ko yung case kasi pati yung camera module ay protected. Kitang-kita pa rin yung kulay nung likod kaya gustong-gusto ko talaga ‘to. Hindi kapitin ng smudges at fingerprints, lalo na at pawisin ako.

Kilangan ninyong tandaan, bumili ako ng tempered glass para sa Xiaomi 15. Nakabit ko ito pero mahihirapan nang basahin ng ultrasonic fingerprint scanner yung fingerprint niyo. Halos hindi na usable yung fingerprint scanner kapag ginamitin niyo ng tempered glass. Isa sa mga regrets ko na tinanggal ko yung pre-installed screen protector. Kung bibili kayo, screen protector lang bilhin niyo. Para mabasa pa rin ng ultrasonic yung fingerprint ninyo. Sa PC Mark, ang SOT na nakuha natin ay almost 19 hours. Nakakabilib. Kung hindi ako nagkakamali, ito yung pinakamalaking SOT na nakuha ko sa isang flagship phone. Ang laking factor na ang laki ng battery capacity at maliit lang ng form factor.

Real Life Usage

Ginamit ko ‘to as my main phone nung nag-travel kami. Nagsalpak ako ng SIM tapos palaging whole day ay naka-data ito.Nasa labas kami the whole week. Aalis kami ng bahay mgs 7am. Start na yun na naka-data ito. Uuwi kami mga 10pm or 11pm. Gamit na gamit talaga. Talagang mate-testing kung ano ‘yung battery performance nito sa real life usage. Yung mga ginamit kong apps ay camera, Google Maps kasi travel ‘yun, at Messenger.

Tinanggal ko ito sa charger ng eksaktong 7am. Ang unang pag-check ko sa whole day na paggamit ay around 6:22pm. Ang active time nito ay 11 hours and 31 minutes pero ang remaining battery ay 46%. Almost half pa lang yung nako-consume sa battery. Almost 12 hours na yung lumipas na oras mula nung tinanggal sa charger. Tapos, ini-check ko ulit around 11:04pm. 16 hours and 30 minutes na itong active nung day na iyon. 27% pa rin yung natitirang battery. Imagine kung uubusin natin yung buong battery nito ay baka umabot ng 18 to 19 hours. Eksaktong-eksakto sa PC Mark result. Masasabi ko na mas maganda pa sa iPhone 16 Pro Max yung battery life nitong Xiaomi 15.

Scenario

Isipin mo na lang kung hindi ganon ka-heavy ‘yung usage mo everyday. Hindi ka naka-data everyday. Kung naka-data ka man ay baka hindi ka gumagamit ng Google Maps. O hindi mo ginagamit maghapon ‘yung camera. Mas malaki pang SOT yung makukuha natin. Nasubukan ko pa na gamitin itong Xiaomi 15 bilang hotspot. As hotspot ko atsaka nung wife ko na kumo-connect minsan sa akin. Primarily ako yung naka-connect sa hotspot for whole day ulit. Pero guess what? Mas nauna pang malobat ang iPhone 16 Pro Max kesa dito. Ang tindi talaga.

Sobrang na-impress ako sa battery performance ng phone. Considering na flagship phone to, hindi ko in-expect na magiging ganito kaganda yung battery performance. Nasanay ako sa mga flagship phones na umaabot lang ng 12 to 14 hours of screen on time sa PC Mark. Pero kapag real life usage mga 8 or 10 hours lang. Pero grabe itong phone. Kung humahanap kayo ng flagship phone na hindi lang maganda yung performance, hindi lang maganda yung display, maganda pa yung battery performance, no doubt na Xiaomi 15 ang best choice niyo.

Camera

Kung gusto ninyong malaman ulit yung full specs ng phone at mga sensor na ginamit. Pwede niyong puntahan yung unang video sa Xiaomi 15. Disclaimer: lahat ng samples na ipapakita ay naka-Leica authentic na mode. Nagustuhan ko lang talaga yung timpla ng kulay na yon. Madalas ko ding gamitin yung portrait mode dahil mas nagmumukhang kinunan sa DSLR camera yung mga pictures. Compared sa normal mode lang. Para sa mas madaming sample photo at video, pwedeng mong panoorin ang YouTube video ko sa baba.

Ito ang mga sample photo screenshots:

Ito ang mga sample video screenshots:

Pasok ba sa standard ninyo ‘yung camera performance ng phone na ‘to? Kung ako’y tatanungin, satisfied ako. Hindi ko naman pwedeng sabihin na ito yung pinakamagandang camera na na-try ko so far. Sa lahat ng mga Android phones na-review natin sa channel. Hindi ko masasabi yun kasi meron pa tayong X200 series ng vivo na wow talaga yung mga photos. However, yung mga photos kuha sa phone, pwedeng-pwede na makipagsabayan sa iPhone 16 Pro Max. Iyun yung tingin kong edge ng phone na ‘to. Hindi ito kasing mahal ng ibang mga flagship phone kagaya ng sinabi ko kanina, yung X200 Pro. Kung yung budget mo ay hindi aabot sa ganon. Okay na okay na alternative ito. Kung mobile photography yung primary na reason mo, kung bakit naghahanap ka ng bagong flagship phone. Pasado sa akin yung camera performance ng phone.

UI

Hindi ko talaga ma-justify sa Xiaomi phones ay yung UI. Don’t get me wrong, maganda na at napakadaming improvements ng UI nitong Hyper OS. Compared sa dati nilang UI. Pero hindi ko pa rin itong kayang gamitin over, Samsung 1UI or UI ng iPhone. Hindi ko pa rin talaga masabing nakikipagsabayan na ito sa ganda non. O kaya, Nothing OS. Nothing OS talaga ang magandang maging standard ng mga brands ngayon. Parang malapit na sa stock Android pero at the same time parang iOS yung experience.

Isa pa sa nakita kong problem sa UI ng Hyper O. Kapag nag-install ka ng third party launcher, yung gestures ay hindi na gagana. Madi-disable ‘yun at mapipilitan kang gumamit ng virtual navigation keys. Ma-activate ‘yung home button, back, at recent apps. At yan ang isa pa sa hindi ko talaga ma-justify sa Hyper OS. Parang nawala iyung liberty mo na makapag-customize ng Android phone dahil sa restriction. Sana Xiaomi, hayaan niyo yung mga user ninyong gumamit ng third party launcher. Kasi hindi naman Hyper OS ang pinakamagandang UI ngayon. Depende na lang kung talagang sobrang pagandahin niyo na parang nothing OS level o iOS level na yung UI ninyo. Tsaka niyo gawin yan. Pero sa ngayon, nakaka-disappoint na nire-restrict ninyo yung inyong mga user na gumamit ng third party launcher. Medyo naka-dispoint talaga sa Hyper OS. Hindi pa ito pulido pero hindi ka pa makapag-customized 100%.

Conclusion

Yun yung mga bagay na gusto kong i-share sa inyo. Pagdating sa battery performance at camera performance nitong Xiaomi 15. Yun lang yung isang downside na ayokong-ayoko sa Xiaomi phones overall ay yung Hyper OS. If ever na itong Xiaomi 15 ang napili mo as your flagship phone, as your daily driver. I guarantee you na hindi ka magsisisi. Lalo na’t pinangako ng Xiaomi na aabot ng 4 na major Android upgrades itong Xiaomi 15. Plus 6 years na security patches. Isipin mo yung software support na matatanggap mo. Ang tagal niyo pong magagamit ang phone. At considering na ang ganda ng battery performance ng phone na to, hindi agad-agad made-degrade yung battery health nito. Hindi ka mapipilitan na ibabad ito sa power bank o sa charger. Sana nakatulong ito para makapag-decide ka kung ito ng Xiaomi 15 na ang bibilhin mo.

Kung gusto niyo bumili nito, click niyo lang ang link na ito:
Lazada – https://invl.me/clmn096
XUNDD Case: https://invl.me/clmpbc7
Para naman sa video ng review ko, pede niyo panoorin dito:

About Author