vivo V70
Snapdragon 7 Gen 4
LPDDR5X + UFS 4.1
6500mAh 90W
6-Years Patches
5000nits

| DESIGN | IP68, IP69 – Dust & Water Resistant Nano SIM + Nano SIM 194g + 7.59mm 3D-Ultrasonic Scanner Glass Back Golden Hour / Alpine Gray |
| DISPLAY | 6.59″ AMOLED 120Hz 1.5K P3 Wide Color 5000nits max brightness SCHOTT Xensation Core |
| PERFORMANCE | Android 16 OriginOS 6 4 Major Android Upgrades 6 Years Security Patches Snapdragon 7 Gen 4 LPDDR5X RAM UFS 4.1 Storage 8+256GB / 12+256GB / 12+512GB |
| CAMERA | 50MP f/1.88 OIS Main 50MP f/2.65 Super Telephoto 3.7x Zoom 8MP f/2.2 Ultrawide Max video: 4k 60FPS 50MP f/2.0 Selfie Max video: 4k 30FPS |
| BATTERY | 6500mAh 90W BlueVolt Bypass Charging |
Kapag may bagong release na v-series ang vivo. Talagang maganda yung performance, software support, battery performance, at display. Yan din yung aasahan natin sa bagong V70. Pero alamin natin lahat ng aspect. Pati na rin ‘yung ilang mga cons na kailangan ninyong tandaan bago niyo ito bilhin. Maraming salamat sa vivo sa pagpapahiram ng unit. Na-try ko na ‘to before pa yung launch.
Price

Sa Philippines, meron itong dalawang color option na pwedeng piliin. Golden Hour at Alpine Gray. Ang yung unit na ire-review natin ay yung Alpine Gray.
Unboxing







Wala namang masyadong kakaiba sa box ng V70. Same pa rin sa mga nagdaang V series ng vivo. May V70 sa harap, Comes with AI text sa may gilid, at Powered by OriginOS sa may taas. Pag-open, ang unang makikita ay yung mismong V70 na nakabalot sa plastic. Napaka-premium talaga ng itsura nitong Alpine Gray. Sa may ilalim ay walang kahit anong document sleeve. Diretso na agad sa case. Makapal yung transparent case nito. Pero hindi ako masyadong fan ng ganitong case.
Sa totoo lang, thankful tayo na merong case sa loob ng box. Pero madami na kasing brands ngayon na may case na mas maganda. Kaysa sa mga transparent case na nakasanayan natin. May kulay, mas makapal, at mas maganda yung grip kaysa sa transparent case. Pero again, thankful tayo na meron. Kahit na nasa Php39,999 yung pinakamataas na presyo ng vivo V70 ay may case ito ay may additional protection sa camera module. Makapal naman ito for the most part. Good start para hindi tayo agad mapwersa na bumili ng third party case. Meron din itong documentations, charging brick na vivo FlashCharge 90W na USB-A pa rin yung port, USB to USB-C cable, at lastly yung SIM ejector pin.
Design

Again, sobrang premium ng itsura ng V70. Compared sa mga previous generation, mas mukha itong flagship. Yung likod ay matte finish pa rin. Nangingibabaw yung kulay nung camera module. Talagang masaya ako na hindi glossy yung design ng camera module. Unlike sa ibang brands ngayon na matte yung likod pero sa camera module ay makintab naman. Kaya magiging kapitin din ng smudges at ng fingerprints at alikabok. Pero sa V70, all the way protected yung phone from smudges. Meron itong ZEISS Optics. Yung gilid ay aluminum frame. Metallic yung camera module. Rounded yung corners kaya comfortable ito gamitin. Hindi masakit sa mga kanto-kanto. Meron din itong subtle na vivo branding sa may ibaba.



Meron itong IP68, IP69 na rating at mayroong 1.5m drop resistance. Hindi lang basta premium yung itsura nitong V70. Talagang matibay ito. Yung biometrics nito ay 3D Ultrasonic fingerprint scanner na. Hindi ito optical kagaya ng mga nakasanayan natin sa mga previous generation. Parang flagship din yung security nito. Mabilis talaga at accurate palagi yung pag-unlock sa V70. Meron din itong stereo speakers. Yung main speaker sa baba at yung secondary sa taas. Sa taas din makikita ang secondary microphone at IR blaster. Sa may gilid yung volume up and down buttons at power lock button. At sa ilalim, maliban sa main speaker ay yung main mic, USBC port, mic ulit, at SIM tray.
SIM

Dalawang 5G nano SIM yung kayang-kaya nitong i-handle. Pero kahit gano’n, for Php39,999 na pinakamataas na variant nitong vivo V70. Nakakalungkot pa rin na wala itong eSIM support sa ganitong presyo. Sa totoo lang, ‘yun ang isa at unang-unang cons. Masasabi kong pinakamalaking cons ko sa phone na to. Wala itong eSIM support. Para sa akin, kapag lumampas na kasi sa Php30,000 ‘yung price tag ng phone. Dapat mayroon ng eSIM support.
Pagdating sa haptics, naka-off by default ‘yung haptics ng keyboard. Hindi ko agad-agad na-test. Pero tamang-tama lang. Para sa akin ay hindi ito impressive. Overall, pagdating sa design nitong vivo V70. Okay na okay naman sa akin. Napaka-premium nito. ‘Yun lang talaga, ang medyo downside sa design ng phone ay wala itong eSIM support.
Battery
Specification:

Kahit na manipis yung itsura ng phone, malaki yung battery capacity na nailagay ng vivo. Dahil yan sa BlueVolt Technology. Mas matagal ‘yung lifespan ng phone compared sa mga phones na walang ganitong technology. Kagaya dati, as expected, napakataas ng SOT na nakuha ng vivo V70. 26 hours and 15 minutes. Hindi biro yan. Napakaganda talaga and well optimized ng OriginOS. Take note lang, nung ini-test ko yung phone ay naka-set ito sa pinakamataas na resolution. Which is yung UHD at naka-High yung refresh rate. At ang taas pa rin ng SOT na nakuha nito. Imagine kung pinakamababang resolution yung naka-select at hindi naka-auto lang ang refresh rate. Baka umabot ito ng 30 hours. Abangan sa Facebook page ng Sulit Tech Reviews kung ano yung magiging result kapag pinakamababang resolution ‘yung ini-set at nag-PC Mark tayo ulit. Sa charging, 8% to 100%, 55 minutes ko lang na-charge itong phone.


Pagdating naman sa battery setting, pwedeng i-enable yung Bypass Charging at Fast Charging. By default, naka-off talaga yan. Kung gusto ninyong isagad to 90W yung charging speed, i-enable niyo lang yung Fast Charging sa settings.

Camera
Specification:

Ito ang mga sample photos:




Maganda talaga yung mga nakunan nating photos. Kahit pa-indoor at kahit na hindi naman sobrang liwanag sa loob ng kinainan namin ay maganda pa rin yung kuha ng V70. Sharp pa rin at detailed. Hindi tayo mag-aalala na baka pumangit o maging noisy ‘yung quality nung pictures in low light scenarios.
Ito ang mga sample AI photos:




Ito ang mga sample zoom photos:




Sa zoom capability, mukhang kuha pa rin sa physical na telephoto camera na walang halong AI. Ang ganda at napaka-realistic pa rin ng quality.
Ito ang mga sample video screenshot:




Ang selfie camera na ang tawag ng vivo ay Group Selfie Camera kasi napaka-wide nito. Naka-stretch yung buong kamay ko at kahit apat o limang tao ay kasang-kasya sa frame. At if ever na gusto natin na i-enable yung stabilization, magda-downscale lang ito to 1080p. Wala itong OIS sa selfie camera. Walang EIS sa 4K video recording. I suggest, kung gagamitin natin to sa pagv-vlog ay mag-gimbal kayo para sigurado. Yung dynamic range sa selfie camera ay maganda. Hindi blown out yung likuran ko kahit matirik yung araw. Sa 4K rear video recording, pwedeng i-zoom to 2x at 3x ang sagad. Pero kung gusto nating i-push pa, pwede ito hanggang 15x digital zoom. Maganda pa rin at meron pa ring depth of field. Meron itong OIS kaya kahit naglalakad ay stable ito.
Display
Specification:

5000nits lang naman yung peak brightness nito. Talagang wala tayong problema kahit pa-outdoor natin gamitin yung phone na ‘to. Out of the box, may naka-install naman na screen protector. Maganda po talaga yung color production nito. Accurate yung kulay na makikita natin sa screen nito. Nababago ‘yung resolution nitong vivo V70. Sa display settings, hanapin niyo lang yung screen resolution. At kapag in-open yan, yung default ay 1260p pero pwedeng HD or 1080p lang para sa longer battery life. Pero sa 26 hours 15 minutes na SOT, UHD yung setting.




Sa refresh rate, ang options ay Smart, Standard, at High. Tatlo rin yung option para sa kulay. Merong Natural, Professional, at Bright. Good news kasi yung Widevine Security nito ay Level 1. Full HD yung max playback resolution sa Netflix. Plus, meron pa itong HDR10 at HDR10+ support. Again, hindi lang sa design mukhang flagship itong vivo V70. Pati na rin sa camera performance at sa display.
Performance
Specification:

Mabilis talaga ‘yung performance ng phone na ‘to. Aabot ‘to ng Android 20. Ang tagal talaga nating magagamit itong phone. Maliban sa napaka-modern ng itsura, mukhang flagship, matibay dahil sa mga IP rating, nababago-bago ‘yung resolution, maganda yung operating system out of the box. Tapos, maganda yung storage type nito. Matagal pa yung software support. Talagang para sa akin, sulit na sulit yung ibabayad natin sa phone na ‘to kasi matagal talaga nating magagamit. Meron din itong extended RAM or virtual RAM. Ang talagang complain ko lang mula pa noon, hindi natin ma-customize kung ilang capacity lang yung gusto nating i-dedicate as extended RAM. Kapag in-enable ay automatic dodoblehin nito.

Ang AnTuTu score kapag ginamit ang extended RAM ay 1444230. Mataas yan. Pero kapag ini-off yung extended RAM. Bumaba ito at naging 1430322 na lang. Kung kailangan talaga natin gamitin ‘yung extended RAM, hindi tayo mag-aalala na baka bumagal ‘yung phone. Makakatulong pa ito sa performance. Pero kung hindi naman talaga natin kailangan, okay na okay na yung 8GB of RAM. Napakagaan ng feels ng OriginOS at very optimized pa. Malamang sa malamang ay hindi natin kailanganin talaga yung extended RAM.


Wild Life Stress Test

Isang patunay pa na talagang maganda yung battery consumption nitong phone. Tingnan natin yung Wild Life Stress Test result. 1% lang yung nabawas sa battery at 11°C yung nadagdag sa temperature. Goods na goods talaga. Pagdating sa gaming performance, sa Asphalt 9. Hindi lang basta sagad yung performance nito. Na-generate nito lahat at meron pa itong support sa 90fps gameplay. Again, napaka-optimized na ng OriginOS6. Kahit sa mga major games na nilalaro natin sa Android phone. Napaka-smooth din ng gameplay natin. Pero ang pinakaimportante, na-generate nito lahat ng graphics. Hindi ito hirap. Walang mafi-feel na struggle sa phone. Sa ganitong matataas na graphics na mga games, mage-enjoy tayo sa V70. Compatible sa Subnautica itong vivo V70. Napaka-smooth din ng gameplay nito.



Conclusion

Yun na lahat ang mga gusto kong i-share tungkol sa vivo V70. Napaka-minimal lang nung nakita kong cons. Siguro, ang number one o pinakamalaking downside ng phone ay wala itong eSIM support. Para sa isang phone na Php39,999 ‘yung pinakamataas na variant. Para sa akin ay talagang deal breaker ‘yun. Pero may work around naman para maging physical SIM ulit yung eSIM natin. O magamit yung eSIM sa isang phone na walang eSIM support. Pero the rest, ‘yung ibang aspect ng phone na ‘to ay goods na goods talaga. Simula sa design, display, camera, performance, at lalong-lalo na ang software support ay goods talaga. Siguro sana lang sa mga susunod na V-series ay wala nang 8GB RAM base model. Sana 12GB na yung base model, hanggang 16GB configuration.