nubia Neo 3 – ANG DAMING BAGO DITO!

nubia Neo 3 with Box

Tatlo ang nubia Neo 3 pero ang pagpauusapan natin ngayon ay 4G version. Pero meron itong 5G at GT version. Obviously, GT ang may pinakamagandang specs sa tatlo pero focus muna tayo sa 4G version. Gusto natin malaman kung sapat na ba ito para sa karamihan ng mga gamers sa ngayon? Ano ang pwede nating i-expect na performance sa phone? At magandang upgrade na ba ito sa nubia Neo 2 last year?

Price

Nasa baba ang link para ma-check mo ang updated pricing.

Unboxing

Maayos naman ang overall packaging na dumating sa amin. Well sealed naman, naka-box, at naka-bubble wrap pa. May kasamang freebie na wireless earphone itong nubia Neo 3 4G. Ang mismong box nitong Neo 3 ay may yellow accent at mecha and design. May makikita rin tayong Ai sticker sa top right corner. Pag-open ng box, makikita natin agad ang Neo 3 na nakabalot sa printed plastic na may top specs. Ang ganda ng Cyber Silver na napili nating colorway. Sobrang modern ng itsura at napaka-futuristic dahil sa mecha patterns. Sa ilalilm ng box ay makikita natin yung TPU case na frosted, SIM ejector pin, warranty card, 33W charging brick na USB-C ang port, at USB-C to USB-C cable.

Design

Itong nubia Neo 3 4G ay may tatlong colorways; Titanium Gold, Shadow Black, at ang ire-review natin na Cyber Silver. Ang isa sa pinakamalaking upgrade pagdating sa design ay ang LED light strip sa likod. Meron na itong ilaw sa mismong likod na hindi kagaya last year. Pwede natin piliin yung kulay kung violet, yellow, green, blue, o red. At kagaya ng nubia Neo 2 ay meron pa rin itong Shoulder Triggers sa may right side. Ang power lock button ay may red accent. Kung titingnan naman natin yung left side, ang makikita natin ay SIM tray at volume up and down button. Hybrid naman SIM tray, pwede tayong maglagay ng dalawang SIM card or isang SIM at isang micro-SD card. Sa taas naman ang secondary microphone. Sa ilalim naman ang main microphone, USB-C port, at main speaker. Ang secondary speaker naman ay located sa may earpiece.

Out of the box ay meron na tayong pre-installed na screen protector. Plus meron pa tayong frosted case na nakita kanina. Talagang gagamitin na lang natin ang phone. Ang isang issue na nakikita ko sa frosted case ay kapag nilagay natin iyon ay hindi na natin maa-appreciate yung design sa likod. Sana sa susunod ay frosted pa rin pero yung part na may LED design ay clear.

Capabilities

Itong nubia Neo 3 4G ay compatible sa 2.4GHz Wi-Fi connection at 5GHz Wi-Fi connection. Meron din itong IP54 na dust and splash resistant. Kung matalsikan ng tubig ay walang problema at kung mapunta sa maalikabok na lugar ay hindi ito agad-agad papasukin. Dual speakers ito at naka-DTS Audio. Sa test ko, maganda at crisp ang tunog. Mage-enjoy tayo sa gaming at media consumption. I-test natin ngayon ang fingerprint scanner. Conventional ito at isang dampi ay mau-unlock naman. Napaka-reliable, hindi ako nagkaroon ng issue. Isa pa sa hinangaan ko sa phone ay ang haptics. Mid-range level ang haptic nito. Mage-enjoy kayo at I suggest na huwag niyong i-turn off.

Display

Specification:

Hindi 1080p ang resolution natin pero at least ay mas mataas sa 720p. At kung paguusapan yung overall quality ng display ay okay naman at mostly accurate yung kulay. Hindi sobrang crispy compared sa mga 1080p display pero pwedeng-pwede na. Malaking tipid sa battery kasi hindi umabot sa 1080p yung resolution. Yun nga lang, kung titingnan niyo yung design ng display ay malaki yung chin ng nubia Neo 3. Isa iyan sa mga kailangan nating makasanayan. Pero at least ay punch hole selfie camera na ang meron tayo.

Yun lang ay hindi ito makakapag-play ng mga HD content sa mga streaming services na kagaya ng Netflix. Ang Widevine Security nito ay Level 3 kaya Standard Definition lang yung max playback resolution nito. Sa Screen Refresh Rate option ay meron itong apat na option; Auto, 60Hz, 90Hz, at 120Hz. Napaka-generous naman ng nubia pagdating sa options na binigay nila. Sa Test UFO, kapag nagii-scroll tayo ay papalo ito ng 120Hz pero sa oras na binitawan natin ang display ay mabilis itong baba to 60Hz. Malaking tipid sa battery. May option din tayo para matimpla yung color temperature.

Performance

Specification:

Una sa lahat, yung storage type nito ay UFS 2.2 based sa test na ginawa ko sa storage. Unlike sa nubia Neo 2 last year ay naka-UFS 3.1. Mas mabilis technically yung storage type at sequential speed ng nubia Neo 2 compared sa nubia Neo 3 4G. Isa pa sa kakaiba sa phone na ito ay talagang ini-disable ng nubia ang 5G capability ng Unisoc T8100 para ma-separate ito sa 5G version. Kasi yung 5G version ng nubia Neo 3 ay iba rin ang chipset. Para lang ma-double check ay nagsalpak ako ng 5G SIM. Sa Mobile Data setting > Preferred network type, ay walang 5G option. Makikita niyo rin sa signal na 4G lang talaga. Kapag nag-run tayo ng speed test ay hindi ganun ka-wow yung speed kasi hindi ito 5G.

Kung ang isa sa tinitingnan niyo sa phone ay ang connectivity ay baka ma-disappoint kayo sa phone na ito. Sapat naman na ang 12Mbps para sa social media browsing or panonood ng YouTube videos. Pero para sa mga gumagamit ng GPS based applications like Waze or Google Maps ay baka hindi maging stable yung data connection natin kung ganito lang kabilis. Kung speed ng data yung hinahanap niyo sa isang phone ay go for 5G version.

AnTuTu

Itong Unisoc T8100 ay previously known as Unisoc T760. At ang Unisoc T760 ay gamit ng HMD Crest 5G na na-review natin before. Talagang ini-disable lang ng nubia ang 5G capability ng Unisoc T8100. Pagdating sa RAM ay meron tayong extended RAM na up to 8GB. Ang AnTuTu score natin kapag ginamit ang extended RAM ay 453165. Kapag hindi naman natin ginamit ang extended RAM ay ang laki ng binaba sa performance, 418257. I suggest na gamitin niyo ang extended RAM, kung ayaw niyo ay okay lang naman pero if ever na kailanganin ninyong gamitin ay hindi kayo magaalala na babagal ang performance.

Isa pa iyan sa mga downgrade compared sa nubia Neo 2 last year. Kasi ang AnTuTu score na nakuha natin sa nubia Neo 2 last year ay nasa around 500k. Hindi talaga ito upgrade sa nubia Neo 2. Kung naka-nubia Neo 2 ka ay okay pa ang performance niyan. Kung naka-nubia Neo 2 ka at gusto mo mag-upgrade, go for 5G version or GT version.

Pagusapan natin ang Game Space, ganun na ganun pa rin ang animation at overall na UI. Tapos kung gusto naman natin gamitin yung shoulder triggers ay isa-swipe lang natin yung display from left to right habang may naka-open na game. Makikita rin natin yung ibang mga option pagdating sa performance profile. Pwede na rin natin ma-map yung shoulder triggers at pagdating sa responsiveness ay maasahan naman. Maganda rin ang haptics kaya alam mo talaga kapag napipindot ang shoulder triggers. Pagdating sa overall performance sa gaming, okay naman. Pasado at napaka-smooth naman pero entry level lang ang chipset nito kaya hindi natin i-expect na magiging maganda yung graphics nito overall.

Battery

Specification:

Ang laki ng nakuha nating SoT, 13 hours and 12 minutes. Hindi naman sobrang laki pero compared sa nubia Neo 2 last year na nasa 11 hours lang ay pwede na. Malaking tulong na hindi 1080p yung display nito at sobrang bilis bumaba ng refresh rate nito from 120Hz to 60Hz. Pagdating naman sa charging, 15% to 100% ay 1 hour and 28 minutes ko lang ito na-charge. Good news ay meron pa rin itong Charge separation. Kapag magga-games tayo at ayaw natin ma-lowbat ay pwede natin ikabit sa charger, i-on ang charge separation para sa mismong charger ito kukuha ng power.

Camera

Specification:

Ito ang mga sample photos:

Ito ang mga sample video screenshot:

Conclusion

Natitirang tanong na lang ay dapat mo bang bilhin itong nubia Neo 3 4G? Kung meron ka nang nubia Neo 2 ay huwag ka muna mag-upgrade sa Neo 3 4G. Downgrade itong phone kung iko-compare sa nubia Neo 2. Maliban na lang kung 5G version or GT yung bibilhin mo. Pero kung itong Neo 3 4G VS sa Neo 2 ay downgrade talaga. Kasi 5G version na iyon at mas maganda yung chipset at performance nito. Siguro ang upgrade sa Neo 3 4G ay ang display kasi 900p na, mataas na SoT, at may RGB strip sa likod. Sulit pa rin naman ang phone dahil sa presyo ay pang-gaming na talaga ang performance at itsura na makukuha mo sa phone. Kung makakapagantay ka sa 5G version ay mas okay na option iyon.

Kung gusto nyo bumili nito, click niyo lang ang link na ito:
Shopee – https://invl.me/clmlha6
Para naman sa video ng review ko, pede niyo panoorin dito:

About Author