Skip to content

Sulit Tech Reviews

Samu't-saring Unboxing and Reviews

Lazada Philippines

Follow Me

  • Youtube
  • Facebook
  • Instagram
  • Twitter
Primary Menu
  • Home
  • Press Release
  • Tech Blog
    • Phones
    • Tablets
    • Laptops
    • Other Tech
  • Contact
  • Youtube
  • Facebook
  • Instagram
  • Twitter
  • Home
  • Tech Blog
  • Nothing Phone (3) – PASADO BA TALAGA AS “FLAGSHIP”? MAGANDA BA ANG BAGONG “GLYPH INTERFACE”?
  • Nothing
  • Phones
  • Tech Blog

Nothing Phone (3) – PASADO BA TALAGA AS “FLAGSHIP”? MAGANDA BA ANG BAGONG “GLYPH INTERFACE”?

Unahin nating pag-usapan yung bagong Glyph Interface. Meron na itong monochrome display sa likod. Makikita diyan yung n...
sulittechreviews October 30, 2025

Nothing Phone (3)

Snapdragon 8s Gen 4

LPDDR5X + UFS 4.0

5150mAh 65W

15W Wireless Charging

5W Reverse Charging

Watch Full Review
Nothing Phone 3 Beauty Shot
  • Specifications
  • Price & Availability
  • Unboxing
  • Design
  • Display
  • Performance
  • Battery
  • Camera & Verdict
  • Video
DESIGNIP68 – Dust & Water Resistant
Nano SIM + Nano SIM (eSIM Support)
218g + 9mm
Glyph Interface
Essential Button
DISPLAY6.67″ Flexible AMOLED 120Hz
1260p Resolution 10-Bit
4500nits max brightness
800nits typical brightness
Corning Gorilla Glass Victus
PERFORMANCEAndroid 15
Nothing OS 3.5
5 Major Android Upgrades
7 Years Security Patches
Snapdragon 8s Gen 4
LPDDR5X RAM
UFS 4.0 Storage
12+256GB / 16+512GB
CAMERA50MP f/1.68 OIS Main
50MP f/2.3 Ultrawide
50MP f/2.68 OIS Periscope 3x Zoom
Max video: 4k 30FPS
50MP f/2.2 Selfie
Max video: 4k 30FPS
BATTERY5150mAh 65W
15W Wireless
5W Reverse Wireless
7.5W Reverse Wired

12+256GB

44,899
PHP
BUY HERE

16+512GB

50,899
PHP
BUY HERE

Available na sa Digital Walker itong Nothing Phone 3. Talaga namang pinag-uusapan yung phone na to ngayon dahil sa updated Glyph Interface. Dati ay merong mga ilaw-ilaw sa likod. Ngayon ay nasa bilog na monochrome display na lang. Titingnan natin mamaya kung anong mga pwede nating makita sa display na iyan. Pero higit sa lahat, anong value or performance ‘yung makukuha natin versus sa presyo ng phone.

Price

Dalawa yung configuration na pwede nating pagpilian. Una ay 12/256GB na Php44,999. Pangalawa ay yung 16/512GB na Php50,999. ‘Yung i-unbox natin ngayon ay itong color White na 16/512GB na configuration.

Unboxing

Makikita sa harap ng box nitong Phone 3 yung updated na Glyph Interface. Pag-open, makikita agad natin yung clear na jelly case. First time ko makakita na may jelly case na kasama ‘yung Nothing Phone. Meron itong USB-C cable, SIM ejector, at documentation.

Glyph Interface

Unahin nating pag-usapan yung bagong Glyph Interface. Meron na itong monochrome display sa likod. Makikita diyan yung notifications, oras, at iba pa. Meron itong capacitive button sa may gilid. Pwedeng i-hard press yan para makita natin yung Glyph Toys. Makikita rin dito yung battery percentage at stopwatch. Long press lang yung capacitive button at magka-count na ito. Long press ulit para mag-stop at long press ulit para mag-reset. Mayroon din itong oras at spin the bottle. Sa ngayon ay ‘yan pa lang ‘yung mga available na Glyph Toys. Sabi naman ng Nothing—dadami pa ng dadami yan sa mga susunod na software updates. Dahil may available na API para sa mga developers. Pwedeng sa bawat application ay merong makikitang unique na Glyph Toy.

Design

Kapansin-pansin din na talagang naka-protrude ‘yung tatlong camera nito. Mas angat na angat lang yung dalawang camera. Malinis naman ito overall. Yun nga lang ay wala na itong mga ilaw-ilaw pero parang transparent pa rin yung design nito. Dahil glass ito ay syempre kapitin ito ng smudges. Hindi naman halata dahil color White ito. Protected ng Corning Gorilla Glass Victus yung likod ng Nothing Phone 3. If ever lang naman na ayaw niyong gamitan itong case, huwag mag-alala kasi hindi agad-agad magagasgasan ang likod nito. Pero ingatan niyo yung naka-protrude na mga camera sa likod. Siguradong ‘yan ‘yung unang-unang naka-expose kapag inilapag sa surface.

Sa may right side ay makikita ‘yung power lock button at ‘yung non-essential Essential Button. Sa may left side yung volume up and down buttons. Tapos sa taas yung secondary mic at secondary speaker. Sa may ilalim naman yung SIM tray, main mic, USB-C port, at ‘yung main speaker. Dalawang nano SIM ‘yung pwedeng ilagay sa SIM tray. Merong support sa eSIM itong Nothing Phone 3. Pwedeng isang nano SIM + isang eSIM, or dalawang eSIM. If ever lang naman na kaya ng budget ay go for the 16/512GB configuration. Kasi nga wala itong lalagyanan ng micro SD card. Hindi expandable yung storage nito.

According to Nothing, IP68 yung ingress protection nito. Fully resistant ito to water and dust. Pero ‘wag na ‘wag isu-submerge ng matagal sa tubig dahil hindi ‘to action camera. Pang accidental purposes lang ito. If ever na aksidenteng nalublob sa tubig ay okay lang. Hindi tayo mag-aalala basta iaahon natin agad-agad. Aluminum ‘yung frame nito. Kung sakali nga na ayaw niyo nitong White, meron pa itong color Black na Nothing Phone 3.

Display

Specification:

Konting opinyon lang, alam kong mapapansin din ninyo sa likod. Uulitin ko lang, Corning Gorilla Glass Victus iyung proteksyon nito. Pero pagdating sa harap, Corning Gorilla Glass 7i yung protection. Sobrang downgrade compared sa likod. Meron namang pre-installed na screen protector out of the box, which is good. Sana ginawa na nilang Corning Gorilla Glass Victus sa harap at likod. Ang mahal naman ng phone na ‘to ‘di ba? Php51,000 para sa highest configuration. Sana sinagad na rin nila. Ayun lang, medyo nakakalungkot na may proteksyon sa harap pero hindi kasing ganda sa likod. Dahil 10-Bit yung color nito ay napakaganda ng color reproduction ng phone. Ang nipis pa ng mga bezels nito. Napaka-immersive ng experience if ever na manonood tayo ng mga movies or TV series. Pagdating sa media consumption ay okay na okay ito.

Sa Netflix application, Level 1 ‘yung Widevine Security tapos yung max playback resolution ay FHD. Pagdating sa colors ay mayroong dalawang preset: Alive at Standard. Pwede nating i-adjust ‘yung color temperature. Sa display refresh rate options ay tatlo ‘yung pwede nating pagpilian. Dynamic, from 120Hz pwede itong bumaba to 60Hz. High, naka-lock lang ito to 120Hz. At Standard kung naka-lock lang ito to 60Hz kung gusto nating makatipid sa battery.

Konting opinyon lang ulit. Hindi LTPO AMOLED yung inilagay ng Nothing kundi LTPS lang. Hindi ito bababa ng hanggang 1Hz. Nakaka-disappoint kasi nga “True Flagship” to. Pero again, hindi na naman nila sinagad yung display specs. Hindi kagaya ng mga nagdaang Nothing Phone ay naka-LTPO yung AMOLED kaya sobrang tipid sa battery. Pagdating sa hapticks, sobrang satisfying at huwag nyong patayin. Mage-enjoy talaga kayo sa vibration nitong Nothing Phone 3. Sobrang realistic nung haptic engine lalo na kapag nagta-type.

Performance

Specification:

Another reason na naman para i-consider ‘yung 16/512GB. Matagal ‘yung software support na ibibigay ng Nothing. Sa mga gustong dagdagan ng virtual RAM ‘yung physical RAM ng phone. Sa RAM Booster, hanggang 8GB ‘yung pwedeng ibigay. Ang AnTuTu score nung ginamit ang RAM Booster, 1946719. Kapag naka-off naman ay 1980113. Mas maganda yung performance kung hindi gagamitin yung RAM Booster.

Sa gaming, hindi rin tayo madi-disappoint sa Nothing Phone 3. Halimbawa, sa Racing Master, sagad na sagad yung graphic settings. Sa mismong gameplay, walang makikitang kahit anong struggle, walang hiccups, walang struggle, walang frame drops, at walang kahit ano. Sobrang smooth. Napakaganda ng performance. ‘Yun nga lang ay mga 15 minutes ko pa lang nilalaro ‘yung game na ‘to. Nakaramdam na ako ng alarming heat sa likod. Maganda daw yung inilagay na cooling system ng Nothing. Pero sa experience ko ay hindi masyado kasi ang bilis uminit nito. Hinay-hinay pa rin sa paggamit sa phone na ‘to. At ang isa pa sa medyo nakaka-disappoint, “True Flagship” yung sinabi ng nothing para sa Phone 3. Pero hindi pa Elite yung ginamit nila na chipset.

Battery

Specification:

Kahit na ang daming charging options ng Nothing Phone 3. Nakakalungkot na hindi pa ginawang 5,500mAh yung capacity. Or kahit man lang sinagad na nila to 6,000mAh. Pero huwag tayong mag-focus masyado sa number. Sa actual SOT na nakuha natin sa phone, almost 18 hours yung nakuha sa PCMark. Ang tindi! Talagang magtatagal sa atin ng mahigit isang araw itong phone na to. Kahit heavy use sa buong isang araw ay meron pang matitirang kaunti sa Nothing Phone 3. Mahihirapan talaga tayong i-empty yung battery nito. Which is good news kasi kung plano nating gamitin to ng matagal, hindi agad-agad made-degrade yung battery nito. Hindi tayo mapipilitang mag-charge ng madalas.

Camera

Specification:

Reminder lang na itong camera ng Nothing Phone 3 ay may dalawang option. Pwede nating i-select ‘yung 50MP para sa highest resolution. Pero ang magagamit lang ay purely main, ultrawide, at periscope na three times zoom. Kung gusto nating umabot ng 60x yung zoom, i-set to 12MP lang.

Ito ang mga sample photo screenshots:

Pagdating sa mga sample shots, hindi naman ako na-disappoint. Maganda naman talaga. Kahit gloomy ang weather ay maganda pa rin ‘yung kuha. Detailed pa rin, okay ‘yung colors, hindi sobrang saturated, hindi rin naman maputla. Para sa akin ay tamang-tama lang. Realistic pa rin. Maganda ‘yung quality ng portrait shots. May halong AI ‘yan pero nagamit naman ng mabuti kasi maganda. Pwedeng-pwede ring gamitin ‘yung macro mode. Kung sakaling gusto ninyong mag-take ng magagandang close-up shots. Detailed na detailed pa rin. Sa pag-test sa zoom. Ang layo ng naabot ng 60x Digital AI Zoom at ang linaw pa rin ng quality. Sobrang layo niyan pero kitang-kita pa rin ang mga bintana.

Ito ang mga sample video screenshots:

Naka-4K 30fps ito at naka-ultra wide sa rear camera. Pero pwedeng i-switch to 1x at sa periscope telephoto camera. Pwedeng mag-zoom hanggang 18x.

Conclusion

Pagdating sa camera. para sa akin, okay naman. Pasok na pasok ito sa presyo pagdating sa apat na 50MP. Halos wala naman akong question pagdating sa camera performance ng phone na ‘to. Yun lang ay kagaya ng sinabi ko kanina, medyo nakulangan ako sa display or sa screen protection. Pangalawa, hindi pa nila isinagad sa Elite version ng Snapdragon yung chipset. “True Flagship” ito ng Nothing sa brand overall. Pero sa napakadaming flagship phones ngayon ay iwan na iwan ‘yung specs ng phone na ‘to.

Pero sa actual performance ng display, ang ganda ng color reproduction ng phone. Ang ganda rin ng camera. Ang ganda rin ng battery performance, almost 18 hours. Aabot ng Android 20 itong Nothing Phone 3. Matagal-tagal natin ito magagamit tapos may protection din yung likod nito. Maraming pambawi yung Nothing na ginawa sa Phone 3. Para maging blurry sa atin yung ilang mga downsides na makikita sa phone na ‘to. Lalong-lalo na yung Glyph Interface. Medyo weird ‘yung itsura ng likod kasi hindi pantay ‘yung lineup nung camera. Hindi ko alam kung sinadya nila ‘yan para talagang mapag-usapan. Pero sa ngayon ay hindi ko masyadong gusto ang itsura. Makakasanayin din natin yan. Lalong-lalo na yung Glyph Toys ay dadami pa yan. Magiging useful talaga itong Glyph Interface sa mga darating na panahon.

Kung gusto nyo bumili nito, click niyo lang ang link na ito:
Digital Walker – https://digitalwalker.ph/collections/…

About Author

sulittechreviews

See author's posts

Post navigation

Previous: ANO’NG MAS SULIT NA PHONE GIMBAL? Insta360 Flow 2 or DJI Osmo Mobile 7P?
Next: OnePlus Nord 5 – AFFORDABLE FLAGSHIP KILLER! GOOD DEAL NA ‘TO!

Related Stories

Top 5 Phones ng 2025
  • Phones
  • Tech Blog

Top 5 Phones ng 2025 – ENTRY LEVEL at MIDRANGE!

sulittechreviews December 18, 2025
ASUS ExpertBook P1
  • Laptops
  • Tech Blog

ASUS ExpertBook P1 – Grabe sa AI Features!

sulittechreviews December 18, 2025
STR Conclusion on vivo X300 Pro
  • Phones
  • Tech Blog
  • vivo

vivo X300 Pro – ANG PHONE OF THE YEAR KO!

sulittechreviews December 18, 2025
Top 5 Phones ng 2025
Phones Tech Blog

Top 5 Phones ng 2025 – ENTRY LEVEL at MIDRANGE!

sulittechreviews
December 18, 2025 0
ASUS ExpertBook P1
Laptops Tech Blog

ASUS ExpertBook P1 – Grabe sa AI Features!

sulittechreviews
December 18, 2025 0
STR Conclusion on vivo X300 Pro
Phones Tech Blog vivo

vivo X300 Pro – ANG PHONE OF THE YEAR KO!

sulittechreviews
December 18, 2025 0
vivo V60 Lite Beauty Shot
Phones Tech Blog vivo

vivo V60 Lite – MATIBAY NA, MATAGAL PA MA-LOWBATT!

sulittechreviews
November 11, 2025 0

Recent Posts

  • Top 5 Phones ng 2025 – ENTRY LEVEL at MIDRANGE!
  • ASUS ExpertBook P1 – Grabe sa AI Features!
  • vivo X300 Pro – ANG PHONE OF THE YEAR KO!
  • vivo V60 Lite – MATIBAY NA, MATAGAL PA MA-LOWBATT!
  • Infinix GT 30 – PREMIUM GAMING EXPERIENCE?!
Copyright © All rights reserved. | MoreNews by AF themes.