Infinix HOT 60i 5G
Dimenisity 6400 5G
LPDDR4X
6000mAh 18W
120Hz 720p
5-Year TUV Fluency

| DESIGN | IP64 – Dust & Water Resistant Micro SD + Nano SIM + Nano SIM (5G) 199g + 8.14mm 5-Year TUV Fluency |
| DISPLAY | 6.75″ IPS LCD 120Hz 720p 670nits max brightness 560nits typical brightness |
| PERFORMANCE | Android 15 XOS 15.1 1 Major Android Upgrades 2 Years Security Patches Dimensity 6400 5G LPDDR4X RAM eMMC Storage 4+128GB/ 8+256GB |
| CAMERA | 50MP f/1.6 OIS Main Depth Sensor Max video: 2k 30FPS 5MP f/2.0 Selfie Max video: 2k 30FPS |
| BATTERY | 6000mAh 18W |
Alam niyo ba na for less than Php6,000 pwede ka nang makabili ng 5G phone. Pwede niyo i-consider ang Infinix HOT 60i 5G. Mukha pang iPhone Air ito.
Price

As of writing this article, ang presyo nito ay PHP5,972. Reminder lang na hindi ito mabibili sa mga mall. Sinubukan namin pero wala talaga. Mabibili lang ito online.

Mukha itong iPhone Air kasi pahaba yung camera island nito. May dual color or dual tone yung design nito sa likod. Mukhang sinadya nila ito para magmukhang iPhone. May apat na kulay na pwedeng pagpilian sa HOT 60i 5G; Sleek Black, Monsoon Green, Plum Red, at Shadow Blue.
Specification:

Keep in mind na walang ini-promise na mahabang software support ang Infinix para sa phone. According sa na-research ko, pero hindi ito ini-announce ng Infinix. Possible na makatanggap ito ng 1 Major Android Upgrade. Iyan ang Android 16 at after niyan ay baka wala na. 1 to 2 Years na Security Patches. Yun yung compromise sa mga murang phone ngayon. Hindi mahaba ang software support. Para bang kapag binili natin, after 1 year ay bahala na tayo. Sa harap ng box ay may nakasulat na 5-Year TUV Fluency. Ibig sabihin niyan, ang performance daw nitong phone mula nung binili natin. Magiging consistent ito sa loob ng limang taon.


Meron itong MemFusion or Virtual RAM na up to 4GB. In total, pwede itong maging 8GB. Ang AnTuTu score ng phone ay 554521. Not bad para sa ganitong presyo. Kalahating million ang score na nakuha natin. At sa mga entry level phone na na-review natin this year. Nasa 200, 300, or 400 thousand lang yung AnTuTu score pero mas mahal kaysa sa HOT 60i 5G. Itong phone ay mura na pero lampas ang ibinigay na AnTuTu score. Napaka-decent ng magiging performance nito sa everyday na ginagawa natin. Pero pagdating sa gaming, hindi tayo mage-expect ng malaki sa phone kasi entry level lang ito. Casual gaming lang gaya ng Asphalt ay okay na okay ito. Hindi nito na-generate lahat ng graphics, as expected. Pero smooth ito at wala akong na-experience na lag or frame drops. Smooth lang pero yung graphics lang talaga ay compromise.

Specification:

Malaki-laki yung battery capacity nito. Napaka-decent din ng SOT na nakuha nito, 19 hours and 15 minutes. Iyan ay kapag naka-off ang MemFusion. Kapag naka-on ang MemFusion nadagdagan ng kaunti ang SOT, 20 hours and 28 minutes. Para sa isang entry level phone ay napakaganda ng battery performance nitong HOT 60i. Good news iyan para sa mga nagpaplanong gamitin ito as backup phone. O kaya gagamitin ito sa work. Lalo na sa mga gumagamit ng GPS based apps like Waze at Google Maps. Sa buong maghapon ay hindi tayo bibitinin nito sa power.


Sinalpak ko yung Globe SIM ko sa phone. Sa Google Speed Test ay nakakuha ito ng 136.8Mbps at 10.3Mbps upload speed. Not bad, mabilis iyan para sa ganitong phone. Sa Fast, nakakuha ito ng 140Mbps. Nasa iisang location pa rin ito nung nag-test ako. At nasa loob pa ng bahay iyan. Paano pa kung nasa labas ako. Lastly ang Ookla Speed Test, nakakuha ito ng 205Mbps. Para tayong naka-Wi-Fi. Para sa mga gustong gamitin ito as backup phone, hotspot, or for GPS based apps. Hindi tayo mapapahiya sa phone na ito.



Specification:

Yun nga lang ay may notch ito at medyo makapal-kapal yung chin nito. Pero sa ganitong presyo at 5G naman, maganda yung battery capacity. Hindi na natin iyan irereklamo. Yung kulay nito ay okay naman. Napaka-decent, hindi naman yellowish or blueish. Pantay na pantay naman para sa akin. Ang maganda pa, yung Widevine Security Level nito ay Level 1. FHD ang mapa-play na max resolution. Kahit na medyo bitin ito sa software updates. Okay na okay ito sa iba pang aspect.

Specification:

Ito ang mga sample photos:




Ito ang sample video screenshot:

Ang pinakamataas na resolution na pwedeng ma-record sa selfie camera ay 2K 30fps. In fairness, for less than Php6,000 ay may ganito ka na kagandang selfie video. Kung sakali na gagamitin niyo ito for TikTok, or pang-video call. Hindi kayo mapapahiya dahil maganda yung quality.

For less than Php6,000 ay meron ka ng 5G connectivity, magandang battery performance, okay performance sa everyday application, at ang pinakaimportante sa lahat ay mabilis ang data connection nitong Infinix HOT 60i 5G. Pero hindi pa rin ito perfect. Hindi mahaba yung software support nito, naka-notch ito, at hindi ganun kataas ang max brightness nito. Hindi naman sobrang hirap makita ang display kung gagamitin ito outdoor. Pero kung nasanay ka sa mid-range to flagship phone brightness. Baka mabitin ka sa max brightness nito.
Pakita ko muna ang mga included sa box. Maliban sa phone ay meron itong documentations, SIM ejector pin, hard case, at cable. Kumpleto ito sa loob at meron na rin itong pre-installed screen protector. Iyan na lahat ng gusto kong i-share tungkol sa phone na ito. Para sa akin ay sulit ito. Sa halos lahat ng aspect ay okay na okay itong HOT 60i 5G para sa presyo.