Isa na namang manipis na phone ang ini-release ng Infinix. Ito naman yung Infinix Hot 60 Pro, 6.6mm yung design nito. Pero hindi lang yung design yung manipis, pati na rin yung presyo.
Price

Nasa baba ang link para ma-check mo ang promo at updated price.
Unboxing








Kita-kita sa harap ng box yung 6.6mm Ultra Slim Design na text sa box ng HOT 60 Pro. Sa likod ng box ay makikita yung iba pang top specs at features ng phone. Pag-open, yung phone agad yung makikita. Yung nandito sa atin ay Safari Blue color. Medyo may pagka-gradient yung color depende sa tama ng ilaw. Mula sa gray, papunta sa pagiging blue. Meron itong SIM ejector, documentations, frosted hard case, 45W charger, at USB-C to USB-A cable.
Design




If ever na hindi niyo gusto itong Safari Blue ay meron pang ibang colorway itong HOT 60 Pro. Meron pang Slick Black, Titanium Silver, at Coral Tides. Again, 6.6mm yung nipis ng phone na to. Nakakabilib na sa isang budget friendly Android phone ay makaka-experience tayo ng ganito kanipis. Pero titingnan natin kung meron bang makikitang malalaking compromises pagdating sa specs at performance. Para lang ma-achieve ‘yung ganitong design. Maliban sa 6.6mm ultra slim design. 170g lang yung weight ng phone. Napaka-comfortable gamitin kahit buong maghapon pa hawak-hawak. May volume up and down button at power lock button sa may right side. Mayroon pang makikitang additional button sa may bandang ibaba.



Tinatawag itong One-Tap Button. Basically, ang ginagawa ng One-Tap Button ay shortcut para sa ibang actions. Ini-set ko ito na mao-open yung flashlight kapag ini-double press. Sa setting, may dedicated page yung One-Tap Button. Yung pwede lang i-customize ay yung double press. Yung long press ay talagang naka-set sa AI ng Infinix. Sa double press, pwedeng mabuksan yung camera, pwedeng ma-mute, mag-open ng application, at marami pang iba. Kapag naka-open naman ‘yung camera application, yung One-Tap Button ay pwedeng gamitin as shutter button.
Capabilities



FYI lang na itong Infinix HOT 60 Pro ay hindi lang compatible sa 2.4GHz Wi-Fi connection. Pati na rin sa 5GHz Wi-Fi connection. Para sa mga curious sa haptics ay matutuwa kayo sa haptics ng phone. Hindi man kasing ganda ng mga premium midrange phones, pero hindi naman kasing lala ng sobrang murang mga entry level phones. Maganda para sa presyo nito. I suggest na gamitin niyo.
Kapag tingnan naman yung ibabaw ay makikita natin yung secondary speaker. Sa may left side ay makikita yung SIM tray. Sunod yung SIM tray ng Infinix Hot 60 Pro. Good news kasi hindi lang dalawang nano SIM ang pwedeng ilagay. Pwede pang maglagay ng micro-SD card. Hindi hybrid ‘yung SIM tray nitong phone. ‘Yun nga lang, dahil budget friendly Android phone ito. Wala itong support sa eSIM. If ever man na naka-eSIM tayo ay mapipilitan tayong bumalik sa physical SIM. Ang maganda pa sa Infinix HOT 60 Pro ay mayroon na ‘tong IP64 na protection. Hindi agad-agad mapapasukan ng alikabok or talsik ng tubig if ever man mabasa ng ulan.
Display
Specification:

Sa totoo lang, ilang beses kong dinoble check yung specs ng phone na to kung tama ba yung nakikita ko. Kasi for Php6,999, sobrang ganda ng specs ng display nito. 144Hz, AMOLED, at 1.5K yung resolution. Grabe, ang layo na talaga ng narating ng mga entry level phones. Yung bezels ng phone ay hindi naman sobrang halata. Pero konting-konti lang naman na mas makapal yung chin compared sa ibang mga sides. Pero yan ay kapag tinitigan mo na talaga. Sa unang tingin ay parang proportion na proportion yung bezels. Sa display settings, meron itong Color Style na pwedeng pagpilian. Bright Colored, Original, tsaka pwede nating i-adjust yung color temperature. Pagdating naman sa refresh rate, meron itong Auto Switch, Standard, at High.



Refresh Rate


Ito na naman yung kailangan nating linawin. Hindi palaging naka-144Hz yung phone. Naka-auto ito at bumababa naman to 60Hz. Which is good. Kapag ini-touch natin ayan naglalaro lang ito to 90Hz or 120Hz. Paano natin mau-utilize yung 144Hz na refresh rate? Balik lang tayo sa display settings > screen refresh rate. Meron itong High option at select natin. Pwede na itong umabot ng 144Hz. Pero again, hindi lahat ng application ay mae-experience natin ‘yan.
Pindutin lang ang Customize. Tatlo pa lang sa ngayon ‘yung pwedeng gumamit ng mataas na refresh rate na yan, Settings, Messages, at Phone. The rest, ang pwedeng i-select na pinakamataas na refresh rate ay 120Hz. Sa ngayon, ang 144Hz max refresh rate nitong HOT 60 Pro ay pwedeng ituring na future proofing. Konti pa lang sa ngayon ang mga application na talagang pwedeng mag-utilize ng mataas na refresh rate na ‘yan. Pero at least, sa darating ng mga buwan o taon ay naka-ready na yung phone na to. Isa pang good news ay yung Widevine Security ay Level 1 at FHD yung max playback resolution. Mage-enjoy tayo sa magandang display nito kapag nagi-stream ng movies or TV shows.

Performance
Specification:

Meron itong MemFusion at pwedeng dagdagan ng up to 8GB yung 8GB na physical RAM. Kaya sa box ng Infinix HOT 60 Pro ay 16GB po yung nakalagay. Check natin kung malaki ba talaga yung epekto sa performance ng MemFusion. Ang nakuhang score kapag naka-on yung MemFusion ay 466497, which is not bad. Okay na okay na po yan. Kapag naka-off, nakuhang score ay 470356. May kaunting boost sa performance kung hindi natin gagamitin yung MemFusion. Kung talagang kailangan natin ng 16GB of RAM ay naka-ready lang naman ito sa setting. Naka-in-display fingerprint scanner ito at reliable naman. Kapag naka-off ay madali namang ma-unlock. Sa Wild Life Stress Test, nabawasan lang ng 4% sa battery after test. Nadagdagan lang ng 5°C. Not bad iyung battery consumption at not bad din iyung thermals.




Sa mismong gameplay sa Asphalt. Hindi nito na-generate lahat ng graphics as expected. Kasi hindi ganon ka-powerful yung Helio G200. Parang Helio G99 pa rin ito na may konting improvements sa ilang aspect ng phone. Pero for the most part, napaka-smooth naman ng experience. Wala masyadong frame drops or lag. Talagang mage-enjoy pa rin naman tayo. Sa Racing Master, hindi rin masasagad ‘yung graphic settings. Pagdating sa mismong gameplay ay medyo hirap ito. May struggle akong na-feel nung nilalaro ko pero very playable pa rin.




Updates

Napansin ko na walang sinabi ang Infinix kung ilang taon nila susuportahan, pagdating sa software, itong Infinix HOT 60 Pro. Hindi talaga naka-declare. At usually, ‘yan yung ginagawa ng maraming brand sa ngayon. Kapag mayroon silang nire-release na bagong phone. Talagang pinagmamalaki nila kung ilang taon yung major Android upgrades na matatanggap ng bagong release na phone. At kahit pa yung security patches. Pero walang sinabi ‘yung Infinix. Abangan natin sa mga susunod na buwan or weeks. Baka meron silang i-announce tungkol sa bagay na ‘yan. Pero sa paggamit ko sa phone na to, meron akong na-receive na isang software update. Iyan iyung July 2025 security patch. At least, merong maaasahan na possibility na maganda yung magiging software update sa Infinix HOT 60 Pro.
Battery
Specification:

‘Yung SOT na nakuha sa phone ay 12 hours 45 minutes, almost 13 hours. Hindi naman nakaka-disappoint pero hindi rin nakaka-wow. Saktong-sakto lang talaga. Sana ma-improve pa ‘yan sa mga susunod na software updates. Dahil sa mataas na resolution na 1.5K, mataas na max refresh rate, at mataas na peak brightness. Sigurado na talagang malaki ang epekto nito sa battery performance. At least, kung bababaan lang yung refresh rate, palaging naka-auto, hindi tayo masyadong maglalaro, at hindi palaging naka-max ‘yung brightness. Mataas pa yung pwedeng makuhang SOT.

Camera
Specification:

Ito ang mga sample photos screenshot:


Ito ang mga sample video screenshot:




Conclusion

Ayan na lahat yung mga gusto kong i-share tungkol sa Infinix HOT 60 Pro. Bibilhin niyo ba yung phone na ‘to? Masasabi ko na sulit ‘tong phone na ‘to. Isipin niyo ‘yung specs. Hindi natin aakalain na maisisiksik nila ‘yan sa ganitong presyo at nipis ng phone. Nakakabilib lang. Sana ay ipagpatuloy pa yan ng Infinix sa mga susunod na taon.
Kung gusto niyo bumili nito, click niyo lang ang link na ito:
Shopee –https://bit.ly/HOT60-PRO_SHP
Lazada – https://bit.ly/HOT60PRO_LAZ
TikTok – https://bit.ly/HOT60-PRO_TikTokShop
Para naman sa video ng review ko, pede niyo panoorin dito: