Infinix GT 30
Dimensity 7400
144Hz
Shoulder Triggers 520Hz
5500mAh

| DESIGN | IP64 – Dust & Water Resistant MIL-STD-810H Nano SIM + Nano SIM 194g + 7.69mm Plastic Back Shoulder Triggers LEDs on the Back |
| DISPLAY | 6.78″ LTPS AMOLED 1.5k Res 144Hz FHD+ 4500 nits max brightness 700 nits typical brightness Corning Gorilla Glass 7i |
| PERFORMANCE | Android 15 XOS 15 2 Major Android Upgrades 3 Years Security Patches Dimensity 7400 LPDDR5X RAM UFS 2.2 Storage 8+256GB |
| CAMERA | 64MP f/1.75 OIS Main Sony IMX682 8MP f/2.2 Ultrawide Max video: 4k 30FPS 13MP f/2.2 Selfie Max video: 4k 30FPS |
| BATTERY | 5500mAh 45W Wired Reverse Charging Bypass Charging |








May pagka-gaming talaga sa box pa lang nitong Infinix GT 30. Merong top specs na makikita sa box. Pag-open ng box, yung document sleeve agad ang makikita. Sa loob ay may SIM ejector pin, documentation, at jelly case. Medyo makapal-kapal naman ang case pero clear. Sobrang clear talaga at malaking tulong yan para ma-appreciate ang design ng phone. Meron itong added protection sa maliit na camera module. Sunod ay ang phone na nakabalot sa isang printed na balot. Meron itong top specs ulit. Cyber Blue ito at napakaganda talaga.
Napakadaming mechanical design sa likod pero masasabi kong hindi pa rin oa. Good job sa Infinix. Hindi sila naglagay ng frosted case or hard case. Kasi gustong-gusto nating makita yung likod na yan. Sa ilalim ng box ay may 45W charging brick na USB-A port. Kasama rin ang USB-C to USB-A cable. Agad-agad ay pag-usapan natin yung performance ng phone. Iyan yung number one reason kung bakit natin bibilhin nitong Infinix GT 30 5G.

Pina-promise ng Infinix na itong GT 30 5G ay makakatanggap ng 2 Major Android Upgrades. At 3 Years Security Patches. Magandang promise na ‘yan para sa ganitong presyo at performance. Meron din itong MemFusion na up to 8GB. Technically, pwedeng maging 16GB ‘yung RAM. Ang AnTuTu score na nakuha sa Infinix GT 30 ay 959519. Iyan yung score kapag naka-off yung MemFusion. Kapag naka-on ang MemFusion ay 972409. Ang laki ng jump sa performance kapag ginamit yung MemFusion. Pero kapag naka-on yung MemFusion at naka-activate yung X-Boost, nag-jump ulit yung performance. Ang laki rin ng improvement, 978083. Talagang maganda yung performance na maibibigay ng phone kahit hindi sobrang mahal.





Pinagmamalaki rin ng Infinix na maganda ‘yung thermals nitong Infinix GT 30 5G. Napakaimportante niyan kung talagang gaming focused ‘yung phone na bibilhin natin. Kung gagamitin natin ‘to ng matagal, lalo na sa mga mabibigat na games. Kailangang merong proteksyon sa matinding init. Tingnan natin kung effective yung inilagay na improved cooling system ng Infinix. Sa result ng Wild Life Stress Test, sa battery consumption ay nabawasan lang ng 5%. Pagdating sa thermals, impressive kasi 10°C lang yung nadagdag. Umabot lang ng 35°C. Although maganda yung starting point.
MagCooling Fan





Merong accessories ito, ang MagCooling Fan. Pag-open ng box ay mayroon itong USB-C charger at ang MagCooling Fan. Ayan. Mayroong magnet na manipis na pwedeng idikit sa GT 30. O kaya ay ilagay lang sa jelly case sa loob para dumikit ang MagCooling Fan. By default, wala naman talagang magnet sa likod itong GT 30. Kapag sinasak ito sa charger ay meron itong RGB lighting. Merong button para ma-control yung level ng cooling na maibibigay. -3 yung pinakamalamig na pwedeng ibigay sa atin. ‘Yung likod nito ay nagmo-moist. Grabe dahil sobrang lamig talaga. Malaking tulong itong cooling system na ‘to.
XArena




Make sure lang na i-open itong XArena app. Ito yung game space nitong Infinix GT 30 5G. Para ma-access yung mga games. Kapag nasa loob ng XArena yung game ay maa-access naman natin ‘yung X-Boost. Para ma-boost ‘yung performance kapag nilalaro ‘yung game. Halimbawa sa Rush Rally 3, dahil nakalagay itong Rush Rally 3 sa Xarena. Maa-access natin ‘yung X-Boost. Para mapili kung anong performance profile ‘yung gusto natin para sa game. Kung sakali na hindi natin makita ‘yung game na in-install sa XArena. Pindutin lang yung tatlong dot > game management > add application or game. Kapag nasa loob na ng XArena ‘yung game ay magagamit na ‘yung GT Triggers.


Itong GT Triggers ay capacitive. Flat na flat ito at walang physical button. May guhit ‘yung dalawang dulo nitong gilid ng GT 30. Para makita kung nasaan yung shoulder triggers. Itong shoulder triggers ng GT 30 ay merong 520Hz touch sampling rate. Napakabilis ng responsiveness nito kapag ginagamit. Console level itong triggers ng GT 30 5G dahil kasing ganda ng touch sampling rate nito yung REDMAGIC 10 Pro. Sa dedicated setting ng GT Trigger, madami pang pwedeng gawin sa GT Trigger. Halimbawa, i-long press yung parehas na triggers paraa buksan yung ibang application. Pwede ring i-double press yung isang GT Trigger para makapag-open ng isa pang application. At marami pang iba.
Gaming



Para ma-setup yung GT Triggers, pag in-open yung isang game sa loob ng XArena. I-swipe lang mula sa left side papunta sa gitna. Hanapin lang yung GT Trigger at pwede nang i-map yung left at right trigger. Napaka-responsive. Walang kahit anong noticeable delay yung trigger kapag naglalaro. Malaking tulong ito para mas maging immersive, mas maging enjoyable yung game na nilalaro natin. Sa Racing Master ay nakasagad yung graphic settings pero na-handle nito ng maayos ang game. Napakaganda ng performance at napaka-smooth. Wala akong na-feel na kahit anong stutter. Isa pang mabigat na game, ang Ark Survival. Nakasagad din yung resolution nito at ginamit ko rin yung shoulder triggers. Wala ring kahit anong problema or issue na mai-encounter. Kahit sobrang bigat ng game na to. Pagdating sa gaming ay talagang sobrang capable nitong GT 30 sa karamihan sa mga games ngayon.


At for additional gaming effect, meron pa itong Mechanical Light Waves sa likod. Merong apat na ilaw na pwedeng i-customize. Sa settings ay makakapamili ng behavior ng Mechanical Light Wave sa likod. Meron itong IP64 na rating. If ever na matalsikan ng tubig, mabasa ng ulan ay walang problema. Huwag lang ilulubog sa tubig. Maganda yung haptics ng phone. Hindi ko ito ini-disable. Naka-JBL stereo speakers na rin ito. Nasa ilalim yung main speaker at yung secondary naman ay sa may taas. Malaki yung difference pagdating sa max volume.



Kapag tinakpan yung main speaker dito sa baba ay medyo mahina na yung secondary speaker. Malaking tulong kapag naggaga-games o nanonood tayo ng mga movies sa phone na ‘to. Considering na JBL tuned pa ‘yung mga speakers ay maganda talaga yung quality. Yung max volume nito ay hindi rin naman ako nabitin. Maliban sa Cyber Blue, meron pa itong Pulse Green, Shadow Ash at Blade White na mga colorway. Meron itong IR Blaster sa taas.

Ang SOT na nakuha sa phone ay almost 13 hours. Maganda yan kasi yung refresh rate natin nito ay mataas. Mataas din yung peak brightness. Itong screen on time ay talagang very good na para sa GT 30. I-expect natin na magi-improve pa yan. Matagal yung software support na ibibigay sa GT 30. Sa charging, 7% to 100%, 1 hour and 1 minute lang. Mabilis na ‘yun. Pero napansin ko na kapag magcha-charge sa phone na ‘to. Sa lock screen, merong button na makikita. Pwedeng piliin kung anong charging speed yung gusto ninyo. Nung nag-charge ako for testing, naka-Smart Charging ito. Kung naka-Ultra ay mas mabilis pa ‘yung makukuhang charging speed. Kung nagmamadali kayo, i-switch lang to Ultra ‘yung charging speed.


Pagdating sa specs ng display, masasabi talagang goods na goods for gaming. Lalo na mayroong protection. If ever na gusto nating tanggalin ‘yung pre-installed na screen protector sa phone. Hindi agad-agad magagasgas ‘yung display. Pero hindi ko mare-recommend ‘yun. Sa color reproduction, napakaganda ng kulay. Talagang pop na pop. Napaka-vibrant at napaka-accurate for the most part. Sa screen refresh rate ay merong tatlong option: Auto Switch, Standard at High.



Sa High lang pwedeng ma-activate yung 144Hz na refresh rate ng phone. Kapag naka-Auto Switch ay maglalaro lang ito to 60Hz hanggang 120Hz. Pwedeng manually i-select kung anong app lang yung gagamit nung mataas na refresh rate na yon. Sa ngayon, 5 lang na application ang may support sa 144Hz at mga pre-installed apps pa. Good to know na talagang gumagana at pwedeng gamitin in the future yung 144Hz na refresh rate sa GT 30. I-consider niyo na lang sa ngayon na ‘yung 144Hz ay parang futureproofing. Good news kasi Level 1 ‘yung Widevine Security. Full HD ‘yung max playback resolution sa Netflix.

Good news kasi ‘yung likod at harap ng phone ay pwedeng makapag-record ng up to 4K video recording. May stabilization ang selfie camera nito pero EIS lang.
Ito ang mga sample photos screenshot:




Ito ang mga sample video screenshots:


Verdict

Yun na lahat ang mga gusto kong i-share tungkol sa Infinix GT 30 5G. Bibilhin niyo ba ito sa presyo nito? Kung ako lang naman yung tatanungin. Mare-recommend ko talaga ito. Maganda itong phone. Una sa lahat, ang ganda ng performance nito. Maganda ‘yung display. Maganda rin ‘yung battery performance. Ang isa lang siguro na nakulangan ako. Wala itong e-SIM support kasi dalawang nano SIM yung pwedeng ilagay. Pero at least ya 5G na ‘to. Ang isa pang hindi ko nagustuhan ay hindi expandable yung storage. Panghuli, hindi ko masyadong nagustuhan sa phone na ‘to ay bloatware. Pero overall, sulit ito para sa presyo.