CMF Phone 2 Pro – HINDI LANG ABOT KAYA, SULIT PA!

CMF Phone 2 Pro Beauty Shot 1

Price

Itong CMF Phone 2 Pro ay may dalawang configuration. As of writing this article, ang 8/128GB ay Php16,490. At isang 8/256GB na Php18,490. Meron itong Php2,000 na price difference. Nasa baba ang link para ma-check mo ang updated pricing. Yung ire-review nating unit ngayon ay 8/256GB na color white. Bago natin pag-usapan yung mga benchmarks na nakuha ko, performance sa gaming, at yung battery battery performance. Unbox muna natin.

Unboxing

Simple lang yung box nitong CMF Phone 2 Pro. May malaking text sa harap na Phone 2 Pro. Wala na tayong kailangan punitin para ma-open ang box. Pag-open, makikita agad yung document sleeve na mayroong message from Nothing. Sa loob ng document sleeve ay may jelly case. Personally, hindi ko gagamitin itong case sa Phone 2 Pro. Color White yung pinadala sa atin ng Digital Walker. Para sa akin, ito ‘yung pinakamagandang kulay ng CMF Phone 2 Pro. Sobrang linis ng itsura pero napaka-rugged pa rin ng dating. Sa pinakailalim ng box ay may USB-C cable at SIM injector pin na color orange.

Design

If ever na hindi niyo gusto itong color White, meron pa itong Black at Orange. Pinakauna kong napansin nung una kong hawakan ang phone, sobrang gaan. 185grams to be exact ang phone. Compared sa ibang phones ngayon na nasa 200grams or more. Talagang noticeable yung pagiging lightweight ng phone. Mapapansin ninyo na hindi na ganon kakapal yung bilog sa may ilalim. Dati ay pwede nating ikutin iyan para matanggal. Ngayon ay hindi na dahil sa nipis nito. Dual tone ito at mas magaspang ang bandang ibaba compared sa mas malaking part. Kagaya ng sinabi ko kanina, sobrang rugged ng itsura. Hindi ko lalagyan ng jelly case kung ako ang gagamit ng phone.

Sa taas ng phone makikita ang secondary microphone. Sa may right side makikita ‘yung power lock button at Essential button. Nasa left side ‘yung volume up and down buttons. Sa may ilalim ‘yung SIM tray, main microphone, USB-C port, at main speaker. Nakakatuwa, kasi ‘yung SIM tray ng phone ay pwedeng lagyan ng micro-SD card. Up to 2TB. Pwedeng mag-expand ng storage if ever na kulang pa sa atin yung 128GB or 256GB. Pwede rin itong mag-handle ng dalawang nano SIM. Kung hindi tayo maglalagay ng micro-SD card. Sa harap, yung bezels ay pantay sa bawat side. Yung punch hole selfie camera ay saktong-sakto lang yung kinukuhang space.

Meron na rin itong pre-installed screen protector. According to CMF, meron itong IP54 na ingress protection. Dust and water resistant itong phone na ‘to. Ingatan pa rin natin at huwag natin lulubog sa tubig. Kagaya ng Nothing Phone 3a, meron itong Essential button. Sa reliability at speed ng fingerprint scanner, okay naman. Normal na normal lang naman kasi optical pa rin ito at hindi naman ultrasonic. Yung animation ay hindi naman maarte.

Display

Specification:

Para sa mga magme-media streaming. Level 1 yung Widevine Security Level. Full HD ‘yung max playback resolution sa Netflix. Interestingly, sa Test UFO. Yung default na refresh rate ay 90Hz. Kahit galawin yung display ay naka-lock lang to 90Hz. Alam ng Nothing OS, sa application na ito ay ‘yun lang yung dapat na refresh rate. ‘Yun nga lang, kahit hindi na ginagalaw ‘yung display ay hindi ito bumababa to 60Hz. Kapag ini-on yung show refresh rate, yung default nito ay 120Hz sa home screen. Kahit sa app drawer at settings page ay naka-120Hz ito. Naka-dynamic ito pero hindi bumababa to 60Hz. Kahit na hindi na natin ginagalaw yung display. Sana ay ma-improve pa ng CMF or Nothing itong behavior ng refresh rate.

Sa color settings, may dalawang preset; Alive at Standard. Pwede rin nating i-adjust yung color temperature. Sa refresh rate ay may tatlong option; Dynamic, pwede i-fix to 120Hz sa High, or 60Hz sa Standard.

Battery

Specification:

Sa department na ito nag-excel itong CMF Phone 2 Pro. Almost 17 hours ang nakuhang screen on time. In the future, kapag nakatanggap pa ng maraming mga software updates. Talagang mag-i-improve pa ‘yung performance ng battery. Sa charging, hindi official charger yung ginamit ko. Naka-GaN charger lang ako na 100W. From 20% to 100%, 1 hour and 40 minutes ko na-charge yung phone. Kung gagamit tayo ng official charger para sa phone, siguradong mas mabilis pa ‘yung charging.

Performance

Specification:

Ini-promise ng CMF na aabot ‘to ng Android 18. 3 major Android Upgrades ‘yung matatanggap ng phone at 6 years na security patches. Maaalagaan talaga pagdating sa software itong phone. Dahil sa napakahabang software support ng CMF sa Phone 2 Pro. Mas magandang piliin yung pinakamalaking variant kapag bumili tayo. Dagdagan na rin natin ng micro-SD card kung kaya. Meron pa rin itong RAM Booster na up to 8GB. Ang AnTuTu score kapag ginamit yung RAM booster ay 693425. Kapag in-off naman, umabot ng 705481. I suggest, kung hindi naman kailangan ng extra RAM. Huwag na nating gamitin yung virtual RAM. Sa Wild Life Stress Test, 4% lang yung nabawas sa battery. Sa temperature, nadagdagan lang ng 8°C. Not bad, goods na goods ‘to pagdating sa battery consumption at thermals.

Sa gaming, dito sa Racing Master. Kaya nitong i-handle sa graphic settings yung pinakamataas na setup. Naka-HD resolution, High yung motion blur, 60fps na gameplay, at naka-on yung dynamic terrain. Okay? Wala akong nakitang struggle sa phone. Kayang-kaya nito yung highest settings. Walang frame drops at walang stutter. Napaka-responsive ng display. Walang problema pagdating sa gaming. Kahit yung mga mabibigat na games ay kayang i-handle ng phone. Hindi lahat pero kaya nitong ma-generate yung pinakamataas na graphic settings. Isa ito sa mabigat na racing game ngayon pero na-handle nito ng maayos.

Camera

Specification:

Ito ang mga sample photo screenshots:

Ito ang mga sample video screenshot:

Hindi kagaya sa rear camera na kayang mag-shoot ng 4K video recording. 1080p 30fps lang ang selfie camera pero yung quality ang ganda. Balanseng-balanse yung exposure. Hindi ako overexposed kahit na dalawang ilaw yung nakatutok sa akin. Hindi ganon ka-sharp compared sa 4K. Sharp enough kung gagamitin natin ito sa vlogging. Kahit TikTok videos, pasado na yung quality kahit 1080p lang.

Conclusion

Iyan na lahat ng data na nakuha ko sa CMF Phone 2 Pro mula nang dumating sa akin. Kung kayo ang tatanungin, bibilhin niyo ‘yung phone na ‘to? Ico-consider niyo ba ang phone? Sulit ba ito para sa presyo? Kung ako ang tatanungin, para sa akin ay sulit ito para sa presyo. Sabi ko kanina, go for the highest variant kasi ang tagal ng software support ng phone. Mae-enjoy talaga natin ‘to ng matagal-tagal. Hindi tayo mapipilitang mag-upgrade agad. Paganda ng paganda ‘yung phone na ‘to habang tumatanggap ng software updates. Sa paggamit ko sa phone for almost 3 days, nakatanggap ako ng ilang mga software update na. Paano pa kaya sa mga susunod na buwan, ‘di ba? Android 15 na ito out of the box. Ang ganda ng battery performance. Ang ganda ng display. Para sa akin, sulit na sulit ito para sa presyo.

Kung gusto niyo bumili nito, click niyo lang ang link na ito:
Lazada – https://digitalwalker.ph/products/cmf…
Para naman sa video ng review ko, pede niyo panoorin dito:

About Author