Pag-uusapan natin ang Pro version ng Bigme HiBreak. Pina-promise ng Bigme na sobrang daming improvements na makikita sa Pro version. Compared sa unang na-review na non-pro. So, ito yung nonpro. Mamaya ay i-compare natin ‘yung itsura ng non-Pro sa Pro version.
Unboxing





Pagdating sa box, ang kapal agad sa Pro version. Ang reason ay dahil mas makapal talaga itong Pro version compared sa non-pro. Pag-open, makikita yung documentation at yung mismong phone na nakalagay na sa rubber case. Yung rubber case nito ay hindi naman sobrang ganda pero at least meron tayong magagamit na out of the box. Medyo dumihin lang ito. Tapos, ang nadagdag pa sa box ay mayroon na itong USB-C to USB-A cable. Wala pa rin itong charger. Meron pa rin itong SIM ejector pin. Yan yung mga nakita nating improvement sa unboxing experience.
Price

Mabibili natin ito ngayon sa kanilang website. Nasa baba ang link para ma-check mo ang updated pricing. Para sa isang Android phone ay mahal po talaga ‘yan. Malaking halaga po yan para sa ganitong specs. Pero kung ico-consider po natin na e-ink display ito, yun talaga yung nagpamahal sa phone. E-ink display e paper siya eh. Pwede nating ma-justify yan lalo na kapag binasa mo itong article. Tingnan natin kung anong mga improvements yung ma-expect natin sa Pro version.
Difference

Itong non-Pro version, yung likod nito ay parang leather like pero plastic lang naman. May texture ito ng kaunti. Para sa akin ay mas okay ito compared sa likod ng Pro version. Kasi itong Pro version ay hindi pa rin kapitin ng smudges at fingerprints. Malinis na malinis pa rin, hindi glossy, at hindi rin reflective. Pero sobrang plain although parehas okay. Preference ko lang naman ay mas gusto ko yung ganitong texture ng non-Pro.




Meron na itong red accent para sa power lock button. Pati yung volume up and down buttons ay may red accent na. Plus yung customizable keys sa may left side ay may red accent din. Sa non-Pro version ay isa lang yung customizable key. Sa Pro ay dalawa na. Isang improvement yun. Plus, wala itong kahit anong biometric sa non-Pro version. Pero sa Pro version ay naka-conventional fingerprint scanner na ito. Good news talaga ito. Kung makikita ninyo yung bezels ng dalawa ay same yung kapal pareho. Mas malaki lang talaga yung display nitong Pro version. Wala tayong halos mako-complain sa bezel. However, makikita na meron nadagdag na ambient sensor or light sensor doun sa may taas sa selfie camera. Sa non-Pro ay walang ganon kaya wala itong auto brightness. Itong Pro version ay may auto brightness na.
Difference 2




USB-C port pa rin ito. Ang downgrade lang na nakita ko sa Pro version compared sa non-Pro ay yung SIM tray. Yung non-Pro version ay may micro SD card slot. Wala na itong slot sa Pro version. Although, tinaasan nila yung configuration kasi 256GB na itong Pro version. Ang pambawi na lang nila ay may support na ito sa 5G signal. Sa non-Pro ay 4G lang kaya medyo mabagal yung data connection nito. Para sa inyo ba ay okay yung compromise na yon? Walang micro-SD card pero 5G. Compared sa may micro-SD card slot pero 4G.
Yung light sensor nito ay sobrang sensitive talaga. Kapag io-on ko ito ay liliwanag ito agad kapag dumilim. Okay naman yun kaya lang nakaka-annoy lang minsan. Minsan lang matakpan ng kamay ko ay liliwanag na ito agad. Ang sakit sa mata kaya pinatay ko at nag-manual na lang ako. Mas okay pa sa experience para sa akin. Black and white pa rin yung display sa Pro version. Which is para sa akin ay good na good para sa isang e-ink display. Walang sense sa akin ang colored e-ink display. Para sa akin lang naman. Mas gusto ko pa rin ang black and white para sa e-ink display. Sobrang ganda ng display.
Display
Specification:

Mataas yung PPI nito compared sa 276 PPI ng non-Pro version. Expect niyo na talagang sharp yung mga text na idi-display sa phone. Sa Eink Center makikita yung ilang mga presets or refresh rate mode nung E-Ink display. ‘Yung pinakamabilis para sa akin ay ‘yung Video Mode. Talagang umaabot ito ng pinakamataas na refresh rate sa phone. Pero if ever na gusto niyong i-customize ay pwede naman. Para mapili natin yung Extreme. According sa software update na na-receive ko sa HiBreak Pro ay aabot ng 30fps yung Extreme Mode. Ang galing ‘di ba? 60Hz yung max refresh rate nito kapag naka-Video Mode. Pero kung gusto nating i-Extreme, 30fps naman yung ma-experience natin. Para sa akin, mas comfortable gamitin kung Video mode. Mas mabilis din yung refresh rate na ma-experience natin. Medyo misleading lang talaga yung pangalan sa Eink Center.


Uulitin ko, mas mabilis yung Video Mode compared sa Extreme, based sa experience ko. Kapag naka-Video mode, yung movement ng video sa YouTube ay hindi na annoying panoorin. Compared sa non-Pro version na ang bagal talaga ng refresh rate. Watchable ito pero black and white lang talaga at may noticeable pa rin na ghosting. Yung movement ay almost normal na talaga. Ang galing. I think, nagtagumpay naman itong HiBreak sa ginawa nilang improvement sa display nitong Pro version. Thumbs up sa kanila. Para sa akin, parang ito talaga yung pinakamabilis na e-Ink display so far sa isang phone sa ngayon.
Eink Center

Para lang makita niyo ‘yung movement nung refresh rate. Sa Test UFO, lumalampas ito ng 40fps kapag naka-Video mode. Hindi ko ‘yan naabot kapag naka-Extreme mode ako. Kapag Extreme mode, umaabot lang ito ng mga 20fps to 30fps. I suggest, kung gusto niyong ma-maximize yung refresh rate ng phone, go for Video mode. Sinabi ko na ito sa non-Pro version review ko ng HiBreak.
Malaki yung advantage na pwedeng maibigay sa atin ng e-Ink display. Number one at pinakaimportante sa lahat ay eye friendly ang isang e-ink display. Compared sa LCD at AMOLED. Wala itong blue light. Kahit na matagal-tagal nating gamitin, hindi po magkakadiperensya ‘yung mata natin. Lalo na kung hindi natin gagamitin ‘yung backlight nito. Tapos, sobrang sharp nito. Parang papel talaga. Kung gagamitin natin outdoor itong HiBreak Pro ay mag-enjoy talaga tayo. Makikita’t makikita po talaga natin yung naka-display. Compared sa ibang mga phone na hindi e-Ink yung display.
Performance
Specification:

Sa performance ay ang laki din at ang daming improvements tayo makikita. Possibly UFS 3.1 ito dahil sa storage test na ginawa ko. Either way, ang laki ng improvement na yan dahil eMMC lang sa non-Pro version. Tingnan niyo naman yung AnTuTu score na nakuha ko sa HiBreak Pro, 454532. Medyo maliit talaga yung score na ‘yan kung iko-compare sa ibang Android phones ngayon. Tapos Php25,000 ay napakaliit po niyan. Hindi man lang umabot ng 500k score. However, kung ico-consider ulit natin na e-Ink display ito at iko-compare sa non-Pro version. Ang non-Pro version ng HiBreak ay 146226 lang yung AnTuTu score na nakuha. Pero ito ay almost half million na. Talagang ang laki ng improvement. Para sa akin, para sa isang e-Ink Android phone ay mabilis talaga yung performance nitong HiBreak Pro.

Custom Key

Marami tayong mga customization na pwedeng magawa. Kasama na diyan yung dalawang programmable key sa gilid. Punta tayo sa settings > Hanapin lang yung Custom Key at ang dami na nating pwedeng magawa. Pwedeng sa single click ay merong mabubuksang app or magagawang action. Pwedeng double click tsaka long press. Anim na actions ang pwede nating magawa sa dalawang buttons sa gilid. Kayo na ang bahala mag-decide kung anong action yung pwede niyang gawin. Compared sa non-Pro version, isa lang ang programmable key. Dalawa sa Pro at ang laki na naman ng improvement na yan.
Madami itong pre-installed apps. I suggest, mag-install kayo ng third party launcher. Sigurado ako na marami sa inyo ang hindi magugustuhan iyung launcher nitong HiBreak. Ang maganda pa kung mag-i-install tayo ng third party launcher. Pwede nating gawing minimalist yung setup ng phone. Kasi kapag e-Ink phone po yung ginagamit natin. Ang isa pang advantage ay less distraction kasi nga black and white e-Ink display. Hindi tayo mag-e-enjoy sa media consumption. Yung mga notifications natin sa iba’t ibang mga social media platforms ay talagang hindi natin mapapansin, kasi black and white. Mag-e-enjoy na lang tayo sa pagbabasa. Yun ang maganda kapag ang gamit natin ay e-Ink phone. Pero syempre depende pa rin yan kung anong klaseng user tayo. Maganda pa rin sa panahon ngayon na secondary phone lang po natin ang e-Ink phone. Kagaya nitong HiBreak Pro.
Battery
Specification:

Sa unang test na ginawa ko, ang nakuhang SOT ay 8 hours and 59 minutes. Akala ko makakatipid ako sa battery kapag naka-Extreme mode kasi hindi madalas yung pag-refresh or paglinis sa display. Pero nagkamali ako. 9 hours lang yung nakuha ko. Nilagay ko ito sa Default at inuulit ko yung battery test. Nadagdagan naman ito ng more than 1 hour, naging 10 hours and 3 minutes ‘yung SOT. Imagine kung palagi lang nating gagamitin ‘tong phone na ‘to sa messaging. Mas malaki pa yung SOT na makukuha natin. Sa pag-test ng PCMark ay palaging gumagalaw or palaging may movement sa display. Parang nagpe-play ka ng video ng tuloy-tuloy. At hindi natin gagawin ‘yun dito sa HiBreak Pro kasi hindi talaga ito for media consumption. Kung web browsing lang, mga ePub or eBooks yung gagawin natin. Napakalaki ng SOT na makukuha natin.



Conclusion

Para sa inyo, worth it bang bumili nitong HiBreak Pro? At malaki ba talagang improvement na nakita natin compared sa non-Pro version? Kasi kung ako ang tatanungin. Sulit ito para sa presyo. Mahal talaga yung Phhp25,000 para sa ganitong specs. Pero again, ico-consider po natin na e-Ink phone po ito o e-ink display. Sobrang bihira lang po ng mga ganitong phone. Para sa akin ay worth it yung presyo. Kung gusto nating ma-lessen ‘yung distraction natin sa buhay. Lalo na sa mga social media applications, okay na okay po itong phone. Good decision kung gagamit tayo ng e-Ink phone.
Kung gusto niyo bumili nito, click niyo lang ang link na ito:
Website – https://store.bigme.vip/products/bigm…
Amazon – https://www.amazon.com/Bigme-HiBreak-…
AliExpress – https://aliexpress.ru/item/1005008618…
Para naman sa video ng review ko, pede niyo panoorin dito: