HONOR X9d 5G
Snapdragon 6 Gen 5
LPDDR4X + UFS 3.1
8300mAh 66W
6500nits
Aluminosilicate Glass

| DESIGN | IP68, IP69K – Dust & Water Resistant Nano SIM + Nano SIM 193g + 7.76mm |
| DISPLAY | 6.79″ AMOLED 120Hz 1200×2640 100% DCI-P3 6500nits max brightness 800nits typical brightness Aluminosilicate Glass |
| PERFORMANCE | Android 15 MagicOS 9.0 2 Major Android Upgrades 3 Years Security Patches Snapdragon 6 Gen 4 LPDDR4X RAM UFS 3.1 Storage 12GB RAM Turbo 12+256GB |
| CAMERA | 108MP f/1.75 OIS Main 5MP f/2.2 Ultrawide Max video: 4k 30FPS 16MP f/2.45 Selfie Max video: 1080p 30FPS |
| BATTERY | 8300mAh 66W 7.5W Reverse Wireless |
Buying

Gusto ko i-share sa inyo yung experience ko sa pagbili nitong HONOR X9d. Binili ko ito sa mall. Walang kahit anong freebies which is okay lang. Walang problema ‘yun. Ang presyo nito ay Php18,999. Dahil kaka-release lang ng phone nung binili namin noong January 25. Ang ibinigay sa aming presyo ay is Php17,999. Nakatipid kami ng Php1,000. Gagamitin ko ‘to ng siguro 2 to 3 days. Bibigyan ko kayo ng mga data, at maraming mga sample images at videos kuha sa phone.
Binili namin to sa HONOR SM Fairview. Nagulat ako kasi gusto ko i-unbox sa studio. At hindi pwede kasi meron pala silang policy. Kung hindi mo iu-unbox ang phone sa mismong store, na nare-record nung CCTV nila. Mawawala yung 7 days replacement. Medyo nawindang ako doon sa policy na yon. Kasi naisip ko lang, hindi ba kayo confident sa phone ninyo? Kasi hindi ba pinapasagasaan niyo ‘to, binabagsak niyo? And even sa helicopter, merong video ang Honor na binagsak yung Honor X9D. Anong meron sa kailangang i-unbox mismo sa store? Mawawala ‘yung 7 days replacement kahit sabihin ko na vivi-videohan naman ‘yung unboxing. Hindi daw talaga pwede. Basta nailabas sa store ng hindi nila na-unbox, tanggal ‘yung 7 days replacement.
Why?
Bakit ganun? Paano na lang kung ireregalo mo ‘to? Nabuksan na. O kaya naman, kung gusto mo na sa bahay na buksan kasi gusto mong ma-enjoy yung unboxing experience. At pagkatapos ma-unbox, kasama sa policy nila na kailangan talagang ma-test. Ise-set up nila. Walang Google account na ipinasok. Next lang nang next sa setup. Merong Wi-Fi na ni-register para lang ma-make sure na gumagana yung Wi-Fi. Which is okay lang naman. Pero hindi ba brand new yung binili ko? Hindi naman second hand. Bakit kailangan mangyari yung mga ganun?
Dapat sana kung kung bibili tayo ng brand new. Nasa sa atin kung bubuksan natin sa store o hindi. At hindi dapat makakaapekto ‘yun sa warranty. Sigurado naman na merong hindi maga-agree sa sinasabi ko. Pero marami rin ang makaka-gets sa sinasabi ko. Dapat hindi masisira yung warranty dahil lang sa hindi ko ia-unbox yung binili kong brand new phone sa store. Yun lang, na-disappoint lang ako sa policy na yon.

In fairness sa employee ng HONOR. Ini-try nilang i-seal ng kahit papaano ay napaka-decent pa rin after nilang iunbox. Okay naman. Maganda ‘yung pagkaka-cut sa plastic. Pero again, nakaka-disappoint dahil gusto ko sana sa bahay buksan. Makikita sa box na merong mga tape na lang na nilagay. Salamat sa mga employee ng Honor. Talagang maganda pa rin yung pagkakabalik. Pero bottom line, nabuksan na ito. Medyo na-disappoint talaga ako sa part na yon.
Unboxing







Ang napili ko na kulay ay Reddish Brown na 12+256GB yung variant na Php18,999 ang presyo. Meron itong 5G at NFC text sa box. Sa loob ng box ay merong documents sleeve. Sa loob ng document sleeve ay may SIM injector pin, documentations, at yung case. Ang ganda nung case. Protected yung buong phone sa case. Walang naka-expose na sides. Pati yung camera module o may additional protection sa case. Hindi ito transparent na naninilaw. Next naman ang phone. Pinili ko ‘tong Reddish Brown kasi parang sosyal ng itsura nito. Gustong-gusto ko ito. Napaka-premium. Bihira natin gamitin ‘yang term na yan. Ang ganda at ang gaan. 8300mAh ‘yung capacity ng phone na ‘to pero ang gaan. Hindi kagaya sa ibang mga phone na na-review natin na 8000mAh pataas ay talagang ramdam mo ‘yung bigat. Pero ito ay 8300mAh pero magaan pa rin.
Makintab lang yung gilid nito. May mga smudges na agad. May pagka-leather yung texture nitong likod. Bilog ‘yung camera module nito. Hindi ito kapitin ng smudges o fingerprints kasi may pagka-leather yung texture nito. Meron na rin itong pre-installed screen protector. Sa ilalim ng box ay merong 66W charging brick na USB-A yung port and USB-C to USB-A cable. Na-test na rin nila sa store ‘yung charger nitong X9d kung nagcha-charge talaga. Ire-reset ko muna ‘to at mag-install ako ng mga apps and then kukuha ako ng ilang mga data. After 2 to 3 days. Ang ganda ng screen nito. Yung bezels nito ay manipis. Proportion sa buong sides. Sumisigaw ng premiumness itong phone.
Setup
After ng setup ay Wednesday na nang January 28, 2026. 3 days since nabili namin to. Sunday namin ito nabili sa isang mall. Ang ginawa ko ay ini-setup ko muna. In-update ko rin muna ‘yung operating system nito. In-update ‘yung mga apps tsaka ko ginawa yung PCMark. Mamaya ay papakita ko sa inyo yung result ng PCMark. After ng PCMark, monday morning ay ini-charge ko ito. Then, nag-play ako ng mga YouTube video at tuloy-tuloy na yun ang paggamit ko. And mind you, pinatay ko yung Wi-Fi after ko ma-fully charge noong Monday morning. Data connection na lang. Papakita ko rin kung gaano kabilis yung data connection sa HONOR X9d. At ang pinakaimportante sa lahat ay ‘yung durability test.
Design





Ang premium ng itsura ng Reddish Brown compared sa iba. Malinis din naman yung Midnight Black at Sunrise Gold. Depende na talaga sa kung ano yung preference natin. Pero sa totoo lang, hindi ito brown. Gold yung accent nito sa mga gilid. Pati na rin sa camera module. Ang hindi ko lang talaga nagustuhan sa design nitong X9d ay yung camera module. Pangit talaga kasi may text na Matrix AI Vision Camera na napaka-unnecessary. Sayang na sayang ang malaking bilog na space. Kung sakali man na ginawa nila yan ng LED flash baka mas nakakatuwa pa. Pero walang silbi ‘yung space na ‘yun. Sayang talaga. O kaya, ang ginawa na lang nila ay pahaba na lang o kaya ay maliit na square. Kasi dual camera system lang naman ‘yung camera nitong X9d. Sayang na sayang yung space.
Pero pagdating sa ibang aspect nung likod, kagaya na lang ng texture nito na leather like feels ay goods na goods talaga. Napaka-premium ng itsura. Pero for sure, itong gold na gilid nito ay madaling mababakbak kapag nagasgas. Mamumuti ito sigurado. Malalaman natin yan sa durability test mamaya. Sa taas ng phone yung secondary speaker, secondary microphone. Sa may baba yung main speaker, USB-C port, main microphone, at micro-SD card. Pero ang nakakalungkot, hindi expandable ang storage nito. Medyo nakakagulat ‘yun para sa ganitong phone. Dual SIM lang ito. Ito yung isa sa mga dapat niyong i-consider. Kasi kapag binili natin ‘tong phone ay 256GB lang ito. Isa pa sa nakakalungkot sa X9d ay wala itong support sa eSIM. Dual nano SIM lang ‘yung kaya ng phone.
More of Design


IP68 at IP69K yung rating nito. According to HONOR, 2.5m drop resistant itong phone. Pero kung napanood niyo yung marketing video ng HONOR sa X9d, nilaglag pa nila ito sa helicopter. Tapos sa launch ay pinasagasaan pa sa Cyber Truck. Napakadami nilang ginawa sa phone. Talagang confident sila na matibay ito. Pagdating sa speakers, stereo speakers ito at may 400% boost. Hindi naman ako nabitin sa lakas ng speaker nito. Hindi rin sabog. In fairness, maganda yung tunog ng speakers.




Pakita ko sa inyo ngayon yung 5G data speed connection nito. Una, sa OOKLA speed test, 146Mbps yung nakuha nitong download speed. 13.7Mbps naman yung upload. Sa speed test ng Google, 195Mbps yung download speed at 21Mbps naman yung upload speed. At ang matindi pa, sa Fast, nakakuha ito ng 220Mbps download speed at 22Mbps naman na upload speed. Pagdating sa data connection ay mabilis yung 5G connectivity nito. Kung hindi ako nagkakamali, yung 5G version na ginamit nila ay NR. Ibig sabihin ay New Radio. Mas malakas ‘yung sagap nito compared dun sa mga naunang 5G signal sa isang phone.
Pero na-test ko ito sa labas. Kapag nagte-test tayo ng data connection speed ay nasa loob ng bahay lang. Para makita ninyo yung difference at iisang SIM lang yung ginagamit natin. GOMO SIM lang. Pero nung dinala ko ito sa labas, hindi na ito umabot sa ganung speed. Parang nasa 20Mbps to 30Mbps na lang yung average nung data connection nito. Good pa rin naman para sa pagwa-Waze o Google Maps.
Display
Specification:

Yung Aluminosilicate Glass ay isang ingredient ng Corning Gorilla Glass. Pero hindi lang ito yung ingredient ng Corning Gorilla Glass. Masasabi natin na mas matibay pa rin yung Corning Gorilla Glass kasi meron itong reinforcement na additional sa Aluminosilicate Glass. Nakakalungkot na hindi ‘yun yung inilagay nila sa phone na ‘to. Good news, sa Netflix, yung max playback resolution ay Full HD naman. Mae-enjoy natin yung magandang display ng phone. May support ito sa HDR10 content sa Netflix.




Ini-test ko naman yung screen refresh rate behavior ng HONOR X9d kapag naka-auto na setting. From 60Hz to 120Hz, 120Hz to 60Hz. Mabilis na nagpapalitan yung dalawang ito. Tumatalon lang ito sa dalawang refresh rate setting na ‘yon. Tipid naman sa battery. Sa display settings, mayroon itong Color Mode and Temperature. So matitimple naman natin ‘yung color sa HONOR X9d. Pati ‘yung color temperature. Yung resolution ay hindi natin manually mase-set sa mas mababang resolution. Pero meron naman itong Smart Resolution. Pwede nitong babaan dynamically yung resolution depende sa ginagawa natin. Yung screen refresh rate ay Dynamic, Standard, at High ang mga option. Pero mas maganda sana kung mayroong liberty na palitan ‘yung resolution sa gusto natin.
Performance
Specification:

Meron itong HONOR RAM Turbo or virtual RAM na 12GB pero fixed ito. Hindi natin ito maliliitan at hindi natin ito madi-disable sa ngayon. Hindi ko alam kung merong work around para dito. Hinanap ko talaga sa settings pero hindi ko nakita na pwedeng i-disable ang Honor RAM Turbo.
Baka may nabasa kayo sa marketing nitong HONOR X9d na 6 years of reliable performance. Parang fluency ito pero hindi ibig sabihin na ganun din katagal yung software support nito. According sa na-research ko, 2 Major Android Upgrade yung matatanggap ng phone. From Android 15 ay hanggang Android 17 lang yung upgrade na matatanggap nitong phone. Sa security patches ay 3 Years. Sana mas mataas pa doun yung totoo. Sana hindi totoo yung na-research ko kasi ang baba talaga non. Para sa presyo ay medyo disappointing yun.
Ito pa ‘yung naka-disappoint sa marami. Nakikita ko na madaming nagpo-post na hindi man lang umabot ng 1 million ‘yung AnTuTu score nito. Baka magtaka kayo kung bakit ang baba nung mga AnTuTu score na nakukuha ko minsan? Kasi usually ay late yung mga video ko. Late din yung paggawa ko sa AnTuTu score. Therefore, yung AnTuTu score na makukuha ko ay mababa na. Pababa talaga ng pababa yung mga AnTuTu score kasi padami din ng padami yung mga Android phones. Huwag nating i-expect na palaging pareho ang mga AnTuTu score ng mga reviewers. 989286 lang ‘yung nakuha nitong score ng HONOR X9d. Wala na akong maipakita na additional AnTuTu score dahil hindi ko ma-disable yung Honor RAM Turbo or virtual RAM.

Wild Life Stress Test


Ang maganda pa, sa Wild Life Stress Test result. Hindi man lang nabawasan kahit 1% ‘yung battery after ng test. Impressive. Yung temperature naman, nadagdagan ito ng 9°C lang, which is good. According to HONOR, meron itong 29500mmsq vapor chamber. Ang laki niyan kung ikukumpara sa RedMagic 11 Pro. If I’m not mistaken, 13116mmsq lang yung vapor chamber non. Syempre, meron yung built-in fan. Itong X9d ay wala pero yung laki ng vapor chamber nito ay doble sa RedMagic 11 Pro. If ever na maglalaro tayo o magpapatakbo ng mabigat na game or application. Hindi agad-agad iinit itong phone.
Battery
Specification:

Pero kung inaakala ninyo na malaking SOT ang makukuha nitong HONOR X9d sa PCMark, hindi. Hindi man lang umabot ng 16 hours. Ine-expect ko talaga na aabot ito ng at least 19 hours of SOT. Hindi naman ganon ka powerful yung chipset nito na Snapdragon 6 Gen 4. Kaya in-expect ko na mataas yung SOT na makukuha nito. Pero hindi man lang umabot ng 16 hours. Sabi ng Honor na meron itong 3-day Battery Life. Gusto kong mapatunayan kung totoo ito.

Ginamit ko ito as normal kasi yung PCMark ay medyo mabigat-bigat yung test na yun. Ginamit ko ito as usual phone. Pagkatapos ng PCMark, ini-charge ko ito from 17% to 100%, 1 hour and 19 minutes ‘yung itinagal. After ng test, hindi ko na in-on ‘yung Wi-Fi. Ang in-on ko na lang ay ‘yung data connection. Nung January 26, 1pm to 5pm ay nag-play ako ng YouTube video nang tuloy-tuloy. After nung test, 94% left na lang yung natira sa battery. After noon, pinabayaan ko na ito. Hanggang kinabukasan, January 27, 5:30am. 88% na lang yung natitira nung ini-check ko.

After nung pag-check, nag-download ako ng Racing Master gamit yung data pa rin. Lahat ng kailangan na mga packages para sa Racing Master ay tinapos ko gamit yung data connection. Nag-data speed rin ako na pinakita ko kanina. Tapos, iniwanan ko ulit. Noong 9:02am ay 66% yung natitira sa battery. Ang screen on time ay 2 hours and 17 minutes. Kagaya ng nakalagay sa screenshot. Noong Jan 28 naman, 5:32am, 41% battery level pa yung natitira. Hindi ko alam kung ilan yung total na screen on time. Pero buong afternoon nung Jan 27, ginamit ko ‘to sa Facebook, Messenger, YouTube.
Real Life Usage
Kung tuloy-tuloy nating gagamitin yung phone, sigurado ay makaka-last to ng buong araw. May matitira pa na 30% or 35% na battery life. Pero hindi ito aabot ng 3 days na tuloy-tuloy. Siguro kung matipid talaga tayo or hindi tayo palaging naka-data, baka hindi umabot ito ng 3 days na tuloy-tuloy na paggamit. Kung napakadaming application na ginagamit o kaya nagge-games tayo. Medyo doubtful ako sa 3-day battery usage. Pero kung kagaya ko na data connection at Facebook, Messenger, YouTube lang ang gamit. May possibility pero hindi pa rin ako ganon ka-confident. Kung sakali man na makatanggap ‘to ng mga future updates. Pwedeng mag-improve pa ‘yung battery performance nito. Pero sa ngayon, siguro okay na. Parang parang sakto lang yung battery performance nito pero hindi big deal. Hindi naman disappointing pero hindi rin naman nakakabilib.
Camera
Specification:

Ito ang mga sample photos:




Sa mga sample photos ay okay naman. Actually, kahit na yung 3X zoom ay digital zoom na lang ay okay pa rin yung quality. Maganda yung quality. Nagamit ko ito sa low light, maganda pa rin ‘yung quality. In fairness, talagang malinis, hindi noisy, at walang mga grainy na effect. Okay na okay ‘yung quality. Yung camera nito ay goods naman.
Ito ang sample video recording screenshots:


Yung video recording lang, kaya naman hanggang 4K pero hindi ko ma-feel yung OIS. Parang medyo maalog pa rin. Yung selfie camera ay okay rin. Tama lang pero 1080p lang yung pwedeng ma-record nito. Okay naman yung quality. Yung test na ginawa ko ay nasa loob ako ng isang parking lot. Hindi ganon kaliwanag pero okay pa rin. Enough pa rin yung liwanag habang nagre-record sa selfie camera ng 1080p.
Durability


Nasa exciting part na tayo. Ibabagsak natin ‘to. I-test natin kung talagang accurate ba ‘yung kini-claim ng owner na napakatibay daw talaga ng phone. Sana maka-survive. Sa unang drop test, binagsak ko ito ng ilang beses pero may case. Gumagana pa rin ito at walang basag. Tinanggal ko rin ang case at tinaasan ko pa ang pagbasagsak ng ilang beses. Walang basag yung camera at wala namang gasgas. Wala ring dent or anything. Okay pa rin yung display. Sa huling bagsak ay wala ng screen protector. At sa pagbagsak ay nauna yung kanto at dinig na dinig ko yung pagbagsak. Wala pa ring gasgas yung kanto. Okay pa rin yung display. Walang case at walang screen protector. Buong-buo pa rin. Nice.


Kita niyo naman na ilang beses ito binagsak. Talagang gusto ko rin na i-convince ang sarili ko na matibay itong HONOR X9d. Pero alam ko na sasabihin ninyo na tiles yung pinagbagsakan, hindi uneven at hindi semento. Pero ang napatunayan natin, kahit ibagsak natin ng mataas-taas. Binato ko na nga pero naka-survive pa rin. Yung impact ay masu-survive nitong phone. Pero syempre kung uneven, kagaya na lang sa labas, magkakaroon talaga ng mga gasgas. Pero for sure ay makaka-survive pa rin at magagamit pa rin. Bottom line, okay po yung durability ng phone.
Conclusion

Anong masasabi niyo sa HONOR X9d? Yung Php19,000 na presyo ng phone ay hindi ko talaga ma-justify. Una sa lahat, ang baba ng software support na binigay nila. 2 Major Android upgrade lang. Hanggang Android 17 lang ang HONOR X9d. 3 Years Security Support. Isipin niyo yun, for Php19,000 ay 2 years mo lang magagamit ang phone na to. Medyo deal breaker sa akin. Yung battery performance naman nito. Again, hindi naman disappointing. Goods pa rin kasi tumagal pa rin ito ng 2 hours ng tuloy-tuloy na naka-data. Pero hindi ito impressive. Ine-expect ko na SOT na makukuha nito ay mataas sana kasi 8300mAh yung battery ng phone pero mababa yung SOT. And in fairness ha, pangalawang HONOR phone to this year na na-review natin. Pero consistent sila na hindi mataas yung screen on time na naibigay sa atin. Hindi kagaya nung vivo na talagang grabe yung screen on time.
Anyway, maliban sa software support at battery. Yung camera nito ay medyo hindi ko rin ma-justify para sa ganitong presyo. Yung chipset nito ay hindi rin ganun ka-powerful para sa presyo. Hindi ko talaga ma-justify yung Php19,000 na presyo ng phone. PH18,000 kasi namin to nabili pero ang SRP talaga ay Php18,999. Wala ding eSIM support ito. Ang dami kong deal breaker na nakita sa phone na ‘to. Hindi ko talaga ma-justify ‘yung presyo nito.
Recommendation

Ngayon, kung sakali man na gusto ninyo ng alternative. Number one, ang POCO M8 Pro. Php16,199 na lang ‘yung presyo niyan. Mas mura talaga kumpara sa HONOR X9d. Naka-Snapdragon 7s Gen 4 na yan. 512GB yung storage. 4 Major Android Upgrade at 6 Years Security Patches. ‘Di ba? Parang no brainer. Mas sulit ito.

Pangalawa na option na gusto kong ibigay sa inyo ay ‘yung vivo V60 Lite 5G. Php17,999 pero less than Php1,000 pa rin compared sa HONOR X9d. Dimensity 7360 Turbo yung chipset. 6500mAh ang capacity, mas maliit pero siguradong mas mataas yung SOT nito. Military grade rin. Pero ito ang maganda, 32MP yung selfie camera at 4K video recording. Saktong-sakto for vlogging. Pagdating naman sa software support, 3 Major Android Upgrade ang matatanggap nito at 4 to 6 Years Security Patches.
Pangatlo at panghuli na recommendation ko na kapalit nitong HONOR X9d. Kung gusto ninyo at comfortable kayo sa mga China phone ay ang OnePlus Turbo 6. Na-review natin ito Php21,000 lang. Maga-add ka lang ng Php2,000 ay meron ka ng magandang phone na naka-AMOLED, 165Hz, Full HD+ display, Snapdragon 8s Gen 4, LPDDR5X, UFS 4.1, 4 Major Android Upgrade, 5 Years Security Patches, at 9000mAh battery capacity na umabot ng 28 hours 24 minutes na SOT. Again, no brainer, mas sulit itong tatlo. Sa ngayon, hindi ko ito mare-recommend na bilhin ninyo. Kung sakali man na ang prinesyo nila ay Php14,999 ay goods na goods. Lalo na kung iko-consider natin na ang tibay talaga ng phone.