Skip to content

Sulit Tech Reviews

Samu't-saring Unboxing and Reviews

Lazada Philippines

Follow Me

  • Youtube
  • Facebook
  • Instagram
  • Twitter
Primary Menu
  • Home
  • Press Release
  • Tech Blog
    • Phones
    • Tablets
    • Laptops
    • Other Tech
  • Contact
  • Youtube
  • Facebook
  • Instagram
  • Twitter
  • Home
  • Tech Blog
  • Ang KATOTOHANAN sa Honor Win! May Dapat Kang Malaman…
  • Phones
  • Tech Blog

Ang KATOTOHANAN sa Honor Win! May Dapat Kang Malaman…

At isipin ninyo kung gaano pa yung itatagal ng phone kung naka-wifi connection ito. Maasahan pa rin yung bat...
sulittechreviews February 24, 2026

HONOR WIN

Snapdragon 8 Elite Gen 5

LPDDR5X + UFS 4.1

10000mAh 100W

80W Wireless Charging

185Hz

Watch Full Review
HONOR WIN Fan

  • Specifications
  • Price & Availability
  • Intro
  • Battery
  • AnTuTu
  • Camera
  • Conclusion
  • Video
DESIGNIP68, IP69K – Dust & Water Resistant
Nano SIM + Nano SIM
229g + 8.3mm
Built-In Cooling Fan
AI Button
Ultrasonic In-display Scanner
DISPLAY6.83″ AMOLED
1.5K resolution
185Hz HDR
6000nits max brightness
2000nits typical brightness
PERFORMANCEAndroid 16
MagicOS 16
? Major Android Upgrades
7 Years Security Patches
Snapdragon 8 Elite Gen 5
LPDDR5X RAM
UFS 4.1 Storage
12+256GB
CAMERA50MP f/2.0 OIS Main
50MP f/2.4 Telephoto 3x Zoom
12MP f/2.2 Ultrawide
Max video: 4k 60FPS
50MP f/2.0 Selfie
Max video: 4k 30FPS
BATTERY10000mAh 100W
80W Wireless
27W Reverse Wired
Silicon Carbon

12+256GB

39,899
PHP
BUY HERE

12+512GB

45,899
PHP
BUY HERE

16+512GB

48,899
PHP
BUY HERE

“Grabe itong Honor Win, huwag niyo itong bilhin!”
“Pinahirapan lang ako ng phone na ito!”

Ito na ang full review sa Honor Win after ng more than a week na paggamit ko sa phone. I-she-share ko sa inyo yung tatlong PCMark test result na nakuha ko sa phone. Plus, yung real life battery usage para magka-idea kayo sa iba’t-ibang scenario. Kung sakali man na ito na yung gusto ninyong i-purchase na phone. Uulitin ko lang na 10000mAh yung battery capacity nito at flagship yung chipset. Yung camera lang ang medyo nasa mid-range pa na category. Pero mamaya ay ipapakita ko sa inyo ang mas maraming sample photos at videos screenshot. Sa ngayon, unahin muna nating pag-usapan ‘yung battery performance ng phone. Kasi ito ‘yung primary aspect nitong Honor Win. Malamang sa malamang ay primary reason mo rin kung bakit mo ‘to bibilhin.

Battery

Makikita sa screenshot ang settings nang unang result ng PCMark. Ang result ay 16 hours and 3 minutes. Sa unang test pa lang ay magkakaroon na kayo ng idea. Yung 10000mAh na battery capacity ng phone ay hindi kagaya ng ine-expect natin na performance. Pero una pa lang yan.

Sa pangalawa. Okay. Naka-low naman ‘yung resolution at naka-off naman ngayon ang RAM Turbo. Medyo tumaas yung screen on time, 18 hours and 7 minutes. Pero usually, yung ganitong klase ng result sa PCMark ay nakukuha sa mga entry level. Ang battery capacity ay naglalaro lang sa 6000mAh to 6500mAh. Pero bago tayo tuluyang ma-disappoint sa Honor Win battery performance. Tingnan natin ‘yung performance sa real life usage.

Real Life Usage

Sa screenshot makikita ang settings at frequently used apps. Naka-data ito 95% of the time. Walang Wi-Fi. Minsan nago-automatic connect ito sa internet. Pero pag nakita ko ‘yun ay ino-off ko agad yung Wi-Fi para bumalik sa data connection. Ginamit ko ‘to as my secondary phone for more than a week. Yung makikita ninyo ay hindi sobrang pang-power user. Pang basic user lang talaga.

Sa una, January 9 ng 10:45p.m. 90% pa rin ang natitira sa battery level. Ang SOT sa buong maghapon ay 1 hour and 42 minutes. Pero yung usage time ay 10 hours and 13 minutes. At reminder lang, ibig sabihin ng usage time ay mula nung binunot natin sa charger itong phone. Pangalawa, January 10 ng 4:01p.m. 80% na lang yung battery level. Yung SOT naman natin ay naging 2 hours and 35 minutes na. Yung usage time ay 27 hours and 29 minutes. Sa pangalawang screenshot na ito, mahigit isang araw ko nang ginagamit itong phone. Pangatlo, January 11. Kinabukasan ito ng 11:42p.m. Nag-screenshot ulit ako. 55% na lang ang natitira sa battery. Ang SOT na nito ay 4 hours and 38 minutes. Ang usage time ay naging 59 hours and 9 minutes na.

Susunod naman ay January 12 ng 1:34 ng hapon. Nag-screenshot ulit ako. 50% na lang ‘yung natitira. Ang SOT nito ay 4 hours and 42 minutes. Hindi ko masyadong ginamit ‘yung phone nitong January 12. Ang usage time nito ay umabot na ng 73 hours and 2 minutes. Panghuli, January 14 na. Hindi ako nakapag-screenshot nung January 13. Pero hindi ko pa rin ito sinaksak sa charger. Noong, 6:48 p.m. ay 25% na lang ‘yung natitira sa battery. Ang SOT ay 5 hours and 51 minutes. Ang usage time ay 114 hours and 16 minutes.

Scenario

I-round off natin. 25% na lang ang natitira sa huling screenshot. Yung final screen on time ay 6 hours. Pero 114 hours and 16 minutes naman ‘yung usage time. Or ‘yung oras mula nung tinanggal ko ito sa charger nung na-fully charge ko ito. Ito yung conclusion ko, hindi sobrang taas na screen on time ang ibibigay sa atin ng Honor Win. Pero ang maasahan natin ay ang standby time nito. Hindi ito mabilis ma-lowbat kahit pa hindi natin ito masyadong ginagamit.

For example, ginamit natin itong Honor Win for a whole day sa work. Siguro naka-1 hour or 2 hours na screen on time tayo. Kasi ‘yun lang ‘yung allowed sa office natin na gumamit ng phone. Tapos nakalimutan nating i-charge ito nung pag-uwi natin. Kahit na gumising tayo kinabukasan ng hindi china-charge ‘tong phone. Konting-kunti lang yung mababawas sa battery nito. Kung makalimutan man natin i-charge ‘to, hindi tayo mag-aalala na ang dami ng nabawas sa battery percentage habang natutulog tayo. Yan ang maasahan natin sa phone na to. Hindi mabilis ma-lowbat kahit hindi natin ito ginagamit. Maganda yung standby time nito. Pero yung screen on time nito ay tamang-tama lang. Parang nasa-6000 to 6500mAh yung performance nito.

PCMark

Tapos nag-PCMark ulit ako after nung real life battery test. Nakakuha na ito ngayon ng 20 hours and 3 minutes. Sa last na PCMarK na ito, parang mas tumataas pa at mas gumaganda pa ‘yung battery performance habang ginagamit ‘yung phone na ‘to. Mataas ‘yung 20 hours and 3 minutes na ‘to. Pero hindi pa rin ito yung screen on time na ine-expect ko sa isang phone na merong 10000mAh battery capacity. Isipin ninyo na sobrang taas na nakuha ko sa OnePlus 15. Kahit sa POCO F8 Ultra ay ang taas din ng screen on time na nakuha natin doon. Paano pa yung real life usage non? ‘Di ba. Ang ine-expect ko talaga ay makakakuha ito ng at least 29 hours of screen on time. Or mas mataas pa kasi nga 10000mAh ito. Pero hindi na nakaka-disappoint itong 20 hours SOT.

Kagaya nung pinakita ko kanina, ilang araw kong hindi ini-charge itong phone. January 9 ako nag-start tanggalin ito sa charger. 6 days na hindi ko chinarge yung phone na ‘to pero 25% pa rin. At isipin ninyo kung gaano pa yung itatagal ng phone kung naka-wifi connection ito. Maasahan pa rin yung battery nito. Hindi nga lang sobrang taas yung screen on time.

AnTuTu

I-update ko na rin kayo sa AnTuTu score kasi inuulit ko ‘yung test. 3589176 ‘yung nakuha nito. Sa pangalawang score, 3560634. Mataas pa rin. Mind you, ‘yung dalawang bagong AnTuTu score ay naka-High Performance Mode ito. Okay. Para tapusin itong full review sa Honor Win after ng 1 week na paggamit. Tingnan natin ang mga updated photos at videos na pinangako ko sa inyo.

Camera

Ito ang mga sample photos screenshots:

Makikita sa mga photos na nasa mid-range level lang yung kanyang quality. Hindi na masama yung quality ng photos na nakunan kasi hindi naman ito iyung primary aspect ng phone. Yung kulay ay medyo oversaturated minsan pero kadalasan ay okay naman ito. Yung night photos or low light photos ay maganda. Maganda yung dynamic range ng phone.

Ito ang mga sample video screenshots:

Sa video, ang ganda rin ng natural bokeh or ‘yung depth of field nitong phone. Pero pagdating sa stabilization, meron itong OIS. Stable ito kahit naka-4K video recording. Pero ang talagang favorite ko sa phone na to ay yung selfie camera nito. Ang ganda ng selfie video nito. Pwedeng-pwede natin talagang gamitin sa vlogging if yun yung plano natin sa Honor Win. Hindi kayo mapapahiya sa quality kasi. Ang ganda ng texture ng skin ko sa video. Parang hindi overly process.

Conclusion

Yun na lahat ang mga gusto kong i-share tungkol sa Honor Win. Sa palagay niyo ba ay sulit ‘yung phone na ‘to? Kung ako ‘yung tatanungin, hindi sobrang taas ng screen on time ‘yung makukuha sa Honor Win. Pero sa standby time, goods na goods itong phone. Kahit ilang araw nating hindi i-charge tapos naka-data connection tayo. Pwedeng-pwede ito sa 5G. Okay na okay po iyung Honor Win. Maasahan po natin itong phone.

Pagdating sa display, goods na goods din kasi ang taas ng screen refresh rate nito. Pwede pa nating babaan yung resolution kung gusto pa nating makatipid sa battery. At isa pa yung camera performance. Although hindi flagship level yung camera quality nito. Pwedeng-pwede na po lalo na yung selfie camera nito. Sana nakatulong itong article. Pinahirapan talaga ako ng phone na ‘to na ubusin ‘yung battery life nito. At huwag na huwag niyo itong bibilhin kung sakaling ang hinahanap niyo phone ay mabilis ma-lowbat.

About Author

sulittechreviews

See author's posts

Post navigation

Previous: Bakit Ba Ngayon Ko Lang Na-Unbox ‘tong iQOO Z10 Turbo Plus?!

Related Stories

moto G100 Pro with Case
  • Phones
  • Tech Blog

Less Than ₱10,000 na Phone PERO may RISK…

sulittechreviews February 24, 2026
POCO M8 Pro Beauty Shot 2
  • Phones
  • Tech Blog

Daming Bago sa POCO M8 Pro! Isa Lang Hindi Ko Nagustuhan…

sulittechreviews February 24, 2026
HONOR WIN
  • Phones
  • Tech Blog

May Built-in FAN at naka-10000mAh na BATTERY?! Baka HONOR WIN yan!?

sulittechreviews February 24, 2026
moto G100 Pro with Case
Phones Tech Blog

Less Than ₱10,000 na Phone PERO may RISK…

sulittechreviews
February 24, 2026 0
POCO M8 Pro Beauty Shot 2
Phones Tech Blog

Daming Bago sa POCO M8 Pro! Isa Lang Hindi Ko Nagustuhan…

sulittechreviews
February 24, 2026 0
HONOR WIN
Phones Tech Blog

May Built-in FAN at naka-10000mAh na BATTERY?! Baka HONOR WIN yan!?

sulittechreviews
February 24, 2026 0
iQOO Z10 Turbo+ Beauty Shot
Phones Tech Blog

Bakit Ba Ngayon Ko Lang Na-Unbox ‘tong iQOO Z10 Turbo Plus?!

sulittechreviews
February 24, 2026 0

Recent Posts

  • Ang KATOTOHANAN sa Honor Win! May Dapat Kang Malaman…
  • Bakit Ba Ngayon Ko Lang Na-Unbox ‘tong iQOO Z10 Turbo Plus?!
  • May Built-in FAN at naka-10000mAh na BATTERY?! Baka HONOR WIN yan!?
  • Daming Bago sa POCO M8 Pro! Isa Lang Hindi Ko Nagustuhan…
  • Less Than ₱10,000 na Phone PERO may RISK…
Copyright © All rights reserved. | MoreNews by AF themes.