Skip to content

Sulit Tech Reviews

Samu't-saring Unboxing and Reviews

Lazada Philippines

Follow Me

  • Youtube
  • Facebook
  • Instagram
  • Twitter
Primary Menu
  • Home
  • Press Release
  • Tech Blog
    • Phones
    • Tablets
    • Laptops
    • Other Tech
  • Contact
  • Youtube
  • Facebook
  • Instagram
  • Twitter
  • Home
  • Tech Blog
  • Top AFFORDABLE Gadgets ng 2026! Bagsak Presyo na!
  • Other Tech
  • Tech Blog

Top AFFORDABLE Gadgets ng 2026! Bagsak Presyo na!

Pero dahil ni-request ninyo ay meron akong 10 gadgets ulit na mare-recommend. Mas affordable yung price compared sa...
sulittechreviews January 11, 2026

Top AFFORDABLE Gadgets ng 2026!

Watch Full Review
  • Introduction
  • #1 to #4
  • #5 to #7
  • #8 to #10
  • Conclusion
  • Video

Welcome sa first article natin ngayong 2026. Parang follow up ito tungkol sa mga recommended gadgets ko for 2026. Kasi marami sa inyo yung nag-react na masyado namang mahal yung mga items na-recommend ko doun. Well, yung ilang items talaga ay medyo pricey. Pero hindi ibig sabihin na dahil pricey ay hindi na sulit. Hindi naman synonymous yung word na sulit sa mura. Hindi dahil mura ay automatic na sulit na agad. Ni-recommend ko ‘yun kahit pricey kasi alam ko na sulit yung mga items na ‘yon. Pero dahil ni-request ninyo ay meron akong 10 gadgets ulit na mare-recommend. Mas affordable yung price compared sa unang 10 na ni-recommend nung 2025.

#1 – Edifier MP85 Mini Portable Speaker

Una sa listahan ay ang Edifier MP85 Mini Portable Bluetooth Speaker. Ang price nito ay Php699 lang. More than a year na rin mula nung nabili namin itong napakaliit na speaker na ‘to. Hindi talaga kami nagsisi. Kahit mura ‘to ay sulit ito. Madadala niyo ito kahit saan. Itong Edifier MP85 ay 70 grams ‘yung weight. Sobrang gaan lang talaga nito. Halos walang idadagdag na weight sa bag natin kapag isinabit natin as key chain. Kahit na maliit lang to, huwag niyong maliitin ito. Maganda yung tunog nito kahit ganito lang yung size nito kasi madalas na ginagamit namin ‘to outdoor. Kaya masasabi ko na malakas talaga siya kasi isipin niyo outdoor na ‘yun. Paano pa kung gagamitin natin to sa desk lang natin o kaya sa loob lang ng bahay. Masa-satisfy talaga kayo.

At para lang magkaroon kayo ng idea, kung ikukumpara ko yung maximum volume ng iPhone 17 Pro Max sa max volume ng Edifier MP85. Siguro mas lamang ito ng mga 20% to 30%. At dahil yan sa naka-40mm na driver na to. Tapos ay Bluetooth 5.3 na yung connection nito. Mas stable at hindi maaksaya sa battery. Kahit 4180mAh lang iyung capacity ng MP85 ay tatagal daw ito ng 8 hours sa isang charge lang. Meron itong control button sa taas. Madaling mahinaan at malakasan yung volume ng speaker. Plus ‘yung power button, iba ‘yung kulay nito compared sa dalawang button. Kaya mas madili nating masasabi kung ano ‘yung pinipindot natin.

Edifier MP85

699
PHP
BUY HERE

#2 – CMF Buds Pro Gen 1

Ang pangalawang recommendation ko naman ay ang CMF Buds Pro Gen 1. Ang current price nito ngayon ay Php1,790 na lang. Kahit Gen One pa itong TWS na to ay available pa rin sa Shopee. Kasi nga maganda pa rin yung quality nito kahit ngayong 2025 na. At isa ‘tong CMF Buds Pro sa mga unang products or lineup ng product na ini-release ng CMF. Itong CMF Buds Pro Gen 1 ay mayroong Hybrid Active Noise Cancellation. Kaya raw nitong mag-cancel ng noise nang up to 45db. Kaya nitong i-cancel out yung tunog ng engine ng eroplano, yung tunog ng aircon ng bahay, o yung tunog ng electric fan.

Itong CMF Buds Pro ay tatagal na raw ng up to 6.5 hours kapag naka-on yung ANC or Active Noise Cancellation. 11 hours naman ang itatagal kapag naka-off yung ANC. At may additional pa itong 26 hours na total sa case nito kapag ginamit yung ANC. Alam nyo ba na kapag chinarge nyo ‘yung CMF Budge Pro sa case for 10 minutes, mabibigyan na tayo agad ng 3 hours na playback time.

At meron ‘tong companion app kaya pwedeng ma-customize ‘yung equalizer. At meron pa ‘tong Ultra Base Technology. Kaya para dun sa mga gustong-gusto ng ma-base or ma-punchy na tunog, magugustuhan niyo talaga itong CMF Budge Pro Gen One. At sa paggamit ko, hindi ako nabitin sa max volume. Napaka-crispy ng tunog. Hindi tunog lata kahit na less than Php2,000 lang ‘to. Tapos ang maganda pa rito, naka-Bluetooth 5.3 na rin ito na version at compatible sa Google Fast Pair. IP54 na ‘yung rating nito. Kahit matalsikan ‘to ng tubig o kaya mapunta tayo sa maalikabok na environment, hindi tayo mag-aalala na masisira itong Buds Pro.

CMF Buds Pro

1,790
PHP
BUY HERE

#3 – Momax 35W 1-Charge+ GaN Charger

Ang susunod naman na ire-recommend ko sa inyo ay ang Momax 35W 1-Charge+ GaN Charger. Ang current price nito ay Php1,290 lang. At dihamak na mas mura ‘tong Momax 1-Chartge+ GaN Charger compared sa nakaraang ni-recommend ko. At ang maganda pa rito, retractable din yung USB-C cable nito. Mababawasan ulit yung dadalhin nating cables kapag nagta-travel tayo. Plus, meron pa itong additional na USB-C port. Kung sakaling gusto nating mag-charge ng isa pang device gamit yung charger na ‘to. At Ang dali talaga nitong i-manage kasi meron itong magnet. Kaya maibabalik talaga natin sa maayos na itsura itong charger na to after nating gamitin. At ang maganda pa diyan, foldable din yung prongs nito. Kung sakali na ilagay natin to sa bag, hindi tayo mag-aalala na meron itong masisirang gamit. At not to mention, nagustuhan ko talaga yung colorway na ‘to. Color orange na merong white sa taas.

Momax 1-Charge+ GaN Charger

1,290
PHP
BUY HERE

#4 – TELESIN Fun Shot Magnetic Grip

Ang susunod namang ire-recommend ko sa inyo ay itong TELESIN Fun Shot Magnetic Grip. Ang current price naman nito ay Php1,168 lang. At dahil nauuso ngayon ang mga grip sa mga action camera at kahit sa mga phones natin. Sa tingin ko ay talagang magugustuhan niyo ‘tong Fun Shot ng TELESIN. Napaka-compact ng itsura. Hindi intimidating gamitin. Actually, mas magiging komportable pa tayo sa pag-take ng photos gamit itong grip na ‘to. Lalo na kung naka-iPhone tayo or kahit anong phone na merong MagSafe case. Napakadali lang nito ilagay. Talagang literal na ima-magnet lang natin sa likod at napaka-sturdy nito. Pwede itong portrait at pwedeng landscape. Magagamit natin itong grip na ‘to para sa better camera control. Pwede itong pang-zoom. Ito na rin yung shutter. At pwede rin nating bago-baguhin yung camera modes gamit yung dalawang button sa taas.

At yung color gray na part dito sa may taas ay detouchable ito. Pwede tanggalin ito para maging remote control. Kung sakaling ilalagay natin sa tripod yung ating iPhone kasi nga merong screw mount ito sa ilalim. Hanggang 10 meters ang kaya nitong abutin. Ito na ang gamitin nating pang-shutter. Kapag tiningnan natin ‘yung flagship store ng TELESIN, mayroon ding color black na Fun Shot Magnetic Grip. At uulitin ko, pwedeng-pwede ‘to kahit sa mga Android phones.

TELESIN Fun Shot

1,168
PHP
BUY HERE

#5 – TELESIN Magnetic Ice Cube Light

Ang susunod naman na ire-recommend ko sa inyo ay itong TELESIN Magnetic Ice Cube Light. Ang current price naman nito ay Php1,233. At kagaya ng pangalan ng item na to, magnetic din ito. Pwede natin itong ilagay sa ating phone kung meron tayong MagSafe or magnet sa case. Pwede na natin itong gamitin as ilaw. Yung clip ay pwede naman natin ‘tong gamitin kung halimbawa ay magla-live stream tayo. Gagamitin natin yung selfie camera, kailangan natin ng ilaw. Itong clip naman yung gagamitin natin. Pwede natin itong i-clip sa may harap ng ating phone. May ilaw na tayo sa ating front facing camera. Tapos hindi lang to basta pang-ilaw. Pwede na natin itong gamitin as stand. Multifunction talaga ‘to.

Meron din itong screw mount. If ever na gagamitin natin to sa mga photo shoot ganyan, o kaya sa iba’t ibang mga location, kailangan natin itong ipwesto sa isang location. Pwedeng-pwede ilagay sa isang tripod. Pwede rin natin ‘tong gamitin pag nag-camping tayo kasi ang lakas ng ilaw nito. Pwede rin nating timplahin yung temperature nito. Mula 2,500 Kelvin hanggang 9,000 Kelvin. Pwedeng mas maging natural pa yung timpla natin. Lalo kung talagang nagco-color grade tayo at gusto natin ng balance na kulay. Pwede nating timplahin itong ilaw. At RGB na rin ‘to. Pwede rin ito kung gusto natin magkaroon ng effect yung background natin. Talagang malaking tulong itong ilaw na to. At sabi ng TELESIN, itong Ice Cube Light ay mayroong 2000mAh na battery capacity. At equivalent na daw ‘yan sa 2 hours na paggamit na naka-max ‘yung brightness.

TELESIN Magnetic Ice Cube Light

1,233
PHP
BUY HERE

#6 – CMF Watch Pro Gen 1

Ang susunod naman na ire-recommend ko sa inyo ay itong CMF Watch Pro Gen 1. Ang current price naman nito ay Php2,940. Yes, 2 years old na itong Watch Pro Gen 1 pero available pa rin ito online kasi nga ang ganda pa rin nito.

Specification:

Kaya mabilis yung pag-navigate natin at walang ghosting. Meron din itong Always on Display. Ang bilis din ng response nito kapag itinaas natin ‘yung ating wrist. Meron na rin itong built-in GPS. Meron din itong IP68 na protection. May 110 na Sports Mode ito at naka-Bluetooth 5.3 na ito. Kaya mabilis at stable yung ating connection. Hindi nagpuputol-putol. Mayroon na rin itong 340mAh na battery capacity na tatagal daw ng up to 13 days typical use. At mayroon din itong mic at speaker para sa Bluetooth calling. Pero kung namamahalan pa rin tayo sa CMF Watch Pro Gen 1 dahil sa presyo. Babaan pa natin. Meron pa akong isang recommendation sa inyo na mas mura.

CMF Watch Pro

2,940
PHP
BUY HERE

#7 – Infinix XWatch H4

Ang current price nito ay Php999 lang.

Specification:

Mas malaki ng kaunti compared sa CMF Watch Pro Gen 1. Pero syempre expect ninyo na hindi ganun ka-sharp ‘yung display nito. Maliban sa mas mura ay malaki yung display pero maliit yung resolution. Pero meron itong mga typical smartwatch functions like notifications, heart rate monitoring, Pwedeng magpalit ng mga watch faces, mga workout modes dito, at camera control. Replaceable din yung strap nito. Meron itong IP68 water and dust protection. 300mAh ang battery capacity nito na aabot daw ng 7 to 10 days ng typical usage. Pero kung ako lang naman yung papapiliin, kung kaya ninyo na dagdagan pa yung budget ninyo. Go for CMF Pro Gen 1 kasi mas magtatagal to sa inyo. Pero kung talagang tight yung budget natin. Gusto natin ng affordable na smartwatch na yung mga typical functions lang naman. Walang built-in GPS ay pwede na itong Infinix XWatch H4.

Infinix XWatch H4

999
PHP
BUY HERE

#8 – TECNO 20000mAh Power Bank

Ang susunod naman ire-recommend ko sa inyo ay itong TECNO 2000mAh Power Bank. Php1,999 lang yung current price nito sa ngayon. At yes, di hamak na mas mura to ng almost Php1,000 compared sa una kong na-recommend. Pero ang catch ay 10.5W lang yung charging speed nito. Meron din itong apat na ports. At ang maganda rito meron pa rin itong micro USB port. Yung mga old devices natin ay pwede nating ma-charge sa Power Bank na to. Meron din itong LED indicators para malaman natin yung battery level. Matte finish yung design.

Ang hindi ko lang gusto sa power bank na ‘to ay may kabigatan ‘to. Masyadong sharp yung mga kanto-kanto nito. Kaya kapag nabagsakan tayo nito, masakit talaga. Sigurado kapag nilagay natin ‘to sa bag, mararamdaman talaga natin ‘yung additional weight. At pwede pa ‘tong makagasgas sa ibang gamit natin. Be mindful lang. Pero para sa isang power bank, murang-mura na ‘to.

TECNO 20000mAh Power Bank

1,999
PHP
BUY HERE

#9 – LASCO Smart Plug

Ang susunod naman na ire-recommend ko sa inyo ay itong LASCO Smart Plug. Ang current price nito ay Php450. Ngayon, bakit ko naman to ire-recommend sa inyo? Eh parang normal na plug lang ito. Well, kagaya ng sinabi ko, smart plug ito. Pwede nating gawing smart yung mga appliances natin o yung mga gamit sa bahay na hindi talaga smart. Ibig sabihin, pwede nating ma-control ‘yung mga appliances na nakasaksak gamit ‘yung companion app ng LASCO. Ginamit ko ito sa Sulit na logo at isa pang ilaw na maliit. Pwede ma-turn off gamit ang compion app. Ganun lang kasimple. Pag-tinap ko ay agad-agad bubukas. So ganon kabilis yung response nito.

At compatible na sa 2.4GHz Wi-Fi connection itong LASCO Smart Plug. Para if ever na nasa labas tayo, nasa out of the country or out of town tayo. Mako-control pa rin natin yung mga appliances or mga device na nakasaksak. Keep in mind lang na itong pinapakita ko sa inyo ay yung old version. 2200 watts lang yung maximum na pwede nating isaksak sa old. Pero kapag bumili kayo nung bago ay 3300 watts na ‘yung pwedeng isaksak. Ito ‘yung pinakamadaling paraan para maging smart ang appliances natin na hindi pa smart.

LASCO Smart Plug

450
PHP
BUY HERE

#10 – Aecooly Aero Handheld Fan

Ang panghuli naman na ire-recommend ko sa inyo ay itong Aecooly Aero Handheld Fan. Php990 lang yung current price nito. At kung maalala ninyo, isa sa pinakamahal na item na ni-recommend ko sa previous video ay Aecooly. Kasi nga pang-camper van na package yun or kit. Pero kung kailangan niyo lang naman ng handheld fan, ay pwede itong Aecooly Aero para mas makatipid kayo. 3500mAh yung capacity nito. Meron itong 5 speed at napaka-unique nung style nito. Mukha itong elbow na tubo ng tubig. Tapos may kasama na itong lanyard. May kasama na ring lalagyan. Safe na safe naman ilagay sa mga bag natin.

Aecooly Aero Handheld Fan

990
PHP
BUY HERE

Conclusion

Ayan na lahat ang mga gusto kong i-recommend sa inyo na mga gadgets for 2026 na mas affordable yung presyo compared sa una kong naipakita. Pero uulitin ko, lahat ng ini-recommend ko sa inyo, ano man yung presyo, kahit dun sa mas pricey at kahit dito sa mas affordable. Lahat po yan ay sulit. Uulitin ko, hindi dahil mura ay sulit at hindi dahil mahal ay hindi na sulit.

About Author

sulittechreviews

See author's posts

Post navigation

Previous: Top 5 Phones ng 2025 – ENTRY LEVEL at MIDRANGE!
Next: Top 10 Phones na Best in Battery! – MAY BAGO NANG BATTERY KING!

Related Stories

Infinix HOT 60i Beauty Shot
  • Infinix
  • Phones
  • Tech Blog

Infinix HOT 60i 5G – SULIT NA 5G PHONE!

sulittechreviews January 11, 2026
Battery Performance of 2025
  • Phones
  • Tech Blog

Top 10 Phones na Best in Battery! – MAY BAGO NANG BATTERY KING!

sulittechreviews January 11, 2026
Top 5 Phones ng 2025
  • Phones
  • Tech Blog

Top 5 Phones ng 2025 – ENTRY LEVEL at MIDRANGE!

sulittechreviews December 18, 2025
Infinix HOT 60i Beauty Shot
Infinix Phones Tech Blog

Infinix HOT 60i 5G – SULIT NA 5G PHONE!

sulittechreviews
January 11, 2026 0
Battery Performance of 2025
Phones Tech Blog

Top 10 Phones na Best in Battery! – MAY BAGO NANG BATTERY KING!

sulittechreviews
January 11, 2026 0
Top 5 Phones ng 2025
Phones Tech Blog

Top 5 Phones ng 2025 – ENTRY LEVEL at MIDRANGE!

sulittechreviews
December 18, 2025 0
ASUS ExpertBook P1
Laptops Tech Blog

ASUS ExpertBook P1 – Grabe sa AI Features!

sulittechreviews
December 18, 2025 0

Recent Posts

  • Infinix HOT 60i 5G – SULIT NA 5G PHONE!
  • Top 10 Phones na Best in Battery! – MAY BAGO NANG BATTERY KING!
  • Top AFFORDABLE Gadgets ng 2026! Bagsak Presyo na!
  • Top 5 Phones ng 2025 – ENTRY LEVEL at MIDRANGE!
  • ASUS ExpertBook P1 – Grabe sa AI Features!
Copyright © All rights reserved. | MoreNews by AF themes.