Nasa atin ngayon itong XPPen Magic Note Pad. Hindi ko talaga maintindihan kung bakit kakaunti lang yung mga ganitong Android Tablet na sobrang ganda ng display. Meron itong tatlong Mode sa display. Matte display ito at hindi reflective. Mas mae-enjoy natin ang paggamit sa tablet. Kahit pa outdoor, drawing, at note taking ay mae-enjoy natin.
Price

For the price ay meron na itong Magnetic Folio Case at Stylus. Nasa baba ang link para ma-check mo ang updated pricing.
Unboxing











Sobrang eco-friendly ng box nitong XPPen Magic Note Pad. Una mong mapapansin ay ang napakakapal ng box. Makikita sa ilalim ng box ang full specs ng tablet. Pag-open ng box, makikita agad ang Magic Note Pad na nakabalot sa plastic. Sobrang linis, sobrang simple, pero professional pa rin ang itsura ng tablet. Hindi talaga ako makapaniwala na Php17,999 lang ito, as of writing this article. Talagang walang reflection ang display at matte. Sa ilalim ng box ay may Magnetic Folio Case na may lalagyan ng pen. Nasa isang box naman ang pen, warranty information, at extra pen tips. Sa isang box naman nakalagay ang charger at USB-C cable. 495 grams ang weight nito. Comfortable naman ito gamitin. Napaka-typical ng weight. Hindi rin ito bulky para sa isang tablet. 10.95″ to be exact ang tablet na ito.
Design






Makikita sa likod ng tablet na wala tong kahit anong design. Meron lang XPPen na branding. Ang overall texture naman ay matte rin. Ang mga edges ay curve. Kung hindi niyo gagamitin ang Folio Case ay comfortable pa rin naman gamitin. Sa left side ay walang makikita. Makikita naman sa right side ang volume up and down buttons. Sa ibabaw naman makikita ang mga microphone, speaker, power lock button, at ang black button na X-Paper Key. Sa may ilalim naman ang USB-C port at isa pang speaker. Dual speaker itong tablet.

Matte na matte talaga at walang makikitang reflection. Sa home screen ay napaka-stock Android at walang masyadong special. Display talaga ang main selling point ng tablet. Yung black bezel ay pantay naman. Pero ang bezel sa gilid ay may sobra ng kaunti para sa stylus. Magnetic ang Stylus at kahit anong alog ay hinding-hindi malalaglag. Kapag gagamitin naman natin ang Folio Case, ipapatong lang at okay na. Malakas naman ang magnet at hindi malalaglag ang tablet. May awang din ang case para sa Stylus. Dagdag grip din ito depende sa hawak. Safe na safe. Hindi malalaglag nag stylus kapag nakasara ang case at ilalagay sa bag.

Hindi kagaya sa iPad na magnetic ang stylus pero nasa labas. Madali iyun malaglag pero secured na secured dito sa Folio Case. Pwede rin nating itupi ang Folio Case. Dahil magnetic ay walang flap na nakakaistorbo kapag hawak-hawak. Napaka-perfect ng Folio Case nito.
X3 Pro Pencil 2

Iyan ang tawag sa Stylus ng tablet na ito. Hindi ito kailangan i-charge. Ito ang maganda sa stylus compared sa mga tablet ngayon. Sobrang gaan talaga. Tingnan muna natin ang tatlong Mode ng display. Kapag pinindot natin ang X-Paper Key sa bandang taas, lalabas ang tatlong mode. By default, naka-Nature Color Mode ito. Full colored ito pero matte. Kung gusto natin ng paper like experience ay Light Color Mode ang piliin natin. Kung gusto natin na parang E-Ink ay piliin ang Ink Paper Mode.




Ang maganda, kahit ano pang i-select nating mode ay hindi magbabago yung refresh rate. Hindi kagaya ng E-Ink display na sobrang baba ng refresh rate ng mga yun. Itong tablet ay laging naka-60Hz or 90Hz. Meron itong App na XPPen Notes. Pwede tayo dito magsulat. May palm rejection ito. Kahit ipatong niyo yung kamay niyo sa screen ay okay lang. Sa paggamit ko, para ka talagang nagsusulat sa paper. Ganun kaganda yung experience sa XPPen Magic Note Pad. Magugustuhan ito ng mga digital artist.


Pwede rin itong mag-take ng screenshot gamit ang pen. Press and hold lang ang pen at mag-swipe up para mag-screenshot. Pwede na rin tayo mag-take ng notes sa screenshot. Yung XPPen Notes ay naka-VIP version na. Kailangan niyo lang mag-register para ma-unlock yung full version nito. Out of the box ay full version yung XPPen Notes. Lahat ng features ay magagamit niyo. Pagdating sa latency, sobrang baba ng latency at nagulat ako. Mage-enjoy talaga kayo dahil halos walang latency na mafe-feel. At dahil matte ay enjoy at parang nagsusulat sa papel.
Display
Specification:

Para sa akin, saktong-sakto lang ang 400nits na typical brightness. Anti-reflective ito at kahit gamitin outdoor ay kita pa rin ang naka-display. Nakakatuwa naman na mae-enjoy pa rin natin ang media consumption dahil Level 1 ang Widevine Security. Full HD ang max playback resolution sa Netflix. Sa quality ng display, kahit anong anggulo ay hindi kayo maabala dahil wala itong reflection. Pagdating sa media consumption, digital artworks, at notes ay sobrang mae-enjoy natin ang tablet.


Battery
Specification:

Ang SoT na nakuha ay 14 hours and 13 minutes. Hindi ko in-expect sa isang tablet. Usual na nakukuha natin ay 8 to 10 hours of SoT. Kung lumampas ng 10 hours ay okay na sa akin. Pero 14 hours ito at sobrang gandan ng battery performance na ibibigay sa atin ng tablet. Sa charging, 16% to 100%, 2 hours and 8 minutes na-charge.

Performance
Specification:

Hindi ito ganun ka-promising ng performance dahil mura lang ito. Ang priority nila ang ang display at battery. Pero not bad pa rin. Ang AnTuTu score kapag naka-on ang virtual RAM, 360453. Kapag ini-off naman ay mas tumaas at naging 363574. Mas maganda ay huwag niyong gamitin ang RAM expansion.



Sa Asphalt Unite, tamang-tama lang yung performance na nakuha nito. Hindi na tayo mage-expect ng sobrang laki. Kilalang-kilala na natin ang performance ng Helio G99. Tamang-tama lang para sa everyday application like Netflix, Messenger, Facebook, YouTube, at mga kaparehas na app. Pwedeng-pwede rin ang digital artwork. Pero pagdating sa mabibigat na games ay huwag na tayo mag-expect ng sobrang ganda at smooth na performance.
Conclusion

Kung ako ang tatanungin, sobrang sulit nitong XPPen Magic Note Pad para sa presyo. Ang ganda ng build quality. Lalong-lalo na yung display. Paulit-ulit ako kasi gustong-gusto ko yung ganitong klase ng tablet. Kahit saan natin itapat ay walang reflection. Mage-enjoy ka kapag nagbasa, drawing, at nag-notes sa tablet. Maganda rin ang battery nito at additional iyan sa magandang experience. Yung performance ay hindi ganun kaganda. Tamang-tama lang at hindi tayo mabibitin. Saktong-sakto lang para sa presyo. Meron na itong kasamang Folio Case at Stylus, gagamitin na lang out of the box.
May mga bagay lang na sana makita ko sa susunod na alteration. Wala itong SIM tray, walang 4G capability, at hindi tayo makapaglagay ng micro-SD card. Sana hindi eMMC ang gamiting storage at sana UFS na para dumagdag sa bilis.
Kung gusto niyo bumili nito, click niyo lang ang link na it
Lazada – https://invl.me/clmq470
PH Shopee – https://bit.ly/43Ba20w
PH Website – https://bit.ly/43E7MFK
PH Lazada – https://bit.ly/4dxKtSq
Para naman sa video ng review ko, pede niyo panoorin dito:
https://www.youtube.com/watch?v=gROOKKbZBpc