I-unbox natin ang bagong-bagong Xiaomi 15. Pag-uusapan natin yung specs at yung ilang mga benchmark scores. First impressions lang ito at ise-separate natin yung full review ng phone. Gagamitin ko ito as my daily phone at main camera sa ilang mga pupuntahan ko. Mate-test ko talaga ‘tong phone bago ko ibigay sa inyo yung full review.
Price

Nasa baba ang link para ma-check mo ang udated pricing.
Unboxing









White pa rin allover ang box nitong Xiaomi 15. Meron itong Mi branding, Xiaomi 15 at co-engineered with Leica text. Color White na Xiaomi 15 yun ire-review natin. Pag-open, unang makikita ay document sleeve na merong Xiaomi branding at design by Xiaomi na text. Sa loob ay may SIM injector pin, USB-C to USB-A cable, documentations, at case. Rubber yung case at protected naman yung camera bump. Obviously, wala itong charger na kasama sa box.
Sunod ang Xiaomi 15. Sobrang ganda ng form factor nitong phone. Makikita natin sa balot yung ilang top specs. Sobrang ganda ng puti at highly recommended talaga. Matte finish ito at hindi kapitin ng smudges at fingerprints. Kung may kumapit man na smudges ay hindi mahahalata kasi parang frosted yung likod nito. Hindi glossy at ang glossy lang ay ang camera bump. Nakakalungkot lang na hindi transparent ‘yung case na kasama sa box. Kapag nilagay natin ay hindi na ma-appreciate ‘yung ganda ng White. I suggest, para ma-appreciate yung kulay ay bili kayo ng case na transparent back. May ini-orderer ako sa TikTok ng XUNDD PH nang malaman ko na may darating sa aking Xiaomi 15. Ipapakita ko sa inyo ‘yun case sa full review.
After Setup

After setup at 24 hours ng paggamit sa Xiaomi 15, share ko sa inyo ‘yung na-experience at ilang benchmarks ng phone. Sobrang compact lang at napaka-perfect ng size ng phone. Compared sa mga phone ngayon na ang lalaki na ng size. For comparison sa iPhone 16 Pro Max. Ang layo ng size ng dalawang phone. Kung nasanay na tayo sa mga malaking phone, sigurado mas madali sa atin ang paggamit sa phone. Kahit isang kamay lang ay kayang-kaya na nating io-operate yung phone. Kapag tiningnan yung gilid, hindi ito sobrang nipis pero saktong-sakto lang ‘yung kapal. Comfortable pa rin sa paggamit. Medyo naka-protrude lang yung camera module. Protected naman yan ng case na kasama sa box. Kung bibili kayo ng case, make sure na talagang protected itong camera module. Matte yung mga gilid at may mga antenna bands.
Design






Yung volume up and down buttons at power lock buttons ay nasa may right side. Sa may left side ay malinis. Makikit sa ilalim yung SIM tray, main microphone, USB-C port, at main speaker. Dalawang nano SIM yung pwedeng ilagay sa SIM tray. Supported din ang eSIM. Pwede maglagay ng isang physical SIM + isang eSIM or dalawang eSIM. Hindi expandable ‘yung storage. Kung plano nating gamitin ang Xiaomi 15 ng ilang taon, make sure na malaking configuration ang piliin niyo. Sa harap ay may pre-installed screen protector. Yung punch hole selfie camera ay hindi ganon kalaki yung space na kinukuha. Kapansin-pansin yung bezel ay sobrang nipis.
Yung ingress protection nitong Xiaomi 15 ay IP68. Pwede natin ito mailubog sa tubig ng up to 1.5m for 30 minutes. Hindi ito action camera. Hindi ko nire-recommend na ilubog ito sa tubig. Nilagay yan for emergency lang. If ever na mahulog sa timba o swimming pool at nakuha naman agad ay walang problema.
Isa pa sa malaking upgrade ay yung fingerprint scanner. Dati ay naka-optical lang ito pero ngayon ay naka-ultrasonic fingerprint scanner na. Usually, nakikita lang iyan sa mga Samsung flagship devices pero ngayon ay meron na sa Xiaomi 15. Kasing accurate na ito ng mga conventional fingerprint scanner na usual sa may power button. Isang dampi ay uma-unlock na agad yung phone. Hindi nito kailangan paliwanagin yung display para ma-read yung fingerprint. Napaka-secured na ngayon. Kung gagamitin natin ito for payments ay meron na tayong peace of mind. Nagustuhan ko rin ang speaker ng phone. Naka-Dolby Atmos ito kaya ang ganda nung separation ng left and right. Kahit itodo yung volume ay hindi sabog. Talagang mae-enjoy natin yung movie streaming o kahit pa pag nagga-games.
Display
Specification:

Napakaganda ng display nitong Xiaomi 15. Considering na ang liit lang ng display, talagang napaka-sharp nung mga text, image, at videos. Pinakahinangaan ko sa display ng Xiaomi 15 ay yung behavior ng refresh rate. Sa Test UFO, legit na 120Hz ‘yung refresh rate nito. Kapag naka-enable ang show refresh rate, sa oras na hindi ko galawin ang screen ay bumaba ito to 1Hz. Talagang tipid sa battery. Kapag ginalaw na ay tataas na ulit.


Sa display settings > color scheme ay may tatlong preset; Original, vivid, at Saturated. Kung gusto natin magtimpla manually ay sa Advance settings. Kung gusto natin na mag-adjust ng kusa yung display depende sa environment, Adaptive colors. Pwede rin timplahin manually yung color temperature. Sa refresh rate settings; Default or Dynamic. Custom kung gusto nating i-lock to 120Hz or 60Hz. Meron din itong AI image engine. Pwedeng i-on yung Super Resolution para mas mapaganda pa ang display. Meron din itong AI HDR Enhancement tsaka MEMC.




Performance
Specification:

Sigurado na matagal nating magagamit ‘yung phone na ‘to. Ini-promise ng Xiaomi na aabot ng 4 major Android upgrades yung matatanggap nito. Technically, aabot ito ng Android 19. Sa security patches, up to 6 years naman. Napakatagal ng software support na ibibigay ng Xiaomi. Kung bibili kayo ng Xiaomi 15, mataas na configuration yung piliin niyo para future proof dahil sa software update. Kung mababa lang ‘yung storage na pipiliin natin, baka hindi natin magamit ng matagal itong phone. Lalo na’t hindi tayo pwedeng maglagay ng micro SD card. Pagdating sa virtual RAM, meron pa rin itong memory extension up to 12GB. Pwedeng gawing up to 24GB yung RAM. Pero yung 12GB physical RAM, para sa akin ay malaki na ‘yan.



Ang AnTuTu score na nakuha kapag hindi natin ginamit ‘yung memory extension, 2430850. Sobrang taas pero nagulat ako sa naging epekto ng memory extension. Pero bago ko ipakita, makikita niyo yung temperature sa baba. Saglit lang ay talagang nag-spike na ng sobrang taas yung temperature. Umabot ng 47.2°C. Hinay-hinay lang tayo sa Xiaomi 15 kasi prone na prone ito sa overheating. Nagulat ako kasi nung ginamit ko na yung memory extension, ang laki ng ibinaba sa score. 1984604 na lang yung score.Yung thermals ay may biglang spike tapos bumaba ng sobra. Ang ending temperature ay 39.1°C. Mas prone sa overheating kapag naka-off ‘yung memory extension. Medyo weird naman yung behavior ng thermals kapag ginamit yung memory extension. Siguro mafi-fix ‘to ng Xiaomi sa mga susunod na software updates.
Wild Life Stress Test

Wala naman akong maipakita na result na Wild Life Stress Test. Ilang beses ko talaga ini-try na patakbuhin pero nago-overheat itong Xiaomi 15. Baka ma-fix pa yan ng Xiaomi sa mga susunod nilang software updates. Kung hindi tayo magpapatakbo ng sobrang bigat na application or games, hindi naman ‘yan mangyayari. Tayo na user ay mag-adjust muna tayo. Huwag tayong gagamit ng sobrang bigat na mga games. Hindi naman talaga to gaming phone. Hindi rin tayo gagamit ng masyadong mabigat na mga application. Sa darating na panahon, siguro, magpapadala ang Xiaomi ng update. Para kahit papaano ay ma-fix yung issue na yan. Pero if ever naman na gusto niyo talagang mag-games dito ay wala namang problema. Kahit ano pang klaseng game ‘yan, siguradong mapapatakbo nitong Xiaomi 15 na full setting ‘yung graphics.

UI


Meron lang akong konting mga complaints sa UI nitong Xiaomi 15. Malamang yung iba dito ay dahil na rin sa form factor nitong phone na ‘to. For example yung pin, gusto nating i-enter iyung pin at ayaw nating gamitin ng ultrasonic fingerprint scanner. Swipe natin at mataas na yung positioning nung mga numeric buttons. So dahil na rin yan sa positioning din nung ultrasonic. Isa pa sa magandang ma-update ng Xiaomi ay yung quick settings. Napaka-smooth naman talaga at ang laki na ng in-improve. ‘Yun nga lang ay hindi ma-move yung dalawang bars na, brightness at sound. Sobrang laking tulong kung mailagay somewhere sa baba. Dahil sa liit ng phone ay pwede natin itong gamitin ng isang kamay lang. Magre-reach ka pa para lang maabot. Pero kung ililipat sa may bandang ibaba, hindi na kailangan pa ng malaking adjustment sa paghahawak. Medyo nagni-nitpick na lang ako.

Maliliit na bagay na lang naman yan na nakita ko na sana lang ma-update ng Xiaomi sa susunod na mga software updates. Pero if ever na hindi ay okay lang. Nilagay ko yung GOMO SIM para ma-test din ‘yung data speed. Mababa ang nakukuhang Mbps siguro dahil nandito ako sa loob. Pero sa iPhone ko kasi ay mataas ‘yung nakukuhang Mbps. Tingnan natin sa full review kung magbabago ‘to kapag ginamit outdoor.
Camera
Specification:

Talagang may nakita tayong upgrade sa camera setup ngayon ng Xiaomi 15. Meron pang inilagay na Xiaomi imaging engine or AISP 2.0. Malaking tulong iyung engine na iyon para ma-make sure ng Xiaomi na yung kulay ng main camera, telephoto, at ng ultrawide ay same na same. Gusto ng Xiaomi na iisang camera lang yung ginamit kahit pa mag-switch to ultrawide, main, or telephoto camera. So ito ‘yung ilan sa mga samples na nakuha ko pero full review ay magsasawa kayo sa dami ng mga sample photos at videos.
Ito ang mga sample photos:




Ito ang sample video screenshot:

4K ang video recording dito sa selfie camera. Meron akong dalawang softbox at may ilaw pa sa tapat ko. Bale tatlong ilaw ang meron. Imagine kung nasa, sobrang ganda ng quality. Hindi ganon ka-tight yung framing, saktong-sakto lang.
Battery
Specification:

Same na same pa rin yung charging speed sa Xiaomi 14 pero yung capacity ay mas malaki na ngayon. Maraming feedback akong nababasa kahit sa Reddit, ‘yung battery performance ng Xiaomi 15 ay talagang nag-improve din. Sa full review natin makikita kung ilang SOT yung makukuha natin. Sa charging, gamit ko ang GaN charger, 18% to 100%, 1 hour and 14 minutes ko na charge itong Xiaomi 15.
Conclusion

Ayan na ang ating unboxin, first impressions, at paggamit ng 24 hours sa Xiaomi 15. Kahit papaano ay sana meron kayong nakuhang idea kung kailangan niyo na bang bilhin ‘yung phone. Ito na ba ‘yung flagship phone na kailangan ninyong bilhin? Ito na ba yung hinahanap ninyo? Abangan niyo ‘yung full review ko sa Xiaomi 15. Gagamitin ko pa ‘to tapos kukuha pa ako ng mas maraming mga sample photos at videos. I-update ko kayo kung okay ba talaga yung performance ng phone na to. Pero sa ngayon kahit papaano siguro ay makakapag-decide na kayo.
Kung gusto niyo bumili nito, click niyo lang ang link na ito:
Lazada – https://invl.me/clmn096
Para naman sa video ng review ko, pede niyo panoorin dito: