Skip to content

Sulit Tech Reviews

Samu't-saring Unboxing and Reviews

Lazada Philippines

Follow Me

  • Youtube
  • Facebook
  • Instagram
  • Twitter
Primary Menu
  • Home
  • Press Release
  • Tech Blog
    • Phones
    • Tablets
    • Laptops
    • Other Tech
  • Contact
  • Youtube
  • Facebook
  • Instagram
  • Twitter
  • Home
  • Latest
  • Top 10 Battery Kings (First Half of 2025) – MAGUGULAT KA KUNG SINO’NG NUMBER ONE!
  • Latest
  • Phones

Top 10 Battery Kings (First Half of 2025) – MAGUGULAT KA KUNG SINO’NG NUMBER ONE!

Ito ang Top 10 Battery Kings sa first half ng 2025. Lahat ng phone na nasa list na ito ay nasa baba ang l...
sulittechreviews August 11, 2025

Ito ang Top 10 Battery Kings sa first half ng 2025. Lahat ng phone na nasa list na ito ay nasa baba ang link kung gusto mo bilhin.

#10 – CMF Phone 2 Pro

Sa PC Mark, ang nakuhang SOT or screen on time ng Phone 2 Pro ay 16 hours and 56 minutes.

#9 – Nothing Phone (3a) Pro

Ang nakuha namang SoT nitong Nothing Phone (3a) Pro sa PC Mark ay 18 hours and 32 minutes. Impressive talaga. Pero syempre may tatalo pa diyan.

#8 – Nothing Phone (3a)

Ang nakuhang SoT ay hindi ganun kalayo sa Pro version, 18 hours and 46 minutes. Ilang minutes lang naman yung inilamang nitong (3a). At ganun na ganun din ang kaso sa seventh place.

#7 – Xiaomi 15

Nakakatuwa sa Xiaomi 15 na sa liit nito ay napagkasya ng Xiaomi yung malaking battery capacity. Dapat matuto diyan yung maraming brands ngayon. 18 hours and 50 minutes, almost 19 hours na yung nakuhang SoT sa PC Mark. 4 minutes lang naman ang inilamang sa Nothing Phone (3a). But then again, dahil sa flagship specs nitong Xiaomi 15, nakakabilib po talaga yan.

#6 – vivo V50

Yung SOT nito ay umabot lang naman ng 19 hours and 12 minutes. Nakakatuwa na sa presyo ay ganyan na yung SoT na makukuha sa vivo V50. Hindi rin sobrang layo yung nakuhang SoT sa panglimang battery king.

#5 vivo X200 Pro

Hindi ganun kalayo yung SoT nitong x200 Pro sa V50, 19 hours and 17 minutes. However, hindi na ito available ngayon sa website ng vivo.

#4 – realme 14 5G

19 hours and 19 minutes naman yung nakuhang SoT nitong realme 14. And again, hindi ganon kalayo sa vivo X200 Pro. Pagdating naman sa top 3, ang nangunguna diyan ay ang…

#3 – HMD Fusion 5G

Umabot ng 19 hours and 33 minutes yung SoT nitong Fusion. Medyo malayo ng kaunti sa realme 14 5G. Considering na medyo mas mura ito duon sa mga naunang mga phones na nabanggit. Mukhang sulit ‘to sa mga naghahanap ng almost Pixel like experience na less than Php15,000.

#2 – vivo V50 Lite

Ito ang pangatlong vivo phone sa list. Kagaya ng palagi kong sinasabi, vivo talaga ang nangunguna pagdating sa battery performance ng mga Android phones. 6500mAh battery capacity at 90W charging speed nitong vivo V50 Lite. Ang ganda ng value na makukuha kung ikukumpara sa presyo. Ang nakuhang SoT, 22 hours and 19 minutes. Ganon katindi. Sobrang ganda ng performance ng phone na to. Pero syempre hindi yan ang top one.

#1 – vivo Y29 4G

Ito yung pangapat na vivo phone. Battery performance talaga yung number one na pinagmamalaki ng vivo sa Y29 4G. Hindi naman sila nabigo kasi 24 hours and 36 minutes ang SoT na napiga sa PC Mark. Ganun katindi itong Y29.

Uulitin ko lang na apat ang vivo phone na pumasok sa Top 10 Battery Kings sa first half ng 2025. Talagang hindi tayo binibigo ng vivo pagdating sa category na yan. Pagdating naman sa Nothing phone, technically ay nakatatlo sila. Kasama yung CMF Phone 2 Pro.

Special Mention

Gusto kong i-mention itong Galaxy S25 Ultra kasi hindi ganuon kalayo ‘yung SoT na nakuha nitong flagship phone. Compared sa CMF Phone 2 Pro na nasa 10th place. 16 hours and 56 minutes yung SoT ng Phone 2 Pro pero ang S25 Ultra ay 16 hours and 10 minutes. Nakakatuwa lang na itong S25 Ultra ng Samsung ay pwedeng-pwedeng babaan yung resolution para makatipid sa battery. Ang SoT naman na nakuha kapag naka Full HD+ at naka-QHD+ resolution.

I suggest sa mga bibili nitong S25 Ultra. Hayaan niyo na naka-HD+ ‘yung resolution kung ayaw niyo namang i-sacrifice ‘yung resolution to 720p. Kung hindi ito gagalawin, okay na okay ito sa QHD+ resolution at naka-dynamic yung refresh rate.

Kung gusto niyo bumili nito, click niyo lang ang YouTube link. Nasa description box lahat ng Shopee link ng mga nabanggit na phone.

About Author

sulittechreviews

See author's posts

Post navigation

Previous: REDMI Pad 2 4G – HINDI LANG ABOT-KAYA, MAS PINAGANDA PA!
Next: nubia Neo 3 GT 5G – MUKHANG MADAMING MASA-SATISFY DITO!

Related Stories

vivo V60 Lite Beauty Shot
  • Phones
  • Tech Blog
  • vivo

vivo V60 Lite – MATIBAY NA, MATAGAL PA MA-LOWBATT!

sulittechreviews November 11, 2025
Infinix GT 30 Conclusion
  • Infinix
  • Phones
  • Tech Blog

Infinix GT 30 – PREMIUM GAMING EXPERIENCE?!

sulittechreviews October 31, 2025
Nothing Phone 3 Beauty Shot
  • Nothing
  • Phones
  • Tech Blog

Nothing Phone (3) – PASADO BA TALAGA AS “FLAGSHIP”? MAGANDA BA ANG BAGONG “GLYPH INTERFACE”?

sulittechreviews October 30, 2025
vivo V60 Lite Beauty Shot
Phones Tech Blog vivo

vivo V60 Lite – MATIBAY NA, MATAGAL PA MA-LOWBATT!

sulittechreviews
November 11, 2025 0
Infinix GT 30 Conclusion
Infinix Phones Tech Blog

Infinix GT 30 – PREMIUM GAMING EXPERIENCE?!

sulittechreviews
October 31, 2025 0
BenQ MA320U
BenQ Other Tech Tech Blog

BenQ MA320U 4K Monitor – SAKTO PARA SA MACBOOK MO!

sulittechreviews
October 30, 2025 0
OnePlus Pad 3 Beauty Shot
OnePlus Tablets Tech Blog

OnePlus Pad 3 – ANG PINAKASULIT NA ANDROID TABLET NGAYON??

sulittechreviews
October 30, 2025 0

Recent Posts

  • vivo V60 Lite – MATIBAY NA, MATAGAL PA MA-LOWBATT!
  • Infinix GT 30 – PREMIUM GAMING EXPERIENCE?!
  • BenQ MA320U 4K Monitor – SAKTO PARA SA MACBOOK MO!
  • OnePlus Nord 5 – AFFORDABLE FLAGSHIP KILLER! GOOD DEAL NA ‘TO!
  • Nothing Phone (3) – PASADO BA TALAGA AS “FLAGSHIP”? MAGANDA BA ANG BAGONG “GLYPH INTERFACE”?
Copyright © All rights reserved. | MoreNews by AF themes.