Ni-release na ang Camon 40 series at nasa atin na itong Tecno Camon 40 Pro 5G. Ito yung main na pag-uusapan natin pero mamaya ay bibigyan ko kayo ng preview sa Camon 4 Premier.
Pricing


Nasa baba ang link para ma-check mo ang promo at updated pricing.
Unboxing









Kitang-kita agad sa harap at gilid ng box ng Camon 40 Pro yung mga main aspects ng phone na pinagmamalaki ng Tecno. Sa likod naman makikita yung ilang mga top specs. Pag-open, makikita natin na nakabalot yung Camon 40 Pro na may top specs. Nasa atin itong Galaxy Black na colorway. Sa loob ng box ay may mga documentations. May case pero hindi yung typical jelly case or hard case na nakikita natin sa ibang mga phone. Sobrang ganda ng case nitong Camon 40 Pro. Talagang hindi mo tatangkaing bumili or maghanap ng third party na case. Kapag sinuot mo na sa Camon 40 Pro yung case, kahit hindi makita yung mismong design ng likod ay okay lang. Ang ganda nung texture nung case at may additional grip ka pa.
Andito rin sa may ilalim ng box yung 45W na charger, USB-C cable at yung SIM ejector pin. Share ko lang sa inyo ng kaunti yung bagong experience sa pag-setup sa phone. Kakaiba ito sa ibang mga Android phone na nasubukan ko kasi naka-AI na yung setup process. And yes, mas high-tech ito overall, at mas nakaka-enjoy. Pero sa akin lang naman ay medyo mas tumagal ng konti yung setup process kasi kailangan mo matapos bawat question nung AI bago ka makapunta sa next step. Pero again, ako lang yan at for sure ay marami sa inyo ang magugustuhan yung bagong experience na ito. Thumbs up pa rin sa Tecno.
Design


Sobrang ganda ng Galaxy Black. Para itong bato or satin na tela depende sa tama ng ilaw. Kahit outdoor, magagandahan talaga kayo sa design nito. Hindi ito kapitin ng smudges at ng fingerprints kaya mapapanatili niyong malinis yung phone. But then again, sigurado ako magugustuhan niyo talaga yung case nito. Sobrang gandang-ganda talaga ako. Medyo rubber yung feels ng malaking part kaya may additional grip ka. Natakpan ‘yung magandang likod ng Galaxy Black na color way pero para sa akin ay okay lang. Yung protection na ibibigay ng case at yung bagong itsura ay okay na okay sa akin, napaka-rugged. Exposed yung mga gilid nito at meron tayong additional button.
Kapitin talaga ng fingerprints yung pre-install ng screen protector nitong phone na ‘to. Sa test ko sa fingerprint scanner, ay okay naman at mabilis naman. Yun nga lang ay may delay kasi kailangan mong hintayin yung icon bago ka makapag-unlock ulit kasi optical lang ito. Overall, nagustuhan ko talaga ‘yung bagong itsura ng Camon 40 Pro. Sobrang ganda, na-satisfied talaga ako sa itsura nito. Tapos, ang ganda pa ng’ case. Talagang gagamitin mo na lang ‘tong phone na ‘to out of the box. ‘Yung pre-installed na screen protector, I suggest na huwag niyong tangkaing tanggalin. Ingatan ninyo kasi curve yung display ng phone na ‘to.
FlashSnap

Yung kulay pula na button ay ang One-Tap FlashSnap na button nitong phone at pwede mo itong i-customize. Pwede mong baguhin yung action or yung application na mabubukas kapag nag-double press ka. Pwede ring long press pero by default ay double press nito ay FlashSnap ‘yung mao-open. Yung long press naman by default ay mawi-wake ‘yung Ella AI ng phone. Pero if ever na hindi niyo trip itong Galaxy Black, meron pa itong Glacier White at Emerald Lake Green. Meron pa itong IP68 at IP69 na rating itong phone kaya sure na sure na matibay talaga.



Display
Specification:

Good news, kasi mau-utilize natin yung napakagandang display ng phone kasi Level 1 ‘yung Widevine Security. Tapos, FHD ‘yung max playback resolution sa Netflix. Sa display setting, meron tayong dalawang color preset; Bright colored at Original. Pwede pa nating timplahin yung color temperature. Pagdating naman sa screen refresh rate, merong tatlong option. Auto Switch para yung HiOS 15 yung bahalang mag-adjust kung ibababa to 60Hz or itaas to 120Hz. Standard kung gusto lang natin i-lock to 60Hz para makatipid tayo sa battery. At High para maabot nito yung 144Hz sa ilang certain scenarios.



Sa paggamit ko sa phone, naaabot ko lang ‘yung 144Hz kapag in-open ko ang settings. Pero kapag pumunta ako sa home, automatic itong bababa to 120Hz. Sa Test UFO, 120Hz lang talaga ito kahit naka-high sa screen refresh rate setting. Kahit sa Alto’s Adventure na compatible sa 144Hz na gameplay ay 120Hz lang talaga. Abangan natin sa mga susunod na software update. Baka magkaroon pa ng mas maraming apps na compatible sa 144Hz kapag pinatakbo sa phone.



Performance
Specification:

Pagdating sa MemFusion, depende sa pipiliin nating configuration, pwedeng madoble ito kasi aabot ng 8GB or 12GB. Maganda yung nabigay na boost sa performance kapag ginamit natin yung MemFusion kasi 693328 yung naabot natin. Nung hindi ko ginamit, 691964 lang. Pwede niyong gamitin ito at hindi kayo mag-aalala na mako-compromise yung performance. Sa Wild Life Stress Test, nabawasan ito ng 4% sa battery consumption at nadagdagan naman ng 4° lang sa temperature. Okay na okay itong gamitin kahit sa mabibigat na mga application.




Sa gaming performance naman, sa CarX Street. Makikita ninyo na ‘yung graphic settings natin ay nakasagad, graphics quality ay 6, at ang resolution ay 6. Sa mismong gameplay ay napaka-smooth naman. Nakaka-120fps tayo na gameplay so goods na goods. Napaka-smooth kahit na sagad na sagad ‘yung graphics. Take note, open world yung game na ‘to pero nakaya nitong patakbuhin. Goods na goods ang phone pagdating sa casual games at kahit pa sa mabibigat na mga games.


Camera
Specification:

Pag-usapan natin saglit ‘yung AI Snap Sensor. Inilagay ng Tecno ‘yan sa phone para sa FlashSnap mode ng camera. Ang purpose ay para sa mabilis na shutter. Goods na goods ‘yan para dun sa mga scenarios na yung subject natin ay ang bilis ng movement. For example, mga bata na tumatakbo, mga pets natin, o kaya mga mabibilis na kotse. Malaking tulong itong AI Snap Sensor. Kapag ini-double press natin ang Flash Snap button, mapupunta agad ito sa camera app pero naka-FlashSnap mode. Para sa mabilis na pagkuha ng picture ay sobrang helpful po niyan. Halimbawa, kailangan na kailangan nating i-take yung isang subject kasi gumagalaw. Hindi natin kailangang i-unlock at i-open yung camera app. Double press lang sa One Tap button at nasa FlashSnap mode na tayo.
Ito ang mga sample photo screenshot:




Makikita ninyo sa photos ng pets. Alam niyo naman na yung pusa o aso ay mabilis yung kilos ng mga yan. Pero nakuhanan na maayos ng phone dahil sa AI Snap Sensor. Nag-take din ako ng pictures ng mga sasakyan na hindi mabagal yung takbo. Kuhang-kuha, ang ganda ng quality, walang malabo na part, at talagang ang bilis nung shutter.
Ito ang mga sample photo screenshot:




Ito ang mga sample video screenshot:




4K 30fps ang pwedeng ma-record ng Camon 40 Pro 5G. Stable ito, hindi ako nag-iingat sa paglalakad pero hindi ito maalog. 4K ito at hindi 2K. Kung gusto nating dagdagan yung stabilization ay pwede naman pero magda-downscale to 1080p. Sa 1080p na video recording naman na merong additional stabilization. Mas stable pero nag-downscale to 1080p. Pwede pa rin tayong mag-2x zoom at yung pinakasagad 10x na zoom. Sa 4K selfie video recording, hindi ito ganun ka-alog at ayos pa rin ang quality.
Battery
5,200mAh yung capacity ng phone na ito at capable sa 45W na charging speed. Kapag tiningnan natin sa charging speed option ay meron itong Smart Charge at Low-Temp Charge. Kapag Smart Charge, pwede itong umabot to 45W na speed. At iyan yung talagang pinakamabilis sa phone na ‘to. Pero kung Low-Temp Charge, hindi ito aabot sa max charging speed kaya hindi iinit agad ‘yung phone. Magandang option ‘to kung gusto nating tumagal yung battery health ng phone. Good to know din na meron itong Bypass Charging. If ever na gagamitin natin ito habang nagge-games or nanonood habang naka-charge, hindi agad-agad made-degrade yung battery. Pagdating sa charging speed, 57 minutes lang from 0 to 100%. Hindi lang ganon ka-impressive yung nakuha nating SOT kasi 14 hours and 2 minutes lang. Pero knowing na ang tagal ng software support na ibibigay ng Tecno, for sure ay mag-i-improve pa yan.




Premier

Yung chipset nito ay Dimensity 8350 at UFS 4.0 yung storage type. Mabilis talaga ang phone na ito at yung itsura pa lang ay mas premium talaga. Meron pa rin itong one tap button. Matte finish pa rin yung likod kaya napakalinis pa rin tingnan. Mapapansin ninyo na professional looking na yung likod ng phone. Medyo makapal-kapal yung camera module dahil sa 50MP na periscope telephoto camera, 3x yan na optical zoom. 70W yung charging speed nito. Kung gusto ninyo ng mas mabilis na performance, mas magandang camera performance, overall, itong Premier yung piliin ninyo.
Conclusion


Sa tingin niyo ba sulit itong Tecno Camon 40 Pro 5G para sa presyo? Yung tagline ng Tecno para sa phone na ito ay One Tap Perfect Snap. At dahil yan sa button ng phone. Sobrang gandang feature ng camera nitong Tecno Camon 40 Pro. Kagaya ng sinabi ko kanina, kung nagmamadali tayo or kung meron tayong maliliit na bata na kasama sa bahay na gusto nating picturan pero malikot. Ang laking tulong nung FastSnap mode. Ang galing lang kasi sa ganitong presyo ay meron na tayong ganitong klaseng mode. Mabilis ang shutter speed kaya madami tayong photos na makukunan kahit complicated.
Kung gusto nyo bumili nito, click niyo lang ang link na ito:
Tiktok: https://bit.ly/CAMON40PRO5G
Shopee: https://bit.ly/NEWSHPCAMON40PRO5G
Lazada: https://bit.ly/NEWLZDCAMON40PRO5G
Preorder here: https://wap.tspot.tecno.com/webApp/Or…
Para naman sa video ng review ko, pede niyo panoorin dito: