Pag-uusapan natin itong bagong-bagong Redmi Pad 2 4G at yung bagong Redmi Smart Pen. After almost 3 years, meron na kasunod sa original na Redmi Pad ng Xiaomi. Gusto nating malaman kung ano yung mga improvements na inilagay dito ng Xiaomi.
Price


Dalawang variant yung pwedeng piliin sa Redmi Pad 2 4G. Iyung una ay 6/128GB. Iyung original price ay
Php11,499. pero naka-less Php1,000 yan sa Shopee. Php10,499 na lang. Yung isa naman ay 8/256GB. Php13,499 naman yung original price pero sa Shopee ay Php12,499 na lang. Nasa baba ang link para ma-check mo ang updated pricing at promo.
Unboxing







May balot na manipis na plastic itong box ng Redmi Pad 2 4G. Makikita agad sa harap ng box yung itsura nung Redmi Pad 2. Merong Xiaomi HyperOS na text at Dolby Atmos. Nandito itong Graphite Gray na color na 8/256GB. Ito yung pinakamataas na variant nitong Redmi Pad 2. Pag-open, ang unang makikita ay yung mismong tablet. Nakabalot ito sa isang parang tela na merong naka-print na top specs. Ang ganda at napakasimple lang naman ng itsura pero napaka-premium pa rin ng feels. Medyo dual tone ito ng kaunti. Medyo light yung sa may bandang itaas kapag naka-landscape mode. Darker gray naman sa may bigger part ng likod. Nasa loob din ng box ang charging brick na USB-A yung port ah. Malamang 45W itong charger na to. Meron itong USB-A to USB-C cable, documentations, at SIM ejector pin.





Sunod naman itong Redmi Smart Pen. Okay na okay itong pen na ‘to para madali makapag-highlight at makagawa ng mga digital arts. Pag-open, merong document sleeve at mga extra tips. Sa mismong Smart Pen ay may Redmi branding at dalawang button. Sa comparison ng Apple Pencil Pro at Smart Pen ay almost same ito ng kapal. Pero mas mahaba pa rin yung sa Apple Pencil. USB-C ‘yung charging port nito at hindi magnetic. Sa unboxing ay wala itong case na kasama sa box. Plus wala rin itong screen protector na preinstalled sa tablet. Medyo gagastos pa right after bilhin. Tapos kahit bilhin iyung official na case para sa Redmi Pad 2 4G ay wala pa ring lalagyan Smart Pen. Nakakalungkot lang na hindi na nga magnetic ay wala pang lalagyan yung mismong case. I suggest, sa third party na mga case bumili para may lalagyan nung smartpen.
Design






Yung likod nito ay naka-dual tone. Medyo kapitin talaga ng smudges mas maganda talaga bumili ng case. Mayron itong Redmi branding sa may bandang ibaba kapag naka-portrait mode. Manipis lang itong tablet na ‘to. Unibody design pa ito. Aluminum frame ‘yung body. Nasa right side yung volume up and down buttons at dalawang microphone. Sa may taas makikita yung Dolby Atmos branding kasi yung quad speakers ay naka-Dolby Atmos. Quad speakers ito. Dalawa yung speaker sa taas at makikita rin ang power lock button. Sa may ilalim yung dalawang speakers natin, headphone jack na wala sa original Redmi Pad, at USB-C port. Maraming updates sa design pa lang ng Redmi Pad 2 versus sa Redmi Pad 1. Meron na itong 3.5 na headphone jack.
Itong Redmi Pad 2 ay hybrid yung ating SIM tray. Sa original na Redmi Pad ay walang support sa LTE or
4G. Meron na ito ngayon at pwedeng maglagay ng dalawang nano SIM or isang nano SIM + isang micro-SD card. Pwedeng i-handle nito ay up to 2 TB na micro-SD card. Ang laking improvement mula sa original na Redmi Pad. Quad speakers din yung original na Redmi Pad pero hindi pa yun naka-Dolby Atmos. Itong Redmi Pad 4G ay naka-Bluetooth 5.3 version. Yung original na Redmi Pad ay 5.2 lang. Compatible ‘to sa 5GHz Wi-Fi connection. Meron pa itong Lavender Purple at Mint Green na colorway. Ang wala pa rin sa Redmi Pad 24G ay yung Biometric. Ang pwede lang ay pin, password, pattern, at face unlock.
Display
Specification:

May mga upgrades na ginawa ang Xiaomi. Unang-una sa lahat ay yung size. 10.61″ lang yung original na Redmi Pad at 1200×2000 lang yung resolution. Ang pinakagusto ko ay 5.3 yung aspect ratio ng original
ngayon ay 16×10. Kapag nag-play ng 16×9 na video ay manipis na lang yung black bars. Kapag nag-zoom ay konting-kunti na lang ‘yung mawawalang information sa video. Good job sa Xiaomi sa upgrade na ‘yan.


Sa display settings, meron itong color scheme. May tatlong presets na pwedeng piliin; Vivid, Saturated, at Standard. Pwedeng i-customize ‘yung color temperature. Sa refresh rate, may dalawang option lang; Default kung yung HyperOS na yung magde-decide o Custom naman na 60Hz or 90Hz lang
yung pwede piliin. 600nits na yung peak brightness nito pero nakukulangan pa rin talaga ako. Kung outdoor ay kulang na kulang po yung brightness na mapo-produce ng tablet. Para sa presyo niya mahirap na ireklamo yan. Sana sa mga susunod na version ng Redmi Pad ay at least 1,500nits yung peak brightness.
Pen




Hindi ito magnetic kaya kailangan i-charge via USB-C. Madali mapapasukan ng alikabok by time itong
butas na ito kasi palagi natin itong hahawakan or ilalagay kung saan-saan. Dahil hindi ito magnetic at hindi maikakabit sa tablet. Meron itong dalawang buttons. Kapag naka-hold sa isang button at ini-touch ang screen ay magii-screenshot ito. Ang isang button naman ay para makapag-sulat agad. Sobrang ganda ng response rate ng pen. Halos walang latency. Kailangan munang i-connect ito via Bluetooth bago magamit. Pero kapag na-connect na ay ang ganda ng performance.
May palm rejection pa ito. Kahit ipatong ‘yung kamay habang nagsusulat ay okay lang. Hindi maapektuhan yung performance. Para sa mga gumagawa ng digital artwork, siguradong mag-e-enjoy kayo. Considering na ang mura lang ng tablet at ng Smart Pen. Ilan sa mga cons na kailangan tandaan pero compromise talaga yung ilang mga bagay para sa presyo. Una sa lahat, hindi ito magnetic. Kailangan ay USB-C yung pag-charge pero matagal naman yung battery life. At dahil hindi magnetic ay kailangang bumili ng third party case. Overall, nagustuhan ko ‘tong pen.

Nakakatuwa sa Redmi Pad 4G ay ‘yung Widevine Security ay Level 1. Makakapag-play ng FHD sa Netflix. Mae-enjoy talaga ‘yung 16×10 na aspect ratio nito. Kapag ginamit yung ating four fingers at i-hold yung display ay mapupunta ito sa recent applications. Kapag nasa isang application at nag-swipe pataas ay mapupunta ito sa home. Hindi ko alam kung matagal na ito pero good job sa Xiaomi sa paglalagay ng gesture na yan. Galing yan sa iPad OS.
Performance
Specification:

Sa original Redmi Pad, ‘yung RAM ay hanggang 6GB lang pero ngayon ay hanggang 8GB na. Iyung storage dati ay hanggang 128GB at ngayon ay 256GB. Helio G99 yung previous at ngayon ay Helio G100 Ultra yung chipset. Pero kung tutuusin ay same lang ang Helio G99 ang G100 Ultra. May kaunting-kaunting enhancement lang pagdating sa image processing. Pero dahil tablet ‘to at hindi naman maganda ‘yung camera specs, hindi iyan masyadong mafi-feel ‘yun. Kung ano ‘yung performance ng Helio G99 ay most likely yun din yung experience sa Helio G100.




Meron pa rin itong memory extension na up to 8GB. Technically, pwedeng umabot ito ng 16GB of RAM. Ang AnTuTu na nakuha kapag hindi ginamit ‘yung RAM extension ay 427561. Ang score kapag ginamit yung RAM extension ay 429310. I suggest, gamitin ang RAM extension kasi makakatulong naman sa performance. Yung 8GB is sufficient naman na para sa mga everyday applications. Hindi ko nire-recommend sa gaming itong Redmi Pad 2 4G. Pero if ever na mag-casual gaming dito ay wala namang problema. Sa Asphalt Unite, kaya naman nito although super basic talaga yung graphics na na-generate kahit nakasagad yung setting. Expect niyo na hindi talaga magiging maganda yung graphics sa G100 Ultra.
Camera
Specification:

Bumaba yung specs nung selfie camera from 8MP sa original na Redmi Pad ay ngayon ay 5MP na lang.
Ito ang sample video screenshot:

1080p/30fps ‘yung pinakasagad na resolution na pwedeng ma-record sa front facing camera. Pagdating sa quality, okay naman. Acceptable ito kasi kahit maliwanag yung likuran ay na-compensate naman ng maayos yung liwanag. Kita pa rin kahit na blown out ng kaunti sa likod. If ever na gagamitin ito sa video
conference ay walang problema. Nasa gitna pa ‘yung selfie camera kaya hindi awkward ‘yung itsura.
Battery
Specification:

Yung nakuhang SoT ay malaki para sa isang Android tablet, 14 hours and 32 minutes. Ang laki niyan para sa isang tablet. Usually, ang nakukuha sa mga Android tablet ay nasa 8 hours to 10 hours of screen on time. Talagang magtatagal ang tablet sa isang charge lang. Pagdating naman sa charging, from 18% to 100% ay 2 hours and 26 minutes yung inabot.

Conclusion

Ito na lahat ng gusto kong i-share tungkol sa Redmi Pad 2 4G. Sa tignin niyo ba ay sulit itong
bilhin para sa presyo? Kung ako naman ang tatanungin, may mga ilang cons. Una sa lahat, walang
case na kasama sa box at walang screen protector. Pwede nang palampasin ‘yan dahil sa presyo pero sana naglagay sila ng kahit basic na screen protection sa display. Speaking of display, nakulangan ako sa
max brightness nito. Although tumaas na ito at naging 600nits yung peak brightness. Kahit pa Android 15 na ito out of the box ay walang na-promise yung Redmi kung ilang major Android upgrades. Malaki naman yung kumpyansa ko na makakapagbigay ng security patches yung Xiaomi ng ilang mga buwan or taon.
Para sa akin ay kahit na meron akong nakitang mga downsides ay mare-recommend ko pa rin itong tablet na ‘to. Maganda yung performance nito para sa everyday applications like social media
applications. Kahit pag-stream ng mga media kasi Level 1 yung Widevine security at 16×10 yung aspect ratio. Goods na goods. Para sa akin sulit itong tablet na to.
Kung gusto niyo bumili nito, click niyo lang ang link na ito:
Shopee – https://invl.me/clmrsgj
Para naman sa video ng review ko, pede niyo panoorin dito: