Price

Exclusive sa TikTok shop itong realme 14 5G while writing this article. Mabibili ito sa TikTok for Php14,299. From April 29 to May 11, kapag bumili ka ng realme 14. Meron kang matatanggap na libreng TechLife Headphones G1. Nasa baba ang link para ma-check mo kung available pa ang offer.
Unboxing








Color yellow pa rin iyung box nitong realme 14 5G. Sa likod ng box makikita ang apat na top specs. Kasama na yung 6,000mAh na battery capacity. Excited ako i-share sa inyo ‘yung SOT na nakuha ko sa phone. Pag-open, makikita yung document sleeve na merong mga documentations, frosted case, at SIM ejector pin. Sunod ang realme 14 5G na nakabalot sa plastic. Nasa atin itong Mecha Silver. Sobrang ganda ng itsura. Gustong-gusto ko talaga ‘yung mga ganitong kulay. Mas naging high tech pa dahil sa design. Sa ilalim makikita yung 45W na charging brick at USB-C cable. Kung hindi niyo gusto yung Mecha Silver, meron pa itong Storm Titanium at Warrior Pink colorway.
Design

Napaka-futuristic ng itsura dahil dito sa Mecha design. Pero kahit hindi naman glossy yung back panel nitong realme 14. Kapitin talaga ito ng smudges or fingerprints. Ayan. Medyo mahirap talaga matanggal lalo na kung oily or pawisin yung kamay natin. Ang hirap linisin talaga. Kahit anong gawin kong linis ay meron akong hindi matanggal na mga stains. Mas maganda ay gamitan niyo ito ng case.



Sa may camera module ay may Pulse Light. Additional touch ito para mas maging gaming yung itsura nung likod. Sa settings, makikita natin yung ibang pwedeng gawin sa Pulse Light. Halimbawa, pwedeng gamitin ito para ma-notify for incoming calls, notification, playing music, at kung anong oras ito ma-activate. Sa additional settings, meron pang ibang options kung kailan ma-activate yung pulse light.
Sides






Volume up and down buttons at power lock button na may red accent ang makikita sa right side. Sa may itaas ay may secondary microphone at IR Blaster. Sa may ilalim makikita ‘yung main speaker, main microphone, USB-C port, at SIM tray. Nakakatuwa na ‘yung SIM tray ay may micro SD card slot. Kung isang nano SIM ‘yung isasaksak natin, pwede itong lagyan ng up to 2TB micro SD card. Yung camera module ay hindi ganon kakapal at manipis lang. Nasa camera module rin ang Pulse Light at LED flash. Sa may harap ay may pre-install screen protector. Proportion yung bezel ng dalawang gilid. Pero mas makapal sa may bandang chin. Hindi sobrang obvious pero mas makapal pa rin compared sa forehead bezel.
According sa realme, mayroong IP68/IP69 na rating. Pwede raw ‘tong mailubog sa tubig ng 2.5 m for 30 minutes. Kagaya ng palagi kong sinasabi, huwag na huwag niyong susubukang isama ‘to sa pagsu-swimming. May possibility pa rin na mapasukan ito ng tubig kapag hindi tayo nag-ingat. May dinagdag pa na audio boost ang realme. Kapag tinodo natin iyung volume, pwede ito maging 300%. Ang tawag diyan ay Ultra Boom Audio. Pero nakakalungkot, itong realme 14 5G ay walang e-SIM support. Dalawang physical SIM lang yung pwede nitong i-handle.

Battery
Specification:

Grabe ‘yung SOT na nakuha sa realme 14. Almost 20 hours, 19 hours and 19 minutes. Ganun katindi yung phone. Pagdating sa battery performance, isa itong realme 14 sa may pinakamataas na SOT na nakita ko so far. Pagdating naman sa charging, 18% to 100% ay 1 hour and 8 minutes ko lang ito na-charge. Meron itong Battery health sa settings. Pwedeng i-on yung Smart Charging. Kapag na-reach nito ang 80% ay babagal ito hanggang maging 100%. Para maiwasan yung pag-init. Charging Limit para i-limit lang to 80% para mas tumagal yung battery health. Kapag nag-games tayo at nag-swipe tayo from left to right. Mao-open ang GT Mode. Pwede natin i-activate ang Bypass Charging.



Performance
Specification:

According to realme, itong realme 14 ay makakatanggap ng 6 years of security patches. Maganda-ganda yung software support nito. Pagdating lang sa major Android upgrade, ang sabi nila ay makakatanggap ‘to ng Android 16. Hindi ako sure kung hanggang Android 16 lang ba yung matatanggap nito. Meron din itong RAM expansion na up to 14 GB. Itong phone ay 12GB + 14GB of RAM expansion, 26GB of total RAM. Ang AnTuTu score kapag naka-on ang RAM expansion ay 764646. Not bad at maganda na yan. Kapag naka-off ay tumaas ng kaunti at naging 766323. I-on naman natin yung GT mode pero naka-off pa rin yung RAM expansion. Nakuha namang score ay 772594.Impressive yung makukuha nating AnTuTu score ng realme 14. Considering na hindi ito ganun kamahal.




Pagdating sa Wild Life Stress Test, 3% lang ang nabawas sa battery at nadagdagan lang ng 10°C. Medyo mataas yung inabot ng temperature. Ingat pa rin at dahan-dahan lang sa pag-run ng mabibigat na games sa realme 14. Speaking of gaming, sa Asphalt ay okay na okay ‘yung performance ng realme 14. Pagdating sa casual gaming at medyo mabigat na mga games ay kakayanin nito. Sa Racing Master, mabigat ang game na ‘to. Pero kahit sagad na sagad yung graphic settings ay nakaya pa rin ng realme 14. Sa actual gameplay, napaka-smooth ng experience natin.



Display
Specification:

Kahit outdoor ay magiging komportable pa rin tayo sa paggamit ng realme 14. Nakakatuwa kasi yung Widevine Security sa Netflix application ay Level 1. At makakapag-play ito ng hanggang Full HD resolution. Sa Test UFO, basta’t ginagalaw yung display ay papalo ito ng 120Hz. Pero sa oras na hindi na ginagalaw ay agad-agad na bababa to 60Hz. Malaking tipid talaga sa battery. Naging possible para sa sobrang taas na SOT na nakuha sa phone. Sa color settings ay may dalawang preset, Vivid at Natural. Meron din itong Pro modes, Cinematic at Brilliant. Kapag Pro modes ang pinili natin, mas accurate ‘yung mga kulay pero mas magastos sa battery. Pwede rin nating manually timplahin yung color temperature.




Sa screen refresh rate, tatlo yung option na pwedeng piliin. High, para ma-lock lang to 120Hz. Standard para 60Hz lang at mas tipid sa battery. Or Auto select, hahayaan ang OS ‘yung mag-decide kung anong refresh rate.
Camera
Specification:

Ito ang mga sample photo screenshots:




Ito ang mga sample video screenshots:



Conclusion


Iyan na lahat ang mga gusto kong i-share tungkol sa realme 14 5G. Matagal-tagal na rin mula ng nakapag-review tayo ng realme phone. Hindi ako na-disappoint sa phone na ito. Una sa lahat, ang ganda ng battery performance nito. Ang ganda ng display. Yung performance nito ay tamang-tama lang para sa presyo. Siguradong matutuwa ‘yung mga mahilig mag-games. Kahit ‘yung mabibigat na games ay kayang-kaya nitong i-handle. Overall ay guys nagustuhan ko ito. Hindi ko lang masyadong nagustuhan sa phone ay ‘yung back panel. Sobrang kapitin ng oil at ang hirap tanggalin. Siguraduhin ninyo na palagi itong may suot-suot na case. Para hindi niyo problemahin ‘yung pagtanggal sa mga stain.
Kung gusto niyo bumili nito, click niyo lang ang link na ito:
TikTok – https://shop.tiktok.com/view/product/…
Para naman sa video ng review ko, pede niyo panoorin dito: