Skip to content

Sulit Tech Reviews

Samu't-saring Unboxing and Reviews

Lazada Philippines

Follow Me

  • Youtube
  • Facebook
  • Instagram
  • Twitter
Primary Menu
  • Home
  • Press Release
  • Tech Blog
    • Phones
    • Tablets
    • Laptops
    • Other Tech
  • Contact
  • Youtube
  • Facebook
  • Instagram
  • Twitter
  • Home
  • Latest
  • POCO F7 – BEST PHONE OF THE YEAR NA YATA ITO?
  • Latest
  • Phones
  • Tech Blog
  • Xiaomi

POCO F7 – BEST PHONE OF THE YEAR NA YATA ITO?

Sa gaming, as expected ay walang magiging problema sa F7. Kahit anong game ang patakbuhin ay walang magiging problema sa pe...
sulittechreviews August 11, 2025

Pag-uusapan natin ngayon itong bagong release na POCO F7. Nandito sa atin ang configuration ay 12/512GB. Kahit anong configuration ay 12GB ang makukuha.

Price

Nasa baba ang link para sa updated pricing.

Unboxing

Ganuon pa rin ang box na black at yellow accent. Nandito ang colorway na Silver. Siguradong marami sa inyo ang magugustuhan ang colorway na ito. Meron itong document sleeve na may POCO branding. Sa loob ng document sleeve ay may SIM ejector pin, documentation, at free case. Same pa rin ang case at gray pa rin ang color. Napaka-rubber ng texture at may protection sa may camera module. Good to know na maganda naman yung quality ng case pero matatakpan yung design ng F7.

Sunod naman ang phone na nakabalot at may printed top specs. Sobrang ganda ng Silver colorway. Two tone ang likod at napaka-futuristic and gaming vibe yung design. May POCO branding ito sa may bandang ibaba. Meron din itong Snapdragon logo sa may gitnang taas. I highly recommend, kung gusto niyo ng kakaibang itsura ng F7 ay itong Silver ang piliin niyo. Sa ilalim ng box ay may USB-C to USB-A cable at 90W Xiaomi HyperCharge.

Design

Flat naman ang sides ng phone. Sa right side makikita ang volume up and down button at power lock button. Sa kabila naman ay walang buttons. Secondary microphone naman ang nasa taas ng phone. Sa may ilalim naman ang main microphone, main speaker, USB-C port, at SIM tray. Ang SIM tray ay dual nano SIM lang ang pwedeng ilagay. May support ito sa 5G pero wala itong support sa eSIM. Wala itong lalagyanan ng micro-SD card. I suggest, 512GB yung piliin niyong configuration for future proofing. Kung 256GB lang ay baka ilang taon lang ay mabitin agad tayo sa storage.

Yung camera module nito ay maay IR Blaster pero hindi pansin. Ang gandang position niyan para makita ng maayos ang display kung may ini-control na appliances. Para lang nagta-take ng picture. Hindi kagaya kapag nasa taas ng phone ay hindi halos makita ang display. Sa harap naman ang punched hole selfie camera. Meron itong pre-installed screen protector. At yung bezels ay halos pantay. May konting-konti na kapal akong nakakita sa chin. Sa unang tingin ay parang symmetrical nang 100% yung bawat side ng phone.

Itong POCO F7 ay may IP68 na ingress protection. Dust tight and water resistant itong phone. Pwede itong malubog for 2 meters for 30 minutes. Huwag na huwag niyo itong gagawing action cam. Napakalaki ng posibilidad na pasukan ito ng tubig kapag hindi nag-ingat. Lalo na kapg ilulubog sa dagat. Naka-Wi-Fi 6 na rin itong F7 at Bluetooth 5.4 na ang connection. Para sa mga curious tungkol sa haptic feedback, magugustuhan niyo talaga. Flagship level yung haptics nito. Sobrang satisfying ng feels. I suggest na gamitin niyo at huwag i-off. Yung in-display fingerprint scanner ay reliable naman at wala akong naging problema. Hindi ito ultrasonic at optical lang pero accurate naman.

Performance

Specification:

Meron itong memory extension na up to 12GB. Technically, pwedeng umabot ng 24GB yung RAM. Sa AnTuTu, umabot ng 1923259 yung score kapag naka-off ang memory extension. Kapag naka-on ay medyo bumababa ang score at naging 1904162. Kahit ano pa diyan ay mataas pa rin ang score. Kung ayaw niyo ng compromises sa performance ay huwag niyo nang gamitin ang memory extension. Besides, yung 12GB na physical RAM ay enough na enough para sa lahat ng application na gagamitin natin. Bad news lang, sa Wild Life Stress Test ay hindi nito kinaya at nag-overheat. Kahit napakabilis ng performance ng phone ay ingat pa rin sa pinapatakbong application. Kung sobrang bigat at sobrang tagal gagamitin ay talagang mago-overheat itong phone.

Sa gaming, as expected ay walang magiging problema sa F7. Kahit anong game ang patakbuhin ay walang magiging problema sa performance. Sa Asphalt Unite, na-generate nito 100% ng graphics at may support pa sa 90fps gameplay. Napaka-special ng phone na ito. Bihira ako makagamit ng phone na compatible sa highest graphic settings ng Asphalt Unite. Sa Racing Master, sagad na sagad yung graphic settings. At sa actual gameplay ay wala akong makitang issues. Napaka-smooth lang ng gameplay pero may nafe-feel na akong alarming heat sa likod. Kahit ilang minuto pa lang akong naglalaro. Hinay-hinay pa rin tayo dahil kung laging ganito ay pwedeng mag-degrade agad yung battery health.

Battery

Specification:

Sobrang laki ng SoT na nakuha sa phone, 17 hours and 53 minutes. Almost 18 hours na yung nakuhang SoT ng F7. Isa ito sa pinakamalaking SoT na nakita ko sa isang phone na ganito yung specification. Sobrang ganda talaga. Pagdating sa charging, 19% to 100%, 49 minutes ko lang ito na-charge.

Sa battery settings, meron itong Battery Protection. Pwedeng mamili kung palaging fully charge, or kapag 80% na ay magii-stop na ang charging. Kung gusto naman natin na Hyper OS na ang mag-decide ay piliin lang ang Smart Charging. Meron din itong Charging option kung anong speed yung gusto natin. Kung Standard or Top Speed para umabot ng 90W.

Display

Specification:

Sa Netflix, Widevine Security Level 1 ito at ang max playback resolution at FHD. May support din ito sa HDR 10 at Dolby Vision. Pagdating sa media consumption ay walang issue itong F7. Magandang-maganda at flagship level yung display. Sa behavior naman ng refresh rate sa Test UFO. Bababa to 60Hz kapag hindi na ginagalaw yung screen. Pero kapag nag-scroll ay mabilis itong papalo to 120Hz. Maganda uyung behavior nito kaya malaki yung SoT na nakuha. Sa display setting, meron itong color scheme at tatlo ang preset; Original Color Pro para realistic, Vivid, at Saturated. Pwede rin magtimpla ng color temperature.

Camera

Specification:

Wala itong 4K video recording sa selfie camera. Nakakalungkot lang kasi 20MP naman at mukhang kayang-kaya naman sana. Maganda naman yung quality ng selfie camera.

Ito ang mga sample photos:

Ito ang mga sample video screenshot:

Conclusion

Sulit ba bilhin itong POCO F7? Kung ako ang tatanungin ay mare-recommend ko ito. Goods na goods yung presyo kung ikukumpara sa specs or value ng phone. I suggest, bilhin niyo kung humahanap kayo ng flagship level na performance, flagship level na battery performance, at flagship level na display.

Kung gusto niyo bumili nito, click niyo lang ang link na ito:
Shopee – http://shopee.ph/universal-link/produ…
Para naman sa video ng review ko, pede niyo panoorin dito:

About Author

sulittechreviews

See author's posts

Post navigation

Previous: Samsung Galaxy S24 FE – NAKULANGAN AKO DITO…
Next: Infinix GT 30 Pro – ALL-DAY 120 FPS at HALOS WALANG COMPROMISES!

Related Stories

vivo V60 Lite Beauty Shot
  • Phones
  • Tech Blog
  • vivo

vivo V60 Lite – MATIBAY NA, MATAGAL PA MA-LOWBATT!

sulittechreviews November 11, 2025
Infinix GT 30 Conclusion
  • Infinix
  • Phones
  • Tech Blog

Infinix GT 30 – PREMIUM GAMING EXPERIENCE?!

sulittechreviews October 31, 2025
BenQ MA320U
  • BenQ
  • Other Tech
  • Tech Blog

BenQ MA320U 4K Monitor – SAKTO PARA SA MACBOOK MO!

sulittechreviews October 30, 2025
vivo V60 Lite Beauty Shot
Phones Tech Blog vivo

vivo V60 Lite – MATIBAY NA, MATAGAL PA MA-LOWBATT!

sulittechreviews
November 11, 2025 0
Infinix GT 30 Conclusion
Infinix Phones Tech Blog

Infinix GT 30 – PREMIUM GAMING EXPERIENCE?!

sulittechreviews
October 31, 2025 0
BenQ MA320U
BenQ Other Tech Tech Blog

BenQ MA320U 4K Monitor – SAKTO PARA SA MACBOOK MO!

sulittechreviews
October 30, 2025 0
OnePlus Pad 3 Beauty Shot
OnePlus Tablets Tech Blog

OnePlus Pad 3 – ANG PINAKASULIT NA ANDROID TABLET NGAYON??

sulittechreviews
October 30, 2025 0

Recent Posts

  • vivo V60 Lite – MATIBAY NA, MATAGAL PA MA-LOWBATT!
  • Infinix GT 30 – PREMIUM GAMING EXPERIENCE?!
  • BenQ MA320U 4K Monitor – SAKTO PARA SA MACBOOK MO!
  • OnePlus Nord 5 – AFFORDABLE FLAGSHIP KILLER! GOOD DEAL NA ‘TO!
  • Nothing Phone (3) – PASADO BA TALAGA AS “FLAGSHIP”? MAGANDA BA ANG BAGONG “GLYPH INTERFACE”?
Copyright © All rights reserved. | MoreNews by AF themes.