Price

Pag-uusapan natin ngayon itong bagong nubia Neo 3 GT 5G. As of writing this article, ang presyo nito sa Lazada ay Php12,999. Nasa baba ang link para sa updated pricing.
Unboxing






PR kit ng Neo 3 GT ang pinadala ng Nubia. Medyo kakaiba yung unboxing experience na ipapakita ko sa inyo. May dalawang box dito. Itong una ay yung mga accessories na pwedeng i-avail para sa Neo 3 GT. May case ito na almost same sa case na kasama sa mismong unit. Pero itong case ay merong magnetic ring sa likod. Walang wireless charging itong Neo 3 GT. Pero magagamit natin itong case sa next accessory na ipapakita ko. At yan ay yung nubia Magnetic Cooling Fan. Ididikit lang ito sa likod ng case. Hindi na kailangan pang i-clip or i-align para lang magamit. Idikit lang at comfortable nang gamitin.






Sunod ang mismong box ng Neo 3 GT. Hindi ko sure kung ganito rin yung itsura ng box kapag bumili kayo nung actual unit. Nandito itong Interstellar Gray na colorway na 12/256GB. Pag-open, ‘yung phone agad ‘yung makikita na nakabalot sa isang printed plastic. Mecha ‘yung design ng Neo 3 GT sa likod. Sobrang linis pa rin ng itsura kahit maraming guhit-guhit or design sa likod. Nagandahan talaga ako. Meron din itong document sleeve na mayroong SIM ejector pin, manual, at case. Ang dalawang maliit na box ay yung 80W na charger na USB-C port at kulay red na USB-C cable. Kapag nilagay yung magnetic case sa Neo 3 GT ay medyo frosted pero kita pa rin yung design sa likod. Itong Neo 3 GT ay merong dalawang colorway, mayroon pang isa na Electro Yellow.

Design






Yung likod nitong Neo 3 GT ay medyo glossy, kapitin ng smudges at ng fingerprints. Pero again, for the most part ay napakaganda ng design ng phone. May matte na mga parts tapos sa iba naman ay glossy. Yung parang mata, yung number three, tsaka yung guhit sa may ilalim ay umiilaw. Yung ilalim ay kulay blue ‘yung ilaw tapos ‘yung parang mata ay kulay white naman. Yang dalawa fix ‘yung kulay. Pero yung number three sa may gilid ay pwedeng i-customize yung kulay. Pumunta sa theme and personalization sa settings. Tapos click lang ang light strip setting at marami nang pwedeng i-customize. Sa competitive atmosphere LED, pwede mamili ng ibat-ibang kulay. Hindi ganon kahalata yung ilaw pero sa personal ay medyo obvious ito.
Sides







Flat naman ‘yung sides ng phone. Sa may left side ay walang makikitang kahit ano. Sa may taas ‘yung secondary microphone. Tapos, sa may right side ang volume up and down buttons at power lock button. Ang power lock button ay color red at merong texture. Madali malaman na ‘yun yung pinipindot. Meron din itong dalawang capacitive na shoulder triggers. Sa may ilalim ang USB-C port, main microphone, main speaker, at SIM tray. Dalawang nano SIM lang yung pwedeng ilagay. Hindi makapaglalagay ng micro-SD card. Isa yan sa medyo nakalulungkot sa phone. Mabuti na lang talaga ay 256GB na yung pwedeng mabili sa presyo nito.
Sa may harap makikita ‘yung punched hole selfie camera. Proportioned na proportioned ‘yung bezels. Sa mga ganitong presyo ay medyo makapal-kapal yung chin. Itong Neo 3 GT ay pantay na pantay. According to nubia, itong Neo 3 GT ay merong IP54 na ingress protection. Dust and splash resistant itong phone. Yung haptics nito ay goods na goods. Ang ganda ng haptics ng phone at mag-e-enjoy tayo sa pagta-type. Parang flagship na vibration kaya mas maganda na gamitin niyo.
Battery
Specification:

Nakuha sa PC Mark na SoT ay 11 hours and 8 minutes. Sa totoo lang, hindi ako na-impressed sa SoT kasi AMOLED na ‘yung display at ang laki nung battery capacity. Para sa akin ay maliit itong SOT. Sana sa mga susunod na software updates ay ma-improve pa yung battery performance. Sana makakuha ito ng at least 14 hours of screen on time. Pagdating sa charging, from 19% to 100% ay 1 hour and 7 minutes ko ito na-charge. Ang maganda rito, meron itong Charge Separation or Bypass Charging sa ibang mga phone. Makakaiwas sa pag-init habang ginagamit while charging.


Display
Specification:

Dahil AMOLED yung display ay talagang vibrant. Mas mae-enjoy ang media consumption sa nubia Neo 3 GT. Pag nagga-games ay mas ma-appreciate yung graphics nung game dahil sa ganda ng display. Medyo nakalulungkot na yung Widevine Security ng nubia Neo 3 GT ay Level 3 sa Netflix application. Iyung max playback resolution ay Standard lang. Kahit na naka-AMOLED, Full HD, at 120Hz ay hindi talaga designed for media consumption itong phone. Although, makakapag-play ng mga 4K videos sa YouTube at sa iba pang mga streaming platforms.




Nakakatuwa ‘yung refresh rate behavior. Sa Test UFO, kapag hindi ginagalaw ‘yung display ay 60Hz lang talaga. Pero kapag ini-touch ay babalik to 120Hz. Dapat talaga ay tipid sa battery itong phone. Hopeful ako na sa darating na mga software updates ay tataas pa yung SoT. Wala itong kahit anong color preset sa display settings. Pero pwede makapagtimpla ng color temperature.
Performance
Specification:

Meron itong tinatawag na extended RAM. Kapag ini-on ay pwede hanggang 12GB. Ang AnTuTu score na nakuha kapag ginamit yung extended RAM ay 528213. Not bad, mataas talaga yan. Kapag naka-off, ang nakuha ay 532571. Tumaas yung score nung hindi ginamit yung extended RAM. Para sa akin, ang laki na talaga nung 12GB na physical RAM kaya hindi kailangan yung extended RAM. Pero if ever man na kailanganin, asahan na medyo maapektuhan yung performance. Pagdating sa thermals sa Wild Life Stress Test. Nadagdagan ito ng 9°C. Well, not bad. Expected na yan para sa ganitong chipset. Hindi naman sobrang alarming ‘yung nadagdag na temperature. Hinay-hinay pa rin para sure at para tumagal ‘yung phone. Pagdating naman sa battery consumption, nabawasan ito ng 5%.




Gaming




Meron itong Game Space 3.0. Ayan. Kapag naka-select yung game ay pwedeng i-customize yung performance profile. Pwedeng i-select yung Rise para every time na io-open yung game ay sagad yung performance. Sa Racing Master, sa graphic settings ay nage-error yung game kapag tina-try i-set to ultra-high. Mid graphic settings lang yung pwede, HD resolution, high motion blur, movie filter, at 30fps lang. Hindi kaya ng nubia Neo 3 GT yung sagad na graphics sa Racing Master. Sa mismong game, okay naman. Wala naman akong nakitang problema at na-feel na struggle. Yun lang talaga ay hindi sagad yung graphics.


Para i-set yung shoulder trigger ay swipe lang from left to right. Lalabas ang Game Space at pwede na ma-customize. Napaka-responsive tapos halos wala talagang delay. Nakakatuwa sa ganitong presyo ng phone ay makaka-experience na ng shoulder triggers. Dati ay na-experience lang sa mga mamahaling flagship phones ng nubia.


Sa Asphalt Unite ay pwedeng i-set sa pinakasagad na graphics. Sa gameplay, sa information ng Game Space ay nakaka-50fps to 55fps ito. Kaya nito yung setting na 60fps pero hindi actual na umaabot ng 60fps. Napaka-responsive din ng shoulder triggers.
Camera
Specification:

Ito ang mga sample photos:




Ito ang mga sample video screenshot:


Conclusion

Sa tingin niyo ba ay sulit itong nubia Neo 3 GT para sa presyo? Kung ako naman yung tatanungin, para sa akin ay sulit ito. Swak na swak na ito sa persyo kasi lumampas ito ng kalahating milyon sa AnTuTu. Para sa akin ay sulit yung phone na ‘to. Isa lang siguro sa hindi ko masyadong gusto ay hindi expandable yung storage. Hindi masyadong makapag-store ng mga games na malaki or ng mga madaming files. Hindi rin nasabi, so far, ng nubia kung ilang years yung magiging software support ng phone.
Kung gusto niyo bumili nito, click niyo lang ang link na ito:
Shopee – https://invl.me/clmqky1
Para naman sa video ng review ko, pede niyo panoorin dito: