Price

Pag-uusapan natin itong bagong-bagong Infinix GT 30 Pro. Nasa baba ang link ng updated pricing.
Unboxing






Makita naman sa box na pang-gaming talaga ‘tong phone. Shadow Ash yung colorway na nandito. Mamaya ay i-unbox rin natin ang GT Pro Gaming Kit. Pag-open, makikita ang document sleeve. Sa loob ay may SIM ejector pin, documentations, at rubber case. Makikita agad sa balot ng GT 30 Pro ang All Day Full FPS System, No Frames Missed yung pino-promote talaga ng Infinix. Sobrang ganda ng Shadow Ash na colorway. Highly recommended ko itong colorway. Pero if ever na gusto niyo ng mas light na colorway, pwede namang Blade White.



May green accent itong phone pero subtle lang. Sa paligid nung camera module ay may green accent pati yung power lock button. Pero ang gustong-gusto ko sa design ng Shadow Ash at Blade White ay sobrang simple lang. Napaka-decent pa rin ng itsura kahit gaming. Sa ibang mga gaming phone ay sumisigaw talaga na pang-gaming yung design. Pero itong GT 30 Pro ay ang formal ng dating. Pwede itong pang-gaming or kung gusto mo ng phone na mabilis yung performance. Sa ilalim ng box ay makikita yung 45W charging brick na USB-A port at USB-A to USB-C cable.
Gaming Kit







Unbox rin natin itong GT Pro Gaming Kit. Meron itong MagCase at MagCharge Cooler. Malaking bagay yung mga accessories na ito. Kung gusto nating ma-experience yung All Day 120FPS na pino-promote ng Infinix. Matigas yung MagCase. May thermal pad ito sa may likod para tumagos yung lamig kapag ginamit yung MagCharge Cooler. Habang nagcha-charge wirelessly yung GT 30 Pro gamit yung case ay lalamig pa rin yung phone. Kapag ginamit ang MagCase ay natakpan yung design sa likod. Pero meron na itong wireless charger. Hindi naman natakpan ‘yung LED lights sa likod. Kapag kinabit ang MagCharge Cooler ay wirelessly nagcha-charge na ‘yung GT30 Pro. At the same time ay napapalamig yung phone. Kapag hinawakan yung likod nitong Cooler ay sobrang lamig. Nagmo-moist talaga ito after ilang minutes lang na nakasaksak. Magandang accessory ito para sa GT 30 Pro.





Share ko na rin ang isa pang box sa pinadala ng Infinix. Ito ‘yung PR kit para sa GT 30 Pro. Sa loob ng PR kit ay merong tote bag, cap, t-shirt, at polo shirt.
Performance
Specification:

Talagang mabilis yung phone na to. At pina-promise ng Infinix na itong GT 30 Pro ay makakatanggap ng up to 2 major Android upgrades. Hanggang Android 17 yung aabutin ng phone. Pagdating naman sa security patches, pina-promise ng Infinix na aabot ‘to ng 3 years. Sa virtual RAM or Mem Fusion, laging times 2 yung ibibigay na option. For example, kung 8/256 configuration ay yung max virtual RAM 8GB din. Kaya magiging 16GB. Nandito sa atin ay 12/512GB. Another 12GB yung ibibigay ng MemFusion. Ang AnTuTu score na nakuha kapag naka-off yung MemFusion ay 1295990. Ang taas ng score na nakuha. Talagang capable na capable ‘yung phone pagdating sa mga mabibigat na games. Kapag naka-on naman ay ang laki ng jump sa performance, naging 1334760 na. I suggest, gamitin niyo yung MemFusion kasi UFS 4.0 ito.




Mabilis talaga yung read and write speed. Sa Wild Life Stress Test, sa battery consumption ay nabawasan ng 8%. Okay naman ‘yung battery consumption. Hindi naman sobrang laki ng ibinabawas sa battery percentage. Pero pagdating sa thermals, medyo mataas yung nadagdag. Nag-start ito ng 34°C at umabot ito ng 47°C, 13°C yung nadagdag. Nung ginagawa ko ‘tong Wild Life Stress Test ay hindi ko ginagamit ‘yung MagCharge Cooler. Imagine kung ginagamit natin ‘to palagi. Hindi naman aabot ng ganun kataas ‘yung jump sa temperature ng GT 30 Pro. Lalo na sa mabibigat na mga games.
Gaming



Meron itong X-Arena. Para itong Game Room ng Infinix GT 30 Pro. Kapag naka-select ‘yung game ay pwedeng i-tap ‘yung X-Boost. Para ma-configure kung anong klaseng performance sa specific na game. Pwede itong mag-set ng Game Mode at GPU setting. Pinagmamalaki ng Infinix sa GT 30 Pro ay yung GT Triggers. Meron itong capacitive buttons sa dalawang gilid at mas magpapaganda pa yan sa gaming experience natin. May dedicated page ito sa settings. Hindi lang sa gaming ito pwedeng magamit itong GT Trigger. Pwede rin itong magamit sa ibang application kagaya na lang ng camera. Pwedeng gamitin as shutter button itong GT Triggers.




Sa loob ng game, swipe lang mula sa left papunta sa right. Makakapamili na tayo ng performance profile. Punta lang sa quick access tool > GT Trigger. Pwede na ma-map yung GT Trigger. Pwede rin gumawa ng ibat-ibang preset kada-game. Sa test ko, responsive naman ito. Walang problema pagdating sa responsiveness nung GT Triggers. Mage-enjoy tayo sa game.


Sa game test ko sa Racing Master, napakabigat ng game na to pero kayang-kaya ng GT 30 Pro na i-max out yung graphic settings. Naka-Ultra High ito, 60fps na max option, at realistic. Kung gusto niyong enable ‘yung bypass charging, swipe lang > quick access tool > tapos bypass charging. Pagdating sa mismong performance sa Racing Master, graphics wise ay napakaganda. Na-generate naman ng maayos. Wala struggle na nafi-feel, walang frame drops, at napaka-smooth. ‘Napaka-responsive talaga ng GT triggers. Para maiwasan na uminit at maging possible sa game yung All Day 120FPS ay gamitin natin yung MagCharge Cooler. Para manatiling malamig at mababa yung temperature ng GT30 Pro. Kahit mabigat yung game na pinapatakbo natin.
Display
Specification:

Pagdating sa display, hindi tayo tinipid ng Infinix. Maliban sa magandang performance, hindi na-compromise yung display. Maganda talaga at mag-e-enjoy tayo. Yung bezels ay pantay naman. Konting-konti yung kapal sa chin kumpara sa forehead. Pero for the most part ay napaka-symmetrical naman tingnan. At ang maganda pa, talagang magagamit natin ang magandang display ng GT 30 Pro. Level 1 ‘yung Widevine Security at Full HD ‘yung max playback resolution sa Netflix. Pagdating naman sa display settings, meron itong color style. May dalawang preset na pwedeng piliin; Bright colored at Original. Pwede pa i-adjust yung color temperature ng display.


Refresh Rate

Pagdating naman sa screen refresh rate, mayroon tayong tatlong option; Auto Switch para ‘yung XOS na ‘yung bahalang mag-decide kung anong refresh rate ‘yung kailangan. Standard, 60 Hz lang ‘yung max. High kung gusto nating palaging naka-144Hz yung refresh rate. Kapag pinili natin yung High, pwedeng ma-customize kung anong refresh rate yung gusto nating ma-experience sa bawat application. Take note, yung 144Hz na max refresh rate nitong GT 30 Pro ay parang pang-future proofing pa lang sa ngayon. Hindi pa lahat ng applications or games na napatakbo ko sa phone ay umabot ng 144Hz.

Actually, bihira akong maka-experience ng 120fps. Usually ay na-experience ko ito sa homepage. Magiging 120Hz ito at agad-agad itong bababa to 60Hz kung hindi na kailangan ng mataas na refresh rate. Maganda ‘yun para tipid sa battery. Sa game, kung gusto natin i-max out to 120Hz yung refresh rate, i-enable lang yung eSports mode. Sa Altos Adventure, may support ito sa 144Hz na gameplay. By default, naka-60fps lang talaga ito. Kapag i-enable yung eSports mode ay papalo na ito ng 120Hz. Yun ang isang work around sa ngayon na pwedeng gawin. Good to know na may future proofing sa phone na ‘to. If ever na mas dumami pa yung mga apps na may support sa 144fps, agad-agad nating ma-experience sa GT 30 Pro.
Capabilities


Itong GT 30 Pro ay merong IP64 na ingress protection. May protekson ito sa talsik ng tubig at alikabok. Meron itong Mechanical Light Waves. Kapag tiningnan ang likod ng phone ay walang hint na meron itong light effects. Pero 4 na linya ang umiilaw sa likod nito. Sa settings > mechanical light waves, pwede na mamili kung anong behavior. Paborito ko ‘tong Meteor kasi napaka-futuristic ng dating. Hindi ito RGB at isang kulay lang ang light waves. Itong GT 30 Pro ay naka-Wi-Fi 6 na. Meron itong stereo speakers. Meron itong secondary speaker sa taas at yung primary speaker sa may ibaba. Tuned by JBL yung mga speakers nito. Meron din itong IR Blaster sa taas.
Battery
Specification:

Lahat na ng klase ng charging ay meron dito sa phone na to. Ang SOT na nakuha sa PC Mark ay 8 hours and 36 minutes. Medyo conflicting ito sa Wild Life Stress Test kanina. Sa Wild Life Stress Test, onti lang ‘yung nabawas sa battery percentage after ng mabigat na test. Sa PC Mark, sobrang baba ng SoT na nakuha. Ibig lang sabihin ay didepende talaga sa application yung behavior ng phone. Lalo na yung refresh rate. Sana ma-improve pa to ng Infinix sa mga darating na software updates. Malamang sa malamang ay talagang ma-improve pa ng Infinix yan. Good to know na kahit na hindi gano’n kataas ‘yung SoT ay mayro’n itong wireless charging.

Camera
Specification:

Ito ang mga sample photos:




Ito ang mga sample video screenshot:


Nakakabilib naman talaga na para sa isang gaming phone na hindi mahal ay hindi na-compromise yung camera. Sa mga sample photos ay talagang maganda yung quality. Napaka-acceptable para sa ganitong phone. Tapos ang maganda pa, kaya nitong mag-record ng 4K video recording sa likod at sa harap. Napaka-stable ng sample videos.
Conclusion

Sa lahat nung napag-usapan natin na mga information tungkol dito sa Infinix GT 30 Pro. Sa tingin niyo ba ay sulit ito para sa presy? Kung ako ang tatanungin, bihira tayo makakita ng ganitong phone na ang mura lang tapos hindi na-compromise yung iba pang aspect. Usually, kapag mura ‘yung phone ay ang primary na ma-expect natin ay magandang performance lang. Pero sa GT 30 Pro ay hindi na-compromise ‘yung display, software updates, at design. At higit sa lahat ay hindi na-compromise yung camera. Talagang sulit na sulit ito para sa presyo. Kung kaya ng budget, go for 512GB na configuration.
Kung gusto niyo bumili nito, click niyo lang ang link na ito:
Shopee – https://bit.ly/GT30_SulitTechReviews_SHP
Lazada – https://bit.ly/GT30_SulitTechReviews_LAZ
TikTok Shop – https://bit.ly/GT30PRO5G_12-512_TikTo…
Para naman sa video ng review ko, pede niyo panoorin dito: