ASUS ExpertBook P1
Military Grade
Intel Core i5-13420H
Anti-Glare
16GB DDR5

| DESIGN | 1.6kg ExpertCool Thermal MIL-STD 810H AI ExpertMeet Chiclet Keyboard with Num-key Spill-resistant Keyboard |
| DISPLAY | 15.6″ FHD 16×9 Anti-Glare 300nits |
| PERFORMANCE | Windows 11 Home Intel Core i5-13420H 12MB Cache, up to 4.6GHz 8 Cores, 12 Threads Intel UHD Graphics 16GB DDR5 5200MHz 512GB M.2 2280 NVMe PCIe 4.0 SSD Wi-Fi 6 |
| CAMERA | 720p HD camera Privacy Shutter |
| BATTERY | 63Wh 65W |
| PORTS | 2x USB 3.2 Gen 2 Type-C HDMI 1.4 USB 3.2 Type-A 3.5mm combo audio jack Ethernet Port USB 3.2 Gen 1 Type-A |
| SLOT | 2x DDR5 SO-DIMM slots 1x M.2 2280 PCIe 4.0×4 1x M.2 2230 PCIe 4.0×4 |
Isa na namang ExpertBook ng ASUS ang paguusapan natin at ito yung P1. Alam niyo naman kapag ExpertBook ay matibay. Naging possible yan kasi nakapasa yung laptop na ito sa ASUS Superior Durability Test. At nakapasa rin ito sa US Military-Grade Testing. Kagaya nung mga naipakita ko before na review sa ASUS ExpertBook Laptops. Pati na rin sa Launch sa mga previous videos. Napakadami pwedeng ma-survive na test ng laptop na to. Pagusapan natin ngayon yung performance, specs, at Ai capabilities nitong ExpertBook P1




Dalawa ang size nitong ExpertBook P1, 15″ at 14″. Humabol na kayo kasi hanggang December 31 yung promo na yan ng ASUS. Kaya masasabi talaga na itong ASUS ExpertBook P1 ay for “budget-conscious professionals who require essentials without compromise.” Iyan ang sabi ng ASUS. Pero mapapatunayan naman natin kung accurate yan.

Kapag bumili tayo nitong ExpertBook P1 ay meron tayong warranty. If ever man na ma-damage ang ExpertBook P1. Lalo na sa same situation ng mga testing before. May warranty pa rin itong laptop.

Misty Gray yung kulay nito. Medyo lighter yung kulay compared sa previous ExpertBook na pinakita ko. 1.6kg yung weight nito. Meron din itong ExpertCool thermal. Kapag tiningnan yung ilalim ay maganda yung airflow ng laptop. Yung hangin ay papasok sa mga gilid sa ilalim at lalabas naman sa may likuran. Magandang design yan. Kahit anong pwesto ang gawin sa laptop ay magiging maganda pa rin yung airflow nito. Open man or clamshell mode ay maayos pa rin ang airflow at hindi magkakaroon ng unnecessary alarming heat.



Isa pa sa nagustuhan ko sa ExpertBook P1 ay yung chiclet keyboard na may numpad. Talagang for professional at para sa mga trabaho natin kasi importante ang numpad. Meron din itong 1.35mm Key Travel. Sobrang comfortable gamitin ng keyboard nitong ExpertBook P1. Yung texture nito ay matte at hindi makinis ang texture. Medyo mahirap i-explain. Pero kapag nahawakan niyo sa personal yung keyboard ay maiintindihan niyo yung sinasabi ko. Talagang na-satisfy ako, to the point na nakauha ako ng highest WPM score sa typing test. 53 WPM ang nakuha ko. So far, ito yung pinakamataas na words per minute na nakuha ko sa isang laptop. Kaya kung marami tayong ie-encode gamit yung laptop. Rest assured na magiging comfortable kayo. Napakasarap gamitin ng keyboard nito.

Ang ganda rin ng trackpad nito. Hindi ganun kalaki at mid-size lang. Hindi kagaya nung mga na-review nating laptops previously na talagang kasyang-kasya yung limang daliri ko. Sa laptop na ito ay sakto lang. Hindi naman maliit pero tamang-tama lang. Sa loob ng trackpad ay merong fingerprint scanner. Compatible yan sa Windows Hello. Kaya mas madaling gamitin at mas secured.


Pagdating naman sa ports ay napakadami rin. Sa may left side ay merong dalawang USB 3.2 Gen 2 Type-C na may support sa display at power delivery, HDMI 1.4 na hanggang 4K 30fps support, USB 3.2 Type-A, at 3.5mm combo audio jack. Sa may right side naman ay Ethernet Port at USB 3.2 Gen 1 Type-A port. Pagdating sa mga kailangan nating ports, hindi tayo mabibitin sa ExpertBook P1 kasi kumpleto.
Specification:

Sapat na sapat lang sa mga everyday workloads natin.
Specs:

Take note, meron pa itong isang slot na pwdeng gamitin. Bawat isang slot ay kayang mag-handle ng up to 32GB DDR5. In total, pwedeng 64GB yung maipasok sa ExpertBook P1.
Specs:

Again, take note. up to 2TB yung kayang i-handle nitong ExpertBook P1. Sa bawat isang slot ay 1TB. Yung nakakabit sa laptop ay 2280 yung size ng SSD. Yung susunod na slot ay 2230 yung size kaya mas maliit. Naka-Windows 11 Home na ito na operating system. Para mabigyan kayo ng idea sa performance. Sa mga office works, basic photo at video editing ay kakayanin naman ng laptop. Huwag masyadong mag-expect ng masyadong malaki. Sobrang decent ng performance ng laptop. Pero pagdating sa mga masyadong mabigat na creative workload ay hindi naman compatible itong laptop.

Browser Bench:

Napakaganda ng score na iyan. Yung mga high ends na laptops ngayon ay umaabot ng 30 to 40 score sa Browser Bench. Yung 27.7 na score ay very good na.
Geekbench score:


Sobrang decent ng single-core score at multi-core score sa Geekbench. Take note, yung score na iyan ay nakuha sa single channel na RAM. Kung dadagdagan at isasagad to 64GB ay mas tataas pa yung score. Sa graphics score, entry level yung performance ng laptop. Maliban sa integrated yung graphics nito ay hindi naman sobrang gandang performance yung ibibigay sa atin ng Intel UHD. Yung mga basic photo at video editing ay kayang-kaya. Lalo na yung mga 1080p lang naman na resolution. Pero pagdating sa rendering ay ibang usapan na. Dahil nga sa integrated lang at Intel UHD ay medyo struggle kahit pa isagad yung RAM.
Specification:

Meron din itong 720p HD Camera na may privacy shutter. Pwedeng i-close yung webcam kung hindi na natin ginagamit for additional peace of mind. Copilot+ PC na rin itong ExpertBook P1. Compatible ito sa Copilot ng Microsoft. Malaking tulong ulit yan sa mga workloads natin.



Una ang AI Translated Subtitles, habang nagsasalita ako ay nagta-translate na ito real time. Pwedeng baguhin yung language na ita-translate nito. Sinabi naman ng ASUS na madadagdagan pa yung mga languages sa mga future updates. Kapag may kausap tayo na iba ang language ay pwede natin itong gamitin.

Sunod naman ang AI Meeting Minutes. Ire-record nito yung sound ng meeting at magta-take ng notes para sa atin. Pagkatapos i-record ang meeting ay iko-convert nito to text. Kahit wala pang official support sa Tagalog ay na transcript nito ng Tagalog.

Huli, ang Webcam Watermark. Makakapaglagay ng watermark sa webcam nitong laptop. Malaking tulong yan, parang may suot tayo na ID habang meeting.
Specification:

Sa testing ko, matagal ito ma-lowbat. Kahit na isang oras ko na itong ginamit. Hindi pa umaabot to 50% yung na-consume kong battery. Pero syempre depende yan sa workload na gagawin sa laptop. Mas mabigat ay mas mabilis pa rin yung pag-consume sa battery.

Iyan na lahat yung gusto kong i-share tungkol sa ASUS ExpertBook P1. Hanggang December 31 yung promo na ASUS Business Expert Holideals. Mas maganda maabutan niyo yun kasi mas madaming freebies at mas discounted yung presyo compared after ng Dec 31.
Kung gusto niyo bumili nito, click niyo lang ang link na ito:
Lazada – https://invl.me/clmuubd