Skip to content

Sulit Tech Reviews

Samu't-saring Unboxing and Reviews

Lazada Philippines

Follow Me

  • Youtube
  • Facebook
  • Instagram
  • Twitter
Primary Menu
  • Home
  • Press Release
  • Tech Blog
    • Phones
    • Tablets
    • Laptops
    • Other Tech
  • Contact
  • Youtube
  • Facebook
  • Instagram
  • Twitter
  • Home
  • Tech Blog
  • Google Apps sa Huawei nova 12 SE!
  • Huawei
  • Phones
  • Tech Blog

Google Apps sa Huawei nova 12 SE!

Ito ang bagong Huawei nova 12 SE. Gamitin natin ito para i-check kung gaano na kadaling mag-install ng mga Google Apps sa mga Huawei phones.
sulittechreviews August 20, 2024

Nasa atin guys itong Huawei nova 12 SE. Ito ang bagong phone ng Huawei. Ito rin ang gagamitin natin ngayon para i-check kung gaano na kadaling mag-install ng mga Google Apps sa mga Huawei phones.

App Install

Open lang natin ang Huawei App Gallery. I-search lang ang mga apps na gusto natin download. Halimbawa ay YouTube, Chrome, Gmail, Google Search, Google Maps, Facebook, Instagram, Google Photos, at Google Meet. Lahat ‘yan ay meron sa App Gallery. Gusto ko lang i-point out na hindi na natin kailangan mag-install ng mga third party na application para ma-install ang mga top apps.

Lahat ng app na na-download natin ay gumagana. Walang issue ang paggamit dito. Wala rin itong binubuksan na third party app para mabuksan ang mga installed app. Sobrang dali na mag-install dito ng mga Google apps.

Design

Simple pero ang soyal ng itsura ng likod ng phone. Matte finish ang likod at may glitter effect. Ang design ng camera module ay may tawag na Star Orbit Ring. Kung ayaw mo nitong color black ay meron naman itong color green. Sobrang gaan lang ng phone na ito, 186 grams to be exact. If ever na gagamitin natin ito ng matagal-tagal ay hindi tayo mangangalay agad. Hindi ko lang nagustuhan sa 12 SE ay single lang ang speaker nito. Hindi ganun ka-immersive ang panonood ng videos or movies dito.

Pero hindi naman ako nabitin sa quality ng speaker. Speaking of movies, gumagana dito ang Disney+. Ang biometrics natin dito ay fingerprint scanner na nasa right side. Halos kapantay na ito ng frame, at onti lang ang umbok. Depende na ito sa preference natin pero hindi ko kasi masyasdong gusto yung lubog na power lock button. Pagdating sa performance ng fingerprint scanner ay okay naman. Isang dampi at mau-unlock na.

Camera

Specification:

Ito ang mga sample photos:

Ito ang sample video screenshots:

1x
8x

Pinakasagad na video recording sa rear camera ay 1080p/30fps. Meron naman itong natural depth of field at naka-bokeh naman ang likod ni Softie. Sa selfie camera, 1080p/30fps din ang video resolution na pwede natin mai-record. Meron din itong EIS, kaya may koting stabilization kapag gagamitin natin ito outdoor. Pero hindi ito ganun ka-wide dahil sa EIS. Pagdating sa quality ay okay naman, balance naman, hindi overexpose, at natural naman ang skin at texture. Nandun lang ito sa bluish na temperature pero hindi naman sobrang lala.

Display

Specification:

Pwedeng mag-play ng mga High-Res na mga videos at TV-Series. Ang ganda ng color reproduction nito, true to life, at napaka-accurate para sa ganitong presyo. Sa display settings ay may mga options tayong pwede magalaw. Merong Color Mode and Temperature, may dalawang preset na Normal at Vivid. Vivid, kapag gusto natin na pop ang mga kulay. Normal, kung mas natural naman. Pwede rin natin i-enable yung Smart Resolution. From 1080p ay pwede ito bumaba to 780p kung kinakailangan para makatipid tayo sa battery life. Ang Screen refresh rate ay may talong option: Dynamic, High, at Standard. Standard ay lock sa 60Hz, High kung fix sa 90Hz, at Dynamic naman kung 90Hz to 60Hz.

Performance

Specification:

Sa settings, pwede natin ma-customize ang themes, headline, at icons. Meron din itong Always on Display. Ang Antutu score ay 201469. Hindi ganun kataaas pero enough para sa everyday application natin.

Asphalt 9

Pagdating sa gaming, dito sa Asphalt 9. Hindi nito na-generate lahat ng graphics. Pero pagdating sa mismong performance, okay naman, wala naman struggle, walang frame drops, at walang lag. Smooth naman pero hindi nito mabibigay ang max graphics. Medyo limited talaga ang Snapdragon 680 pagdating sa gaming. Pero sa casual games ay walang problema.

Battery

Specification:

Sa tingin ko, dito sobrang nag-excel itong nova 12 SE. Ang ganda ng SoT na nakuha ko dito sa phone. Almost 16 hours ang SoT, 15 hours and 48 minutes. Maasahan natin ang battery performance ng phone.

Pwede natin ito gamitin sa mga business natin. Mga GPS base na apps like Google Maps, Waze, at Grab. Kahit maghapon natin ito gamitin ay maaasahan natin ang battery performance nito.

Charging

Specification:

Mabuti nalang ay may 66W na charging brick ito sa box. Meron na rin itong charging cable, jelly case, at SIM ejector pin.

Verdict

Ano ang masasabi niyo dito sa Huawei nova 12 SE? Ang laki ng na-improve pagdating sa pag-download ng mga apps. Search lang natin sa App Galary at pwede na natin ma-install.

Kung gusto nyo bumili nito, click niyo lang ang link na ito:
HUAWEI Online Store – https://bit.ly/3JhLEHg
Shopee – https://bit.ly/3PZeZdi
Lazada – https://bit.ly/3VV3kjq
Para naman sa video ng review ko, pede niyo panoorin dito:

About Author

sulittechreviews

See author's posts

Post navigation

Previous: nubia Neo 2 5G – Gaming Phone sa Presyong 10k!
Next: May sasabihin ako sa inyo..

Related Stories

vivo V60 Lite Beauty Shot
  • Phones
  • Tech Blog
  • vivo

vivo V60 Lite – MATIBAY NA, MATAGAL PA MA-LOWBATT!

sulittechreviews November 11, 2025
Infinix GT 30 Conclusion
  • Infinix
  • Phones
  • Tech Blog

Infinix GT 30 – PREMIUM GAMING EXPERIENCE?!

sulittechreviews October 31, 2025
BenQ MA320U
  • BenQ
  • Other Tech
  • Tech Blog

BenQ MA320U 4K Monitor – SAKTO PARA SA MACBOOK MO!

sulittechreviews October 30, 2025
vivo V60 Lite Beauty Shot
Phones Tech Blog vivo

vivo V60 Lite – MATIBAY NA, MATAGAL PA MA-LOWBATT!

sulittechreviews
November 11, 2025 0
Infinix GT 30 Conclusion
Infinix Phones Tech Blog

Infinix GT 30 – PREMIUM GAMING EXPERIENCE?!

sulittechreviews
October 31, 2025 0
BenQ MA320U
BenQ Other Tech Tech Blog

BenQ MA320U 4K Monitor – SAKTO PARA SA MACBOOK MO!

sulittechreviews
October 30, 2025 0
OnePlus Pad 3 Beauty Shot
OnePlus Tablets Tech Blog

OnePlus Pad 3 – ANG PINAKASULIT NA ANDROID TABLET NGAYON??

sulittechreviews
October 30, 2025 0

Recent Posts

  • vivo V60 Lite – MATIBAY NA, MATAGAL PA MA-LOWBATT!
  • Infinix GT 30 – PREMIUM GAMING EXPERIENCE?!
  • BenQ MA320U 4K Monitor – SAKTO PARA SA MACBOOK MO!
  • OnePlus Nord 5 – AFFORDABLE FLAGSHIP KILLER! GOOD DEAL NA ‘TO!
  • Nothing Phone (3) – PASADO BA TALAGA AS “FLAGSHIP”? MAGANDA BA ANG BAGONG “GLYPH INTERFACE”?
Copyright © All rights reserved. | MoreNews by AF themes.