Skip to content

Sulit Tech Reviews

Samu't-saring Unboxing and Reviews

Lazada Philippines

Follow Me

  • Youtube
  • Facebook
  • Instagram
  • Twitter
Primary Menu
  • Home
  • Press Release
  • Tech Blog
    • Phones
    • Tablets
    • Laptops
    • Other Tech
  • Contact
  • Youtube
  • Facebook
  • Instagram
  • Twitter
  • Home
  • Tech Blog
  • Maganda Ba Talaga Camera ng vivo V30 Pro 5G?
  • Phones
  • Tech Blog
  • vivo

Maganda Ba Talaga Camera ng vivo V30 Pro 5G?

Kamusta ang Camera performance nitong vivo V30 Pro 5G? Pagusapan natin ang mga features nito. Medyo hapon na ako nagumpisa...
sulittechreviews August 20, 2024

Medyo hapon na ako nagumpisa gumawa ng mga outline at scripts para sa mga next video natin. Magii-start na sana ako, kaso bigla ko naalala na marami pa pala akong hindi na share sa inyo na information about sa camera ng vivo V30 Pro.

Ang intro na yan ay kuha pa rin ng V30 Pro. Ginamit ko ang 1x at 2x telephoto.

Camera

Specification:

Ang main camera ng phone na ito ay naka Sony IMX920. Isa iyan sa pinaka-premium na Sony sensor sa ngayon. Dinagdagan pa nila ito ng VCS Technology o vivo Camera Bionic Spectrum. Ginagawa nito ay ine-enhance pa ang clarity ng image. Tapos ginagandahan pa nito ang color reproduction. Kaya mapapansin ninyo ang kaibahan ng mga photos na kuha dito sa phone compared sa ibang mga phones.

Design

Bilib na bilib ako sa design nitong phone. Kasi matte finish pero ang premium pa rin. Usually, kapag matte finish ang likod ng phone ay hindi ito ganun ka premium compared sa mga reflective na phone. Kahit itong phone ay matte finish, hindi kapitin smudges at fingerprint, napaka-premium pa rin ng itsura.

Photos

Tinabi-tabi natin ang Ultrawide, 1x, at 2x Telephoto. Pare-pareho na maganda ang timpla ng kulay, exposure, sharpness, at lahat ng information ay halos pare-parehas ito. Parang iisang camera lang ang ginamit natin tapos nag-zoom lang tayo. Thumbs up sa vivo. Kasi usually dito talaga tayo nagkakaroon ng problema sa ibang phones kapag nag-switch tayo ng zoom. Malaki ang makikita nating difference pagdating sa pagtimpla ng kulay.

Sa quality naman ng mga photos na kuha ng main camera. Yung kulay napaka-vibrant pero not to the extent na mukha ng artificial or overly saturated. Pleasing pa rin sa mata. Kahit indoor photos, ay panalo pa rin ang quality. Wala pa ring unnecessary noise or artifacts na makikita sa quality ng photo.

Para sa mga mahilig mag-take ng photos ng mga pagkain nila para sa social media posting. Magugustuhan niyo ang phone na ito. Paalala lang na gandahan natin ang distansya ng phone mula sa pagkain. Kapag sobrang lapit, yung paligid ay nag-bokeh na dahil hindi naman even ang subject.

Isang example din, itong laruan na ito. Usually, kapag ginagamit ko itong laruan para mag-take ng photo. Hindi ganun ka-obvious ang texture nito. Pero dito sa V30 pro ay kuhang-kuha lahat ng detalye ng laruan. Alam mo agad na rough ang texture ng subject.

Night Photos

Maraming phone sa ngayon ang may camera na maganda kumuha ng photos. Lalo na kung maganda ang lighting sa kwarto, o kaya nasa labas ka at may araw para maging maganda ang quality ng photos. Pero kapag dinala na ang phone na iyun sa madilim na environment, dun nalilitaw na medyo may limitation yung camera performance ng phone. Pero iba itong V30, kasi kahit dalhin mo ito sa madilim na lugar ay mage-excel pa rin ito. Hindi lang ito maganda sa well-lit environment at pati na rin sa gabi.

For example, itong Twin Towers. Kinuha ko ang photo na nasa loob ng isang shed na may ilaw. Normaly, dapat ay magiging madilim na ang subject sa labas. Pero dito sa V30 Pro ay kuhang-kuha pa rin ang lahat ng detalye.

Dito naman sa sunod na example, maraming ilaw pati ang mga nakapaligid na buildings. Pero well balance pa rin ang mga ilaw sa paligid natin. Malaking tulong dito ang ZEISS Optics. Makikita ninyo na walang kung ano mang reflection, light orbs, at artifacts. Talagang napakalinis ng image. Kahit ang dahon sa gilid ay nakikita pa rin yung detail.

Kahit pa pets ang subject at hindi maliwanag. Mabilis pa rin ang pag-process nito. Rest assured na hindi magiging blurry ang pagkuha natin.

Sa camera application nitong V30 pro, ay may tinatawag na ZEISS Style Portrait. Kapag ginamit natin ang mode na ito ay para tayong nagpapalit-palit ng lente ng isang camera. Kasi sa bawat style ay nagbabago-bago ang bokeh ng likod natin.

ZEISS Biotar
ZEISS Planar
ZEISS Distagon
ZEISS Sonnar
ZEISS Cinematic
ZEISS Cine-flare

Video

Sa video quality, kaya nito mag-shoot ng 4K sa harap at sa likod. Pagdating sa quality ay okay naman, pasadong-pasado. Lalo na kung gagamitin natin ito sa paggawa ng content. Stable din naman at meron pang-Ultra Steady mode kung gusto natin samahan ng EIS ang OIS. Pero magdo-downscale to 1080p ang resolution kapag ginamit natin ang Ultra Steady.

Ito ang mga sample video screenshots:

Subukan naman natin ang Aura Light. Patay lahat ng ilaw dito sa studio at Aura Light lang ang ilaw. Pero kitang-kita pa rin ang subject. Hindi ito normal na LED Flash at mas kalat ang liwanag dito sa Aura Light. Hindi sabog or over exposed ang kinukuhanan natin at talagang pantay na pantay. Pwede rin natin baguhin ang temperature nito.

Verdict

Kamusta ang quality ng selfie at video camera nitong vivo V30 Pro? Para sa akin, itong V30 Pro ay mas nag-excel sa mobile photography. Kahit anong lighting mapaharap sa atin kapag gagamitin ang phone sa pag-take ng pictures, magiging maganda pa rin yung kuha. Sa video quality, okay naman at decent. Pero kung ikukumpara natin sa quality ng mga photos ay medyo malayo sa video quality.

Kung gusto nyo bumili nito, click niyo lang ang link na ito:
A. Website – https://bit.ly/v30prq
B. Shopee – https://bit.ly/vivo_V30ProWithZEISS-S…
C. Lazada – https://bit.ly/vivo_V30ProWithZEISS-L…
Para naman sa video ng review ko, pede niyo panoorin dito:

About Author

sulittechreviews

See author's posts

Post navigation

Previous: May sasabihin ako sa inyo..
Next: vivo V29e – PWEDE BA TALAGA FOR GAMING?!

Related Stories

vivo V60 Lite Beauty Shot
  • Phones
  • Tech Blog
  • vivo

vivo V60 Lite – MATIBAY NA, MATAGAL PA MA-LOWBATT!

sulittechreviews November 11, 2025
Infinix GT 30 Conclusion
  • Infinix
  • Phones
  • Tech Blog

Infinix GT 30 – PREMIUM GAMING EXPERIENCE?!

sulittechreviews October 31, 2025
BenQ MA320U
  • BenQ
  • Other Tech
  • Tech Blog

BenQ MA320U 4K Monitor – SAKTO PARA SA MACBOOK MO!

sulittechreviews October 30, 2025
vivo V60 Lite Beauty Shot
Phones Tech Blog vivo

vivo V60 Lite – MATIBAY NA, MATAGAL PA MA-LOWBATT!

sulittechreviews
November 11, 2025 0
Infinix GT 30 Conclusion
Infinix Phones Tech Blog

Infinix GT 30 – PREMIUM GAMING EXPERIENCE?!

sulittechreviews
October 31, 2025 0
BenQ MA320U
BenQ Other Tech Tech Blog

BenQ MA320U 4K Monitor – SAKTO PARA SA MACBOOK MO!

sulittechreviews
October 30, 2025 0
OnePlus Pad 3 Beauty Shot
OnePlus Tablets Tech Blog

OnePlus Pad 3 – ANG PINAKASULIT NA ANDROID TABLET NGAYON??

sulittechreviews
October 30, 2025 0

Recent Posts

  • vivo V60 Lite – MATIBAY NA, MATAGAL PA MA-LOWBATT!
  • Infinix GT 30 – PREMIUM GAMING EXPERIENCE?!
  • BenQ MA320U 4K Monitor – SAKTO PARA SA MACBOOK MO!
  • OnePlus Nord 5 – AFFORDABLE FLAGSHIP KILLER! GOOD DEAL NA ‘TO!
  • Nothing Phone (3) – PASADO BA TALAGA AS “FLAGSHIP”? MAGANDA BA ANG BAGONG “GLYPH INTERFACE”?
Copyright © All rights reserved. | MoreNews by AF themes.