Skip to content

Sulit Tech Reviews

Samu't-saring Unboxing and Reviews

Lazada Philippines

Follow Me

  • Youtube
  • Facebook
  • Instagram
  • Twitter
Primary Menu
  • Home
  • Press Release
  • Tech Blog
    • Phones
    • Tablets
    • Laptops
    • Other Tech
  • Contact
  • Youtube
  • Facebook
  • Instagram
  • Twitter
  • Home
  • Tech Blog
  • Unihertz Tank Mini 1 – NAPAKALIIT PERO MAY IBUBUGA!
  • Tech Blog
  • Unihertz

Unihertz Tank Mini 1 – NAPAKALIIT PERO MAY IBUBUGA!

Napakaliit lang ng Unihertz Tank Mini 1 na to pero may ilalaban. May ipinadalang phone guys ang Unihertz ito ang Tank Mini 1 na Design ng 8849
sulittechreviews March 12, 2024

May ipinadalang phone ang Unihertz, ito ang Tank Mini 1. Designed ng 8849, na sub-brand nila.

Price

Wala pang official price na sinasabi ang Unihertz sa tank Mini 1, habang nire-review ko ang phone na ito. Pero pwede mo i-check ang link sa baba kung ano ang price nito.

Unboxing

Ang kapal ng box at iba ang pagkaka-design nila sa box. Obviously maliit lang talaga itong phone na ito. Pagbukas ng box, ‘yung Tank Mini 1 agad ‘yung bubungad sa atin na nakabalot sa plastic. Pagkahawak ko, ang kapal ng phone na ito para sa isang mini phone na rugged phone na rin. Sa mga na-review ko na Unihertz Tank, may kakaiba talagang mga feature ‘yun pero mamaya pag-usapan natin. Meron pang documentation sa loob ng phone, 33W na charger na USB-C ang port, SIM ejector pin, at USB-C to USB-C cable.

Design

Sa gilid, may dalawang customizable key tayo, at power lock button na fingerprint scanner na rin. Sa kabilang side naman ang volume up and down button, at ang SIM tray na hybrid, pwede magsalpak ng dalawang SIM or isang SIM at isang micro-SD card, na up to 1TB ang kaya hawakan. Sa likod ang ”8849” na branding at ang LED light, single camera na may LED flash, single firing speaker, at lalagyanan ng lanyard. Ang ibang parts niya ay rubber pero ‘yung ibang parts ay bakal. May kabigatan itong phone na ito, nasa 240 grams to be exact. Magaan pa rin kahit papaano, kasi hindi siya kasing bigat ng malalaking version ng Uniherts Tank. Sa taas ‘yung kaniyang laser rangefinder. Sa bandang ibaba, merong flap at nasa loob ang headphone jack at USB-C port. Sa harap meron na naka-install na screen protector at naka-notch selfie camera tayo. Makapal din ang bezel at expected na ‘yan sa rugged phone. Comfortable naman siya sa kamay at kayang-kaya natin mag-type dito with one hand.

Ang kaniyang haptics ay acceptable din sa ganitong phone, kasi hindi siya sobrang ganda pero hindi rin naman entry level ‘yung kaniyang feels. IP68 rating nito, kaya kung gusto natin siyang gamitin as action camera ay pwedeng pwede. Basta make sure lang na nakasarado ‘yung kaniyang flap. Pagka-set up ng phone, makikita mo ‘yung widget sa may harap na pag-tap ay mapupunta tayo sa Rangefinder. Pag ini-start natin ang pag-measure at tinapat natin sa isang bagay, merong lalabas na parang laser at sasabihin niya sa atin kung gaano ‘yun kalayo mula sa phone. Malaking tulong para sa mga need magsukat, halimbawa, sa construction. Pero kapag tinutok natin ito sa isang madilim na object ay nagloloko ang rangefinder nito.

Display

Specification:

Hindi talaga impressive ang display. Iba kasi talaga ang target ng phone, hindi ito pang entertainment o media consumption. Ang Widevine Security Level natin ay Level 3 at 540P lang ang resolution natin dito.

Performance

Specifications:

Kung typical user tayo, papasa to as secondary phone natin. Ang kaniyang Antutu score ay almost half a million – 416352. Makakapaglaro tayo dito kung gusto natin. Pero hindi magiging comfortable ang experience para sa lahat ng user.

Camera

100MP yung nilagay dito na camera, at ‘yung selfie camera naman ay 32MP na nakakabilib.

Sample photos:

Sample video screenshot:

Battery

5800 mAh ang kaniyang battery. Sa combination ng kaniyang maliit na display, maliit na resolution, at malaking capacity ay malaking SOT talaga ang makukuha natin dito. Almost 22 hours ang score – 21h and 58 min.

Verdict

Mare-recommend ko itong Unihertz Tank Mini 1 sa mga tao na nasa high-risk environment, construction, at lagi nagta-travel. Pasadong-pasado rin siya gamitin as secondary phone dahil sa battery life, performance at kahit ang camera.

Kung gusto nyo bumili nito, click niyo lang ang link na ito:
AlieExpress
Para naman sa video ng review ko, pede niyo panoorin dito:

About Author

sulittechreviews

See author's posts

Post navigation

Previous: CHERRY Aqua GR – Oops! Basahin Muna Bago Mag-Order!
Next: Tecno POVA 6 Pro 5G – Nag-Level Up Na Naman!

Related Stories

vivo V60 Lite Beauty Shot
  • Phones
  • Tech Blog
  • vivo

vivo V60 Lite – MATIBAY NA, MATAGAL PA MA-LOWBATT!

sulittechreviews November 11, 2025
Infinix GT 30 Conclusion
  • Infinix
  • Phones
  • Tech Blog

Infinix GT 30 – PREMIUM GAMING EXPERIENCE?!

sulittechreviews October 31, 2025
BenQ MA320U
  • BenQ
  • Other Tech
  • Tech Blog

BenQ MA320U 4K Monitor – SAKTO PARA SA MACBOOK MO!

sulittechreviews October 30, 2025
vivo V60 Lite Beauty Shot
Phones Tech Blog vivo

vivo V60 Lite – MATIBAY NA, MATAGAL PA MA-LOWBATT!

sulittechreviews
November 11, 2025 0
Infinix GT 30 Conclusion
Infinix Phones Tech Blog

Infinix GT 30 – PREMIUM GAMING EXPERIENCE?!

sulittechreviews
October 31, 2025 0
BenQ MA320U
BenQ Other Tech Tech Blog

BenQ MA320U 4K Monitor – SAKTO PARA SA MACBOOK MO!

sulittechreviews
October 30, 2025 0
OnePlus Pad 3 Beauty Shot
OnePlus Tablets Tech Blog

OnePlus Pad 3 – ANG PINAKASULIT NA ANDROID TABLET NGAYON??

sulittechreviews
October 30, 2025 0

Recent Posts

  • vivo V60 Lite – MATIBAY NA, MATAGAL PA MA-LOWBATT!
  • Infinix GT 30 – PREMIUM GAMING EXPERIENCE?!
  • BenQ MA320U 4K Monitor – SAKTO PARA SA MACBOOK MO!
  • OnePlus Nord 5 – AFFORDABLE FLAGSHIP KILLER! GOOD DEAL NA ‘TO!
  • Nothing Phone (3) – PASADO BA TALAGA AS “FLAGSHIP”? MAGANDA BA ANG BAGONG “GLYPH INTERFACE”?
Copyright © All rights reserved. | MoreNews by AF themes.