Skip to content

Sulit Tech Reviews

Samu't-saring Unboxing and Reviews

Lazada Philippines

Follow Me

  • Youtube
  • Facebook
  • Instagram
  • Twitter
Primary Menu
  • Home
  • Press Release
  • Tech Blog
    • Phones
    • Tablets
    • Laptops
    • Other Tech
  • Contact
  • Youtube
  • Facebook
  • Instagram
  • Twitter
  • Home
  • Tech Blog
  • Tecno Pova 5 – Magugustuhan Mo Kaya?!
  • Tech Blog
  • Tecno

Tecno Pova 5 – Magugustuhan Mo Kaya?!

Tignan natin kung sulit ba itong Tecno Pova 5 para sa presyo niya.
sulittechreviews September 4, 2023

Less than PHP8,000 ang pag-uusapan natin ngayon, ito ang bago ng Tecno, ang Tecno Pova 5. May presyo itong PHP7,999 at may variant na 8/128GB.

UNBOXING

Ang ia-unbox natin ngayon ay ang Mecha Black pero meron pa itong ibang color na Amber Gold at Hurricane Blue. ‘Yung box nitong Tecno Pova 5 ay parang box ng Toblerone. Pag-open ng box, ‘yung Tecno Pova 5 na nakabalot sa plastic ang bubungad kaagad. Meron din itong sim ejector pin, documentations, warranty card, jelly case, 45W charging break, USB-A to USB-C cable at wired earphones.

DESIGN

Isa sa mga disadvantage ng kulay na Mecha Black ay sobrang kapitin ng fingerprint at smudges. Pero hindi naman natin ito gagamitin ng walang jelly case kaya hindi naman na iyon magiging issue sa atin. Flat pa din ang sides nito. Meron itong volume up and down button, powerlock button na fingerprint scanner na din; secondary microphone sa taas, speaker, USB-C port, main microphone at headphone jack sa ilalim; at sim tray na may dedicated micro SD card slot at dual sim sa may left side. Flat na flat din ang camera module niya sa likod kaya talagang mapoprotektahan ng jelly case ang camera module nito. Sa harap, meron itong punch hole selfie camera at medyo makapal ang chin niya compared sa forehead. Meron na din itong pre-installed na screen protector. In short, gagamitin na lang natin itong Tecno Pova 5 kasi lahat na ng accessories ay meron na ito.

Para naman sa ma curious sa haptics, sakto lang siya. Andun lang siya sa okay na quality, hindi siya sobrang impressive para sa presyo niya. Tapos, ang kanyang WiFi connectivity ay pwede sa 2.4GHz at 5GHz. Idagdag mo pa na ang ganda ng dual speaker niya, hindi siya sabog at muffled. ‘Yun nga lang, kapag naka-todo ang volume, may mafi-feel tayong vibration sa likod na hindi ko nae-experience sa ibang mga phone na may dual speakers.

DISPLAY

Meron itong 6.78″ IPS LCD, FHD+ resolution, 120Hz maximum refresh rate at 396 ppi. Walang dineclare ang Tecno kung meron ba itong Corning Gorilla Glass na protection pero hindi naman na tayo masyadong mag-e-expect para sa ganitong presyo. Pagdating sa color reproduction, okay din siya at katulad ng dati, nasa cooler side ang temperature ng kulay niya. Pero pwede nating mabago iyan sa Display Settings kasi meron itong dalawang preset: Bright-colored at Original color.

Good news ulit kasi Level 1 ang ang kanyang Widevine Security Level kaya pwede tayong makapag-play ng HD contents. Sa Netflix, Full HD din ang Maximum Playback Resolution.

Meron din itong apat na option para sa Refresh Rate Setting: 120Hz, 90Hz, 60Hz at Auto-switch. Kapag naka-Auto, bumababa naman siya ng kusa to 60Hz kapag kinakailangan.

PERFORMANCE

Naka-HIOS 13 na ito out of the box on top of Android 13. Helio G99 ang chipset, 8GB ang RAM at mamimili tayo between 128GB at 26GB na storage. Meron din itong MemFusion up to 8GB, in total pwede tayong magkaroon ng up to 16GB virtual RAM. Pero kung hindi niyo naman kailangan ng virtual RAM, huwag niyo na lang gamitin kasi babagal ang phone niyo.

Kapag naka-off ang Game Space, nakakuha tayo ng 431745 Antutu Score. Talaga namang mataas kasi almost half million ang nakuhang score para sa less than PHP8,000 na phone. Kapag naka-on naman ang Game Space, 427900 naman ang nakuhang Antutu Score.

Pagdating naman sa actual gaming, napaka-smooth naman niya at may konting lag minsan lalo na sa umpisa ng game. Pero kapag matagal ka ng naglalaro, mas nagiging smooth ang gameplay. Hindi niya na-generate lahat ng graphics pero decent naman at hindi potato quality. Sa Need For Speed naman, maganda ang graphics, maganda ang reflections at walang akong framedrops at lag na na-experience dito.

Pagdating sa thermals, nabawasan lang siya ng 3% from 99% to 96% at nadagdagan ng 5°C ang temperature.

CAMERA

Meron itong 50MP main shooter, 0.08MP depth sensor at 8MP selfie camera. Ito ang mga sample shots:

BATTERY

Meron itong 6000mAh na compatible sa 45W. Nakakuha din tayo ng 15 hours and 41 minutes na SOT na may setting na 50% brightness at auto-switch na refresh rate. Kaya tatagal ang phone na ‘to ng atleast 2 days sa isang charge lang. Pagdating sa charging 1 hour and 13 minutes ang inabot from 16-100%.

Iyan na ang mga information na gusto kong i-share sa inyo dito sa Tecno Pova 5. Kung kayo ang tatanungin, sulit ba ang phone na ‘to for PHP7,999? Comment kayo diya sa baba.

Kung ako ang tatanungin, sulit siya kasi ang laki ng battery, maganda ang display, performance at design at kumpleto ng accessories out of the box. Meron lang mga minor downsides na pwedeng i-fix ng Tecno sa mga susunod na software updates. Kung gusto niyo itong bilhin, ito ang link: https://invol.co/cljhzlf

About Author

sulittechreviews

See author's posts

Post navigation

Previous: Huawei MatePad 11.5 (2023) Affordable Tablet na May PC-Level Features!
Next: Tecno Camon 20 Pro 5G – Bakit Sulit?

Related Stories

vivo V60 Lite Beauty Shot
  • Phones
  • Tech Blog
  • vivo

vivo V60 Lite – MATIBAY NA, MATAGAL PA MA-LOWBATT!

sulittechreviews November 11, 2025
Infinix GT 30 Conclusion
  • Infinix
  • Phones
  • Tech Blog

Infinix GT 30 – PREMIUM GAMING EXPERIENCE?!

sulittechreviews October 31, 2025
BenQ MA320U
  • BenQ
  • Other Tech
  • Tech Blog

BenQ MA320U 4K Monitor – SAKTO PARA SA MACBOOK MO!

sulittechreviews October 30, 2025
vivo V60 Lite Beauty Shot
Phones Tech Blog vivo

vivo V60 Lite – MATIBAY NA, MATAGAL PA MA-LOWBATT!

sulittechreviews
November 11, 2025 0
Infinix GT 30 Conclusion
Infinix Phones Tech Blog

Infinix GT 30 – PREMIUM GAMING EXPERIENCE?!

sulittechreviews
October 31, 2025 0
BenQ MA320U
BenQ Other Tech Tech Blog

BenQ MA320U 4K Monitor – SAKTO PARA SA MACBOOK MO!

sulittechreviews
October 30, 2025 0
OnePlus Pad 3 Beauty Shot
OnePlus Tablets Tech Blog

OnePlus Pad 3 – ANG PINAKASULIT NA ANDROID TABLET NGAYON??

sulittechreviews
October 30, 2025 0

Recent Posts

  • vivo V60 Lite – MATIBAY NA, MATAGAL PA MA-LOWBATT!
  • Infinix GT 30 – PREMIUM GAMING EXPERIENCE?!
  • BenQ MA320U 4K Monitor – SAKTO PARA SA MACBOOK MO!
  • OnePlus Nord 5 – AFFORDABLE FLAGSHIP KILLER! GOOD DEAL NA ‘TO!
  • Nothing Phone (3) – PASADO BA TALAGA AS “FLAGSHIP”? MAGANDA BA ANG BAGONG “GLYPH INTERFACE”?
Copyright © All rights reserved. | MoreNews by AF themes.