Skip to content

Sulit Tech Reviews

Samu't-saring Unboxing and Reviews

Lazada Philippines

Follow Me

  • Youtube
  • Facebook
  • Instagram
  • Twitter
Primary Menu
  • Home
  • Press Release
  • Tech Blog
    • Phones
    • Tablets
    • Laptops
    • Other Tech
  • Contact
  • Youtube
  • Facebook
  • Instagram
  • Twitter
  • Home
  • Tech Blog
  • Blackview N6000 – Pinakamaliit na Rugged Phone (So far)
  • Blackview
  • Tech Blog

Blackview N6000 – Pinakamaliit na Rugged Phone (So far)

Tignan natin kung sulit ba itong pinakamaliit na rugged phone na na-review ko.
sulittechreviews July 31, 2023

Pag-uusapan natin ngayon ang pinakamaliit na rugged phone na na-review ko sa far. Ito ang N6000 ng Blackview na worth PHP13,600 as of making this article. Medyo may kamahalan siya pero tignan natin ang makukuha nating specs sa phone na ‘to kahit maliit siya. Tignan natin kung okay ba ang performance, battery life at marami pang iba.

UNBOXING

Napakasimple lang ng box nitong N6000. Meron itong Blackview branding sa may harap at may sticker sa gilid na may nakasulat na 16GB RAM.

Pag-open ng box, makikita na agad ang N6000 na unit. Dahan-dahan kayo sa pagtanggal ng plastic protection niya kasi baka masama ang screen protector na naka-install. Napaka-rugged talaga ng itsura niya kasi meron itong IP68 at IP69K rating at MIL-STD-810H rating, kaya pwede siya sa mga high temperature at low temperature. Pwede din ito gamitin as underwater camera kasi madaming protection ang phone na ‘to.

Sa loob pa din ng box, makikita din ang manual, pantanggal ng sim tray, USB-C to USB-A cable at 18W charging break.

‘Yung kanyang sim tray ay hybrid kaya pwede tayong magsalpak dalawang sim o isang sim at isang SD Card na hanggang 1TB.

DESIGN

‘Yung kanyang speaker ay nasa likod katabi ng camera. Meron din itong logo ng bawat protection niya sa likod. Shock-resistant din ang phone na ‘to kaya may additional na kapal siya sa bawat kanto. Meron din itong Shortcut Button o Customizable Button na kulay pula. Sa kabila naman makikita ang volume up and down buttons at powerlock button. Sa baba makikita ang USB-C port na may cover para hindi mawala ang waterproof protection. Sa harap naman, hindi ko nagustuhan ang mga bezel at notch kasi sobrang kapal. Pero habang ginagamit ko naman na siya ng matagal, hindi ko na napapansin kasi nangingibabaw ang performance ng phone na ‘to.

Meron itong 4.3″ IPS LCD 540 x 1200 resolution, 306 ppi, 450 nits peak brightness at protected pa ito ng Corning Gorilla Glass 5. Kaya hindi siya madaling magasgas plus naglagay pa sila ng screen protector for additional protection.

Infairness naman kasi hindi ako nahirapan mag-type unlike sa Jellystar Unihertz na nareview natin before. Mas comfortable din ito hawakan at mas maganda ang grip natin dito kasi hindi glossy ang bawat side niya.

Sa tingin ko, eksaktong-eksakto itong phone na ‘to para doon sa mga nagta-travel sa mga lugar ma medyo maputik o sa mga lugar na delikado katulad ng mga nagha-hiking. Pwede niong gawin ito as secondary phone para kapag nabagsak ay alam natin na hindi siya agad-agad masisira.

PERFORMANCE

Naka-Android 13 na ito out of the box, DokeOS 3.1, Helio G99 chipset 8GB physical RAM na may additional 8GB virtual RAM at 256GB internal storage.

Nakakuha naman tayo ng 390369 Antutu Score while naka-on ang Memory Expansion or Virtual RAM. Pero kapag naka-off, nakakuha tayo ng 397021. Kung ako sa inyo, kung hindi niyo naman kailangan ng virtual RAM, i-off niyo na lang para mas gumanda ang performance.

Nag-excel din itong N6000 pagdating sa games. Sa CarX Rally, nakasagad ang performance pero umaabot pa din siya ng 60fps. Sa tingin ko ay nakatulong ‘yung maliit na display niya kasi di man lang ito umabot ng 720p. Kaya mag-e-enjoy kayo sa paglalaro dito kahit maliit ang screen kasi wala akong na-feel na struggle sa kanya.

Kung gusto naman natin mag-assign ng action sa kanyang Programmable Key o Custom Key, punta lang kayo sa Settings > Custom Key tapos pwede na kayo mag-assign ng action sa isang press o long press.

CAMERA

Meron itong 48MP main shooter na merong Samsung ISOCELL GM2 sensor at 16MP selfie camera. Ito ang mga sample pictures:

BATTERY

Meron itong 3380mAh battery capacity at 18W na charging speed. Nakakuha naman tayo ng 11 hours and 9 minutes lang na SOT. Pwede na para sa less than 4000mAh na battery capacity at pwede na rin para sa ganitong size. Pagdating sa charging, 1 hour and 18 minutes lang ang inabot from 16-100%.

Sa tingin niyo sulit ba itong bilhin for PHP13,990? Comment kayo diyan sa baba.

Kung ako naman ang tatanungin ninyo, hindi ito magiging sulit kung hindi mo kailangan ang mga additional features ng phone na ‘to tulad ng ruggedness niya at mga protection na nilagay ng Blackview sa phone na ‘to. Pero if ever na gusto mo itong bilhin kasi madalas kayo mag-hiking, mag-vacation, o sa mga lugar na medyo delikado at ayaw ninyong mabagsak ang phone ninyo na mamahalin, mas maganda kung ito na lang ang bilhin ninyo. O kaya pwede din ito sa mga anak ninyo na medyo clumsy pa at palaging nakakabagsak ng gamit. Pwede din ito sa mga nagwowork as construction worker o palaging nasa labas. Kung ang reason naman ay dahil sa performance, camera at display ay talo tayo at hindi iyon magiging sulit.

Kung sakali na gusto niyo itong bilhin, click niyo lang ang link na ‘to: https://s.click.aliexpress.com/e/_oD3…

About Author

sulittechreviews

See author's posts

Post navigation

Previous: Tecno Camon 20 Pro 4G – Sulit Ba?
Next: Level-Up Gaming King: TECNO launched its POVA 5 Series in the PH for as low as P7,999!

Related Stories

vivo V60 Lite Beauty Shot
  • Phones
  • Tech Blog
  • vivo

vivo V60 Lite – MATIBAY NA, MATAGAL PA MA-LOWBATT!

sulittechreviews November 11, 2025
Infinix GT 30 Conclusion
  • Infinix
  • Phones
  • Tech Blog

Infinix GT 30 – PREMIUM GAMING EXPERIENCE?!

sulittechreviews October 31, 2025
BenQ MA320U
  • BenQ
  • Other Tech
  • Tech Blog

BenQ MA320U 4K Monitor – SAKTO PARA SA MACBOOK MO!

sulittechreviews October 30, 2025
vivo V60 Lite Beauty Shot
Phones Tech Blog vivo

vivo V60 Lite – MATIBAY NA, MATAGAL PA MA-LOWBATT!

sulittechreviews
November 11, 2025 0
Infinix GT 30 Conclusion
Infinix Phones Tech Blog

Infinix GT 30 – PREMIUM GAMING EXPERIENCE?!

sulittechreviews
October 31, 2025 0
BenQ MA320U
BenQ Other Tech Tech Blog

BenQ MA320U 4K Monitor – SAKTO PARA SA MACBOOK MO!

sulittechreviews
October 30, 2025 0
OnePlus Pad 3 Beauty Shot
OnePlus Tablets Tech Blog

OnePlus Pad 3 – ANG PINAKASULIT NA ANDROID TABLET NGAYON??

sulittechreviews
October 30, 2025 0

Recent Posts

  • vivo V60 Lite – MATIBAY NA, MATAGAL PA MA-LOWBATT!
  • Infinix GT 30 – PREMIUM GAMING EXPERIENCE?!
  • BenQ MA320U 4K Monitor – SAKTO PARA SA MACBOOK MO!
  • OnePlus Nord 5 – AFFORDABLE FLAGSHIP KILLER! GOOD DEAL NA ‘TO!
  • Nothing Phone (3) – PASADO BA TALAGA AS “FLAGSHIP”? MAGANDA BA ANG BAGONG “GLYPH INTERFACE”?
Copyright © All rights reserved. | MoreNews by AF themes.