Skip to content

Sulit Tech Reviews

Samu't-saring Unboxing and Reviews

Lazada Philippines

Follow Me

  • Youtube
  • Facebook
  • Instagram
  • Twitter
Primary Menu
  • Home
  • Press Release
  • Tech Blog
    • Phones
    • Tablets
    • Laptops
    • Other Tech
  • Contact
  • Youtube
  • Facebook
  • Instagram
  • Twitter
  • Home
  • Tech Blog
  • Infinix Hot 20 Play – Isa Na Namang Murang Phone!
  • Infinix
  • Tech Blog

Infinix Hot 20 Play – Isa Na Namang Murang Phone!

Nag-order ulit kami ng budget friendly Android phone na worth PHP5,799 pesos lang!
sulittechreviews July 9, 2023

Pag-usapan natin ngayon itong Infinix Hot 20 Play na worth PHP5,799 lang. Hindi siya ganun kalayo sa presyo ng TCL 20R 5G kaya magandang alternative to in case na hindi ka umabot sa sale ng TCL 20R 5G kasi hanggang ngayon out of stock pa rin ang PHP4,990 na presyo. Alamin natin kung maganda bang alternative itong Infinix Hot 20 Play.

UNBOXING

Protected naman ng bubble wrap itong Hot 20 Play pagdating sa akin. Neon Green ang color ng box niya at kapag natatamaan ng ilaw, may mga lumilitaw na letters na Fast and Fun. Makikita din ninyo sa box na 128GB ang internal storage which is good para sa price niya kasi yung TCL 20R 5G is PHP4,990 pero 128GB na din. Pagkatapos meron din itong 4GB na RAM plus 3GB virtual RAM. At ang battery capacity niya ay 6000mAh. Lamang nitong Hot 20 Play sa 20R 5G kasi 4500mAh lang ang battery capacity ng 20R 5G. Tapos ang changing speed nitong Hot 20 Play is 18W pero 10W lang yung TCL.

Pag-open natin ng box, makikita natin agad ang Hot 20 Play na nakabalot sa Neon Green na protective plastic. First impression ko sa design niya is mas maganda siya kaysa sa TCL. Glossy ang likod niya kaya mas kapitin siya ng fingerprint at smudges. Pero kapag pinagtabi mo yung dalawa, nagmukhang cheap yung TCL dahil sa design nitong Hot 20 Play.

Sa loob ng box, meron itong jelly case, documentation, charger na 10W lang , USB-C to USB-A cable at sim ejector pin. Sa likod, makikita niyo na mas glossy ang camera module nitong Hot 20 Play kaysa sa ibang part. Sa taas, wala tayong makikitang kahit na ano. Sa ilalim makikita ang headphone jack, main microphone at speaker. Sa left side naman, andito ang sim tray. Sa right side, andito ang volume up and down button at powerlock button. Sa harap, makikita naman ang punch hole selfie camera.

DISPLAY

Ang display nitong Hot 20 Play ay 6.82″ IPS LCD, 90Hz ang maximum refresh rate, 720P lang ang resolution at 263 ppi. Kung tatanungin niyo ako sa overall quality ng display, well, para sa price okay naman na yan. Hindi na ako masyadong magtataka na medyo washed out ng konti ang kulay, hindi ganun ka-accurate at hindi ganun ka-saturated. Pero okay na okay na yan para sa price niya. Level 3 lang din ang kanyang Widevine Security Level kaya hindi tayo makakapag-play ng HD contents sa mga streaming services.

Meron din tatlong choices para sa refresh rate setting: 90Hz, 60Hz at Auto-switch. From the time na nasetup ko itong phone na ‘to, hindi na ako umalis sa Auto-switch which is okay naman, wala naman akong naging problema.

PERFORMANCE

Isa pa sa compromise nitong Hot 20 Play ay ‘yung kanyang chipset kasi Helio G37 lang ito. Hindi kagaya sa 20R 5G, 5G na ang chipset Dimensity 700 kaya nakakagulat talaga iyon para sa PHP4,990 na phone. Nakakuha tayo ng 119213 lang na Antutu Score at abnormal pa daw yang score na ‘yan based sa Antutu dahil malamang daw na suspected of cheating ang unit na ‘to. Ibig sabihin, baka mas mababa pa diyan ang score na nakuha niya. Medyo nakakalungkot kasi kung maalala niyo nakakuha tayo ng mahigit 200000 na Antutu Score sa TCL which is sobrang layo ng difference pagdating sa performance.

Ang isa na lang sigurong pakunswelo dito sa Hot 20S ay ang kanyang virtual RAM. Kasi ‘yung kanyang 4GB na physical RAM ay pwedeng madagdagan ng 3GB virtual RAM. Pero aanhin naman natin ang 7GB kung ganito naman kabagal ang chipset?

Pero infairness naman kasi napatakbo niya ng maayos ‘yung Asphalt 9. Potato quality lang talaga at napakadaming framedrops. Kaya pagdating sa gaming, huwag niyo na ‘tong gamitin kasi madi-disappoint lang talaga kayo.

CAMERA

Ang camera nitong Hot 20S ay isa lang talaga, yun ay ang 13MP f1.8 main shooter at may QVGA daw na secondary camera na hanggang ngayon, di ko alam kung ano talaga ang purpose. Tapos ang kanyang selfie camera naman ay 8MP. Kaya asahan niyo na hindi talaga maganda ang quality ng mga photos niya.

Sa selfie video recording, ang maximum resolution ay 1080p 30fps. Kung maganda ang lighting ng environment natin ay okay ang quality niya. meron din itong LED sa harap para may additional pa tayong liwanag.

BATTERY

Meron itong 6000mAh battery capacity at capable sa 18W na charging. ‘Yun nga lang, 10W lang ang charger niya na kasama sa box. Plus, meron pa itong capability na makapagcharge ng iba nating device na may 5W na charging speed. Mabagal ‘yun pero not bad kasi pwede na nating magamit itong Hot 20S sa mga emergency cases.

Nakakuha tayo ng 15 hours and 48 minutes na SOT kapag naka-Auto switch tayo na refresh rate. Reliable naman itong phone na ‘to pagdating sa endurance kaya magtatagal ito sa atin sa isang charge. From 17-100%, 2 hours and 17 minutes naman ang inabot. Matagal siya kasi 6000mAh ang battery capacity nito.

Kung kayo ang tatanungin, sulit ba itong Hot 20 Play para sa presyo niya na PHP5,799? Comment kayo diyan sa baba.

Kung ako ang tatanungin ninyo, itong Hot 20 Play ay para sa mga maraming consumer. Pwede ito sa mga may gusto ng backup phone, kung gusto niyong regaluhan ang grandparents ninyo or para sa mga mag-aaral pa lang gumamit ng smartphone. Pero kung gagamitin natin ito as daily driver, okay din naman pero ang laki ng limitation niya pagdating sa performance. Mabibitin din kayo kung gagamitin niyo ito sa mobile photography at gaming. Pero pagdating sa battery life, okay na okay ‘to. Kung gagamitin niyo lang naman para sa social media, panunuod ng YouTube at TikTok videos at research, okay na okay na ‘to. Para din sa mahal nating mga riders, kung gagamitin niyo ito sa mga GPS-based na application tulad ng Waze at Google Maps, okay na okay ‘to kasi maganda ang battery life niya at malaki ang kanyang battery capacity. Tapos dahil slow lang ang charging speed, magtatagal ‘to sa atin kasi hindi masyadong iinit ‘tong phone na ‘to kahit maghapon natin i-charge.

Kung ikukumpara natin itong Hot 20 Play sa TCL, mas lamang talaga ang TCL. ‘yun ay kung naabutan niyo ‘yung sale. Pero kung hindi niyo naabutan, okay na okay pa din itong Hot 20 Play para sa price niya kasi 128GB na ang storage, 90Hz na ang refresh rate, almost 7″ na ang display, naka-punch hole selfie camera pa, naka-USB-C na rin ang charging port at may headphone jack pa. Kaya para sa akin, okay pa rin siya sa PHP5,799 na presyo kung sakaling hindi niyo naabutan ‘yung sale ng TCL 20R 5G.

Kung gusto mong bilhin itong Infinix Hot 20 Play, click mo lang itong link: https://invol.co/clggm4h

About Author

sulittechreviews

See author's posts

Post navigation

Previous: POCO X5 5G Unboxing – May Bago Akong Paborito!
Next: QC government launches Cohort 2 of Startup QC

Related Stories

vivo V60 Lite Beauty Shot
  • Phones
  • Tech Blog
  • vivo

vivo V60 Lite – MATIBAY NA, MATAGAL PA MA-LOWBATT!

sulittechreviews November 11, 2025
Infinix GT 30 Conclusion
  • Infinix
  • Phones
  • Tech Blog

Infinix GT 30 – PREMIUM GAMING EXPERIENCE?!

sulittechreviews October 31, 2025
BenQ MA320U
  • BenQ
  • Other Tech
  • Tech Blog

BenQ MA320U 4K Monitor – SAKTO PARA SA MACBOOK MO!

sulittechreviews October 30, 2025
vivo V60 Lite Beauty Shot
Phones Tech Blog vivo

vivo V60 Lite – MATIBAY NA, MATAGAL PA MA-LOWBATT!

sulittechreviews
November 11, 2025 0
Infinix GT 30 Conclusion
Infinix Phones Tech Blog

Infinix GT 30 – PREMIUM GAMING EXPERIENCE?!

sulittechreviews
October 31, 2025 0
BenQ MA320U
BenQ Other Tech Tech Blog

BenQ MA320U 4K Monitor – SAKTO PARA SA MACBOOK MO!

sulittechreviews
October 30, 2025 0
OnePlus Pad 3 Beauty Shot
OnePlus Tablets Tech Blog

OnePlus Pad 3 – ANG PINAKASULIT NA ANDROID TABLET NGAYON??

sulittechreviews
October 30, 2025 0

Recent Posts

  • vivo V60 Lite – MATIBAY NA, MATAGAL PA MA-LOWBATT!
  • Infinix GT 30 – PREMIUM GAMING EXPERIENCE?!
  • BenQ MA320U 4K Monitor – SAKTO PARA SA MACBOOK MO!
  • OnePlus Nord 5 – AFFORDABLE FLAGSHIP KILLER! GOOD DEAL NA ‘TO!
  • Nothing Phone (3) – PASADO BA TALAGA AS “FLAGSHIP”? MAGANDA BA ANG BAGONG “GLYPH INTERFACE”?
Copyright © All rights reserved. | MoreNews by AF themes.