Skip to content

Sulit Tech Reviews

Samu't-saring Unboxing and Reviews

Lazada Philippines

Follow Me

  • Youtube
  • Facebook
  • Instagram
  • Twitter
Primary Menu
  • Home
  • Press Release
  • Tech Blog
    • Phones
    • Tablets
    • Laptops
    • Other Tech
  • Contact
  • Youtube
  • Facebook
  • Instagram
  • Twitter
  • Home
  • Tech Blog
  • Xiaomi 12T – Malakas na Performance pero TIPID sa BATTERY!
  • Tech Blog
  • Xiaomi

Xiaomi 12T – Malakas na Performance pero TIPID sa BATTERY!

Bibili ka ba nitong phone na may 108MP camera, 120Hz refresh rate at 1220p display?
sulittechreviews December 28, 2022

Ang Xiaomi 12T ay hindi lang naka-108MP main camera, 120Hz at 1220p display kundi meron pa itong very powerful but very efficient na MediaTek Dimensity 8100 Ultra na kung saan ito ay may flagship performance at tipid sa battery consumption.

Mabibili ang Xiaomi 12T for PHP26,999 na may 8/256GB variant. Para sa updated price ng phone na to, paki-click ang link na ‘to: https://invol.co/clfglbe

UNBOXING

As usual, color white pa din ang box nitong Xiaomi 12T at may mga text pa sa harap at gilid. Pero ang pinaka-mapapansin mo talaga ay ang 108MP Ultra Clear Camera na text na nakalagay sa harap. Sa loob ng box, makikita natin ang document sleeve, jelly case, Xiaomi 12T na nakabalot sa protective plastic at may nakasulat na top specs sa harap, 120Hz charger na naka-USB-A ang port at USB-C to USB-A cable.

Sa left side nitong Xiaomi 12T, wala tayong makikitang kahit na ano. Sa right side makikita ang volume buttons at powerlock button. Sa taas, secondary speaker, secondary microphone at IR Blaster ang makikita. Sa ilalim, makikita naman ang sim tray, USB-C port, main microphone at main speaker. Ang sim tray nitong phone na ‘to ay dual slot lang so hindi tayo pwedeng magsaksak ng micro SD Card kaya hindi expandable itong Xiaomi 12T.

DISPLAY

Itong Xiaomi 12T ay naka-6.67” at 1220p CrystalRes AMOLED. Meron din itong 120Hz maximum refresh rate na naka-Adaptive Sync meaning, kusang mag-a-adjust ang refresh rate depende sa ginagawa nating activity sa phone na ‘to which is malaking bagay para ma-conserve natin ang battery at maiwasan natin ang overheating.

Maganda din ang color reproduction sa display, very accurate at crispy talaga ang quality kasi nga 1220p ang resolution na may support sa 68 billion colors at DCI-P3 color coverage. Pwede din nating mabago ang timpla ng kulay kasi meron itong scheme settings na kung saan merong mga presets o kaya adaptive. Meron ding dalawang option sa refresh rate: 60Hz at 120Hz, pero pwede din namang default para maging active sync siya.

480Hz ang Touch Sampling Rate nito kung saan may support siya sa HDR 10+ at meron ding Corning Gorilla Glass 5 protection. According sa Xiaomi, same ang energy consumption ng 1220p display ng 12T sa normal 1080p display so hindi affected ang battery life nito. Ang Widevine Security ng Xiaomi 12T ay Level 1 kaya rest assured na makakapanood dito ng mga HD content sa mga streaming services.

Proportion na din ang bezels nitong Xiaomi 12T kaya immersive ang experience though mahahati ang opinion natin sa placement ng punch hole selfie camera kasi nasa gitna at medyo halata kapag manonood tayo. Satisfied din ako sa tunog ng speakers nitong Xiaomi 12T, hindi flat at hindi sabog ang sound quality.

PERFORMANCE

Naka-MediaTek Dimensity 8100-Ultra itong Xiaomi 12T na kung saan ito ay isa sa pinaka-latest na SOC ng MediaTek. Gawa ito sa High Advanced TSMC N5 production process kaya naging possible ang best in class power efficiency pero ultimate pa din ang performance. Octa Core ang CPU nitong nito na aabot ng 2.85Hz ang max clock speed at meron itong latest na Mali G610 na graphics engine. Naka-8GB LPDDR5 na RAM ito at 256GB EFS 3.1 na storage. In short, flagship level talaga ang performance nitong 12T on paper. Pero check natin ang real world performance.

Sa Antutu, nakakuha tayo ng 842415 na score. At from 32°C, umabot lang tayo ng 38.3°C which is very impressive. Sa Wildlife Stability Stress Test, nakakuha tayo ng 99.8% stability score so kahit sagad ang performance, wala tayong CPU throttling na mae-experience dito sa phone na’to. Sa Thermals naman, from 35°C, umabot tayo ng 44°C. Lumampas man tayo sa 40°C, pero in my opinion, pasado pa din ang temperature na ‘yan kasi 120Hz ang ating refresh rate plus 1220p pa ang resolution. So normal lang na maging ganyan ang temperature.

Sa gaming, fully optimized na siya dito sa Asphalt 9 kasi compatible na siya sa 60fps na game play. Lahat ng graphics ay na-generate nitong Xiaomi 12T. Hindi din ako naka-experience ng alarming heat kahit 30 minutes na tuloy-tuloy na laro. Sa Ark: Survival naman, kahit sinet ko na sa Epic ang graphics at sagad ang resolution, nakaka-120fps pa din ako dito. Sobrang impressive talaga! Pero ang pinaka-importante, wala din akong na-feel na alarming heat.

CAMERA

Meron itong triple camera setup, 108MP F1.7 main shooter na merong OIS o Optical Image Stabilization so by default, talagang stable ito. Meron din itong 8MP Ultrawide at 2MP Macro Lens.

Talagang maganda ang quality ng mga kuha natin dito sa 12T lalo na kung ise-set natin sa 108MP mode. Kahit i-zoom pa natin ang photo nitong 108MP, malinaw pa din at usable pa din. Meron lang akong isang bagay na gustong ma-improve dito sa 12T, yan ay ang color reproduction. Kasi medyo mataas talaga ang contrast at parang kulang sa saturation. Pagdating naman sa low light condition, napaka-effective ng night mode kasi mas naging sharp at mas naging detailed ang mga photo. Kahit ang selfie camera ay okay na okay din ang quality kahit na low light ang condition. 

Pagdating sa video, 4K 30fps ang inakasagad. At dahil may OIS, stable naman siya by default.

BATTERY

Meron itong 5000mAh battery capacity na capable sa 120W fast charging. According sa Xiaomi, 19 minutes lang ang kailangan para ma-fully charged itong 12T. Pero gumawa pa din ako ng sarili kong test. Kapag naka 120Hz, nakakuha tayo ng 11 hours & 37 minutes pero 14 hours and 36 minutes naman kapag naka-60Hz. Again, impressive ang mga SOT na nakuha natin! Sa charging time naman, sa 19-100%, 22 minutes ang inabot sa akin. So baka hindi naka-19% ang battery level nung mag-start ang Xiaomi sa kanilang charging test. Pero alinman jan, napakabilis pa din ng charging time considering na 5000mAh ang capacity natin.

Kung meron ka pang tanong sa phone na ito, pwede mong i-comment sa baba.

About Author

sulittechreviews

See author's posts

Post navigation

Previous: Safe Ba Ang 180W Thunder Charge ng Infinix ZERO ULTRA?
Next: Tecno Pova 4 Pro – Bibili Ka Ba Neto?

Related Stories

vivo V60 Lite Beauty Shot
  • Phones
  • Tech Blog
  • vivo

vivo V60 Lite – MATIBAY NA, MATAGAL PA MA-LOWBATT!

sulittechreviews November 11, 2025
Infinix GT 30 Conclusion
  • Infinix
  • Phones
  • Tech Blog

Infinix GT 30 – PREMIUM GAMING EXPERIENCE?!

sulittechreviews October 31, 2025
BenQ MA320U
  • BenQ
  • Other Tech
  • Tech Blog

BenQ MA320U 4K Monitor – SAKTO PARA SA MACBOOK MO!

sulittechreviews October 30, 2025
vivo V60 Lite Beauty Shot
Phones Tech Blog vivo

vivo V60 Lite – MATIBAY NA, MATAGAL PA MA-LOWBATT!

sulittechreviews
November 11, 2025 0
Infinix GT 30 Conclusion
Infinix Phones Tech Blog

Infinix GT 30 – PREMIUM GAMING EXPERIENCE?!

sulittechreviews
October 31, 2025 0
BenQ MA320U
BenQ Other Tech Tech Blog

BenQ MA320U 4K Monitor – SAKTO PARA SA MACBOOK MO!

sulittechreviews
October 30, 2025 0
OnePlus Pad 3 Beauty Shot
OnePlus Tablets Tech Blog

OnePlus Pad 3 – ANG PINAKASULIT NA ANDROID TABLET NGAYON??

sulittechreviews
October 30, 2025 0

Recent Posts

  • vivo V60 Lite – MATIBAY NA, MATAGAL PA MA-LOWBATT!
  • Infinix GT 30 – PREMIUM GAMING EXPERIENCE?!
  • BenQ MA320U 4K Monitor – SAKTO PARA SA MACBOOK MO!
  • OnePlus Nord 5 – AFFORDABLE FLAGSHIP KILLER! GOOD DEAL NA ‘TO!
  • Nothing Phone (3) – PASADO BA TALAGA AS “FLAGSHIP”? MAGANDA BA ANG BAGONG “GLYPH INTERFACE”?
Copyright © All rights reserved. | MoreNews by AF themes.