Top 10 Phones na Best in Battery!
Battery Capacity
Software Support


Welcome sa Part 2 natin ng Top 10 Phones na Best in Battery Performance ngayong second half ng 2025. Yung first part ay na-release ko nung June 2025. Yung kasama na mga phone sa list na iyon ay na-review ko from January to June 2025. Sa second list na to, yung mga kasamang phone sa list ay na-review ko naman from June 2025 to December 2025. Pumili lang ako ng 10 na may pinakamagandang SOT. Isasama ko na rin sa bawat list ‘yung longevity nung bawat phone. If ever man na i-consider niyo ngayong 2026 yung isa sa mga phones na nandito sa list natin. At least malalaman ninyo kung hanggang kailan niyo magagamit yung phone.
#10 – POCO F7 Ultra

Ang price nito as of writing this article ay Php36,999. Yan ay 12+256GB na. Meron itong 5,300mAh capacity, 120W fast charging, at 50W wireless charging. More than 15 hours yung nakuhang Screen On Time sa POCO F7 Ultra. 15 hours and 49 minutes, 16 hours na. Hindi lang ‘yan kasi itong POCO F7 Ultra ay makakatanggap ng hanggang Android 19 Major Android Upgrade. At hanggang 6 Years Security Patches. Not bad para sa isang flagship killer na phone.


#9 – Nothing Phone 3a Lite

As of writing this article, ang current price nito ay Php17,390. ‘Yan ay 8+256GB na. Pwede itong bilhin mismo sa Digital Walker na website. Sila yung official distributor ng mga Nothing Phones dito sa Philippines.


Itong Nothing Phone 3a Lite ay merong 5000mAh capacity, 33W charging speed at 5W reverse charging. Medyo malayo-layo yung nakuhang Screen On Time nitong Nothing Phone 3a Lite. Nakakuha ito ng 17 hours and 8 minutes. Mas mababa lang ng isang Major Android Upgrade na matatanggap nito compared sa POCO F7 Ultra. Itong Nothing Phone 3a Lite ay hanggang Android 18 lang. Pero anim na taon din ‘yung security patches na matatanggap nito.
#8 – Nothing Phone 3

As of writing this article, ang current price nito ay Php44,949. 12+256GB na yung configuration na yan. Pero pwede namang piliin yung pinakamataas na variant na 16+512GB. Ito namang Nothing Phone 3 ay mayroong 5150mAh capacity at 65W charging speed. Mayroon pa itong 15W wireless charging, 5W reverse wireless charging, at 7.5W na reverse wired charging. Pagdating sa charging features, kumpleto itong Nothing Phone 3. Ang nakuhang Screen On Time nito nung ni-review ko ay 17 hours and 44 minutes, almost 18 hours na. So far, ito ‘yung may pinakamataas na Major Android Upgrade na mare-receive. Aabot ‘to ng Android 20 at hanggang 7 Years Security Patches naman ‘yung mare-receive nito.


#7 – POCO F7

As of writing this article, ang current price nito ay Php25,999. 12+256GB na rin yan kapag binili natin. Ang capacity naman nito ay 6500mAh, 90W charging speed, at 22.5W reverse wired charging. Almost 18 hours na rin yung nakuhang SOT nito, 17 hours and 53 minutes. Medyo malapit na malapit na tayo sa 20 hours na mark. Ang matatanggap naman nitong POCO F7 na Major Android Upgrade ay hanggang Android 19. At 6 Years Security Patches. Spoiler lang, hindi yan yung huling POCO sa list na ito.


#6 – vivo V60 5G

As of writing this article, ang current price nito ay Php28,999 para sa 12+256GB. Ang battery capacity naman nitong vivo V60 ay 6500mAh at 90W naman ‘yung charging speed. At kung maalala ninyo, sobrang nagustuhan ko talaga ‘tong phone na ‘to. Maliban sa malaki ‘yung battery capacity nito, ang laki talaga ng SOT na nakuha nito. Maliban diyan, matagal ‘yung software support nito. ‘Yung Screen On Time na nakuha nitong vivo V60 nung ni-review ko ay 22 hours and 3 minutes. Sobrang layo na sa 7th place. Hindi lang ‘yan, hanggang Android 19 ‘yung mare-receive nito na Major Android Upgrade at 6 Years Security Patches. Ang tagal natin talagang magagamit.


#5 – vivo Y21d

As of writing this article, ang current price naman nito ay Php8,999 para sa 6+256GB. 6500mAh din ‘yung capacity nito at 44W ‘yung charging speed. Isipin niyo na para sa isang entry level phone na less than Php9,000, ang laki na nung battery capacity, ang laki na nung storage, at ang bilis pa nung charging. Ang SOT na nakuha nito ay 22 hours and 29 minutes, almost 23 hours na. Ang mare-receive naman na Major Android Upgrade nito ay hanggang Android 17. Para sa isang entry level phone, impressive ‘yan. Makakatanggap itong vivo Y21d ng hanggang tatlong taon na security patches.


#4 – vivo V60 Lite 4G

As of writing this article, ang current price nitong V60 Lite 4G ay Php14,999 para sa 8+256GB. Ang capacity naman nito ay 6500mAh at 90W ‘yung charging speed. Kagaya sa naunang V60, nabilib din ako sa phone na ‘to kasi ang nakuha nitong SOT ay 22 hours and 48 minutes. Matindi talaga. Tapos hanggang Android 19 na yung mare-receive nito na Major Android Upgrade at 6 Years Security Patches.


#3 – vivo X300 Pro

Kaka-review ko lang nito at ang current price nito ay Php77,999 para sa 16+512GB. Kung maalala ninyo, ito ‘yung dineclare ko na phone of the year ko. Ang battery capacity naman nitong X300 Pro ay 6510mAh, 90W charging speed, at meron pa itong 40W wireless charging. Ang Screen On Time na nakuha nito ay 23 hours and 15 minutes. Isa to sa may pinakamatagal na software support sa list. Matatanggap nito ay hanggang Android 21 at 7 Years Security Patches. Ganon katindi itong X300 Pro pero nakaka-sad na nasa Top 3 lang ito.


#2 – POCO F8 Ultra

As of writing this article, Php41,999 ang current price nito para sa 12+256GB. Ang battery capacity naman nitong POCO F8 Ultra ay mas maliit lang ng kaunti sa X300 Pro. 6500mAh, 100W charging speed, 50W wireless charging, at 22.5W reverse charging. Ang Screen On Time na nakuha nito ay hindi masyadong malayo sa X300 Pro pero may lamang, 23 hours and 21 minutes. Aabot naman ng hanggang Android 20 yung mare-receive nito na Major Android Upgrade at 6 Years Security Patches.


#1 – OnePlus 15

Ang current price nito ay Php49,940 para sa 12+256GB. Again, kagaya ng mga Nothing Phone, pwede niyong puntahan yung Digital Walker website or kahit anong physical stores ng Digital Walker. Sila ang official distributor nito sa Philippines. Ang battery capacity naman nitong OnePlus 15 ay 7300mAh, capable sa 120W charging speed, 50W wireless charging, 10W reverse wireless charging, at 5W reverse wired charging. Itong OnePlus 15 so far ang may pinakamalaking battery capacity sa list na ito. Kumpleto din iyung charging features nito. Ang SOT na nakuha nito ay 26 hours 27 minutes. Ganun katindi to. Pagdating naman sa software support, aabot to ng Android 20 at 6 Years Security Patches na matatanggap.



At yan yung ating Top 10 Phones na Best in Battery Performance para sa second half ng 2025. Magagamit ninyo ‘yung sinabi ko na mga software support na mare-receive ng bawat phone sa list. Para if ever na gusto niyo i-consider ngayong 2026, meron kayong peace of mind kung hanggang kailan yung lifespan nito pagdating sa software.
Ano iyung takeaway points natin dito sa list na nagawa natin? Una sa lahat, ang natutunan ko dito sa buong 2025. Pagdating sa battery performance ng mga phone, number one, mataas na talaga yung mga battery capacity ng mga phone ngayong 2025. At lalo na ngayong 2026. Umaabot na ng 6500mAh or minimum 6000mAh sa mga midrange hanggang entry level phones. Kahit entry level phone man yan ay dapat at least 6000mAh or lampas pa. Ang pangalawang natutunan ko ay dapat talaga mahaba yung software support ng phone na bibilhin natin. Kagaya sa nasabi ko palagi, yan yung lifespan ng ating phone.
Huwag lang kayong titingin sa chipset. Mahalaga ‘yun pero hindi lang po ‘yun yung dapat na tinitingnan ninyo. Tingnan niyo din yung ibang aspect kasi baka nabubulagan na kayo masyado ng chipset. Hindi niyo na nakita kung gaano katagal yung software support nung phone na binili ninyo. Maganda nga yung chipset pero hanggang isang taon lang naman yung mare-receive na software support non. Sayang din yung pera ninyo. I-balance niyo lang. Maganda at mataas ‘yung battery capacity, okay yung chipset, at matagal ‘yung software support.