vivo V60 Lite
Snapdragon685
LPDDR4X
6500mAh
90W Wired

| DESIGN | IP65 – Dust & Water Resistant MIL-STD-810H Nano SIM + Nano SIM 194g + 7.69mm Plastic Back In-display fingerprint scanner |
| DISPLAY | 6.7″ AMOLED 120Hz FHD+ 1800 nits max brightness |
| PERFORMANCE | Android 15 Funtouch OS 15 4 Major Android Upgrades 6 Years Security Patches Snapdragon 685 LPDDR4X RAM UFS 2.2 Storage 8+256GB |
| CAMERA | 50MP f/1.79 OIS Main 8MP f/2.2 Ultrawide Max video: 1080p 30FPS 32MP f/2.45 Selfie Max video: 1080p 30FPS |
| BATTERY | 6500mAh 90W Wired |





Ganun pa rin naman yung color scheme ng box nitong vivo V60 Lite. Kagaya ng mga previous V-series na na-unbox sa channel. Nandito yung color Pink na vivo V60. Pero if ever na ayaw niyo ng color Pink, meron naman Blue at Black. Pag-open ng box, ang unang makikita ay yung mismong phone. Usually, hindi natin pinipili yung ganitong kulay pero napakaelegante ng itsura. Matte finish pa yung likod. Hindi kapitin ng smudges at ng fingerprints. Napakalinis tingnan kahit na hindi tayo mag-case. Hindi ko nire-recommend na huwag kayong mag-case. ‘Yung ibang laman ng box ay jelly case. Medyo makapal-kapal ‘yung jelly case sa vivo V60 Lite kaya well protected ito. May additional pang protection sa camera module. Sunod ang documentations, charging brick FlashCharge 90W na USB-A yung port, USB cable plus ‘yung SIM ejector pin.







Maliban sa magandang design nitong V60 Lite ay meron itong IP65 na protection. Dust tight at water resistant ito. Hindi agad-agad papasukin ng alikabok at ng tubig. Meron pa ‘tong MIL-STD-810H na certification. Kahit na mabagsak ay hindi ‘to agad-agad masisira. Hindi kagaya ng ibang mga phones. Sa taas ng phone makikita ‘yung secondary speaker tsaka secondary microphone. At sa may right side, makikita ‘yung volume up and down buttons. Pati na rin ‘yung power lock button. Sa may left side ay malinis na malinis. Sa may ilalim yung SIM tray, main microphone, main speaker, at USB-C port. Dual nano SIM lang yung pwedeng ilagay sa SIM tray ng V60 Lite. Wala tayong micro-SD card slot. Ang tanging solusyon para ma-expand yung memory from 256GB ay cloud storage.
Sa harap yung punch-hole selfie camera. Good news kasi yung bezels ay proportion. Ang chin, forehead, at yung dalawang gilid ay pantay na pantay. Ang nipis ng bezels nito. Talagang ang premium ng itsura. Mula sa likod hanggang sa harap. Napaka-premium nitong V60 light. Mayroong pre-installed screen protector. Hindi na kailangan bumalik agad-agad.
‘Yung fingerprint scanner ay in-display. Hindi naman ako na-disappoint kasi mabilis ito. Make sure lang na maganda ‘yung pagkaka-register sa fingerprint upon setup. Pwede naman doblehin kung sakali. Reliable naman yung fingerprint scanner. Ang maganda pa sa V60 Lite ay stereo speakers ito. Merong 400% na audio boost yung volume nito. Kapag tinodo, pwedeng lumakas pa lalo compared sa ibang mga phones na walang ganitong audio boost. At sa experience ko, malakas talaga at hindi ako nabitin sa max volume nitong V60 Lite. Plus, maganda rin yung tunog kasi nga stereo speakers.

Konting information lang tungkol sa BlueVolt technology ng vivo pagdating sa battery. Napakalaki nung capacity pero napanatili ng vivo na manipis iyung form factor nitong V60 Lite. Kagaya nung ibang mga V series na na-review natin, hindi ako na-disappoint sa SOT na nakuha ko sa V60 Lite. Sobrang ganda ng SOT. Almost 23 hours na. Talagang hindi tayo mabibitin pagdating sa battery performance nitong V60 Lite. Kahit maghapon gamitin, naka-data pa tayo, hindi to agad-agad malo-lowba. At baka at the end of the day, pag-uwi natin ng bahay, meron pang 30% to 40% remaining.

Sa charging, 15% to 100% ay 1 hour and 39 seconds ko lang na-charge itong phone na to. Mabilis para sa 6,500mAh na capacity. At isa yan sa mga number one reason kung bakit mare-recommend ko itong phone na ‘to. Lalo na dun sa mga naghahanap ng hindi lang basta magandang phone pagdating sa itsura at display. Yung battery ay napaka-reliable. Para dun sa mga ayaw mag-charge palagi. Gusto na lang kalimutan yung pag-charge sa phone. Mare-recommend ko yung V60 Lite. Isang charge lang ay tatagal na to sa atin ng siguro, 1.5 days or hanggang 2 days pa nga.

Yung 8GB physical RAM ay pwedeng ma-extend hanggang 16GB. Meron itong extended RAM na up to 8GB. Napakatagal ng software support na ibibigay ng vivo. Aabot ito ng 4 Major Android Upgrades. Aabot to hanggang Android 19. Meron pa itong 6 Years Security Patches. Ang tagal niyong magagamit yung phone at hindi niyo palaging icha-charge. Hindi magde-deteriorate agad yung battery health. Kapag gagamitin ‘yung extended RAM or virtual RAM, medyo babagal ito ng kaunti. Ang Antutu score kapag naka-on yung extended RAM, 495089. Nung in-off ko ay tumaas yung score, naging 505408. Kung hindi niyo naman kailangan talaga ng up to 16GB na RAM, okay na ‘yung 8GB. Mas magiging maganda ‘yung performance ng phone. Isa pang proof na talagang maganda yung battery performance ng vivo V60 Lite. Kahit mabigat yung patakbuhing apps. After ng Wild Life Stress Test, walang nabawas sa battery at nadagdagan lang ng 7°C sa temperature.




Itong vivo V60 Lite 4G ay hindi for gaming. Sa Asphalt 9 Unite, walang kahit anong obvious na frame drops or hiccups na magfi-feel. Actually, nakasagad yung graphics. Hindi lang talaga na-generate lahat pero kayang-kaya nitp yung mga casual game. Again, hindi ito for gaming pero kaya naman.


Hindi sinabi ng vivo kung ano yung color coverage nitong V60 Lite. Pero sa mata ko, maganda yung color reproduction. Napaka-accurate naman at mage-enjoy tayo pagdating sa panonood ng movies or TV series. Speaking of streaming, sa Netflix application ay Level 1 yung Widevine Security. Makakapag-play ng Full HD contents. Sa display settings, meron itong screen colors kung gusto nating timplahin ‘yung kulay nung display. Merong Standard, Professional, at Bright. Plus, pwedeng ma-adjust yung color temperature or white balance. Meron din itong screen refresh rate options. Merong Smart Switch, Standard, at High. Para palaging 120Hz ‘yung naaabot ng refresh rate ng display, i-set lang to High. Huwag mag-alala kasi kahit naka-High, bababa ito ng kusa to 60Hz kung kinakailangan. Pero kapag naka-Smart Switch, ang default nito ay 90Hz. Mapupunta lang ng 120Hz kung hinihiling nung application.




Ito ang mga sample photos screenshot:




Ito ang sample video screenshot:

Verdict

Ayan na lahat ang mga gusto kong i-share tungkol sa vivo V60 Lite 4G. Kung kayo ang tatanungin ay okay ba sa inyo ‘tong phone? Sobrang ganda ng battery performance. Sa isang charge ay tatagal ng mahigit isang araw ng tuloy-tuloy na paggamit. Siguradong hindi agad-agad masisira or bababa ‘yung battery health. Magtatagal yung battery ng phone na ‘to. 4 Major Android upgrades plus 6 Years Security Patches. Sobrang tagal ng software support na ibibigay ng vivo. Hindi man sobrang bilis ng performance ng phone pero dahil matagal yung software support. Asahan niyo na magi-improve ‘yung performance.
May OriginOS na paparating sa mga V series. Kasama ‘yung V60 light sa makakatanggap niyan. Talagang mas gagaan pa at mas magiging snappy ‘yung feels nung performance. Para sa akin, sulit ito para sa presyo kasi matagal natin talaga mangagamit. Meron pa palang V60 Lite pero 5G version at naka-Dimensity 6300 na yun. Naka-focus yun sa gaming. Abangan niyo rin yun kasi gagamitin ko rin. Abangan niyo iyung full review non para makita natin yung difference ng 5G tsaka 4G version. At kung yun ba talaga yung phone na mas bagay sa inyo.