Skip to content

Sulit Tech Reviews

Samu't-saring Unboxing and Reviews

Lazada Philippines

Follow Me

  • Youtube
  • Facebook
  • Instagram
  • Twitter
Primary Menu
  • Home
  • Press Release
  • Tech Blog
    • Phones
    • Tablets
    • Laptops
    • Other Tech
  • Contact
  • Youtube
  • Facebook
  • Instagram
  • Twitter
  • Home
  • Tech Blog
  • CHUWI AuBox – INIWAN KO APPLE MAC MINI KO DAHIL DITO…
  • CHUWI
  • Other Tech
  • Tech Blog

CHUWI AuBox – INIWAN KO APPLE MAC MINI KO DAHIL DITO…

Buksan natin ito para makita yung upgrade options nitong AuBox. Medyo malalim yung turnilyo. Mapipilitan tayong tanggalin yung mga rub...
sulittechreviews October 27, 2025

Mini PC ng CHUWI yung pag-uusapan natin. Ito yung AuBox. Mukha itong Mac Mini pero hindi kasing liit ng bagong Mac Mini. Hindi rin naman kasing laki ng lumang Mac Mini. For context, yung ginagamit kong PC ngayon ay Mac Mini M1. 2020 pa yun. Almost 5 years old na iyung Mac Mini na model na ginagamit ko. Mas maliit pa rin to compared doon. Gusto rin natin tingnan, kung malayo ba yung difference ng Mini PC ng CHUWI sa Mac Mini na ginagamit ko ngayon. Kung sakali na mas maganda yung performance. Kapag tiningnan natin yung benchmarks mamaya ay ito na yung gagamitin ko. Magpapalit muna ako at babalik sa Windows OS. Ang isa sa mga advantage ng design nitong AuBox ay sa gilid may mga ports. Sa likod ay napakadami ring ports.

Price

Isang configuration lang yung pwedeng mapili, 16/512GB. As of writing this article, ang presyo nito ay Php27,999. Nasa baba ang link para ma-check mo ang updated pricing.

Unboxing

‘Yung laman ng box nitong CHUWI AuBox, maliban sa mini PC ay mayroong documentations. Meron din itong 120W DC power adapter at mounting bracket.

Quick Specs

Specification:

Design

Sa may likod ay meron itong isang USB-C 4.0 port. Pwedeng data at display. Merong dalawang USB-A 2.0, isang HDMI 2.1, isang display port 1.4, dalawang 2.5G Ethernet port, TC port, at headphone jack. Sa may gilid ay mayrong isa pang full featured USB-C na pwede rin sa data at display. Mayroong dalawang USB-A 3.2 at lock. Sa harap, makikita ang sticker ng AMD Ryzen 7 at power button. In total, pwedeng mag-connect sa AuBox ng apat na 4K 144Hz na monitors. Ganon katindi itong mini PC.

Buksan natin ito para makita yung upgrade options nitong AuBox. Medyo malalim yung turnilyo. Mapipilitan tayong tanggalin yung mga rubber feet sa ilalim para maabot ng screwdriver yung turnilyo. Pagkatanggal sa apat na turnilyo, tiyagain lang na i-remove yung chassi kasi medyo sumasabit sa mga ports. Pag na-open na, makikita yung mga slots for upgrades. Halimbawa, may isa pa itong PCIe port para sa SSD. Dalawang SSD ‘yung pwedeng ilagay. 1TB each ‘yung maximum na pwedeng ilagay sa bawat slot. ‘Yung RAM ay may isa pang available na slot para ma-utilize yung dual channel memory. Bawat isang slot ay pwedeng humawak ng 32GB DDR5 RAM.

Benchmarks

Tingnan natin yung mga Geekbench score nitong AuBox before i-upgrade. Maglalagay ako mamaya ng isa pang 16GB DDR5 5600MHz na RAM. Titingnan natin yung difference. Out of the box na performance muna tayo. Sa Geekbench Single-Core Score, nakakuha ito ng 2445. Sa Multi-Core Score naman ay 9821. Napaka-decent ng mga scores na nakuha. Talagang capable na capable na to sa maraming task sa ngayon. Sa GPU, nakakuha ito ng 24503. Napakaganda ng score na yan.

Naglagay ako rito ng 16GB DDR5 5600MHz na additional RAM. Naglagay na rin ako ng additional na 1 TB SSD. Ang mga scores after mag-upgrade, sa Single-Core Score ay hindi masyadong malaki yung ini-jump. Naging 2495 yung score. Sa Multi-Core Score naman ay malaki yung improvement, naging 12794 na yung score. Sa GPU ay malaki din yung na-improve, 29138. Malaki-laki ‘yung mga improvements.

And for context, ang score ng Apple M1 chip sa Mac Mini na ginagamit ko. Sa Single-Core Score, nakakuha ito ng 2396, Multi-Core score na 8674, at sa GPU na 21735. Base sa mga score na ‘yan ay talagang iwan na iwan na ‘yung Mac Mini M1 ko. Kaya babalik muna ako sa Windows gamit itong CHUWI AuBox.

At kahit sa Forza Horizon Benchmark. May significant improvements din ito before and after nung upgrade. Before mag-upgrade, yung na-achieve na fps ay 48. Which is not bad pa rin at very playable na yan. Nung nag-upgrade na, nakakuha ito ng 78fps. Ang laki talaga ng improvement. Nag-benchmark mode na rin ako at ini-set ko naman sa high setting. Yung kanina ay parehas naka-medium. Napaka-decent pa rin ng lumabas na result. 74fps pa rin yung nakuha sa high graphic setting.

Gaming

Sa Forza Horizon, naka-high setting ito at naga-average ng 60fps to 65fps. Sa Dirt 5, high setting pa rin. Nag-average naman ito ng 30fps to 35fps. Sa Stray, naka-high setting pa rin ito. Nakaka-40fps to 41fps ito.

Conclusion

Based dun sa mga Benchmark score sa Geekbench, Horizon Benchmark, at sa gameplay sa CHUWI AuBox. Masasabi ko na talagang very capable itong mini PC na to. Ang laki pa nung upgrade na pwedeng gawin. Uulitin ko, up to 64GB RAM DDR5 yung pwede nitong i-handle. Tapos, up to 2TB in total na SSD yung kaya din nitong i-handle. Ang laki nung upgrade option na pwedeng gawin sa AuBox. Magsu-switch muna ako rito. Iwanan ko muna yung Mac M1 ko. I-update ko kayo sa Facebook at siguro sa TikTok. Ta-try ko kung kumusta yung longterm na paggamit sa mini PC na to.

Kung gusto nyo bumili nito, click niyo lang ang link na ito:
CHUWI: https://bit.ly/45xpc8W
Discount Code: SULITAUBOX (15% discount
Para naman sa video ng review ko, pede niyo panoorin dito:

About Author

sulittechreviews

See author's posts

Post navigation

Previous: TECNO Slim – MANIPIS NGA, MATIBAY BA?! | Sulit Tech Reviews
Next: ITO NA BA ANG PERFECT TV? (TCL C7K Premium 4K QD-Mini LED)

Related Stories

vivo V60 Lite Beauty Shot
  • Phones
  • Tech Blog
  • vivo

vivo V60 Lite – MATIBAY NA, MATAGAL PA MA-LOWBATT!

sulittechreviews November 11, 2025
Infinix GT 30 Conclusion
  • Infinix
  • Phones
  • Tech Blog

Infinix GT 30 – PREMIUM GAMING EXPERIENCE?!

sulittechreviews October 31, 2025
BenQ MA320U
  • BenQ
  • Other Tech
  • Tech Blog

BenQ MA320U 4K Monitor – SAKTO PARA SA MACBOOK MO!

sulittechreviews October 30, 2025
vivo V60 Lite Beauty Shot
Phones Tech Blog vivo

vivo V60 Lite – MATIBAY NA, MATAGAL PA MA-LOWBATT!

sulittechreviews
November 11, 2025 0
Infinix GT 30 Conclusion
Infinix Phones Tech Blog

Infinix GT 30 – PREMIUM GAMING EXPERIENCE?!

sulittechreviews
October 31, 2025 0
BenQ MA320U
BenQ Other Tech Tech Blog

BenQ MA320U 4K Monitor – SAKTO PARA SA MACBOOK MO!

sulittechreviews
October 30, 2025 0
OnePlus Pad 3 Beauty Shot
OnePlus Tablets Tech Blog

OnePlus Pad 3 – ANG PINAKASULIT NA ANDROID TABLET NGAYON??

sulittechreviews
October 30, 2025 0

Recent Posts

  • vivo V60 Lite – MATIBAY NA, MATAGAL PA MA-LOWBATT!
  • Infinix GT 30 – PREMIUM GAMING EXPERIENCE?!
  • BenQ MA320U 4K Monitor – SAKTO PARA SA MACBOOK MO!
  • OnePlus Nord 5 – AFFORDABLE FLAGSHIP KILLER! GOOD DEAL NA ‘TO!
  • Nothing Phone (3) – PASADO BA TALAGA AS “FLAGSHIP”? MAGANDA BA ANG BAGONG “GLYPH INTERFACE”?
Copyright © All rights reserved. | MoreNews by AF themes.