Kung humahanap ka ng gaming device na mas malaki ng kaunti sa phone, pero hindi naman kasing laki ng mga tablet sa ngayon. Itong REDMAGIC Astra na siguro yung hinahanap mo. Nasa pagitan ito ng phone at mga typical na tablet size ngayon. 9″ lang ito na tablet.
Price


Available sa dalawang colorway ang REDMAGIC Astra, Eclipse at Starfrost. Nasa baba ang link para ma-check mo ang updated pricing.
Unboxing




Kulay gray yung box nitong Astra at napakasimple lang ng itsura. Mayroong REDMAGIC branding lang at text na Gaming Tablet. Ang ire-review na configuration ay 16/512GB na Eclipse. ‘Yung Astra agad ‘yung makikita pagbukas sa box. Nakaka-excite lalo gamitin nung una kong nahawakan ‘to. Napaka-compact talaga ng form factor. Sa likod ng tablet, meron pa rin itong transparent design na may RGB fan at LED light strip. Sa ilalim ng box ay makikita ‘yung USB-C cable, stickers, and documentations.
Design




Meron pa rin itong parang transparent na design. Pero sa totoo lang, hindi naman talaga transparent. May makikitang chipset at circuit board pero design lang talaga ‘yan. Ang galing pa rin kasi may gaming vibe talaga itong tablet kahit napaka-compact lang. Meron itong RGB fan. Pero magtataka kayo. Sa lahat ng gaming device ng REDMAGIC, ito lang yung may built-in fan pero walang exhaust. Sa teardown ni JerryRigEverything, walang external fans itong REDMAGIC Astra. Yung air na nasa loob ay magci-circulate lang sa loob. Hindi nito ilalabas yung init.


Kapag naka-on yung fan ay may RGB light. May LED strip yung REDMAGIC branding. Pwede yang i-configure. Sa Light Strip Settings, pwedeng baguhin yung kulay. Pwedeng solid color. Meron ding combinations. Dahil walang vents itong Astra, meron itong IP54 na ingress protection. Hindi to papasukin agad-agad ng talsik ng tubig o kaya ng alikabok. Safe na safe itong gamitin kahit outdoor. Ingatan pa rin natin at huwag ilulubog sa tubig. Napakanipis lang din ng tablet na ‘to. 6.9mm to be exact. Magaan lang din at 370g kahit na malaki yung battery capacity.
Magic Key


Sa gilid ay makikita yung volume up and down buttons, mic, at Magic Key. Magic Key na ang tawag at hindi na Game Space Switch. Yung behavior nito ay switch pa rin at hindi button. Sa Settings > Features > Magic Key Pwedeng mamili ng action kapag ginamit itong Magic Key. By default, open and exit ng Game Space itong switch. Pero pwede ring camera, flashlight, voice recorder, face to face translation, at quickly switch sound mode. Yan lang yung mga options ngayon. At least ay pwedeng mabago yung action. Sana sa mga susunod na software updates ay may application na pwedeng mabuksan kapag ginamit ‘tong switch. Sa itaas ang speaker at power lock button na fingerprint scanner na rin. Nakakatuwa na meron itong conventional fingerprint scanner. Usually, yan yung nawawala sa karamihan ng mga Android tablets sa ngayon. Sa ilalim ay merong mic, speakers, at USB-C port.
Display
Specification:

Hindi lang sure kung anong version ng Corning Gorilla Glass yung inilagay. Bili na lang agad ng tempered glass para sa Astra. Pagdating sa quality ng display, masasabi kong sobrang ganda talaga. Wala akong kahit anong issue na nakita. Yung bezels ay manipis at proportioned. Maganda rin ito for media consumption. Lalo na’t hindi nakakangawit hawakan kasi maliban sa maliit ay magaan lang. Sa setting ay mayro’ng tatlong color preset na pwedeng piliin; Colorful, Standard or Soft. Pwedeng i-customize ng kaunti ‘yung color temperature. ‘Yung refresh rate nito ay medyo may complain ako. Tatlo lang yung pagpipilian; Auto, 60Hz, at 165Hz. Sana ay nilagyan na nila ng 90Hz, 120Hz, at 144Hz. Naka-lock sa tatlong option lang ito. At least ay LTPO naman yung inilagay nilang panel. Pwede itong bumaba ng 3Hz.



Pwedeng mabago yung screen resolution nitong tablet. Yung 2.4K resolution nito, para sa akin ay masyadong malaki para sa ganitong size. Kahit 1080p lang sana ay pwede na. Sana may option na piliin yung 1080p resolution. Mas makakatipid pa sa battery. Good news para sa mga gagamit ng tablet na ‘to for media consumption. Level 1 ‘yung Widevine Security at FHD naman yung max playback resolution.
Performance
Specification:

Anong difference ng UFS 4.1 sa inilagay na UFS 4.1 Pro? According sa website ng REDMAGIC, yung UFS 4.1 Pro ay may additional na 3% speed pagdating sa read. 10% naman na additional speed pagdating sa write speed. Malaki-laki yung difference sa 4.1 compared sa 4.1 Pro. Yun nga lang ay wala na naman akong nakitang promise sa website ng REDMAGIC. Kung ilang taon yung magiging software support para sa Astra. Sa virtual RAM, pwedeng i-enable ito at mag-add up to 12GB. Kapag hindi ginamit yung virtual RAM, ang AnTuTu score na nakuha ay 2637714. Kapag ginamit naman ay tumaas at naging 2688602. Kung gusto ninyong gamitin yung virtual RAM, okay ito. Makakadagdag sa performance ng REDMAGIC Astra. Nakakatuwa din yung result ng Wild Life Stress Test sa REDMAGIC Astra. Nabawasan lang ito ng 14% sa battery at nadagdagan lang ng 13°C.




Gaming



Sa gaming ay sinaksak ko ito sa external monitor. Kapag sinaksak ay naka-mirror na ito agad. Sa external monitor bubukas yung Game Space UI or menu. Itong tablet ay pwedeng maging trackpad. Nag-connect na rin ako ng Bluetooth controller. Mukha talagang gaming console itong Astra kapag connected sa external monitor. Sagad ‘yung graphic settings sa lahat ng game na ite-test natin. Sa CarX Drift, nakaka-40fps ito. Stable yan sa buong gameplay. Next naman ay CarX Rally. Supported nito ‘yung high fps gameplay. Kahit sagad din ‘yung graphics ay nakaka-100 plus fps ito.




Sunod naman ay yung Ark Survival. Max fps nito ay 30. Wala pa ring sign ng struggle na mapapansin kahit sagad ulit yung graphics at resolution. Sa Racing Master, umabot ito ng 60fps sa max graphic setting. 60fps din sa CarX Street sa sagad na setting. After ng 25 minutes na tuloy-tuloy na gaming sa external monitor. Wala akong napansin at nakapa na alarming heat sa Astra.
Battery
Specification:

Nakakabilib lang kasi sa nipis ng tablet ay napagkasya nila ‘yung ganoon kalaking battery capacity. Ang unang SOT ay 6 hours and 5 minutes. Medyo nalulungkot ako sa totoo lang. ang ine-expect ko ay at least 10 hours or 11 hours of screen on time. Hindi ko masasabi na goods itong 6 hours and 5 minutes na SOT. Sana sa mga susunod na software updates ay ma-improve pa ‘to ng REDMAGIC. Kapag naman naka-fix to 60Hz yung refresh rate. Tumaas naman at naging 6 hours 47 minutes. Mababa pa rin yan para sa akin lalo na para sa isang tablet. Pero napansin ko naman, kung typical usage lang like social media or YouTube. Hindi naman ganon kabilis bumaba ‘yung battery. Hindi pa rin ito ganon katipid compared sa ibang mga tablet or phones.


Camera
Ito ang sample video screenshot:

1080p video recording ang selfie camera nitong REDMAGIC Astra. Maganda ‘yung placement ng camera kasi nasa gitna. Hindi awkward ‘yung pagtingin-tingin natin sa camera tapos sa display. 9MP yung camera nito sa harap. Sa likod naman ay 13MP. Enough naman para sa pag-scan ng mga documents or sa pag-scan ng QR code.
Conclusion

Yun na lahat yung mga gusto kong i-share tungkol sa REDMAGIC Astra. Overall, nagustuhan ko ito. Para sa akin ay sapat na sapat lang. Saktong-sakto lang ‘yung presyo na ibinigay ng REDMAGIC para sa Astra. May kamahalan ito. Pero para sa isang gaming tablet na ganito yung size, performance, at display ay okay na okay na yun. Yung isang main complaint ko sa tablet na to ay yung battery consumption. Sana ma-improve pa yan ng REDMAGIC sa mga susunod na software updates. Sana mababaan din yung resolution. Pero overall, okay na okay sa akin. Wala akong masabi na magiging dealbreaker para sa pagbili natin.
Kung gusto niyo bumili nito, click niyo lang ang link na ito:
Lazada – https://invl.me/clmuubd
Para naman sa video ng review ko, pede niyo panoorin dito: