
TV yung pag-uusapan natin. Kung nagpaplano ka mag-upgrade papunta sa isang mas premium na TV. Itong TCL C7K Premium 4K QD-Mini LED TV yung isa sa mga dapat mong i-consider. Ie-explain ko kung bakit. Napakadami at siksik sa bagong technology at features ang TV na ‘to. Kaya sisikapin ko na i-explain sa mas simple na paraan yung mga features ng TV. Para maging deciding factor natin. Kung sakali man na mabitin kayo sa ilang mga information, nasa baba ang link ng website ng TCL. At kung sakali na gusto mo nang orderin, nasa baba rin ang link.
Display


Pag-usapan natin itong QD-Mini LED technology. Kung hindi tayo familiar sa QD LED, pinagsama po itong QLED, OLED, at mini LED technology. Unang-una, familiar tayong lahat sa OLED technology or OLED panel. Kadalasan ay nakikita yan sa mga phone, tablet, at sa mga laptop. Kapag sinabing OLED, kayang-kayang mag-produce ng brightness at color ‘yung bawat pixel nito. Kapag OLED panel ang ginamit sa isang device, talagang makaka-experience ng magandang viewing angles at deep blacks. Kasi talagang pantay yung bawat pixel kapag black yung makikita sa display. Maganda rin yung contrast. However, pagdating sa brightness, doon medyo makukulangan kapag OLED panel yung ginamit sa isang TV. Kadalasan na mababa ‘yung peak brightness ng isang TV kapag OLED panel ‘yung ginamit.

Diyan naman papasok ngayon ‘yung QLED. Kapag sinabi namang QLED, may backlight yung panel nito kaya mas maganda yung brightness. Mas mataas yung peak brightness. Mas accurate din yung kulay at mas maganda yung visuals. Lalo na kapag HDR content yung ipine-play sa TV. Pero kung ikukumpara ang QLED at OLED. Mas maganda pa rin ‘yung deep blacks ng OLED at contrast ng OLED kumpara sa QLED. Diyan ngayon papasok ang mini LED. Hindi man ito kasing ganda ng OLED panels. Pero mapupunan nito ‘yung kulang sa QLED. Lalo na pagdating sa contrast at black levels.
QD-Mini LED


Kapag pinagsama-sama yung tatlo na yan, yan na ngayon yung makikita sa TCL C7K Premium 4K TV. Meron itong QD-Mini LED technology. Ma-experience dito yung ultra high peak brightness, ultra high contrast, ultra high color accuracy, at ultra long life span. Kaya sobrang taas din ng peak brightness ng TV na to na aabot ng 3000nits. Tinatawag ng TCL yung dimming zones ng TV na to na Precise Dimming Zones kasi aabot ito ng 2048. Para lang mabigyan kayo ng idea, ang maituturing na acceptable amount ng dimming zone sa isang panel o TV ay 500 to 1,000. Imagine, 2048 Local Dimming Zones yung meron sa TCL C7K. ‘Yung diming zones ay malaking bagay. Para kapag mayroong isang object na naka-display na maliwanag. ‘Yun lang yung liliwanag kapag Local Dimming zones yung meron.
Pero kapag Global Dimming Zones ay kadalasang makikita sa mga budget friendly na mga smart TV. Kagaya na rin ng isang TV na ginagamit namin. Halimbawa, merong buwan tapos kailangang liliwanag yung buwan. Yung buong TV namin ang liliwanag kasi Global Dimming Zones yung ginamit na technology. Pero kapag Local Dimming Zones, ‘yung bilog na ‘yun ng buwan lang yung liliwanag. Hindi magkakaroon ng light leaks kapag ganon. Dahil sa 2048 Dimming Zones ng TCL C7K, precise talaga kasi sobrang dami nung amount nito. Kahit na maliwanag ‘yung isang object sa TV, hindi magkakaroon ng ghosting at hindi magkakaroon ng leakage ‘yung liwanag. ‘Yung object lang talaga na yun ang liliwanag. Sobrang big deal talaga nung 2048 Precise Dimming Zones ng TV. Kahit na napakaliwanag ng TV, hindi ito masakit sa mata. Iwas eye fatigue at walang ghosting or halo effect sa mga subject na papanoorin natin.


Capabilities
Meron pa itong additional na Color Accuracy Feature na Bidirectional 23-bit. Dahil sa feature na to, mase-sense ng C7K yung ambient brightness or color temperature ng environment. Para ma-adjust nito yung liwanag at kulay ng TV. Para palaging pleasing sa mata yung mga pinapanood natin. Yan din yung reason kung bakit Dolby Vision IQ certified itong TCL C7K. Sobrang daming feature nito. Mayroon pa itong mataas na refresh rate. May support yung TCL C7K sa 4K 144Hz native refresh rate. Perfect kung meron kang gaming console kagaya na lang ng PS5.


Meron itong HDMI 2.1 port para ma-enable yung mataas na refresh rate na yan. Tapos meron pa itong AIPQ Pro Processor at Game Master feature. Kaya meron itong MEMC or Motion Estimation Motion Compensation. For example, na-detect ng TCL C7K na yung pinapanood natin ay fast moving object. Kaya lang hindi ganon kataas yung FPS nung video na ‘yon. Diyan ngayon papasok yung MEMC. In other words, ico-compensate ng technology na to yung nawalang frame rate sa pinapanood nating video. Mas magiging smooth yung galaw. Maiiwasan yung mga blurry objects or blurry movements sa video na pinapanood natin. If ever man na meron tayong PC or PC yung ico-connect natin. Meron itong AMD FreeSync Premium Pro support. Para maiwasan naman ‘yung ilang artifacts at tearing habang naglalaro tayo.
Performance

Naka-Android 12 TVOS na ito out of the box at meron pang support sa Apple AirPlay. Pwedeng-pwede mag-mirror ng iPhone. Pwede ding mag-cast ng Windows Laptop, PC, o Android device natin. Basically, lahat halos ng devices ay pwedeng i-cast papunta sa TCL C7K. Meron pa itong mga pre-installed apps. Kagaya na lang ng Netflix, YouTube, Disney Plus, Prime Video, Apple TV, HBO Max at marami pang iba. Pwedeng-pwede mag-install ng additional applications dahil meron itong Google Play Store. Meron ding mga live channels sa TCL TV app. Para ma-access natin ang mga international TV shows.




Very familiar naman yung itsura ng remote ng C7K at hindi intimidating gamitin. Meron pa itong napakagandang sound system. Naka-Bang & Olufsen audio system na ito. Plus meron pa itong subwoofers sa likod. Kahit itodo yung volume ay hindi sabog yung sound. And I doubt na magagawa mong itodo yung volume ng TV. 30% pa lang na volume level ay sobrang nalalakasan na ako. Plus may Dolby Atmos support pa ito para mas realistic yung sound ng movies or videos na pinapanood natin.



Design



Sa dami ng tech at features na inilagay ng TCL. Nagawa pa rin nilang gawing ultra slim yung body nitong C7K. Manipis at may cable management. Maganda yung stand dahil nasa gitna at wala sa magkabilang dulo ng TV. Mas madaling i-setup at hindi natin kailangang palitan yung existing nating rack. Kumpleto din yung essential ports nito. Merong dalawang USB-A ports, apat na HDMI ports, at LAN ports. Pwede to sa 5GHz Wi-Fi connection at Bluetooth 5.4 connection.
Conclusion

Kapag bumili kayo ng TCL C7K Premium 4K QD-Mini LED TV ay mayron kang free wall bracket. Mayroon ka pang 2 years na warranty at free shipping pa. Ganun katinda ‘yung promo ng TCL. Parang tip of the iceberg lang yung mga sinabi ko sa article na to. Sa dami ng features at technology na inilagay ng TCL. Marami namang sizes yung TV na ‘to. Marami kayong pagpipilian.
Kung gusto nyo bumili nito, click niyo lang ang link na ito:
Lazada:Â https://invl.me/clmuf5i
Para naman sa video ng review ko, pede niyo panoorin dito: