Price
Isa na siguro ito sa pinakamura at pinakamaliit na Android tablet na pwedeng mabili ngayon. Ito yung TechLife Pad Lite 8″ na as of writing this article ay may presyong Php4,749 lang. Nasa baba ang link kung gusto ninyong tingnan kung hindi na sold out.
Unboxing







As expected, maliit lang yung box kasi nga 8″ lang yung tablet. Pag-open, ang unang bubungad ay yung mismong tablet. Yung nandito ay yung Champagne Gold. Hindi ito talaga Gold in person, parang beige. Ang isa sa kapansin-pansin sa tablet, meron itong bilog na parang sa CMF phone. Pwede itong tanggalin at maglagay ng accessory. Siguradong in the future ay dadami pa yung pwedeng maikabit nito. Pero sa ngayon, ang pwedeng maikabit ay yung kasama sa box na detachable stand. Pwedeng-pwedeng gawing stand kung sakaling manonood tayo. Kapag tiniklop ay flat na flat ito kasi may magnet yung dulo nung stand. Hindi ito disturbing tingnan. Malaking tulong ito dahil wala rin namang kasamang case sa loob ng box. Sunod ang maliit na box na merong SIM ejector. Sa loob yung USB-C to USB-A cable at 10W charging brick na USB-A yung port. Last ang user manual.
Design






Manipis lang ito, 8.55mm to be exact. Hindi ito sobrang nipis pero manipis na para sa isang tablet. Yung audio jack ay nasa kanto. Medyo weird yung placement pero at least meron. Nasa taas yung SIM tray at USB-C port. Kapag magcha-charge ay nasa taas ‘yung cable. Magiging hati ‘yung opinyon natin diyan. May support ito sa LTE. Sa SIM tray, pwedeng maglagay ng dalawang nano SIM o isang nano SIM at isang micro SD card. Sabi ng TechLife, pwedeng maglagay ng up to 1TB of micro SD. Sa ilalim ang dalawang speakers. Stereo speakers ito pero nasa iisang side lang sa may ilalim.
Meron na rin itong pre-installed screen protector. Sobrang fingerprint at smudge magnet ito kaya medyo hazy na yung itsura ng display pag tagal-tagal. Makapal talaga yung bezels nito. Which is para sa akin ay acceptable kasi sobrang mura lang talaga ng tablet na to. May support din ito sa Wi-Fi 2.4GHz at 5GHz connection. Pwede na po para sa presyo yung haptics nito. Hindi sobrang ganda pero hindi ko planong patayin.
Display
Specification:

Hindi nalalayo sa 16×9 yung aspect ratio ng tablet na ‘to. Kapag nag-play ng 16×9, manipis lang yung black bars sa taas at sa baba. Kapag nag-zoom, konting-kunti lang yung nawalang information. Maganda talaga ito for media consumption. Speaking of media consumption, sa Netflix application. Level 1 ‘yung Widevine Security. Makakapag-play ito ng up to FHD resolution. Kahit 720p lang ang resolution, kaya nitong isagad to FHD ‘yung playback ng movie o TV series sa mga streaming services. Napansin ko lang sa tablet, medyo may pagka-bluish talaga ‘yung timpla nung display out of the box. Mabuti na lang ay pwedeng-pwede yang i-customize sa display settings. Sa Colors and Contrast, pwedeng i-adjust yung color temperature kung gusto natin. Meron pa itong adjustment para sa screen refresh rate. Pwedeng Auto, 60Hz, at saka 90Hz.




Sa Test UFO, naka-fix lang talaga ito to 90Hz or 90fps kahit naka-auto ito. Malaki-laking consumption yan sa battery. Sana sa susunod na software updates ay bababa ito to 60Hz kung hindi naman kailangan. However, napakalaking good news niyan para sa ganitong presyo ng Android tablet. Mataas na yung refresh rate na inilagay nila. Kahit maglagay sila ng 60Hz lang na refresh rate ay magiging acceptable pa rin para sa presyo. Napaka-smooth ng animation kapag nagi-scroll dahil dun sa 90Hz na refresh rate. Thumbs up sa TechLife dahil sa addition na yan.

Battery
Pero ang isa sa pinagmamalaki talaga ng TechLife sa kanilang Pad Lite ay yung battery capacity. 6000mAh yung inilagay nila. Sa totoo lang ha, kaya pa nilang maglagay ng 7000mAh. ‘Yung 6000mAh ay sapat na sapat lang para sa akin. Sa mismong SOT, almost 12 hours lang yung nakuhang SOT. Kagaya ng palagi kong sinasabi, ang considered para sa akin na magandang SOT ng Android tablet ay nasa 10 to 12 hours. Yung 8 to 10 ay medyo acceptable pa yan. Pero 12 ay pwedeng-pwede na talaga. Pasok naman ito.

However, sa liit ng tablet na ‘to ay mas maganda siguro kung mas mataas pang SOT yung nakuha. Sana mag-improve pa ‘yan sa mga susunod na software updates. Pero hindi kasi ini-promise ng TechLife kung ilang security patches at Android upgrades yung pwedeng matanggap nito. Sa sobrang mura ng tablet na to ay mahirap ng umasa na makakatanggap nang ganong katagal na software support. Sa charging, 14% to 100% ay 3 hours and 22 minutes ko na-charge yung tablet.
Performance
Specification:

Mayro’n pa itong virtual RAM na up to 4GB. Nilinaw naman ng TechLife sa box pa lang at kahit sa Shopee page, 4GB lang talaga ‘yung physical RAM. Baka lang ma-overlook ng karamihan sa atin. Kasi kapag nag-post sila ay 8+64 GB yung nakalagay tapos may asterisk. Naging 8GB lang dahil sa additional na virtual RAM na up to 4GB. Ang AnTuTu score sa Techlife Pad Lite kapag hindi ginamit yung Memory Fusion, 237393. Kapag ginamit naman ay 241374 na yung score.


Talagang malaking tulong naman yung virtual RAM ng tablet. I suggest na gamitin niyo. Hindi ko sina-suggest na gamitin niyo for gaming itong tablet na to kasi mababa lang talaga yung specs. Pero if ever na maglalaro kayo ng mga casual game, sa Asphalt na kayang-kaya. Wala akong napapansin na malaking frame drops or struggle. Smooth naman ito overall. Pwede ito for casual gaming. Pero yung mabibigat, huwag niyo nang asahan na magpa-perform ng maayos ang Unisoc T606.

Camera
Ito ang sample video screenshot:

Medyo awkward yung placement ng selfie camera. Parang hindi ito meant for landscape video calling. Titingin ako sa display tapos titingin sa gilid. According to setting nung camera app nito, 1080p 30fps yung sagad na pwedeng ma-record which is good. Pero considering the quality, parang hindi 1080p yung quality kasi grainy na ito. Ang dumi na ng quality. Pero kahit na gano’n, para sa presyo ay hindi na ako magrereklamo. Okay na okay na po ‘yan.
Conclusion

‘Yun na lahat ‘yung mga gusto kong i-share tungkol sa napakamurang tablet ng TechLife. At isa na siguro sa pinakamurang decent na Android tablet na pwedeng ma-consider bilhin sa ngayon. Para kanino ba yung tablet na to? Para rin to sa lahat. Ang pino-promote ng TechLife na primarily, ito daw ay design for kids. Para sa akin, kung hindi kayang bantayang mabuti ng parents ang anak nila sa paggamit ng gadget. Walang gadget na pwede sa isang bata. Pero kung kailangan na kailangan talaga at may proper guidance ng parents, why not? Hindi lang talaga to made for kids.
Nakikita kong pwedeng gumamit nito yung mga maliliit na businesses na nagte-take ng orders. Or kaya nagpa-process ng payment sa store nila. Pwedeng-pwede po itong tablet na ito. At kahit sa atin na gusto lang magbasa ng mga web pages, websites, articles, PDF, or ePub ay pwedeng-pwede itong tablet. Dahil napakaliit lang nito, pwedeng-pwede dalhin kahit saan. Napakalaking tulong at kahit secondary phone nga ay pwedeng gamitin. Yes, mare-recommend ko naman ‘to kasi sobrang mura lang tapos expandable pa yung storage.
Kung gusto niyo bumili nito, click niyo lang ang link na ito:
Shopee – https://invl.me/clmu0wh
Para naman sa video ng review ko, pede niyo panoorin dito: