Kung hindi mo pa nababasa yung first article na unboxing ng OnePlus Nord 5. Basahin mo muna yung unboxing, first impressions, at full specs ko sa phone na to. Para mas makapag-decide ka kung ito bang CE5 yung dapat mong bilhin. Or baka yung Nord 5 talaga yung swak para sayo.
Pricing


Isang configuration lang ang meron para sa CE5, 8+256GB for Php19,990. Black Infinity lang yung available na colorway sa Digital Walker. Nasa baba ang link para ma-check mo ang updated pricing.
Unboxing





Same lang naman yung box ng Nord 5 at CE5. Mas makapal lang ng kaunti yung CE5 compared sa box ng Nord 5. Mas makapal din yung documents sleeve. Sa loob ng sleeve ay merong cable na USB-C to USB-A. Hindi kagaya sa Nord 5 na yung cable ay nandon sa pinakailalim ng box. Meron pa rin itong SIM ejector, safety guide, at quick guide. Sunod ang OnePlus CE5 na Black Infinity colorway. Parehas lang na matte yung texture ng dalawang phone na.
Yung camera module sa Nord 5 ay mas mahaba dahil yung flash ay nasa loob ng camera module. Sa CE5 ay inilabas nila kaya medyo may difference. Para mas madali siguro nating ma-identify kung Nord 5 or Nord CE5 ba. Pero the rest ay same na same. Pati yung texture ay parehas na parehas. Mas makapal lang ng kaunti yung Nord 5 compared sa CE5. Wala lang additional key sa may gilid ng CE5.
Design

After setup, balikan muna natin yung design ng phone. Hindi ito kapitin ng smudges. Pero dahil siguro sa Black Infinity yung color nitong phone ay mas halata yung smudges. Hindi man sobrang obvious, kagaya sa mga or glossy phones ngayon pero nakikita pa rin. Maganda talagang magkaroon ng case para sa phone na to. Mas manipis ito compared sa Nord 5. Meron din itong IP65 na rating. Kung matalsikan ng tubig ay walang problema. Kung maalikabukan ay wala ding problema. Pero huwag gagawing action cam kasi hindi nito kakayanin ‘yung paglubog sa tubig.
In-display optical fingerprint scanner din yung ginamit sa Nord CE5. Hindi pa ito ultrasonic at expected naman yun sa ganitong presyuhan ng phone. Sa performance nang haptics, kapag magta-type ay goods din. Kahit na hindi i-off ay mae-enjoy natin. However, may difference ito pagdating sa quality nung vibration compared sa Nord 5. Mas maganda pa rin po yung sa Nord 5 compared sa CE5. Pero pasadong pasado ito para sa presyo. Sa audio, merong 300% na boost itong Nord CE5. Para mas maging malakas at mas ma-enjoy natin yung gaming at media consumption.

Display
Specification:

Maganda talaga ‘yung quality ng display nitong Nord CE5. Kahit na hindi ito kasing mahal ng kuya nitong Nord 5. Maganda pa rin at yung bezels ay almost proportioned. Mas makapalang ng kaunting-kaunti yung chin compared sa forehead. Mas mae-enjoy natin ‘yung media consumption sa display ng Nord CE5. Compared sa ibang mga phones na ganito ‘yung presyo. Good news, ‘yung Widivine Security ay Level 1. Yung max playback resolution nito ay FHD. Mage-enjoy tayo sa mga streaming services. Sa options ng refresh rate, meron itong tatlong pwedeng pagpilian. Auto Select, Standard, or High. Kapag Auto Select, yung OxygenOS na yung magde-decide kung anong screen refresh rate yung bagay sa ginagawa natin. Meron din itong mga Screen Color Modes; Vivid at Natural. Kung gusto pa natin ng mas advance, meron itong Cinematic at Brilliant. Pwede ring ma-adjust yung color temperature.



Performance
Specification:

Hindi kagaya ng Nord 5, itong Nord CE5 ay pwedeng lagyan ng micro SD card up to 1TB. Pwedeng magsalpak ng dalawang nano SIM or isang nano SIM plus isang micro SD card. Meron din itong virtual RAM na up to 8GB. Ang AnTuTu score kapag naka-on yung virtual RAM ay 1392216. Kapag naka-off naman ay 1403178. Nag-improve yung performance nung hindi ginamit yung virtual RAM. Kung hindi naman talaga kailangan, huwag na lang gamitin. Pero kung talagang kailangan, expect niyo na may difference sa performance. At least ay lalaki yung 8GB na physical RAM. Sa Wild Life Stress Test, mas okay yung battery consumption ng Nord CE5. 5% lang yung nabawas sa battery. Medyo malaki yung itinaas nung temperature kasi from 29°C ay umabot ng 46°C. Hinay-hinay pa rin sa Nord CE5 kung magga-games tayo.




Speaking of gaming, kaya nito yung sagad sa Racing Master. Kagaya sa Nord 5 ay sisiw lang din sa Nord CE5 yung Racing Master sa max graphic settings. Walang na-feel na struggle, stutter, o kahit frame drop. Sobrang smooth lang ng gaming. Compared sa Nord 5, sa Nord CE5 ay wala akong na-feel na obvious na pag-init ng likod.


Battery
Itong Nord C5 ay merong 7100mAh battery capacity at 80W charging speed. Nakakabilib na sa ganitong presyo ay hindi pa rin sobrang laki nung compromise pagdating sa specs. Mula sa display, chipset, at sa mismong performance ay wala pang nakikitang malaking pagkakaiba sa Nord 5. Mas malaki pa nga yung battery capacity nito. Kaya expect na mas malaking SOT ang mapipiga sa Nord CE5 compared sa Nord 5. Based sa Wild Life Stress Test, mas maganda yung battery consumption nitong Nord CE5. Meron din itong Bypass Charging. If ever na gusto nating mag-game, mas magandang gamitin ang Bypass Charging. Para hindi agad-agad masira yung battery health nitong phone.
Camera
Specification:

Ito ang mga sample photos screenshots:




Ito ang sample video recording screenshot:

Hanggang 1080p lang iyung sagad na video recording na pwedeng ma-record nito. However, kung pag-uusapan yung quality, pasado pa rin. Basta sapat na sapat yung liwanag ng environment kung saan tayo nagre-record. Goods naman yung quality. Hindi soft ‘yung skin texture ko. Hindi overly exposed kahit may nakatutok na dalawang ilaw. Pero hindi ko pa rin masyadong ma-justify na 1080p lang yung pwedeng i-record sa selfie camera.
Conclusion

Ayan na lahat yung mga gusto kong i-share tungkol sa OnePlus Nord CE5. Sa tingin niyo ba sulit ito para sa presyo at configuration? Alin sa dalawa yung mas gusto ninyo, itong Nord 5 o Nord CE5? Nasa baba ang link para ma-check mo ang updated price sa Digital Walker.
Kung gusto nyo bumili nito, click niyo lang ang link na ito:
Shopee: https://invl.me/clmtvv5
Digital Walker – https://digitalwalker.ph/collections/…
Para naman sa video ng review ko, pede niyo panoorin dito: