Skip to content

Sulit Tech Reviews

Samu't-saring Unboxing and Reviews

Lazada Philippines

Follow Me

  • Youtube
  • Facebook
  • Instagram
  • Twitter
Primary Menu
  • Home
  • Press Release
  • Tech Blog
    • Phones
    • Tablets
    • Laptops
    • Other Tech
  • Contact
  • Youtube
  • Facebook
  • Instagram
  • Twitter
  • Home
  • Tech Blog
  • OnePlus Nord 5 – AFFORDABLE FLAGSHIP KILLER! GOOD DEAL NA ‘TO!
  • OnePlus
  • Phones
  • Tech Blog

OnePlus Nord 5 – AFFORDABLE FLAGSHIP KILLER! GOOD DEAL NA ‘TO!

So far, Ito yung siguro masasabi kong favorite ko ná na design. Napakasimple lang nito. Walang kakaiba pero ang linis talaga. Pa...
sulittechreviews October 30, 2025

May bagong phones ang OnePlus, ito ang Nord 5 at Nord CE5. Unbox natin muna itong Nord 5 at ibibigay ko yung first impressions ko. Pag-uusapan na rin natin yung full specs at presyo. Sa susunod na article naman, CE5 naman yung gusto nating pag-usapan. Abangan kung alin sa dalawang ‘to ‘yung dapat bilhin.

Price

Itong OnePlus Nord 5 ay may dalawang configuration. 8/256GB for Php25,990 pero ang colorway lang niyan ay Phantom Gray. 12/512GB ay Php28,990: Phantom Gray, Dry Ice, Marble Sands yung colorway na pwedeng pagpilian. Mabibili natin itong OnePlus Nord 5 sa kahit anong Digital Walker Stores. Online man ‘yan or physical store. Nasa baba ang link kung gusto mong ma-check ang updated pricing.

Unboxing

May kailangan lang punitin na plastic para ma-open ang box nitong Nord 5. Again, yung nandito ay Dry Ice na 12/512GB na pinakamataas na configuration. Document sleeve agad yung makikita pag-open ng box na merong OnePlus branding. Meron itong SIM ejector, quick guide, at safety guide. Wala itong jelly case. Ang ganda ng kulay nitong Nord 5. Gustong-gusto ko yung kulay nito. Sobrang linis tapos yung texture ay matte. May konting resemblance lang ito sa A56 ng Samsung. Parang ganitong-ganito rin yung design ng likod nuon. Pero grabe ang ganda. Highly recommended ko itong Dry Ice. Sa ilalim ng box ay merong USB-C to USB-A cable. Pero may pre-install naman ito na screen protector.

So far, Ito yung siguro masasabi kong favorite ko ná na design. Napakasimple lang nito. Walang kakaiba pero ang linis talaga. Paulit-ulit ako pero nagustuhan ko talaga. First impression lang sa design nito. Sobrang ganda. Thumbs up talaga sa OnePlus. Ganda ng pagkakagawa nila sa design nitong Nord 5. ‘Yung mga gilid nito ay plastic so hindi ganon ka-premium kung tutuusin. Nabawi lang nila dun sa mismong itsura at kulay. Merong volume up and down buttons at power lock button sa right side. Sa kabila yung tinatawag nila na Plus Key. Sa mga nagdaang OnePlus Nord phones ay meron itong alert slider na kagaya sa iPhone. Ginaya ulit nila yung iPhone. Imbes na slider ay naging button na rin ito.

Design

After setup, nagamit ko na for a couple of hours itong OnePlus Nord 5. Nakakuha ako ng ilang mga data na pwedeng makatulong para makapag-decide kayo. Ito na ba talaga hinahanap ninyong next phone? Unahin nating pag-usapan ulit ay yung design. Gustong-gusto ko talaga yung design ng phone na ‘to. Hindi naman nakaka-istorbo yung pagkaka-protrude nung camera module sa likod. Okay lang para sa akin. Dahil manipis at magaan ay comfortable talaga ito gamitin. Meron pang IP65 na rating itong Nord 5. Matalsikan ng tubig o madala natin sa maalikabok na lugar ay walang problema. Hindi agad-agad papasukin.

Plus Key

Madaming pwedeng gawin sa Plus Key nito. Sa settings, merong dedicated menu yung Plus Key. Maraming pagpilian na action. Pwedeng default na sound and vibration, save to mind space, do not disturb, camera, flashlight, recorder, translate, screenshot, or no action o disable. Nagustuhan ko naman ‘yung sound and vibration. Parang iPhone ‘yung behavior nito. Isang pindot ay magbabago na ‘yung sound profile. Malaking tulong naman. Sana lang sa mga susunod na software updates nitong OnePlus Nord 5, magkaroon ng double press action. Press and hold lang ito para mapagana ‘yung action na napili.

Kailangang tandaan ng mga eSIM user na walang eSIM support itong Nord 5. Kung ito yung gusto nating bilhin na phone para maging daily driver ay medyo mamomorblema tayo. Baka mapilitan tayong mag-switch ulit to physical SIM para lang magamit itong phone. Sa SIM tray nito ay pwedeng maglagay ng micro SD card. Pwedeng maglagay ng dalawang nano SIM pero malalagayan ng micro SD card. Kung kaya ng budget, go for the highest variant na 12/512GB para future proof ‘yung phone. Mage-enjoy kayo sa haptics ng phone, maganda at crispy yung vibration. Parang nagta-tap talaga ng physical keys. Optical in-display fingerprint scanner yung ginamit na biometrics sa Nord 5. Meron pa itong IR Blaster sa may taas.

Display

Specification:

Tungkol sa color reproduction nitong Nord 5, wala akong mako-comment na negative. Maganda talaga yung display nitong OnePlus Nord 5. Mage-enjoy tayo sa panonood ng videos, TV series, at movies. Idagdag pa na napakanipis ng mga bezels nito. Yung punch-hole selfie camera ay hindi rin ganon kakapal yung tine-take na space sa display. Overall, pagdating sa display ay goods na goods. Wala akong reklamo.

Sa display settings ay pwedeng mag-select ng resolution. Pwedeng Auto, ‘yung OxygenOS na ang mag-decide kung anong resolution yung bagay sa phone. Pwedeng i-fix to Standard or 1080p. Kung gusto natin na mas high quality yung image na idi-display, 1272p. Pero sa buong test na ginawa ko sa phone, naka-1080p lang ito. Good to know na pwede nating galawin ‘yung resolution ng phone. Pagdating sa screen refresh rate, tatlo rin ‘yung options na pwedeng piliin. Auto, Standard, at High. Sa pag-test nito ay naka-Auto lang ito. Para sa mga nagne-Netflix, good news kasi Level 1 yung Widevine Security. Ang max playback resolution ay FHD. Meron din itong support sa HDR10 content sa Netflix.

Mas ma-enjoy natin yung media consumption. Huwag masyadong maha-hype dun sa 144Hz na max refresh rate nitong OnePlus Nord 5. Bihirang-bihira pa sa ngayon yung mga apps na pwedeng mag-utilize nung mataas na refresh rate na yan. Kadalasan ay 120Hz lang yung nakikita nating refresh rate sa phone. Sa Chrome browser, naka-90Hz lang ito. Yung kadalasan sa mga game na pinatakbo ko, 60Hz or 60fps na gameplay yung binibigay. Sa ngayon, pampa-hype lang yung 144Hz. Good to know na future proof na itong phone. Darating din naman yung time na maraming apps ‘yung magu-utilize nung mataas na refresh rate na yan.

Performance

Specification:

Matagal-tagal yung software support na maibibigay ng OnePlus para sa Nord 5. ‘Yan din yung isa pang reason kung bakit nire-recommend ko talaga yung highest configuration. Pwede natin itong matagal gamitin. Meron din itong virtual RAM na up to 12GB. Ang AnTuTu score na nakuha kapag ginamit yung virtual RAM ay 1458541. Mataas na yan. Almost 100% ng mga application na gusto nating patakbuhin ay mapapatakbo talaga ng maayos. Medyo bumaba yung AnTuTu score nung hindi na ginamit yung virtual RAM, 1443980. Meron tayong peace of mind, kung gusto nating gamitin ay hindi maapektuhan yung performance.

Battery

Specification:

Sa Wild Life Stress Test, medyo malaki yung nabawas sa battery after nung test, 10%. Medyo malaki-laki rin yung jump sa temperature. Ingat at hinay-hinay pa rin sa paggamit sa phone. Kahit almost lahat ng application ay kayang-kaya nitong patakbuhin. Mas magi-improve pa iyung battery performance at thermals dahil sa mga software updates.

Sa gaming sa Racing Master. Nakasagad yung graphic settings. Sa mismong gameplay, mas mapapatunahin natin na talagang sisiw lang sa OnePlus Nord 5 yung game. Walang nakitang hiccups, walang stutter, wala ring frame drops or kahit anong issue. Napaka-smooth lang. Pero pag tagal-tagal, may mafi-feel talaga kayo na init sa likod pera hindi as alarming as Nothing Phone 3. Kasi ‘yun Phone 3 ay ilang minutes pa lang akong naglalaro, may naramdaman na akong alarming heat. Pero sa Nord 5 ay hindi masyadong alarming. Mabuti na lang ay may bypass charging itong OnePlus Nord 5. Pwedeng yun ang gamitin para hindi madaling mag-init yung phone kapag maglalaro tayo.

Camera

Specification:

Ito ang mga sample photos screenshots:

Ito ang sample video screenshot:

Pwedeng itaas hanggang 4K 60fps ang selfie video recording nito. Pwede pang i-zoom hanggang 2x. Pwedeng i-on yung Ultra Steady Mode. If ever na gusto nating mag-record ng habang naglalakad or nasa sasakyan. Kaya lang ay magda-downscale yung recording to 1080p. Pero maganda yung selfie camera. Kahit i-zoom ay malinaw pa rin. Mrong nakatutok na ilaw pero na-compensate nito ng maayos yung exposure.

Conclusion

Ayan na lahat ‘yung mga gusto kong i-share sa tungkol sa OnePlus Nord 5. Sulit ba itong phone para sa presyo? Kung ako lang ‘yung tatanungan, goods na goods itong phone. Considering na ang tagal nung software support na bibigay ng OnePlus. Talagang masusulit natin ‘yung phone. Hindi ito ganun kamahal kung ikukumpara natin sa ibang mga phone na halos ganito rin yung specs. Abangan niyo yung article natin sa Nord CE5. Para mas makapag-decide kayo kung alin sa dalawa yung dapat ninyong bilhin.

Kung gusto nyo bumili nito, click niyo lang ang link na ito:
Shopee – https://invl.me/clmttgm
Digital Walker – https://digitalwalker.ph/collections/…
Para naman sa video ng review ko, pede niyo panoorin dito:

About Author

sulittechreviews

See author's posts

Post navigation

Previous: TechLife Pad Lite 8″ – MALIIT LANG TAPOS SOBRANG MURA PA!
Next: BenQ MA320U 4K Monitor – SAKTO PARA SA MACBOOK MO!

Related Stories

vivo V60 Lite Beauty Shot
  • Phones
  • Tech Blog
  • vivo

vivo V60 Lite – MATIBAY NA, MATAGAL PA MA-LOWBATT!

sulittechreviews November 11, 2025
Infinix GT 30 Conclusion
  • Infinix
  • Phones
  • Tech Blog

Infinix GT 30 – PREMIUM GAMING EXPERIENCE?!

sulittechreviews October 31, 2025
BenQ MA320U
  • BenQ
  • Other Tech
  • Tech Blog

BenQ MA320U 4K Monitor – SAKTO PARA SA MACBOOK MO!

sulittechreviews October 30, 2025
vivo V60 Lite Beauty Shot
Phones Tech Blog vivo

vivo V60 Lite – MATIBAY NA, MATAGAL PA MA-LOWBATT!

sulittechreviews
November 11, 2025 0
Infinix GT 30 Conclusion
Infinix Phones Tech Blog

Infinix GT 30 – PREMIUM GAMING EXPERIENCE?!

sulittechreviews
October 31, 2025 0
BenQ MA320U
BenQ Other Tech Tech Blog

BenQ MA320U 4K Monitor – SAKTO PARA SA MACBOOK MO!

sulittechreviews
October 30, 2025 0
OnePlus Pad 3 Beauty Shot
OnePlus Tablets Tech Blog

OnePlus Pad 3 – ANG PINAKASULIT NA ANDROID TABLET NGAYON??

sulittechreviews
October 30, 2025 0

Recent Posts

  • vivo V60 Lite – MATIBAY NA, MATAGAL PA MA-LOWBATT!
  • Infinix GT 30 – PREMIUM GAMING EXPERIENCE?!
  • BenQ MA320U 4K Monitor – SAKTO PARA SA MACBOOK MO!
  • OnePlus Nord 5 – AFFORDABLE FLAGSHIP KILLER! GOOD DEAL NA ‘TO!
  • Nothing Phone (3) – PASADO BA TALAGA AS “FLAGSHIP”? MAGANDA BA ANG BAGONG “GLYPH INTERFACE”?
Copyright © All rights reserved. | MoreNews by AF themes.