First time natin na magko-compare ng dalawang phone gimbal sa channel. Ang Insta360 Flow 2 at DJI Osmo Mobile 7P. Parehong budget friendly itong phone gimbals. Pero titingnan natin kung alin ba ‘yung mas sulit sa dalawa? Or kung ano yung mas dapat mong piliin depende sa needs mo.
Price


Kapag sinabing standard edition, wala nang ibang add-on or accessories na kasama kapag bumili kayo. Meron itong gimbal, phone mount, at pouch. Same rin sa Insta360 Flow 2. Meron din itong phone mount, gimbal, USB-C charging cable, at pouch. Same na same ito ng laman ng box. Pero if ever na gusto ninyo ng mga add-on. Kagaya ng ilaw or ng ibang accessories like Bluetooth mic, o additional grip. Pwede namang piliin. Nasa baba ang link para ma-check mo. Parehong standard edition yung ating pag-uusapan. Para makita natin kung anong pwede nating makuhang value sa dalawa. Sa pinaka-basic na configuration pa lang.
Insta360 Tracking




Una nating pag-usapan ay itong Insta360 Flow 2. Pagdating sa tracking, kailangan lang pindutin yung trigger sa likod. Isang pindot, makakapag-select na ito ng subject na nasa harap at makakapagtrack na ito. Susundan nito kahit object, animal, at tao. Meron din itong gesture or palm detection. Kapag ni-gesture, agad-agad mata-track na tayo nitong Flow 2. Napakasimple lang at kahit saan tayo pumunta ay pwedeng-pwede. Perfect for vlogging or kung nagbabakasyon tayo. Meron din naman itong manual select. Magdo-draw lang tayo ng square sa phone gamit yung Insta360 app. ‘Yun na mismo ‘yung ita-track nito.

Ang kakaiba sa Insta360 Flow 2, mayro’on itong tinatawag na Smart Framing. Kapag mayroon na itong tina-track, halimbawa ay object, aso, or pusa. Merong lalabas na mga square na pwedeng i-select. ‘Yun mismo yung magiging pwesto ng subject kahit saan pa dalhin or ipwesto yung gimbal. Kahit gumalaw-galaw yung subject, doon lang ito sa mismong framing na napili natin. Kahit pa naka-selfie mode, gagana pa rin yung smart framing. Malaking tulong yan kung meron tayong pinapakitang magandang view sa likod natin. Halimbawa: medyo mataas na building, o kaya naman nasa gilid natin, o kaya nasa baba natin. At kahit anong gawin nating pwesto ay mame-maintain nito ‘yung framing. Hindi na kailangan galawin yung joystick ng gimbal. Para lang ipwesto ulit yung framing natin. Perfect na perfect yan kapag may pinapakita tayo sa background natin.
DJI Tracking


Ganun na ganun din naman halos sa DJ Osmo Mobile 7P. Kapag pinindot ang trigger sa likod ay agad-agad itong makakapag-track nang subject na nasa harapan. Pwede ring mag-gesture at agad-agad susundan tayo nitong Osmo Mobile 7P. Ang kagandahan lang or kakaiba sa Osmo Mobile 7. Mayro’on itong LED Indicator sa likod kapag nag-start na ‘yung recording. Alam natin kahit hindi nakikita ‘yung display ng phone na nag-start na ito ng recording. Hindi kagaya sa Insta360 Flow 2, wala itong LED Indicator para malaman na nagi-start na ng recording. Meron lang sound pero parehas namang may sound.


Para sa akin ay mas maganda yung LED indicator sa 7P. Kagaya sa Flow 2, meron din itong manual select by dragging. Magdo-draw lang ng square. Ita-track na rin nito yung subject na nasa square. Ang wala lang sa Osmo Mobile 7P ay ‘yung Smart Framing sa Insta360 Flow 2. Kung gusto niyong i-maintain yung framing dahil meron kayong pinapakita sa likod. Or meron kayong kinukunang cinematic shot ay manually na gagawin sa 7P.
Controls


Unahin natin ulit itong controls ng Insta360 Flow 2. Para i-turn on ay napakasimple lang. Kagaya sa nagdaang Flow gimbal ng Insta360, kailangan lang i-unfold outward itong Flow 2. At kusa na itong mago-on. Kapag io-off naman ay napakasimple lang. Ifo-fold naman ito outward, pabalik lang. Pero kailangan i-swak na ipasok sa may butas yung parang nakaumbok na pangil sa taas. Dapat shoot at naka-lock na ito. Hindi na ito gagalaw-galaw. Pwedeng-pwedeng ipasok sa bag natin. Sa Osmo Mobile 7P ay almost same naman. Outward para ma-turn on. Kapag io-off, ang kailangang pa-inward naman. Meron ding ngipin na kailangang ipasok sa may butas. Para mag-lock at hindi gumalaw-galaw kung ilalagay sa bag.


Same din yung pag-mount sa phone. Merong magnetic connector na kailangang ilagay muna sa ating phone. Sobrang sturdy nito. Kahit yung Insta 360 Flow 2 ay galaw-galawin natin. Kahit maging aggressive pa tayo sa pag-pan ay walang problema. Hindi mahuhulog ‘yung phone natin. Guaranteed! Talagang nasubukan ko na. And same na same sa DJI Osmo Mobile 7P. Sobrang tibay din ng magnet. Kahit maging aggressive din tayo sa pag-pan or sa paggalaw sa gimbal. Hindi malalaglag ‘yung phone. Halimbawa, sa loob ng sasakyan, masyadong malubak na kalsada, o tumatakbo tayo. Rest assured, hindi malalaglag ‘yung phone natin. Ganun katibay ‘yung magnet sa mount nito.

Ang isa sa na-appreciate ko sa DJI Osmo Mobile 7P ay mas makapal ‘yung foam compared sa Insta360. Para sa akin, mas may peace of mind ako sa paglagay ng phone kasi alam ko na hindi magagasgasan. Sa Insta360, hindi pa naman nagasgasan ‘yung phone ko. Pero mas malaki ‘yung chance na magasgas compared sa 7P.
Tripod



Parehas nang may-build in tripod itong dalawang phone gimbal. Unahin natin itong DJI Osmo 7P. Kailangan lang i-drag pababa. Lilitaw na yung tripod at ibuka lang. Na-appreciate ko ‘yun kasi kahit isa lang ‘yung hatakin pababa ay mahahatak ‘yung lahat ng tripod. Hindi kagaya sa Insta360. Kapag hinatak ‘yung isa ay isa lang talaga. Mas magta-take ng time kapag ilalabas mo yung tripod ng Insta360 Flow 2. Although, mas mahaba yung tripod ng Insta360 compared sa DJI. Pero kahit alin sa dalawa ay talagang napaka-sturdy. Kahit galaw-galawin ay hindi naman matutumba yung dalawang phone gimbal.
Interface

Sa interface or yung mismong control sa harap ay medyo malaki-laki yung difference. Sa DJI Osmo 7P ay merong display. Makikita kung connected na ito sa phone, anong follow mode yung naka-select, at battery indicator. Ang laking tulong nung display na yan. Whereas sa Insta360 Flow 2 ay wala niyan. Babagsak ito sa personal preference. ‘Yung joystick sa DJI Osmo Mobile 7P ay mas traditional. Tapos ‘yung rotating crown sa gilid ay pang-zoom or pag-auto focus ng subject. Sa akin kasi, kapag ito yung ginagamit ko. Meron pang kailangang stretching na gawin para maabot ko yung crown. Well, kapag nasanay ka na ay hindi mo na siguro mapapansin.

Whereas sa Insta360 ay nasa iisang lugar na lahat. Yung zoom wheel at napaka-low profile na joystick ay nasa harap. Para sa akin ay mas convenient ito. Kasi hindi na kailangan ng stretching pa sa gilid. Dito na, dito na lang sa gilid. ‘Yung grip ay mame-maintain mo. Siguradong hindi malaglag yung hawak-hawak mong gimbal. Personal preference yun. Pero para sa akin ay mas practical pa rin yung controls sa Flow 2. May lamang ng kaunti sa 7P dahil sa display or indicators nito.
Shortcuts
Insta360 Flow 2 Shortcuts:




DJI Osmo Mobile 7P Shortcuts:




Pagdating sa shortcuts ay almost same ito. Mas madami lang sa Insta360. Isa pa sa malaking difference na makikita sa dalawang ito ay sa app. Itong Insta360 Flow 2 lang ang may support sa app ng Apple ProRes Log. Napakalaking bagay po niyan sa akin dahil pwedeng mag-shoot ng high res video. As in pang-cinematic or pang-color grade na video recording. Pero sa DJI ay hanggang 4K 60fps lang or kung anong sagad sa phone na gagamitin natin. Hindi ito makakapag record ng Apple ProRes kung iPhone yung gagamitin natin. Para sa akin, pagdating sa app ay mas okay yung Flow 2. Sa website, parehas 10 hours yung itatagal ng dalawang phone gimbal na to in one charge. Mas mabilis lang i-charge yung Insta360 kasi 2 hours fully charged na ito. ‘Yung DJI ay 2.5 hours naman to fully charge.
Conclusion

Yun na lahat yung mga gusto kong i-share tungkol sa dalawang phone gimbal na ‘to. Kaunting opinyon ko lang, mas gusto ko itong Insta360 Flow 2 compared sa DJI Osmo Mobile 7P. Don’t get me wrong, parehas itong maganda at parehas reliable. May mga lamang lang talaga itong Flow 2. Considering na less than Php6,000 itong Flow 2, para sa akin ay mas sulit talaga ito. Kung itong DJI yung gusto mong piliin, hindi ko sasabihin na mali yung desisyon mo. Opinyon ko lang na mas maganda itong Flow 2. Ikaw, alin ang mas pipiliin mo sa dalawa?
Kung gusto nyo bumili nito, click niyo lang ang link na ito:
DJI Osmo Mobile 7P – https://invl.me/clmt6f5
Insta360 Flow 2 – https://invl.me/clmt6fu
Para naman sa video ng review ko, pede niyo panoorin dito: