Skip to content

Sulit Tech Reviews

Samu't-saring Unboxing and Reviews

Lazada Philippines

Follow Me

  • Youtube
  • Facebook
  • Instagram
  • Twitter
Primary Menu
  • Home
  • Press Release
  • Tech Blog
    • Phones
    • Tablets
    • Laptops
    • Other Tech
  • Contact
  • Youtube
  • Facebook
  • Instagram
  • Twitter
  • Home
  • Tech Blog
  • OnePlus Pad 3 – ANG PINAKASULIT NA ANDROID TABLET NGAYON??
  • OnePlus
  • Tablets
  • Tech Blog

OnePlus Pad 3 – ANG PINAKASULIT NA ANDROID TABLET NGAYON??

Isa na siguro to sa main aspect nitong Pad 3 at isa na rin sa pinakamagandang part ng tablet. Maliban sa m...
sulittechreviews October 30, 2025

Andito yung bagong-bagong OnePlus Pad 3. Ito yung first OnePlus tablet na ire-review natin sa channel. Maraming nagsasabi na ito yung pinakamagandang Android tablet sa ganitong presyo ngayon. Pwedeng-pwede daw pang-replace sa iPad Pro ng Apple. Titingnan natin kung accurate ‘yan.

Price

May dalawang configuration na pwedeng pagpilian sa OnePlus Pad 3. Una ay yung 12/256GB at 16/512GB. Nasa baba ang link para ma-check mo ang updated pricing. Pwede mo rin i-check ang Digital Walker kung maabutan mo yung mga freebies.

Unboxing

Napakasimple lang naman ng box nitong OnePlus Pad 3. Color white at merong red accent na kagaya dati. Nandito yung Storm Blue na 12/256GB. ‘Yung Pad 3 agad yung makikita pag-open ng box. Sa may bandang ilalim ay may maliit na document sleeve na color red. Merong laman yan na documentations at USB-C cable. Walang charging brick na makikita sa box. Sunod naman ang Folio Case na freebie lang kapag nag-preorder sa Digital Walker. Itong Folio Case ay may five modes kaya napaka-useful. Dahil magnetic, madaling ilagay sa Pad 3 at hindi makakadagdag sa lapad nung tablet. Sunod yung Stylo Pen na freebie din sa pre-order promo ng Digital Walker.

Design

Matte yung likod nitong Pad 3. Merong OnePlus logo sa may bandang gitna. Almost gray, depende sa tumitingin at sa anggulo. Pero kung minsan ay talagang mahahalata mo na may pagka-blue ‘yung kulay. Sobrang simple lang talaga. Matte lang ito pero kapitin ng smudges at ng fingerprints. Mas maganda kung palaging merong Folio Case para hindi magmukhang madumi yung likod nito. May pogo pins na makikita sa may ilalim. Para naman yan sa Smart Keyboard case. Hindi ko maipakita kasi wala ako non. Pero malamang sa malamang ay soon ay magiging available din sa Digital Walker. Medyo nagbago yung design or format nung camera sa likod. Mas simple na ngayon. Ang isa sa talagang nakakabilib sa Pad 3 ng OnePlus ay yung sobrang nipis na form factor. 5.97mm to be exact. Sobrang gaan din kasi 675g lang to be exact. Manipis, magaan, at sobrang comfortable gamitin yung tablet na to.

Sides

Sa may right side ay makikita yung volume up and down buttons at mic. Sa may bandang ibaba ‘yung magnetic part para don’ sa Stylo Pen. Pwede nating maikabit magnetically at macha-charge na rin ‘yung Stylo Pen. Sa may left side ay malinis na malinis. Sa may top part ay makikita yung power lock button. at apat na speakers. Yes, apat yan. Sa taas pa lang ay merong apat na woofers at apat na tweeters. Sa may ilalim ay ganun ulit. Dalawang woofers at dalawang tweeters. All in all, walo yung speakers nito. Ganon katinda yung tablet na ‘to. Meron ulit itong microphone. Dual microphone itong Pad 3. Katabi ng microphone yung USB-C port.

Hindi ko lang sure kung bakit hindi pa nila ginitna yung port. Medyo awkward ‘yung itsura pero wala at ganun talaga. Pero at least ‘di ba, manipis ‘yung tablet. Itong Pad 3 ay Wi-Fi 6 na rin. Mabilis ‘yung Wi-Fi connection nito at ma-e-enjoy talaga tayo sa paggamit. Lalo na sa pag-browse sa internet kung gagamitin natin ‘to sa school or sa work. Makita sa harap na napakanipis at proportion ‘yung bezels sa bawat side. ‘Yung selfie camera ay nasa loob ng bezel. Wala itong notch or punch hole selfie camera. Talagang sobrang proportioned na proportioned.

Display

Specification:

Isa na siguro to sa main aspect nitong Pad 3 at isa na rin sa pinakamagandang part ng tablet. Maliban sa malaki ay napakaganda talaga ng color reproduction. Mage-enjoy tayo sa media consumption. Ang isa lang sa kailangang tandaan, hindi 16×9 yung aspect ratio nito. Kung magpa-play ng 16×9 video, merong medyo makapal-kapal na black bars sa taas at sa ibaba. Kailangan pang i-zoom yan para mawala. Malaki-laki at maraming details yung pwedeng mawala kung magzo-zoom. Kung hindi man ay okay lang kasi ang laki naman ng display ng tablet na ‘to. At kitang-kita pa rin kahit hindi i-zoom. Speaking of media consumption, sa Netflix ang ‘yung max playback resolution ay FHD. Marami itong support na codec. ‘Yun nga lang ay sa HDR ay wala itong support. Pero at least ay ma-utilize nating mabuti ‘yung magandang display.

Settings

Pagdating sa display settings, merong tatlong color modes na pwedeng pagpilian. Natural, Pro, at Vivid. Pwede pang timplahin yung color temperature. Sa screen refresh rate setting, merong tatlong option. Auto select, para yung OS na yung bahalang mag-set ng refresh rate na kailangan sa ginagawa natin. Standard kung 60Hz lang yung kailangan natin. Para makatipid sa battery. Tapos High, para isasagad nito to 144Hz yung refresh rate kung kinakailangan. Ibig sabihin, yung refresh rate nitong tablet ay hindi palaging naka-144Hz.

Keep in mind lang sa mga apps na hindi kailangan ng ganon kataas na refresh rate. Malamang sa malamang ay 120Hz lang. Hindi LTPO yung ginamit nilang panel, LTPS lang. Hindi aabot ng 1Hz yung refresh rate nito. Malamang sa malamang ay hanggang 30Hz lang. Pero kahit gano’n ay napakatipid pa rin sa battery ng tablet na ‘to. Meron pang ibang features sa display settings. For example, ‘yung Image Sharpener at Video Color Boost. Tandaan niyo lang na kung i-enable niyo yung mga features na yan. Gaganda nga yung quality pero mas magiging magastos sa battery consumption.

Battery

Specification:

Napakalaki ng battery capacity pero napakanipis ng form factor. Ganun kaganda itong Pad 3. Pero hindi lang ito sa numbers maganda. Sa actual SOT, ang nakuha ay 16 hours and 9 minutes. Ito yung pinakamataas na SOT na nakita ko sa isang Android tablet. Usually, yung ganito kataas na SOT ay nakikita lang sa mga Android phones. Maituturing ko na napakagandang SOT non para sa isang phone. Pero para sa isang tablet ay sobrang ganda niyan. Ang maco-consider kong magandang SOT sa isang Android tablet ay 10 to 12 hours. Pwede na at maganda na yon. Pero ito ay 16 hours. Hindi ito ganun kadaling ma-lowbat. Lalo na kung gagamitin to sa work or school. Hindi tayo mag-aalala na kailangang i-charge agad-agad or magdala ng power bank. Malamang sa malamang ay 2 and 1/2 days ‘yung itatagal ng battery nito.

Sa charging speed, nagulat ako kasi ang laki nung battery capacity pero saglit ko na-charge itong tablet na to. Take note na hindi official OnePlus charger yung ginamit ko. Ugreen 100W na GaN charger lang. Kumagat ito at mabilis yung charging.

Performance

Specification:

LPDDR5T yung RAM at mas mabilis ito kaysa sa LPDDR5X. Mas mabilis ito ng siguro mga 500MHz. Ramdam natin yung bilis ng pag-load ng mga apps kung 16GB na configuration yung pipiliin natin. Pero enough na enough na yung 12GB na LPDDR5X para sa mga mabibigat na application. Meron itong tinatawag na RAM expansion. Pwedeng mag-add ng two times nung RAM na meron itong OnePlus Pad 3. Meron itong 12GB na physical RAM at pwede itong doblehin. In total ay pwedeng magkaroon ng 24GB of RAM. Ang AnTuTu score kapag naka-off yung RAM expansion ay 2610278. Sobrang taas ng score na yan para sa isang Android tablet. Kahit anong application yung i-run sa tablet ay hindi tayo mag-aalala. Kayang-kaya nito almost lahat, almost 100% ng apps ngayon ay kayang-kaya nito.

Ang maganda pa ay ‘yung temperature nito. 31.5°C yung starting temperature pero natapos ito ng 34.4°C lang. Hindi rin ganon kabilis uminit yung tablet na ‘to. Ang epekto sa performance kapag ginamit yung RAM expansion ay medyo weird talaga. Kahit ‘yung AnTuTu na weirduhan kasi umabot ito ng 4055189. May message na “Current performance of the device is obviously beyond the normal level. The device may have adopted update technology or is suspected of cheating“. Hindi ko sure kung bakit ganon yung nangyari. Walang data tungkol sa thermals kapag ginagamit natin yung RAM expansion. Pero kung ako lang naman, sapat na sapat na sa akin yung 12GB na physical RAM.

More Test

Pero to make sure lang ay tingnan natin ‘yung Wild Life Stress Test. Sa result ay 6% lang yung nabawas sa battery percentage pagkatapos ng napakabigat na benchmark. ‘Yung temperature ay nakakabilib, 3°C lang yung nadagdag. Confirmation lang to na talagang hindi ganon kabilis uminit itong Pad 3. Pagdating sa gaming, sa Racing Master ay kayang-kaya nito yung sagad na performance. Naka-realistic yung mode. 60FPS lang yung sagad na refresh rate or gameplay dito sa game na to. Pero nakakatuwa na na-generate nito lahat ng graphics. Kayang-kaya nito kahit yung sagad na setting. Sa actual gaming, walang struggle na mafi-feel. Expected naman yan sa chipset na ‘to. Mage-enjoy tayo sa gaming, media consumption, at productivity. Walang magiging problema dito sa OnePlus Pad 3.

OxygenOS

Pakita ko sa inyo yung ilang mga features ng OxygenOS 15. For example, kapag nagbukas ng isang application. Kahit anong apps yung buksan natin. Sa may bandang itaas ay merong three dots na pwedeng pindutin. Parang sa iPad OS. Pwedeng mamili kung mag-split view, mag-floating window, or i-close yung application na nakabukas. Halimbawa split view, dalawang application yung pwedeng gamitin at once. Maganda yan for productivity. Imagine, 13.2″ yung size on display. Ang laki pa rin ng space kahit dalawa yung application na ginagamit at once. Pwede rin gamitin ‘yung dalawang fingers natin mula sa taas at mag-swipe pababa. Parang hihiwain natin yung display. So pwede nang mamili ngayon ng isa pang application. At up to three applications yung pwede nating buksan at once sa split view. Meron din itong double tap to lock at double tap to wake. Marami pang iba na pwedeng gamitin na features sa setting.

Conclusion

Ang mga cons lang na nakita ko sa tablet na ‘to, una, wala itong SIM tray. Wala itong support sa 4G at 5G SIM. Wala ding itong support sa eSIM. Hindi rin pwedeng maglagay ng micro-SD card. Hindi expandable yung storage. Isa pa, wala din itong biometrics. Maliban sa pin, password, pattern, at face unlock. Pangatlo, wala itong screen protection. Ang tinutukoy ko ay Corning Gorilla Glass Protection. Wala din itong pre-installed na screen protector. Bili agad ng tempered glass kung meron na. Wala ring dineclare ang OnePlus na major Android upgrades or kung years of support sa security patches para sa Pad 3. Knowing OnePlus ay talagang generous naman sila pagdating sa software updates.

Tingnan natin kung ilang years yung pwedeng abutin ng tablet na ‘to sa mga susunod na news ng OnePlus. Other than that, wala na akong makitang cons sa tablet na ‘to. Highly recommended talaga ito kung gusto natin ng napakabilis na tablet, talagang flagship specs na tablet. Itong OnePlus Pad 3 ang mare-recommend ko sa inyo. Mura lang ito kung ikukumpara sa ibang brand, like Samsung o Apple iPad. Kung hindi naman natin talaga kailangan ng iPad OS o kaya ng One UI, bakit hindi na lang Pad 3 yung bilih natin. At same rin yung performance na makukuha natin.

Kung gusto nyo bumili nito, click niyo lang ang link na ito:
Shopee – https://invl.me/clmsudm
Para naman sa video ng review ko, pede niyo panoorin dito:

About Author

sulittechreviews

See author's posts

Post navigation

Previous: TechLife Pad Lite 8″ – MALIIT LANG TAPOS SOBRANG MURA PA!
Next: BenQ MA320U 4K Monitor – SAKTO PARA SA MACBOOK MO!

Related Stories

vivo V60 Lite Beauty Shot
  • Phones
  • Tech Blog
  • vivo

vivo V60 Lite – MATIBAY NA, MATAGAL PA MA-LOWBATT!

sulittechreviews November 11, 2025
Infinix GT 30 Conclusion
  • Infinix
  • Phones
  • Tech Blog

Infinix GT 30 – PREMIUM GAMING EXPERIENCE?!

sulittechreviews October 31, 2025
BenQ MA320U
  • BenQ
  • Other Tech
  • Tech Blog

BenQ MA320U 4K Monitor – SAKTO PARA SA MACBOOK MO!

sulittechreviews October 30, 2025
vivo V60 Lite Beauty Shot
Phones Tech Blog vivo

vivo V60 Lite – MATIBAY NA, MATAGAL PA MA-LOWBATT!

sulittechreviews
November 11, 2025 0
Infinix GT 30 Conclusion
Infinix Phones Tech Blog

Infinix GT 30 – PREMIUM GAMING EXPERIENCE?!

sulittechreviews
October 31, 2025 0
BenQ MA320U
BenQ Other Tech Tech Blog

BenQ MA320U 4K Monitor – SAKTO PARA SA MACBOOK MO!

sulittechreviews
October 30, 2025 0
Insta360 Flow 2 VS DJI Osmo Mobile 7P
DJI Insta360 Other Tech Tech Blog

ANO’NG MAS SULIT NA PHONE GIMBAL? Insta360 Flow 2 or DJI Osmo Mobile 7P?

sulittechreviews
October 30, 2025 0

Recent Posts

  • vivo V60 Lite – MATIBAY NA, MATAGAL PA MA-LOWBATT!
  • Infinix GT 30 – PREMIUM GAMING EXPERIENCE?!
  • BenQ MA320U 4K Monitor – SAKTO PARA SA MACBOOK MO!
  • OnePlus Nord 5 – AFFORDABLE FLAGSHIP KILLER! GOOD DEAL NA ‘TO!
  • Nothing Phone (3) – PASADO BA TALAGA AS “FLAGSHIP”? MAGANDA BA ANG BAGONG “GLYPH INTERFACE”?
Copyright © All rights reserved. | MoreNews by AF themes.