Pag-uusapan na rin natin ngayon ang bagong release na Infinix HOT 60 Pro+. Ang world’s slimmest 3D curved screen. 5.95mm to be exact. Under 6mm yung nipis ng phone na to. Pero dahil ba sa manipis ay maraming compromises na makikita sa phone? Yan ang malalaman natin.
Pricing

Nasa baba ang link para ma-check mo ang updated pricing.
Unboxing








Same pa rin naman yung color scheme ng box nitong HOT 60 Pro+. Obvious lang sa harap ng box yung top features ng phone. Lalo na yung sinabi ko kanina na 5.95mm design, 256GB storage, Sony IMX 882 sensor, at tuned by JBL branding. Unang makikita pag-open ay yung tempered glass. Good news iyan dahil mahirap makahanap ng temper glass para sa isang 3D-curved display. Yung nandito ay Titanium Silver na kulay. Napaka-premium ng feels ng phone kapag nahawakan. Premium pero ‘yung price ay hindi premium. Mayro’n din itong mga documentations at free hard case. Exposed lang ‘yung gilid sa case pero ayos lang. Protected naman ‘yung malaking part ng phone. Nandito din ‘yung 45W na charger at USB-C cable.
Design



Unahin na nating pag-usapan yung napakanipis na form factor ng phone. Sobrang nipis nito, grabe! Compare natin ito sa ilang mga everyday objects. Una sa lahat ay pen. Mas manipis pa sa ball pen itong HOT 60 Pro+. Ini-compare ko din ito sa CD case at almost same ng nipis. Talagang paper thin yung body design ng phone na to. Sa remote control ay mas manipis pa itong 60 Pro+. Ang maganda pa sa phone na ‘to ay 155g lang ‘yung weight nito. Manipis at napakagaan ng phone na ‘to. Pero magugulat kayo sa performance, lalo na sa battery, at sa chipset ng phone. Na mamaya ay pag-uusapan natin. Kung hindi niyo gusto itong Titanium Silver, meron pang Slick Black, Coral Tides, at Misty Violet. Itong Infinix HOT 60 Pro+ ay mayroong IP64 na ingress protection. Water and dust resistant ‘to at drop resistant pa up to 1.5m.



Sides





Kung titingnan ang bawat side. Sa may right side makikita yung volume up and down buttons, at power lock button na may green accent. Sa kabilang side naman ay malinis na malinis. Tapos, sa taas makikita yung JBL branding, secondary microphone, at secondary speaker. Sa ilalim ay makikita natin ang USB-C port, main microphone, sim tray, at main speaker. Yung SIM tray nitong phone ay pwedeng lagyan ng dalawang nano SIM. Pero hindi makapaglalagay ng micro-SD card. Mabuti na lang talaga ay 256GB na ‘yung storage ng phone kapag binili natin.
Kung sakaling gusto mong malaman ‘yung haptic feedback ng phone. Hindi mid-range level pero pwedeng-pwede na para sa presyo. Mag-e-enjoy na kayo. Pero natuwa ako sa placement ng dual speakers or stereo speakers nito. Kasi kapag naka-landscape mode ay hindi masyadong matatakpan. Lalo na iyung main speaker. Medyo matatakpan yung secondary pero mas malakas naman yung main speaker. Pagdating naman sa sound quality ay hindi sabog kahit na itodo yung volume. Hindi rin sobrang lakas. Actually, parang saktong-sakto lang. Hindi ko masasabi na loud enough para hindi na tayo gumamit ng Bluetooth speaker. Pero saktong-sakto lang. Mayroon din itong support hindi lang sa 2.4GHz Wi-Fi connection, pati na rin sa 5GHz Wi-Fi connection. ‘Yung in-display fingerprint scanner ay okay naman ‘yung performance. Optical ito kaya okay naman at mabilis.
Display
Specification:

Kung pag-uusapan ‘yung color reproduction ng display. Masasabi kong lampas-lampas ito sa pwede nating i-expect para sa isang less than Php9,000 phone. Ganun katindi yung quality nito. Medyo mas makapal lang ng kaunti yung chin bezel kapag tinitigan. Pero sa unang tingin ay almost proportion yung lahat nung bezels. Kung babalik tayo doun sa color accuracy, okay na okay ito. Napaka-realistic naman ng itsura. Wala lang itong pre-installed screen protector. Agad-agad ay i-install niyo ‘yung tempered glass na kasama sa box. Silipin muna natin yung ilang settings nung display. Sa Display and Brightness > Color Style, merong dalawang preset na pwedeng piliin. Bright Colored or Original Color. Pwede ring timplahin yung color temperature.

Refresh Rate




Pagdating sa screen refresh rate setting, pwedeng Auto Switch, Standard, or High. Kapag naka-High, papalo ito ng up to 144Hz. Pero huwag masyadong ma-excite kasi hindi lahat ng application ay may support sa 144Hz refresh rate. Kapag naka-select lang itong High, doon lang mako-customize yung refresh rate ng isang application. Tatlo lang yung naka-install sa review unit na merong support sa 144Hz. Pwedeng i-tap yan at manually i-select yung 144Hz. Sa Messages at Phone ay pwede ring 144Hz. And the rest ay pwede nang i-sagad sa 120Hz. Ito ‘yung reality, future proof yung display? Yes. Pero sa ngayon ay hindi lahat ng application ay makakagamit sa mataas na refresh rate ng phone.
For example, sa Altos Adventure ay umaabot naman ito ng 120Hz or 120fps gameplay. Kasi may support ito up to 144Hz or 144fps gameplay. Pero again, ‘yun lang talaga ‘yung sagad na pwedeng gawin sa phone, 120fps. Sana sa mga susunod na software updates nitong Infinix Hot 60 Pro+, ay ma-enable yung 144fps gameplay sa mga common games sa ngayon. Isa pang good news, Level 1 yung Widevine Security sa phone na ‘to. Mae-enjoy natin yung Full HD playback resolution sa streaming services. Kagaya na lang nitong Netflix.So far, sa display pa lang at hindi pa natin pinag-uusapan yung performance. Pero bawing-bawi na ‘yung Php8,999 presyo ng phone na ito. Doun pa lang sa design at display, grabe. Hindi ko akakalain na less than Php9,000 lang to.

Performance
Specification:

Merong MemFusion itong Infinix HOT 60 Pro+ na up to 8GB. Technically, pwedeng maging 16GB yung RAM. Check muna natin yung epekto sa performance kapag ginamit natin yung MemFusion. Ang AnTuTu score na nakuha kapag ginamit yung Memfusion, 454643. Decent yung score para sa presyo. Kapag hindi naman ginamit yung MemFusion ay bumaba ng kaunti yung score. Naging 448008 na lang. Decent pa rin yung score pero kung gusto niyong i-extend up to 16GB yung RAM, okay lang po sa performance. Actually, makakatulong pa. Decent din ‘yung result sa Wild Life Stress Test. Nabawasan lang ng 3% sa battery percentage at 2°C lang ‘yung nadagdag sa temperature. Goods na good ito pagdating sa battery consumption at thermals.




Pagdating naman sa mismong gaming. Sa Racing Master, hanggang medium setting lang talaga yung sagad na pwede nating mai-set sa phone. ‘Yan lang yung kaya nito. Sa actual gaming, although hindi maganda iyung mismong graphics kasi hindi nasagad pero pwede na. Merong mga frame drops na na-experience. Meron ding mga hiccups. Pero kapapag nagtagal na at medyo nakabwelo na yung phone. Umoonti naman yung frame drop. Mae-enjoy pa rin natin yung paglalaro.


Battery

Isa pa sa hinangaan ko sa Infinix HOT 60 Pro+ ay iyung battery capacity. To be exact, 5160mAh yung laman ng phone. Tapos 45W yung charging speed. Isipin niyo, sa sobrang nipis nito ay napagkasya nila yung ganon kalaking battery capacity. Thumbs up sa Infinix. Please pakituloy iyan. Ang SOT na nakuha sa Infinix HOT 60 Pro+, almost 15 hours. Sobrang decent na talaga ‘yan at sigurado na mag-i-improve pa ‘yan by time. Lalo na sa mga susunod na software updates ng phone na ‘to.
Camera
Specification:

Ito ang mga sample photos:




Ito ang sample video screenshot:

Sa selfie video recording nitong Infinix HOT 60 Pro+. 2K 30FPS yung sagad na resolution na pwedeng mai-record. Wala itong stabilization. Kung gusto nating i-enable yung EIS ay magda-down scale ito to 1080p. Pero at least ay mayrong stabilization kahit papaano.
Conclusion

‘Yun na lahat ang mga gusto kong i-share tungkol sa napakanipis na Infinix HOT 60 Pro+. Sa tingin niyo ba ay sulit itong bilhin sa presyo nito? Kung ako’y tatanungin ay no brainer. Sulit talaga ito kasi halos wala akong nakitang compromises. Sa totoo lang, nabilib ako na yung ilang aspect ng phone na to ay ma-experience na natin sa ganitong presyo. Halimbawa, yung Curved AMOLED, 1.5k resolution, at 144Hz yung max refresh rate. Naka-JBL stereo speakers, sobrang nipis na form factor, decent na performance, at magandang battery performance. Parang dati ay mae-experience lang yan sa mga mid-range phone na more than Php10,000.
Pero ito ay less than Php9,000, technically. May ganito na tayong experience. Siguro isang bagay lang yung medyo nakulangan ako sa phone pero hindi natin alam sa mga susunod na announcement ng Infinix. Wala silang dineclare kung ilang years yung magiging software support nila sa phone na to. Hindi nila sinabi kung ilang Major Android Upgrades yung matatanggap ng phone. Or ilang years ng security patches. Pero again abangan natin yung announcement ng Infinix. Pero for now, masasabi ko na sulit itong Infinix HOT 60 Pro+.
Kung gusto niyo bumili nito, click niyo lang ang link na ito:
Shopee – https://bit.ly/HOT60-PRO-Plus_SHP
Lazada – https://bit.ly/HOT60PROPLUS_LAZ
TikTok – https://bit.ly/HOT60PROPLUS_TikTokShop
Para naman sa video ng review ko, pede niyo panoorin dito: