Skip to content

Sulit Tech Reviews

Samu't-saring Unboxing and Reviews

Lazada Philippines

Follow Me

  • Youtube
  • Facebook
  • Instagram
  • Twitter
Primary Menu
  • Home
  • Press Release
  • Tech Blog
    • Phones
    • Tablets
    • Laptops
    • Other Tech
  • Contact
  • Youtube
  • Facebook
  • Instagram
  • Twitter
  • Home
  • Tech Blog
  • Tecno POVA 7 Ultra 5G – ANG UNANG ULTRA NI TECNO!
  • Phones
  • Tech Blog
  • Tecno

Tecno POVA 7 Ultra 5G – ANG UNANG ULTRA NI TECNO!

At ang isa pa sa pinaka-highlight ng design nitong POVA 7 Ultra 5G ay yung tinatawag na Status Light. Makikita yan sa liku...
sulittechreviews August 19, 2025

Price

Ang presyo nitong bagong Tecno POVA 7 Ultra 5G ay Php16,999, as of writing this article. Titingnan natin kung yung presyo na yan ay swak na swak sa value na makukuha natin sa phone na to. Pag-uusapan natin yung performance, display, camera, battery, at marami pang iba. May mga promotion din itong Tecno para sa phone. Nasa baba ang link kung gusto mo bumili. Ito yung isang freebie na sinasabi ko na 5000mAh power bank from Tecno. Magnetic wireless power bank na ito. Dahil nga may wireless charging itong POVA 7 Ultra.

Unboxing

Ito yung box ng Tecno POVA 7 Ultra 5G. Yung design ng camera module ng phone yung obvious na design nung box. Makikita rin yung tatlong key aspects ng phone na ‘to. Kasama na yung chipset, display, at ‘yung battery. Kapag in-open na, mas magkaka-idea pa tayo sa specs ng phone dahil sa balot. Yung nandito sa atin ay itong Geek Black color. May pagka-mecha yung design pero hindi naman oa. Napaka-decent pa rin na itsura. Meron din itong mga documentations, magnetic case para mas madaling mag-wireless charging. Meron ding 70W na charging brick at USB-C cable.

Design

If ever man na ayaw niyo nitong Geek Black colorway ay meron pa namang isang color, yung Geek White. And I highly suggest na kung ayaw ninyong maging halatang-halata yung mga alikabok. Piliin niyo ang Geek White. Kasi itong Black ay kitang-kita yung alikabok. Hindi naman ito kapitin ng smudgest at fingerprint. Personal preference ko lang naman. Isa pa sa napansin ko na kahit tuyo ang phone at case. Pero kapag inilagay na yung case ay parang nagkakaroon ng basa. Masyadong maliit na bagay pero gusto ko lang i-mention para alam niyo. Mas madaling kumapit itong power bank kasi kapag ginamit ‘yung case na kasama sa box.

Itong Tecno POVA 7 Ultra 5G ay 201grams lang yung weight. Normal na normal hindi ganon kabigat. Tamang-tama lang. Meron pa ‘tong IP64 na rating. If ever na maulanan or matalsikan ng tubig, mabasa dahil ginagamit natin habang naghuhugas tayo ng plato, o naglalaba. Wala tayong ikakakaba kasi hindi ito agad-agad papasukin. Meron din itong stereo speakers at IR Blaster. Naka-Wi-Fi 6 at Bluetooth 5.4 na ito. Yung stereo speakers nitong phone na ‘to ay maganda. Goods yung quality. Kahit i-max yung volume, okay lang at hindi sabog kasi naka-Dolby Atmos na ito. Magiging maganda talaga at nakaka-enjoy kapag ginamit sa media streaming. Para sa mga curious sa haptics nito, maganda pero sobrang hinhin yung feels. Hindi ganon kalakas yung vibration pero maganda at mafi-feel mo. I think, pwede mo namang i-adjust yung vibration sa keyboard setting. I suggest, gamitin niyo dahil hindi na masama yung feels.

Sides

Kapag tiningnan yung right side ay makikita yung volume up and down buttons, at power button na may orange accent. Sa taas makikita ‘yung secondary speaker at secondary microphone. Sa may left side ay malinis na malinis. At sa may ilalim makikita ‘yung main speaker, main microphone, at SIM tray. ‘Yung SIM tray ay dual nano SIM. Wala itong support sa e-SIM. Hindi din pwedeng makapaglagay ng micro-SD card. Hindi expandable ‘yung storage nito. Mabuti na lang talaga ay 256GB na ‘yung storage ng phone. Pero sadly, isa lang ‘yung configuration ng Tecno POVA 7 Ultra at walang 512GB.

At ang isa pa sa pinaka-highlight ng design nitong POVA 7 Ultra 5G ay yung tinatawag na Status Light. Makikita yan sa likuran ng phone. Kaya kakaiba yung shape nung camera module kasi yung paligid niyan ay may ilaw. Kulay puti lang talaga yung kulay. Kahit tingnan sa settingay hindi mababago ‘yung kulay. Magagamit itong Status Light kapag may mga notification, charging, at marami pang iba.

Display

Specification:

Maganda yung color reproduction ng display nito. Manipis din yung mga bezels at proportioned. Kahit yung chin at forehead ng phone ay pantay na pantay. Talagang immersive at mag-e-enjoy tayo sa panonood ng videos at movies. Walang nakaka-distract na bezels sa baba or sa taas at pantay na pantay. Kailangan tandaan na yung 144Hz na max refresh rate ng phone ay hindi natin palaging magagamit. Piling-pili pa lang sa ngayon ang mga applications na makakapag-utilize ng mataas na refresh rate.

Pwede nating ituring yung 144Hz max refresh rate ng POVA 7 Ultra 5G as future proofing pa lang. Sa refresh rate setting, mayroong Auto, Standard, at High. Kapag naka-High, duon lang natin mai-specify sa isang application kung ilang refresh rate ‘ito. 5 applications lang yung may support sa 144Hz refresh rate. The rest ay kailangang i-adjust manually kung anong refresh rate yung gusto natin. Pero by default, naka-120Hz naman yung max refresh rate ng iba pang mga application. For example, itong isang game ay pwede tayong mamili kung 60Hz or 120Hz. At buti na lang yung refresh rate behavior nitong phone ay bumababa naman talaga to 60Hz. Matipid naman sa battery.

Meron din itong Color style. May dalawang preset at pwedeng matimpla yung color temperature. Pero ang talagang nagustuhan ko sa phone na ‘to ay yung pag-adjust sa resolution nito. Meron itong UHD at HD na option. Medyo nakakalungkot lang kasi yung Widevine Security nito sa Netflix application ay Level 3. Tapos yung max playback resolution naman ay SD lang. Ewan lang sa mga susunod na software updates ng POVA 7 Ultra kung magiging HD yung max playback.

Performance

Specification:

Maganda talaga at mabilis yung performance ng phone na ito. Kahit on paper pa lang ay makikita na natin na hindi putsu-putso lang na specs. Pati iyung storage type ay ginawang UFS 4.0, so nakakabilib. Yung pinakasagad na MemFusion or virtual RAM na pwedeng i-select ay 12GB. Up to 24GB na RAM ‘yung pwedeng magamit sa POVA 7 Ultra. Kapag ginamit ang MemFusion, ang AnTuTu score ay 1369854 ‘yung score. Pero nung in-off ang MemFusion ay naging 1370094 na. Kapag hindi ginamit ang MemFusion ay mas mataas ng kaunti ang performance. Para sa akin ay pwede pa ring gamitin. Hindi naman ganun ka-obvious ‘yung mawawalang performance. At least, malaki-laki ang RAM at hindi agad-agad magha-hang yung phone.

Pero sa totoo lang, yung 12GB RAM ay sapat na sapat na para sa everyday use. Sa Wild Life Stress Test, yung battery consumption ay medyo malaki-laki ang nabawas, 9%. Sa temperature ay ang nadagdag ay nasa 13°C. Hinay-hinay pa rin sa paggamit ng phone kasi may potensyal talaga na mag-cause ng alarming heat. At ang isa pa sa malaking proweba ay yung pinakita ko kaninang AnTuTu score. Yung starting point ay 27.3°C pero umabot ito ng mahigit 42°C. Talagang alarming ‘yung heat na ‘yun.

Sa gaming, dito sa Asphalt. Nakasagad ‘yung graphics. Almost lahat ng graphics naman ay na-generate nito sa mismong gameplay. Pero hindi pa rin lahat. May kulang pa rin pero napaka-smooth na ng gameplay natin. Mage-enjoy talaga tayo. Sa Racing Master, sagad ‘yung graphic settings. Compatible ito sa pinakamataas na graphics nitong game. Sa mismong gamepla ay nag-enjoy din ako. Walang hiccups at walang struggle. Tapos ang ganda talaga ng graphics. Dito naman sa CarX Rally, sagad din ‘yung graphics. And again, walang kahit anong issue at maganda ‘yung graphics.

Camera

Specification:

At ang nakakabilib sa POVA 7 Ultra 5G, ‘yung main camera nito ay kayang mag-shoot ng up to 4K 60fps na naka-Ultra Steady On. Ganun din ang selfie camera. Stable ito sa likod at sa harap.

Ito ang mga sample photos screenshot:

Ito ang mga sample video screenshot:

Battery

Specification:

Itong unang PCMark result ay 9 hours 47 minutes. Ini-set ko naman to Auto plus 1.5k na resolution. Medyo tumaas naman ang SoT, naging 10 hours and 4 minutes. Pero sa totoo lang, nalungkot pa rin ako sa result. Ang ginawa ko for experiment lang ay naka-High refresh rate at naka 1.5k resolution. Nakakuha ito ng pinakamataas na SoT, 10 hours and 39 minutes. Pero ang bottom line ay mababa pa rin ito. Nakakalungkot pa rin. Sana ma-improve pa yan ng Tecno sa mga susunod na software updates.

Conclusion

Yan lahat yung mga information, details, at mga result ng ating test sa Tecno POVA 7 Ultra 5G. So bibilhin niyo ba ito for Php16,999? Yan yung SRP nito. Pero mas magandang i-avail ninyo ‘yung mga promos kanina kung maabutan niyo. Meron bang cons na mga nakita o mga bagay na gustong i-improve sa Tecno POVA 7 Ultra 5G? Yes. Pero pwede nila itong mahabol pa sa software updates.

Unang-una, yung battery performance. Plus wala pa akong nakita, kahit sa website nila o sa box, kung ilang taon ‘yung matatanggap nitong software support. Ilang major upgrades ba ‘yung makukuha nito? Kasi sa ngayon ay naka-Android 15 ito. Aabot kaya ‘to kahit man lang Android 20? Tapos ilang taon din ‘yung security patches? Wala pang ina-announce si Tecno. Pero tingnan natin baka mahabol nila ‘yan sa mga susunod na linggo or months. Pero overall, pagdating sa performance, display, design, sa mismong bilis nito, okay na okay ito sa akin. Maganda yung performance ng phone na ‘to para sa presyo.

Kung gusto niyo bumili nito, click niyo lang ang link na ito:
TECNO TikTok Shop – https://bit.ly/POVA7UNTRA5G
TECNO Flagship Store in Lazada – https://bit.ly/LZDPOVA7ULTRA
TECNO Retail Stores Pre-Order – http://bit.ly/4lhuc6n
Para naman sa video ng review ko, pede niyo panoorin dito:

About Author

sulittechreviews

See author's posts

Post navigation

Previous: Marshall’s Kilburn III Enters The Reengineered Acoustics And 50+ Hours Of Playtime
Next: Bigme HiBreak Pro – WOW! SUMAKSES TALAGA! DAMING BAGO!

Related Stories

vivo V60 Lite Beauty Shot
  • Phones
  • Tech Blog
  • vivo

vivo V60 Lite – MATIBAY NA, MATAGAL PA MA-LOWBATT!

sulittechreviews November 11, 2025
Infinix GT 30 Conclusion
  • Infinix
  • Phones
  • Tech Blog

Infinix GT 30 – PREMIUM GAMING EXPERIENCE?!

sulittechreviews October 31, 2025
BenQ MA320U
  • BenQ
  • Other Tech
  • Tech Blog

BenQ MA320U 4K Monitor – SAKTO PARA SA MACBOOK MO!

sulittechreviews October 30, 2025
vivo V60 Lite Beauty Shot
Phones Tech Blog vivo

vivo V60 Lite – MATIBAY NA, MATAGAL PA MA-LOWBATT!

sulittechreviews
November 11, 2025 0
Infinix GT 30 Conclusion
Infinix Phones Tech Blog

Infinix GT 30 – PREMIUM GAMING EXPERIENCE?!

sulittechreviews
October 31, 2025 0
BenQ MA320U
BenQ Other Tech Tech Blog

BenQ MA320U 4K Monitor – SAKTO PARA SA MACBOOK MO!

sulittechreviews
October 30, 2025 0
OnePlus Pad 3 Beauty Shot
OnePlus Tablets Tech Blog

OnePlus Pad 3 – ANG PINAKASULIT NA ANDROID TABLET NGAYON??

sulittechreviews
October 30, 2025 0

Recent Posts

  • vivo V60 Lite – MATIBAY NA, MATAGAL PA MA-LOWBATT!
  • Infinix GT 30 – PREMIUM GAMING EXPERIENCE?!
  • BenQ MA320U 4K Monitor – SAKTO PARA SA MACBOOK MO!
  • OnePlus Nord 5 – AFFORDABLE FLAGSHIP KILLER! GOOD DEAL NA ‘TO!
  • Nothing Phone (3) – PASADO BA TALAGA AS “FLAGSHIP”? MAGANDA BA ANG BAGONG “GLYPH INTERFACE”?
Copyright © All rights reserved. | MoreNews by AF themes.