Price

As of writing this article, itong S24 FE ng Samsung ay may presyo na Php25,990 sa Shopee. Ang configuration nito ay 8/128 GB. Nasa baba ang link kung gusto mo bumili at i-check ang updated pricing.
Unboxing



Manipis lang naman yung box nitong S24 FE. Color black at manipis ang box. Kagaya ng ibang mga flagship phones ng Samsung. Ibig sabihin walang charger sa loob ng box. And again, 8/128GB yung nandito na color Blue. Pag-open ng box, yung phone agad ‘yung makikita. May makikitang document sleeve sa loob na merong USB-C cable, SIM ejector, at documentation.
Design







Kung hindi niyo gusto yung ganitong color, meron pa namang Gray, Mint, tsaka Yellow. Depende sa availability sa Shopee. Itong S24 FE ay mayroong Corning Gorilla Glass Victus+ protection sa likod kasi glass ang likod nito. Meron pa itong IP68 ingress protection. Aksidente mang malubog sa tubig ay kakayanin nito hanggang 1.5 meters for 30 minutes. Pero hindi ibig sabihin na pwede itong gawing action camera. Huwag na huwag itong isasama sa pagsu-swimming lalo na sa dagat. Sigurado masisira ‘to. Yung mga sides nitong S24 FE ay flat na flat naman. Medyo curved yung edges nito. Comfortable itong hawakan kahit matagal-tagal gamitin.
Sa may right side makikita yung volume up and down buttons power lock button. Meron din itong antenna band sa right side. Sa taas ng phone yung SIM tray, antenna band, tsaka dalawang microphone. Malinis naman sa may left side. Sa may ilalim yung USB-C port, main microphone, at main speaker. Ang SIM tray nitong S24 FE ay dalawang nano SIM ‘yung pwedeng ilagay. Pero meron din itong support sa eSIM. Pwedeng maglagay ng dalawang nano SIM, or isang nano SIM at isang eSIM, or dalawang eSIM. Pero hindi makapag-expand ng storage kasi wala itong micro-SD card slot.
Sa harap makikita yung selfie camera na hindi naman makapal kaya okay na okay naman yung pwesto. Yung bezel sa dalawang gilid at sa taas ay pantay naman. However, nakaka-disappoint lang na ang kapal ng bezel sa may chin. Considering na almost Php30,000 yung phone noong ni-review ko, medyo disappointing talaga yun. Sa totoo lang, nang una ko itong nakita ay hindi ko in-expect na makapal pa rin yung chin. Sana sa mga susunod namang FE phones ng Samsung ay parang flagship na yung itsura niya.
Display
Specification:

Nakakatuwa sa Netflix application, yung Widevine Security nito ay Level 1. Full HD yung max playback resolution and may support sa HDR10. Sa refresh rate behavior sa Test UFO, nakaka-60 fps lang kapag hindi ginagalaw yung display. Sa oras na mag-scroll, aabot na ito ng 120fps. Tipid ito sa battery kapag naka-dynamic or naka-auto yung refresh rate setting. At speaking of refresh rate setting, meron lang itong dalawang option. Adaptive at tsaka Standard. Sa buong test sa phone, naka-adaptive lang ito. Mayroon din itong dalawang preset sa color settings at pwedeng i-adjust ‘yung white balance or color temperature.





Battery
Specification:

Sunod naman ang SOT na nakuha sa PC Mark. Naka-dynamic ito na refresher rate at 50% yung brightness. Nakaka-disappoint na sa ganitong presyo ay 11 hours and 39 minutes lang yung nakuhang SOT. Sa charging, hindi official charger yung ginamit ko. Naka-GaN charger ako ng UGreen, 12% to 100% ay 1 hour and 18 minutes ko ito na-charge.


Performance
Specification:

Pina-promise ng Samsung na makakatanggap ito ng up to 7 major Android upgrades. Dahil Android 14 ito nung ni-release, 6 na lang yung major Android upgrades na matatanggap nito. Kasi naka-Android 15 na ito ngayon. Yung pinaka-latest na One UI o naka-One UI 7 ito. Talagang updated naman ito pagdating sa UI. Up to Android 21 ito. Makakatanggap pa tayo ito ng up to 7 years of security patches. Pagdating naman sa software support ay wala tayong masasabi pagdating sa S24 FE. Talagang maaalagaan tayo ng Samsung.




Pagdating naman sa virtual RAM or RAM Plus, pwedeng mamili hanggang 8GB na additional na RAM on top of physical RAM. Ang AnTuTu na nakuha kapag ginamit yung RAM Plus ay 1552231. Talagang masa-satisfy naman tayo pagdating sa performance. Mabilis naman talaga itong phone na to. Para sa presyo, sa tingin ko ay sapat na sapat ‘yung performance na makukuhang value. Tamang-tama naman. Kapag in-off yung RAM Plus ay medyo malaki-laki yung ibinawas sa performance. 1372920 na lang yung nakuhang score. I advise, gamitin niyo. Okay ito at makakatulong pa sa performance yung RAM Plus. Medyo alarming lang yung nakuhang result sa Wild Life Stress Test. Ang laki talaga ng nabawas sa battery after nung test, 14%. Yung temperature ay umabot ng 46°C. Nadagdagan ito ng 19°C kasi nag-start ito ng 27°C. Hinay-hinay lang sa paggamit ng phone kasi hindi talaga ganon kaganda yung thermals nito.
Gaming




Sa actual gaming sa Racing Master, nakasagad ‘yung graphic settings and nakakatuwa na compatible ito sa highest graphic settings. Sa mismong gameplay, okay naman. Wala naman akong nakitang problema at mage-enjoy talaga tayo sa gaming. ‘Yun nga lang, pagdating sa thermals ay talagang may na-feel akong alarming heat sa likod. After lang ng 10 minutes na paglalaro. Sa Asphalt Unite, yung graphics ay sagad din. Yun nga lang sa mismong gameplay, hindi nito na-generate lahat ng graphics. Hindi ko nakita yung motion blur. Pero pagdating sa mismong performance ay wala ring problema. Sa thermals, makakaramdam din ng alarming heat kahit hindi ganon kabigat yung nilalaro.
Camera
Specification:

Ito ang mga sample photos:




Ito ang mga sample video screenshot:


Conclusion

Ano ang masasabi niyo sa Samsung Galaxy S24 FE? Sa tingin niyo ba ay sulit ito para sa presyo? Kung ako naman ang tatanungin ay okay ito para sa presyo. Unang-una sa lahat, maganda yung software support na pina-promise ng Samsung. Yyung performance nito ay okay na okay din. Yung display ay goods na goods maliban sa bezel na talagang nakaka-disappoint. Medyo masakit sa mata. Hindi ko lang talaga nagustuhan na hindi maganda yung battery performance ng phone. Considering na nasa Php30,000 na almost yung presyo niya noong nire-review ko. Pero sa tingin ko naman ay mahahabol yan sa software updates. Sana ay talagang mangyari iyun. Pero for now, medyo kulang yung 4,700mAh na capacity ng phone. Yun lang naman yung downside na nakita ko. Pero overall, para sa akin ay sakto naman ito para sa presyo.
Kung gusto niyo bumili nito, click niyo lang ang link na ito:
Shopee – https://invl.me/clmqlks
Para naman sa video ng review ko, pede niyo panoorin dito: