Skip to content

Sulit Tech Reviews

Samu't-saring Unboxing and Reviews

Lazada Philippines

Follow Me

  • Youtube
  • Facebook
  • Instagram
  • Twitter
Primary Menu
  • Home
  • Press Release
  • Tech Blog
    • Phones
    • Tablets
    • Laptops
    • Other Tech
  • Contact
  • Youtube
  • Facebook
  • Instagram
  • Twitter
  • Home
  • Latest
  • Samsung Galaxy A36 5G – GRABE! AABOT NG ANDROID 21!
  • Latest
  • Phones
  • Samsung
  • Tech Blog

Samsung Galaxy A36 5G – GRABE! AABOT NG ANDROID 21!

Kahit outdoor ay walang problema sa display nitong A36. Talagang makikita natin 'yung details kahit tirik na tirik 'yung a...
sulittechreviews August 11, 2025

Price

Sa website ng Samsung ay Php21,990 yung price nito. Pero sa Shopee ay Php21,754 na lang, as of writing this article. Nasa baba ang link para ma-check niyo ang updated pricing.

Unboxing

Makikita sa harap ng box ang itsura ng A36 5G. Manipis lang ‘yung box at hindi na kailangang mag-expect na merong charger sa loob. Kailangan lang nating punitin mga sticker sa ilalim para ma-open ang box. Pagbukas, A36 agad yung makikita. Meron itong document sleeve na may papers, charging cable, at SIM ejector pin.

Design

Ang colorway nitong A36 ay Lavender. Pero meron pa ‘tong color Black at color White. Sa Shopee, dalawa lang yung available colors na Black at Lavender. Yung likod nitong A36 5G ay glass at protected ng Corning Gorilla Glass Victus+. May peace of mind na kahit glass ito ay hindi agad-agad magagasgas o mababasa. Bilhan pa rin ng case kasi wala itong kasama sa box. Itong Galaxy A36 ay merong IP67 na rating, dust and water resistant ito. Kung sakaling malublob sa tubig, kaya nitong tumagal ng up to 1 meter for 30 minutes.

Sa top part makikita yung dalawang microphone. Sa may ilalim makikita yung speaker, dalawang microphone ulit, USB-C port, at SIM tray. Right side naman makikita ang volume up and down buttons at power lock button. Kagaya dati ay naka-protrude pa rin ito para madaling makapa. Sa may left side ay malinis na malinis. Ang SIM tray ay pwedeng lagyan ng dalawang nano SIM, o isang nano SIM + eSIM, o dalawang eSIM. May eSIM support itong A36. Sa harap ng Galaxy A36, proportion naman yung bezel sa dalawang gilid. However, yung chin ay mas makapal ng kaunti kumpara sa forehead pero hindi naman sobrang noticeable. Ang punched hole selfie camera ay hindi rin ganuon kakapal. May in-display fingerprint scanner ito at napaka-responsive naman.

Display

Specification:

Kahit outdoor ay walang problema sa display nitong A36. Talagang makikita natin ‘yung details kahit tirik na tirik ‘yung araw. Pagdating sa color accuracy ay sobrang ganda ng kulay ng display nitong A36. Talagang mage-enjoy tayo pagdating sa media consumption. Nakakatuwa naman kasi Level 1 yung Widevine Security sa Netflix application. Ang max playback resolution ay Full HD.

Sa behavior ng refresh rate, makikita sa Test UFO na nakaka-60Hz ito. Pero once na galawin yung display ay papalo agad ito ng 120Hz. Napaka-responsive nang refresh rate at makakatipid sa battery. Basta’t yung pipiliin lang sa motion smoothness setting ay Adaptive. Yung One UI na ang magde-decide kung 120Hz o 60Hz ang kailangan sa isang scenario. Kung gusto natin na palaging naka-60Hz ay select lang yung Standard. Meron din dalawang color preset na pwedeng piliin, Vivid or Natural. Pwede pa baguhin yung color temperature or white balance.

Performance

Specification:

Pina-promise ng Samsung na itong Galaxy A36 ay makakatanggap ng 6 major Android upgrade. Sobrang gandang deal non. Kung Android 15 to ay aabot ito ng Android 21. 6 Years naman na security updates din ‘yung mare-receive nito. Sobrang ganda ng software support na ibibigay ng Samsung sa A36. Sa virtual RAM or RAM Plus, pwede i-enable ‘yan at makapag-select from 2GB hanggang 8GB. Ang AnTuTu score na nakuha kapag ginamit yung RAM Plus ay 626605. Not bad at magandang-maganda na ‘yung score na ‘yan. kapag naka-off naman ang RAM Plus, ang score ay 633038. Nag-increase yung performance kapag hindi ginamit yung RAM Plus. Sa result ng Wild Life Stress Test, sa battery consumption ay nabawasan ito ng 7% at 8°C naman yung nadagdag sa temperature. Not bad at napaka-normal naman.

Gaming

Game test natin ito sa Racing Master. Sa graphic settings ay pwede isagad to Ultra High yung graphics. Nakasagad din yung resolution to HD, motion blur ay High, naka-on yung Sharpening, FPS ay 60fps, naka-Dynamic Terrain, at naka-movie filter. Sa actual game ay for the most part ay hindi ito hirap. Meron lang sa pinakaumpisa ng game na may frame drops. Pero most of the time ay napaka-smooth ng gameplay. Kung hindi kayo comfortable sa ganon, pwede namang babaan yung resolution or graphic settings. Kung ako lang ay okay na okay pa rin yung performance kahit sagad na sagad. Wala akong makitang masyadong struggle. Sobrang ganda ng graphics. Kung gagamitin itong A36 sa mabigat na game ay walang malaking issue.

Sa Asphalt Unite, graphic settings ay sagad din. Wala itong 120Hz na support. Sa gameplay ay wala rin akong makitang kahit anong struggle. Mas magaan itong game compared sa Racing Master. Mas okay yung performance ng kaunti compared sa Racing Master. Mukhang naabot naman nito yung 60fps na gameplay. Sobrang smooth at for sure ay hindi lang ito 30fps.

Camera

Specification:

Ito ang mga sample photo screenshot:

Ito ang mga sample video screenshot:

Battery

Specification:

Ang nakuhang SOT ay 12 hours and 56 minutes, almost 13 hours naman. While not bad, hindi naman sobrang impressive at tamang-tama lang. Knowing na aabot ng 6 major Android upgrades yung phone ay sa tingin ko mag-i-improve pa yan. Sana umabot ng 14 to 16 hours of screen on time sa mga susunod na software updates. Pagdating naman sa charging, from 16% to 100% ay 1 hour and 16 minutes ko ito na-charge. Hindi official charger yung ginamit ko na GaN charger ng UGREEN. Kung bibili tayo ng 45W na Samsung charger ay mas mabilis pa malamang ‘yung makukuhang charging time.

Conclusion

Sulit ba para sa presyo itong Samsung Galaxy A36 5G? Kung ako ang tatanungin, sa 6 major Android upgrades at 6 years security updates ay solve na solve na ako. Idagdag pa na naka-Super AMOLED display, 120Hz, at maganda yung score na nakuha sa AnTuTu. Magandang-maganda yung RAM nito. Maganda rin yung storage type at chipset. Para sa akin, ‘yung presyo ay napaka-justifiable naman. Palagi kong sinasabi, go for 8/256GB na configuration kasi wala itong SD card support. Kung gagamitin natin to ng mahigit anim na taon, kailangan malaki na yung storage na makuha natin.

Kung gusto niyo bumili nito, click niyo lang ang link na ito:
Shopee – https://invl.me/clmqcn1
Para naman sa video ng review ko, pede niyo panoorin dito:

About Author

sulittechreviews

See author's posts

Post navigation

Previous: vivo Y29 – ANG TINDI NG BATTERY PERFORMANCE!
Next: REDMAGIC 10 Air – NAUNAHAN PA ANG iPHONE 17 AIR!

Related Stories

vivo V60 Lite Beauty Shot
  • Phones
  • Tech Blog
  • vivo

vivo V60 Lite – MATIBAY NA, MATAGAL PA MA-LOWBATT!

sulittechreviews November 11, 2025
Infinix GT 30 Conclusion
  • Infinix
  • Phones
  • Tech Blog

Infinix GT 30 – PREMIUM GAMING EXPERIENCE?!

sulittechreviews October 31, 2025
BenQ MA320U
  • BenQ
  • Other Tech
  • Tech Blog

BenQ MA320U 4K Monitor – SAKTO PARA SA MACBOOK MO!

sulittechreviews October 30, 2025
vivo V60 Lite Beauty Shot
Phones Tech Blog vivo

vivo V60 Lite – MATIBAY NA, MATAGAL PA MA-LOWBATT!

sulittechreviews
November 11, 2025 0
Infinix GT 30 Conclusion
Infinix Phones Tech Blog

Infinix GT 30 – PREMIUM GAMING EXPERIENCE?!

sulittechreviews
October 31, 2025 0
BenQ MA320U
BenQ Other Tech Tech Blog

BenQ MA320U 4K Monitor – SAKTO PARA SA MACBOOK MO!

sulittechreviews
October 30, 2025 0
OnePlus Pad 3 Beauty Shot
OnePlus Tablets Tech Blog

OnePlus Pad 3 – ANG PINAKASULIT NA ANDROID TABLET NGAYON??

sulittechreviews
October 30, 2025 0

Recent Posts

  • vivo V60 Lite – MATIBAY NA, MATAGAL PA MA-LOWBATT!
  • Infinix GT 30 – PREMIUM GAMING EXPERIENCE?!
  • BenQ MA320U 4K Monitor – SAKTO PARA SA MACBOOK MO!
  • OnePlus Nord 5 – AFFORDABLE FLAGSHIP KILLER! GOOD DEAL NA ‘TO!
  • Nothing Phone (3) – PASADO BA TALAGA AS “FLAGSHIP”? MAGANDA BA ANG BAGONG “GLYPH INTERFACE”?
Copyright © All rights reserved. | MoreNews by AF themes.