Skip to content

Sulit Tech Reviews

Samu't-saring Unboxing and Reviews

Lazada Philippines

Follow Me

  • Youtube
  • Facebook
  • Instagram
  • Twitter
Primary Menu
  • Home
  • Press Release
  • Tech Blog
    • Phones
    • Tablets
    • Laptops
    • Other Tech
  • Contact
  • Youtube
  • Facebook
  • Instagram
  • Twitter
  • Home
  • Latest
  • vivo Y29 – ANG TINDI NG BATTERY PERFORMANCE!
  • Latest
  • Phones
  • Tech Blog
  • vivo

vivo Y29 – ANG TINDI NG BATTERY PERFORMANCE!

Nagamit ko na 'tong phone ng ilang araw at gusto kong i-share sa inyo 'yung mga natuklasan ko. Tingnan muna natin 'yung si...
sulittechreviews August 11, 2025

Price

Pag-uusapan natin ngayon itong vivo Y29. Dalawa yung configuration na pwedeng piliin sa phone. 8/128GB for Php8,999 at 8/256GB for Php10,999. Para sa isang vivo phone na entry level, maganda na kahit papaano ‘yung storage at RAM, sapat na sapat yung presyo. Opinyon ko lang naman.

Unboxing

May dalawang colorway na pwedeng piliin. Nandito sa atin itong White na 8/256GB. Meron pa itong isang color way na Espresso Brown. I highly recommend na itong White yung piliin niyo kasi sobrang ganda talaga. Pag-open ng box, ang unang makikita ay yung phone na nakabalot sa plastic. Sobrang ganda ng White. Napakaelegante ng itsura. Glossy ‘yung frames nito at plastic lang pero nakakadagdag sa pagka-premium ng phone. Sa ilalim ng box ay may jelly case na may additional protection para sa camera bump. Meron din itong mga documentation, 44W vivo FlashCharge na USB-A port, at USB-A to USB-C cable. Sa pinakailalim ‘yung SIM ejector pin.

Design

Nagamit ko na ‘tong phone ng ilang araw at gusto kong i-share sa inyo ‘yung mga natuklasan ko. Tingnan muna natin ‘yung sides ng phone. Sa may left side, ang makikita ay yung SIM tray. Pwede itong lagyan ng dalawang nano SIM or isang nano SIM + isang micro-SD card. According to vivo, pwede itong lagyan ng up to 2TB micro-SD card. Sa may right side, makikita yung volume up and down buttons at power lock button na conventional fingerprint scanner na. Tapos, sa may bandang itaas ay malinis na malinis. Sa may ilalim naman yung USB-C port, main microphone, at main speaker. Sa harap, makikita ‘yung punch hole selfie camera at nasa earpiece ‘yung secondary speaker.

Medyo makapal-kapal yung chin compared sa forehead. Expected naman para sa isang entry level phone, lalo na sa ganitong brand. Hindi na rin masama. Kumpara ng mga nakalipas na taon ay sobrang kapal ng chin ng mga entry level phone. Meron na rin itong pre-installed na screen protector kaya talagang gagamitin na lang.

According to vivo, itong Y29 ay merong IP64 at MIL-STD 810H na ingress protection at rating. Ito ay dust, water, and drop resistant. Hindi pa rin to maituturing na rugged phone. Nilagay lang ng vivo yung mga proteksyon na iyan in case of emergency. Kung malaglag natin ito sa tubig ay hindi agad-agad papasukan. Basta kukunin lang agad. Kung mailagay sa maalikabok na environment ay okay lang din. Hindi din papasukin agad-agad. At kung mahulog, hindi rin agad-agad masisira. Good to know na mayro’n ganiyang protection kahit sa ganito kamurang phone ng vivo. Una nating mapapansin sa home screen ay medyo madami-dami ‘yung bloatware’s.

Battery

Specification:

Ang SoT na nakuha ko ay 24 hours and 36 minutes. Grabe, isa ‘to sa pinakamalaking SOT so far na nakuha natin sa isang phone. Kung sakaling gagamitin natin ‘to sa work, gagamit tayo ng mga GPS based applications at naka-data tayo all day, wala pong problema. Maaasahan natin yung battery performance ng phone na ‘to. Hindi to agad-agad malo-lowbat. Sa charging, 15% to 100% hour ay 1 hour and 20 minutes ko lang ito na-charge. Considering na 6,500mAh yung capacity, mabilis na po yan. Pagdating sa reliability ng fingerprint scanner, okay lang naman. Hindi sobrang bilis pero most of the time ay ma-unlock naman ‘yung phone gamit.

Okay na rin at makakasanayan ko rin ‘yung hindi sobrang bilis na response. Pagdating naman sa speaker, kapag itinodo yung volume ay pwedeng ma-boost up to 400%. Sobrang lakas talaga ng speaker ng phone na to. Lalo na yun sa may ilalim. Stereo speakers ito pero mas mahina yung speaker sa may earpiece kumpara sa main sa ibaba.

Display

Specification:

Malaking bagay ‘yung 720p resolution kung bakit natin nakuha ‘yung almost 25 hours na SoT. Sa ganitong presyuhan ng phone, hindi na ako nagreklamo na 720p at 120Hz yung max refresh rate. Hindi ko naman ito gagamitin primarily sa gaming. Gagamitin ko ito for everyday applications like Facebook, YouTube, at for work kung sakaling ako yung bibili nito. Malaking bagay na medyo mababa yung resolution na inilagay para ma-achieve yung battery performance na yon. Ito talaga yung key selling point ng vivo sa Y29, yung battery performance at yung napakalakas na speaker. I think na-achieve naman ng vivo yung dalawang key selling point na yan.

Sa settings> display and brightness, wala itong color presets na pwedeng piliin. Meron itong color temperature na option. Pwede nating i-adjust manually yung white balance. Sa screen refresh rate, meron itong tatlong options. Smart Switch kung yung Funtouch OS na ang mag-decide kung anong refresh rate ang bagay sa application na ginagamit natin. Standard kung naka-lock lang ito to 60Hz. High naman kung naka-lock to 120Hz. Nung ginagamit ko ang phone ay lagi akong naka-Smart Switch. Nakakatuwa naman kasi yung Widevine Security Level sa Y29 ay Level 1. Full HD ‘yung max playback resolution. Mae-enjoy natin yung media consumption. Lalo na’t napakatagal ng battery endurance ng phone. Kahit ilan pang oras tayong mag-play dito ng movie or TV series ay walang problema.

Performance

Specification:

According to vivo, makakatanggap ito ng 50-month smooth experience. Tumutukoy siguro yun sa software support. Mahigit 4 years yung pwedeng matanggap na software support. Hindi lang sure kung ilan doon yung major Android upgrade. Pero ang security patches ay aabutin ng 3 to 4 years yung mare-receive ng phone. Pagdating sa major Android upgrade, kung ico-consider yung Y29 5G ay hanggang Android 16 ‘yun. Sana Android 16 din yung matanggap nito or more kung pwede. Meron din itong virtual RAM na 8GB by default. Ang AnTuTu score na nakuha kapag ginamit ang extended RAM, 333328. Nung in-off ko naman yung extended RAM, 327511 na lang yung score. Mas maganda gamitin yung extended RAM para sa additional boost ng performance.

Isang pang malaking proof na maganda ang battery endurance ng phone na ito. Sa Wild Life Stress Test, kahit 1% ay hindi ito nabawasan. Nadagdagan lang ito ng 3°C sa temperature, which is not bad pa rin. Kapag nasa isang game, pwedeng i-swipe mula sa left papunta sa right at meron itong performance panel. Makakapamili tayo ng performance profile. Naka-boost tayo ngayon at napaka-smooth naman ng performance overall. Hindi natin-expect na mage-generate ng Snapdragon 685 ‘yung graphics of most games ngayon. Lalo na mga casual games or lalo na mga heavy games. Kaya nitong patakbuhin pero hindi lang ganun kaganda yung graphics. Pagdating sa gaming, kaya naman nitong Y29.

Camera

Specification:

Ito yung mga sample photos:

Ito ang mga sample video screenshots:

Conclusion

Ano ang masasabi niyo sa vivo Y29? Masasabi niyo ba na sulit ito para sa presyo? Kung ako naman ang tatanungin? pasadong pasado na. Kung kaya lang ng budget natin, go for 8/256GB para malaki na agad ‘yung storage. Pero, if ever na Php8,999 yung napili mong configuration na 8/128, panalong-panalo pa rin tayo. Pwede tayong maglagay ng up to 2TB na micro-SD card.

Ang ganda ng battery performance ng phone na to. Kung gusto niyo ng phone na kayang-kaya ‘yung mga everyday applications natin, kayang-kaya tumagal ng mahigit 1 day of usage kahit pa naka-data. Kayang-kaya ng phone na ‘to.

Kung gusto niyo bumili nito, click niyo lang ang link na ito:
Lazada – https://invl.me/clmq8pl
Para naman sa video ng review ko, pede niyo panoorin dito:

About Author

sulittechreviews

See author's posts

Post navigation

Previous: nubia Neo 3 GT 5G – MUKHANG MADAMING MASA-SATISFY DITO!
Next: Samsung Galaxy A36 5G – GRABE! AABOT NG ANDROID 21!

Related Stories

vivo V60 Lite Beauty Shot
  • Phones
  • Tech Blog
  • vivo

vivo V60 Lite – MATIBAY NA, MATAGAL PA MA-LOWBATT!

sulittechreviews November 11, 2025
Infinix GT 30 Conclusion
  • Infinix
  • Phones
  • Tech Blog

Infinix GT 30 – PREMIUM GAMING EXPERIENCE?!

sulittechreviews October 31, 2025
BenQ MA320U
  • BenQ
  • Other Tech
  • Tech Blog

BenQ MA320U 4K Monitor – SAKTO PARA SA MACBOOK MO!

sulittechreviews October 30, 2025
vivo V60 Lite Beauty Shot
Phones Tech Blog vivo

vivo V60 Lite – MATIBAY NA, MATAGAL PA MA-LOWBATT!

sulittechreviews
November 11, 2025 0
Infinix GT 30 Conclusion
Infinix Phones Tech Blog

Infinix GT 30 – PREMIUM GAMING EXPERIENCE?!

sulittechreviews
October 31, 2025 0
BenQ MA320U
BenQ Other Tech Tech Blog

BenQ MA320U 4K Monitor – SAKTO PARA SA MACBOOK MO!

sulittechreviews
October 30, 2025 0
OnePlus Pad 3 Beauty Shot
OnePlus Tablets Tech Blog

OnePlus Pad 3 – ANG PINAKASULIT NA ANDROID TABLET NGAYON??

sulittechreviews
October 30, 2025 0

Recent Posts

  • vivo V60 Lite – MATIBAY NA, MATAGAL PA MA-LOWBATT!
  • Infinix GT 30 – PREMIUM GAMING EXPERIENCE?!
  • BenQ MA320U 4K Monitor – SAKTO PARA SA MACBOOK MO!
  • OnePlus Nord 5 – AFFORDABLE FLAGSHIP KILLER! GOOD DEAL NA ‘TO!
  • Nothing Phone (3) – PASADO BA TALAGA AS “FLAGSHIP”? MAGANDA BA ANG BAGONG “GLYPH INTERFACE”?
Copyright © All rights reserved. | MoreNews by AF themes.