Skip to content

Sulit Tech Reviews

Samu't-saring Unboxing and Reviews

Lazada Philippines

Follow Me

  • Youtube
  • Facebook
  • Instagram
  • Twitter
Primary Menu
  • Home
  • Press Release
  • Tech Blog
    • Phones
    • Tablets
    • Laptops
    • Other Tech
  • Contact
  • Youtube
  • Facebook
  • Instagram
  • Twitter
  • Home
  • Tech Blog
  • REDMAGIC 10 Air – NAUNAHAN PA ANG iPHONE 17 AIR!
  • Phones
  • Redmagic
  • Tech Blog

REDMAGIC 10 Air – NAUNAHAN PA ANG iPHONE 17 AIR!

Sa settings ng Light Strip. Pwedeng mamili ng mga available colors at color combinations. Pwedeng piliin na palagi itong naka...
sulittechreviews August 11, 2025

Siguro narinig niyo na yung bali-balita. Magre-release ang Apple ng panibagong version ng iPhone sa iPhone 17 series. Ang air na version, iPhone 17 Air. Ito yung pinakamanipis at pinakamagaan na version ng susunod na iPhone lineup. Na-mention ko lang kasi nauna na sa trend na yan itong REDMAGIC. Nandit ngayon itong REDMAGIC 10 Air. Mas manipis at mas magaan compared sa REDMAGIC 10 Pro. Pag-usapan natin kung anong mga compromises yung ginawa ng REDMAGIC para masabing Air talaga ito.

Price

As of writing this article, may dalawang configuration itong REDMAGIC 10 Air. Isang 12/256GB na Php30,639 at 16/512GB na Php39,189. Nasa baba ang link para ma-check mo ang updated pricing.

Unboxing

Color gray itong box ng REDMAGIC 10 Air. May makikita lang na REDMAGIC 10 Air text. Very simple lang naman. Nandito yung Hailstone colorway na 12/256GB. Pag-open, yung phone agad yung bubungad na nakabalot. Grabe, manipis talaga ito compared sa 10 Pro. Napakasimple lang din ng design sa likod. Pero may nakikita ako na pagka-Samsung sa design nito. Next ay yung document sleeve na merong SIM ejector, madaming REDMAGIC stickers na iba-iba yung mga size and designs, at hard case na frosted. Complement naman yung free case lalo na sa Hailstone colorway. Hindi ko lang sure kung magiging complement iyung frosted na case sa ibang colorway. Andito pa sa ilalim iyung charging brick na USB-C yung port. Panghuli yung USB-C cable na red pa rin yung accent.

Kung hindi natin gusto yung Hailstone, meron pa itong Twilight at Orange Flare colorways. Kailangan niyo lang tandaan na yung Orange Flare colorway ay 16/512GB lang yung configuration. Hindi ito available sa 12/256GB.

Design

Ang lakas ng pagka-Samsung ng overall na design nito. Pero again, napakasimple lang. Halos walang gaming na vibe sa design ng REDMAGIC 10 Air. Walang kung ano-anong linya at hindi mecha design. Higit sa lahat ay wala itong built-in fan, hindi kagaya sa REDMAGIC 10 Pro. Isa yun sa mga dahilan kung bakit mas magaan ito. 205grams to be exact. Compared sa REDMAGIC10 Pro na 229grams. 10% slimmer ito and lighter compared sa 10 Pro. Iyung frame nito ay aluminum grade pa rin at matibay naman. Yung mga kanto nito ay matulis pa rin at hindi ito ganon ka-ergonomic gamitin. Sinabi ko sa S23 Ultra review ko, ito yung isa sa mga reklamo ko sa phone na iyon. Sadly, meron din itong REDMAGIC 10 Air. Pero nagni-nitpick lang ako. Baka sa ibang user ay hindi naman problema yung ganito katulis na kanto.

Isa pa sa advantage na wala itong built-in fan ay meron na itong IP rating. Iyung 10 Pro, dahil meron fan at vents sa mga gilid ay talagang mapapasukan ng tubig. Dahil wala itong fan at vents sa mga gilid, meron itong IP54 na rating. If ever na matalsikan ng tubig ay hindi agad-agad papasukin. Hindi din ito papasukin agad-agad ng alikabok.

Sa website ng REDMAGIC, ICE-X cooling system pa rin yung inilagay sa 10 Air. Nine layers pa rin yan ng cooling system. However, yung vapor chamber nitong 10 Air ay mas maliit kumpara sa vapor chamber ng 10 Pro. Pero kapag tiningnan yung size ay nasasakop pa rin naman yung chipset at ilang part ng battery. Goods pa rin yung vapor chamber na inilagay sa 10 air. Almost the same pa rin naman ng cooling system sa 10 Air. Minus yung built-in fan, vents, at mas maliit yung vapor chamber.

Sides

Sa may right side makikita ‘yung volume up and down button, power lock button, at dalawang shoulder triggers na 520Hz pa rin ‘yung response rate. Makikita sa left side ang dalawang antenna bands at sa gitna ay may red button na Magic Key button. By default, kapag ni-long press ‘yan, ang bubukas ay ‘yung Game Space. Pwede ito ma-customize. Sa taas makikita yung IR Blaster at secondary microphone. Sa may ibaba yung main speaker, USB-C port, main microphone, at SIM tray.

Sadly, yung SIM tray ay dalawang nano SIM lang yung pwedeng maikabit. Hindi makakapaglagay ng micro-SD card kaya hindi expandable iyung storage. Kung bibili kayo ng phone na walang micro-SD card slot ay yung highest variant yung piliin ninyo. Sa likod ng phone yung camera module at merong extrang bilog. Yan naman yung tinatawag nilang Light Strip. Medyo confusing yung name kasi kapag strip ay pahaba dapat. May gaming vibe na inilagay ‘yung red magic at customizable yung kulay niyan.

Sa harap ay napakanipis ng mga bezels. Walang makikitang punched hole selfie camera sa may taas. Kagaya ng 10 Pro ay under display yung selfie camera. Pero kapag binabaan natin iyung brightness ay magiging obvious na yung under display camera. Nakakatuwa pa rin na inilagay yung under display camera para mas immersive pa rin yung gaming.

Light Strip

Sa settings ng Light Strip. Pwedeng mamili ng mga available colors at color combinations. Pwedeng piliin na palagi itong naka-on. Pwede itong umilaw kapag may notifications, incoming calls, alarm, o kapag charging para makita kung fully charge na. Kahit hindi na tingnan yung display.

Para sa inyo, pagdating sa design nitong REDMAGIC 10 Air. Okay lang ba ‘yung mga compromises na ginawa para mas magaan at mas manipis ‘to compared sa REDMAGIC 10 Pro? Ilan sa mga nakitang compromises ay wala itong built-in fan. Mas maliit yung vapor chamber. Yung design sa likod ay mas simple compared sa 10 Pro. Pero pagdating sa pagiging light or air ay talaga namang mas magaan ito compared sa 10 Pro. Meron pa itong ingress protection.

Battery

Specification:

Ang laki ng inilagay ditong battery capacity although hindi kasing laki sa 10 Pro na 7050mAh. Unang SOT na nakuha sa PC Mark kapag naka-auto yung refresh rate, saktong 10 hours lang. Hindi impressive pero para sa isang phone na ang taas ng specs ay baka ma-justify niyo na rin. Yung display ay sobrang laki din at may under display camera pa. Another consumption na naman yun sa battery kaya ganyan lang yung nakuhang SoT. Kung ako ang tatanungin, hindi ko gusto yan. Pero baka para sa ilan ay maju-justify na sa ganda ng specs ng phone. Ini-try ko rin ilagay sa 90Hz ‘yung refresh rate at nadagdagan ng 18 minutes, 10 hours and 18 minutes. Pagdating sa charging, 13% to 100% ay 49 minutes ko na-charge yung phone. Mabilis talaga.

Sa battery setting ay meron itong Charge Separation or Bypass Charging ang tawag sa ibang brand. Pwede ring i-enable ‘yung Turbo Charge para ma-utilize ‘yung 80W na charging speed ng phone. Kailangan tandaan na kapag naka-80W na charging speed ay talagang iinit habang charging. Mabilis made-degrade ‘yung battery health ng phone kung ganyan palagi yung setting. Kung hindi kailangan ng sobrang bilis, i-disable lang yung Turbo Charge.

Display

Specification:

Sobrang immersive ng display ng phone. Sobrang laking tulong nung under display camera. Talagang walang destruction sa display. Sobrang nipis pa ng bezel. Kung gagamitin sa media consumption at gaming ay mage-enjoy talaga. Hindi ko mapalampas yung peak brightness. Naalala ninyo yung CMF Phone 2 Pro na less than 20,000 lang? Ang peak brightness nung phone na yon ay 3,000nits. Itong phone ay 1,600nits lang. Hindi ko talaga mapalampas kung bakit ganun lang kababa ‘yung peak brightness ng phone. Kung gagamitin niyo ‘to outdoor ay baka makulangan kayo sa brightness. Pero kung indoor ay wala namang magiging problema. Ang taas ng presyo ng phone na ‘to compared sa CMF Phone 2 Pro. Pero mas mataas pa ‘yung peak brightness non compared sa 10 Air.

Isa pa sa nakaka-disappoint sa phone, ang ganda ng display pero hindi mau-utilize sa media consumption. Sa YouTube, makakapag-play ng 4K at 1080p. Pero sa Netflix, Level 3 yung Widevine Security. Yung max playback resolution ay SD at hindi man lang Full HD. Grabe nakaka-disappoint. Pero sa DRM Info, Level 1 yung Security Level. Sa mga ibang streaming applications ay baka makakuha naman tayo ng Full HD na playback.

Sa display settings, pwedeng timplahin ‘yung kulay. May tatlong preset; Colorful, Standard, tsaka Soft. Pwede pa timplahin yung White balance or Color Temperature. Sa screen refresh rate setting, pwedeng mamili kung Auto, 60Hz, 90Hz, or 120Hz. Sa Test UFO, basta ginagalaw yung display, aabot ito ng 120Hz. Pero kapag hindi na tina-touch yung display, bababa naman ito agad to 60Hz. I suggest, hayaan niyo sa auto switch yung setting nung refresh rate. Makakatipid pa sa battery pero 10 hours lang talaga yung SoT.

Performance

Specification:

Pagdating sa virtual RAM, pwedeng mag-add ng up to 12GB. Ang AnTuTu score kapag naka-off ang virtual RAM ay 2045472. Sobrang ganda talaga ng performance nito. Talagang sagad sa specs. Considering na 2 million yung score, kahit anong application o games ang patakbuhin ay kakayanin ng phone. Kapag naka-on naman ang virtual RAM, nakuha ay 2051007. Tumaas ‘yung performance at bumilis kapag ginamit ‘yung extended RAM.

Dahil compromise ‘yung ventilation nito compared sa 10 Pro, tingnan natin yung result ng Wild Life Stress Test. Ang starting temperature ay 33°C pero umabot ito ng 56°C. 23°C yung nadagdag sa battery. Kung gagamit ng mabibigat na application, hinay-hinay lang kasi wala itong built-in fan. Sa battery consumption ay ang laki ng nabawas, 16%. Hindi ganon kaganda yung battery performance ng phone. Sa CPU throttling, sa graph line ng stress test ay hindi sobrang baba nung ibinagsak ng performance. Kahit sobrang init na nung temperature. 78.6% yung stability. Hindi impressive pero pwedeng-pwede na.

Magic Key

Kapag ni-long press itong Magic Key ay bubukas ang Game Space. Kapag i-long press ulit, ay mage-exit ito. Sa 10 Pro ay switch or slider pero ito ay button. Ang advantage ng button ay pwede ma-customize. Pwedeng REDMAGIC AI, camera, flashlight, quick switch sound ang ma-open or wala talaga. Sana sa susunod na software update ay makapili tayo ng ibang application na pwedeng ma-open kapag ni-long press ‘yung Magic Key.

Kapag nag-open ng game at ini-swipe mula left to right from edge ay lalabas yung Game Space options. Pwedeng piliin yung profile kung anong performance ng CPU at GPU para sa game. Sa taas ng Game Space ay pwedeng ma-set up yung shoulder triggers. Sa Racing Master ay naka-sagad ‘yung graphic settings. Pagdating sa performance ay walang kahirap-hirap. Expected talagang ‘yung performance ng mga REDMAGIC phones, lalo na itong 10 series. Napaka-latest pa ng chipset na ginamit dito. Pagdating sa responsiveness nung shoulder triggers, wala pa rin akong masabing negative at sobrang responsive talaga.

Camera

Specification:

Ito ang mga sample photos:

Ito ang mga sample video screenshot:

Sa 1080p 30fps video recording sa selfie camera nitong REDMAGIC 10 Air. Napaka-cloudy pa rin ng itsura at hazy. Parang may fingerprint sa mismong selfie camera. Wala pa ring improvement na makikit. Pero kahit papaano pwede na. Kapag hindi ganon kaganda yung lighting sa paligid, asahan na hindi magiging maganda yung quality.

Conclusion

Iyan na lahat ang mga gusto kong i-share sa inyo tungkol sa REDMAGIC 10 Air. Sa tingin niyo ba ay deserve ng REDMAGIC na ipagpatuloy yung ganitong trend sa kanilang phone? Medyo madami tayong nakitang compromise, especially sa design. Pero para sa iba ay baka okay yung compromise na yon. Kung ako ang tatanungin, good option ito para sa mga ayaw gumastos ng sobrang laking phone. Pwede rin sa mga medyo nao-overkill sa specs ng pro versions ng REDMAGIC phones. Kailangan talagang i-workout ng REDMAGIC yung battery consumptions ng mga overall phones nila. Kasi 10 hours SoT para sa ganitong presyo at ang laki-laki ng battery capacity.

Yung ni-review natin last time na Xiaomi 15. Almost same yung performance, specs, at display pero grabe yung SoT. Mas maliit yung display nitong 15 pero ang layo pa rin ng SoT na nakuha sa REDMAGIC 10 Air. Sana, dahil matagal-tagal naman yung software support ay ma-improve yung battery consumption ng phone. Overall, ay okay ito. Magandang alternative kung ayaw natin ng sobrang taas na specs ng mga pro versions ng REDMAGIC phones.

Kung gusto niyo bumili nito, click niyo lang ang link na ito:
Lazada – https://invl.me/clmosmn
Para naman sa video ng review ko, pede niyo panoorin dito:

About Author

sulittechreviews

See author's posts

Post navigation

Previous: Samsung Galaxy A36 5G – GRABE! AABOT NG ANDROID 21!
Next: Marshall’s Kilburn III Enters The Reengineered Acoustics And 50+ Hours Of Playtime

Related Stories

vivo V60 Lite Beauty Shot
  • Phones
  • Tech Blog
  • vivo

vivo V60 Lite – MATIBAY NA, MATAGAL PA MA-LOWBATT!

sulittechreviews November 11, 2025
Infinix GT 30 Conclusion
  • Infinix
  • Phones
  • Tech Blog

Infinix GT 30 – PREMIUM GAMING EXPERIENCE?!

sulittechreviews October 31, 2025
BenQ MA320U
  • BenQ
  • Other Tech
  • Tech Blog

BenQ MA320U 4K Monitor – SAKTO PARA SA MACBOOK MO!

sulittechreviews October 30, 2025
vivo V60 Lite Beauty Shot
Phones Tech Blog vivo

vivo V60 Lite – MATIBAY NA, MATAGAL PA MA-LOWBATT!

sulittechreviews
November 11, 2025 0
Infinix GT 30 Conclusion
Infinix Phones Tech Blog

Infinix GT 30 – PREMIUM GAMING EXPERIENCE?!

sulittechreviews
October 31, 2025 0
BenQ MA320U
BenQ Other Tech Tech Blog

BenQ MA320U 4K Monitor – SAKTO PARA SA MACBOOK MO!

sulittechreviews
October 30, 2025 0
OnePlus Pad 3 Beauty Shot
OnePlus Tablets Tech Blog

OnePlus Pad 3 – ANG PINAKASULIT NA ANDROID TABLET NGAYON??

sulittechreviews
October 30, 2025 0

Recent Posts

  • vivo V60 Lite – MATIBAY NA, MATAGAL PA MA-LOWBATT!
  • Infinix GT 30 – PREMIUM GAMING EXPERIENCE?!
  • BenQ MA320U 4K Monitor – SAKTO PARA SA MACBOOK MO!
  • OnePlus Nord 5 – AFFORDABLE FLAGSHIP KILLER! GOOD DEAL NA ‘TO!
  • Nothing Phone (3) – PASADO BA TALAGA AS “FLAGSHIP”? MAGANDA BA ANG BAGONG “GLYPH INTERFACE”?
Copyright © All rights reserved. | MoreNews by AF themes.