Price

Napakadami ang nag-request na i-review ko itong Tecno Camon 40 Premier. Anong i-offer na mas magandang features ng phone compared sa Camon 40 Pro 5G? Talaga bang sulit ito para sa presyong Php24,999? Iisa lang ‘yung variant para sa phone. Sa Lazada page, 12/256GB lang. Medyo nakakalungkot kasi walang micro-SD card slot itong phone na. Tingnan natin yung iba pang mga aspect ng phone. Kung mababawi ‘yung downside na ‘yan sa ibang mga aspect.
Unboxing









Same lang naman yung itsura ng box ng Premiere sa Camon 40 Pro. Sa likod makikita yung ilang mga top specs. Pag-open, yung phone agad ang makikita natin na mayroong printed na balot. May document sleeve na may documentations at case. Same ang case sa Camon 40 Pro. Gustong-gusto ko yung itsura ng case. Sana mapanatili ito ng Tecno sa mga susunod nilang phones. Sa ilalim ng box yung 70W na charger, USB-C cable, at SIM ejector pin. Sobrang premium ng design. Napakaelegante at mukhang doble yung presyo nung itsura nito.
Design


Ang Camon 40 Premier na nire-review nating unit ay Galaxy Black yung colorway. Meron pa itong Emerald Lake Green na colorway. Para sa akin, mas premium yung itsura nung Lake Green. Sa right side ng phone, ‘yung volume up and down buttons at power lock button. Sa may left side, ‘yung One-Tap button na color red ‘yung accent. Makikita ‘yung secondary speaker, secondary microphone, at IR Blaster sa to part. Sa gitna ay may branding ng Dolby Atmos. Sa may ilalim makikita yung main speaker, USB-C port, main microphone, at SIM tray. Yung SIM tray ay dual nano SIM lang yung pwedeng ilagay. Wala itong micro-SD card slot. Malaki naman na yung 256GB na storage. Kung plano nating gamitin ito ng mga 3 years or more, maliit na iyan. Sana ay 512GB yung ginawang base storage para sa Camon 40 Premier.







Nung una kong nakita ang design ng phone, parang classic na handheld camera. Kagaya ng mga Leica cameras. Yung design ng camera module ay parang lente talaga ng camera. Sobrang ganda ng itsura ng dual tone design sa may gilid. Talagang sumisigaw yung design na pang-mobile photography yung phone. May kakapalan lang yung camera module. Pero okay lang yun kasi maganda yung case na kasama sa box. Sa harap, makikita natin ang punch selfie camera na hindi ganon kakapal. Ang nipis ng mga bezels at good thing na hindi ito curve display. Madali nating maiingatan. Mayron’ na itong pre-installed na screen protector. Very comfortable naman gamitin overall kahit na hindi ito compact phone.
One-Tap Button



‘Yung One-Tap button ay same pa rin ang purpose. Double tap lang at mapupunta tayo sa camera application na naka-FlashSnap mode. Para ito sa napakabilis na shutter speed. Kahit saang mode ay pwede nating gamitin as shutter button itong One-Tap button. In fairness, mas tama ‘yung positioning ng button compared sa camera control ng iPhone 16 series. For example, itong 16 Pro Max. Ang button nito ay nasa bandang gilid na taas, kapag naka-landscape. Medyo awkward kapag ginagamit. Yung One-Tap button ng Camon 40 Premier, sa baba kapag naka-landscape ang phone. Sa One-Tap button magre-rest yung thumb. Mas madaling makapag-take ng photo. Kapag ini-double press naman natin ay mapupunta tayo sa AI assistant nito. Lahat iyan ay pwedeng i-customize sa settings. Pwedeng action o ibang application ang bubukas sa double press.


Meron din itong IP68/IP69 na rating. Kahit saang part ng phone ay hindi ito papasukin ng tubig. Pwede natin itong mailubog for 2 meters for 30 minutes. Hindi ito action camera. For accidental scenarios ‘yung ingress protection ng phone. Huwag na huwag niyong sasadyain na isama ‘to sa pagsu-swimming. Nano SIM lang ang supported ng phone at walang eSIM.
Display
Specification:

Yung specs ng display nito ay pang-flagship talaga. Goods na goods at wala akong reklamo. Napaka-accurate ng display. Sa Netflix, Level 1 yung Widevine Security Level at FHD yung max playback resolution. Sa display settings, may dalawang preset sa color style. Bright Colored para mas maging vibrant yung kulay. Kung gusto natin na mas realistic, go for Original Color. Pwede din nating manually i-adjust ‘yung color temperature. Sa refresh rate settings, mayroon tayong tatlong options. Auto Switch kung gusto nating bumaba to 60Hz ng kusa.



Sa Test UFO, bababa talaga ng kusa to 60Hz kung hindi ginagalaw yung display. Once na galawin ang display, babalik ito to 120Hz. Hindi pa natin masyadong mau-utilize yung 144Hz na refresh rate. Hindi sa lahat ng scenarios ay magagamit natin yung mataas na refresh rate. For example, kahit na mag-games tayo na supported yung 144fps na gameplay. Hindi ito papalo ng 144Hz. Piling-pili pa lang yung mga application at mga scenarios na supported yung 144Hz. Sa ngayon, masasabi ko na nasa gimmick side pa lang yung 144Hz. Abangan natin sa mga susunod na software update, kung dadami yung pwedeng mag-utilize ng 144Hz sa phone.
Performance
Specification:

Goods na goods lalo na kung ico-consider natin yung price nito. Mabilis talaga yung specs ng phone. Pinapangako pa ng Tecno na itong Camon 40 Premier ay makakatanggap ng 3 major Android upgrades. Android 18 yung aabutin ng phone. Yan yung sinabi ko kanina, sana ginawa nilang 512GB yung storage ng phone. Aabot naman ito ng Android 18. Matagal-tagal natin magagamit. Madami-dami tayong mai-store na files, photos, at videos. Yung 256GB ay madaling liliit iyan. Madami pa namang ways para matipid natin yung storage. Merong mga cloud storage. Pwede nating ilipat sa PC natin yung mga photos at videos. But then again, sayang.


Ang AnTuTu score kapag naka-on yung virtual RAM ay 1230136. Sobrang taas para sa presyo. Kapag naka-off yung virtual RAM, mas tumaas pa at naging 1303835. Ang liit na ng 256GB para sa ganitong phone. Huwag niyo na gamitin ang virtual RAM kung hindi niyo naman kailangan. Kahit ano pang game yung patakbuhin sa phone ay kayang-kaya. Sa Racing Master, nakasagad yung graphic settings. Nabilib ako kasi kahit sobrang sagad ay napaka-smooth pa rin ng gameplay. Sa ibang phone ay struggle na yan. Walang struggle, walang frame drops, at walang stutter. Sobrang smooth. Sa Asphalt, maliban sa walang kahirap-hirap at napaka-smooth ng gameplay, Na-generate nito lahat ng graphics kaya mas enjoy maglaro. Reminder lang na possible uminit agad itong Premier. Sa Wild Life Stress Test, umabot ito ng 47°C after ng test.



Camera
Specification:

Ito ang mga sample photo screenshots:




Sharp at detailed yung mga photos. Pasadong-pasado yung camera nito. Yung timpla ng kulay ay hindi ganun ka-realistic. Yung kulay ng bawat lente ay hindi pare-pareho. Napaka-obvious na iba’t ibang lens yung ginamit sa bawat shot. Sana ma-improve yan ng techno sa mga susunod na software updates.
Ito ang mga sample video screenshot:


Pwede mag-shoot ng 4K video sa likod tsaka sa harap ng phone. Kaya nito mag-record ng 4K 60fs sa selfie camera. Kahit maliwanag yung labas ay hindi blowout. Okay na okay pa rin yung exposure ng mukha ko. Kahit yung mga leather seats sa likod ay hindi madilim. Hindi nahirapan mag-adjust yung camera. Sa iba, madilim tapos hindi niyo makikita yung mga lines nung seats.
Ito ang mga sample video screenshot:


Napansin ko sa 4K 30fps video recording ng rear camera Camon 40 Premier. Kapag nag-video recording gamit yung main camera, yung susunod na zoom na 2x to 10x ay digital na. Problema lang na hindi nakakapag-switch to periscope telephoto camera. Kung gagamit kayo ng 3x periscope telephoto camera ay i-stop yung video, switch to 3X, then start. Kapag mas mababa to 3x, hindi makakapag start ng video recording sa periscope telephoto.
Battery
Specification:

May isa pang problema. Iyung test sa PC Mark ay hindi maganda iyung result. Sa unang test ko, 7 hours and 29 minutes lang yung SOT. Sa second test, 7 hours and 38 minutes. Nakakalungkot. Knowing na aabot ng Android 18 at 5 years security patches. Malamang ay mai-improve naman ‘yung battery performance ng phone. Sa ngayon, kapag binili niyo ‘tong phone, i-expect na hindi ganoon kaganda yung battery performance.

Conclusion

Nagustuhan niyo ba itong Tecno Camon 40 Premier? Kung ako ang tatanungin, nagustuhan ko naman. May mga aspect lang na kailangan pang i-improve. Medyo malaki-laki ‘yung room for improvement ng Camon 40 Premier. Una yung battery performance. ‘Yung camera, sana seamless ‘yung paggamit natin ng mga lente. Lalo na kapag nagta-take ng video. Yung timpla sana sa mga photos ay maging true to life. May option sana na filter para mas magiging realistic sa mata. Anong masasabi niyo sa Camon 40 Premier na worth Php24,999?
Kung gusto nyo bumili nito, click niyo lang ang link na ito:
Lazada – https://invl.me/clmoish
Para naman sa video ng review ko, pede niyo panoorin dito: